Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 6

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


ILANG linggo na rin ang nakalipas matapos ang ‘date’ nila ni Chloe. Hindi na naman din tumawag pa si Ezekiel sa kanya so he concluded na nakapagpaliwanag na si Ezekiel sa babae at ayos na ang dalawa. 

He was in the middle of finishing the building plan when James called. “O, napatawag ka?” Nakangiti pa niyang bati sa tumawag na si James. 

“El, I need your help! Hinimatay si Chloe and right now nasa hospital siya. My wife’s panicking at hindi ko alam kung sino ang uunahin kong alagaan. I need someone here. Paparating na daw sila pero malayu-layo sila dito pare, I need help really badly,” nagpapanic na ring dada ni James sa kabilang telepono. 

“Okay, I’m on my way,” sinabi niya ng malamang nasa hospital nila DK isinugod si Chloe. Nakakunot ang noo niyang nagmamadaling mag-biyahe patungo sa hospital. Hindi niya alam ang nangyari but he is so sure na may kinalaman si Ezekiel sa lahat. Nakarating siya the same time with the brod. Medyo na-traffic kasi siya sa nadaanan niya. 

“I can’t contact Ezekiel.” Nakakunot ang noo ni Ran ng sabay-sabay na silang naglalakad papasok. 

“Sa tingin ko ay may kinalaman si Ezekiel sa lahat,” maya-maya ay sabi niya na ikinatingin nila Ran, Theo at Sean sa kanya. 

“What do you mean, Brod?” nakakunot ang noong tanong ng marunong ng magtagalog na si Sean. 

“Ezekiel called me last week to be his proxy in his date with Chloe because Cecil came back.” 

“What?! Bakit hindi namin yon narinig?” 

“I’m not sure. I told him na tawagan na lang si Chloe and tell her everything pero sabi ni Ezekiel ay hindi pa daw iyon time. I agreed to be the proxy at nakipag’date’ kay Chloe habang nagsisinungaling sa kanya in the proccess.” 

“Eh, noong isang linggo pa pala iyon e. Ano ang koneksyon nun ngayon?” Takang tanong naman ni Theo na nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. 

“I felt something was strange so nung inihatid ko si Chloe ay pinuntahan ko siya sa condo niya. I was shock. Ezekiel was outside talking to Cecil. Cecil’s pregnant.” 

“What the heck?! That bitch! Mas matalino siya sa pag-aakala ko. So hindi niya nga naman kailangan ng pera dahil pwede niyang angkinin si Ezekiel dahil sa baby,” Si Ran, nagagalit na naman ito. 

“Hindi pa natin talaga alam ang buong pangyayari, brod. We need to listen to both side. Hindi ko rin naman sure kung bakit hinimatay si Chloe,” sabi niya at lumiko na sila ng hallway. Nakita na sila ng mag-asawa at masayang lumapit sa kanila. 

“Chloe’s pregnant!” Masayang pagsasabi ni KC sa kanila. Nagkatinginan silang apat at sa mga tingin nila ay napagkasunduan nilang hindi sabihin sa mag-asawa ang nalaman. Pumasok na sila doon at hinintay na magising si Chloe. 

Nang magising si Chloe ay masayang ibinalita ni KC na buntis ang pinsan. Nakita niyang lumuha ito at doon niya na-confirm na meron nga talagang problema ang dalawa. Hindi naman nagtagal ang mag-asawa dahil kailangan ding magpahinga ng babae. Kabuwanan na rin kasi nito sooner or later. 

“You’re hiding something from us,” Chloe stated a fact. Magaling talagang bumasa ng tao ang babaeng ito. “So care to explain. I knew somethings wrong. Sa reaksyon niyo ay may hindi alam ang mag-asawa sa talagang problema,” sabi pa nito na ikinayuko niya. Ayaw niyang sa kanya mismo manggaling ang masamang balita na magpapaiyak lalo sa dalaga. 

“Si Elliot na ang mapapaliwanag. Elliot was the one who told us everything we know. Mas maganda nang sa kanya manggaling,” sinabi ng magaling na si Sean. 

“Salamat sa pagbibigay ng mahirap na trabaho sa akin, brod,” hindi niya tuloy mapigilan ang mapa-rolleyes dahil doon. Gusto nga niyang wag na lang magsalita pero siya pa talaga ang itinuro ng mokong. 

“Ano ba naman itong nangyayari kay Ezekiel?!” Naasar na turan naman ni Theo at napaupong ginulo ang buhok nito. 

“Huwag naman kayong ganyan. Natatakot na akong marinig ang sasabihin ni Elliot e.” 

“I told him not to be with that bitch. Girls are all the same. They love money at fame.” Naasar namang gatong pa ni Ran. Alam kasi nila ang nangyari sa lovelife ni Ran kaya ito may galit sa pangkalahatan ng babae. Iilan lang ang babaeng pinagkakatiwalaan nito. Mabibilang pa sa dalawang kamay nito. 

“Shhh, guys. Mag-uumpisa na ako ng pagkukwento,” putol na lang sa mga pwede pang igatong nang mga kalalakihan. “It happened long time ago. It was the time when James was drinking all night dahil sa pagkakalabuan ng mag-asawa. Siyempre naman kami si tiga-alo at tiga-sama sa kanya sa paglabas-labas at pag-inom,” pag-uumpisa niya sa kwento niya. “Well, nagkakainuman kami at nagkasiyahan. Hindi na nga namin namalayan na nakaalis na yung inaalo namin at yung binabantayan e. Lasing na rin kasi kami then suddenly theres a girl na lumapit sa amin. Nilapitan kaagad si Ezekiel. Ran did warn the guy pero lasing na rin kasi si Ezekiel noon,” pagpapatuloy niya sa kwento. Nakita niya sa reaksyon ng babae na nasasaktan na ito sa kahihinatnan ng kwento niya. 

“S-stop... I don’t wanna hear anymore...” Naluluha nang sabi ng dalaga sa kanya. 

“No. You need to hear the whole part,” matigas na sabi naman ni Ran pero makikita mo na may pag-aalala rin ito para sa babae. 

“So ayun, nagsiuwian na kami pero si Ezekiel daw ay ihahatid nung babaeng yun na nagngangalang si Cecil Mendez. Naikwento sa amin ni Ezekiel na hindi daw nito alam ang mga nangyari. Sobrang sakit na daw ng ulo niya ng magising pero naabutan niyang may babae sa tabi nito. Pareho silang hubo’t-hubad and may nangyari daw sa kanila. Yun ang sabi ng babae nung magising ang dalawa. Binayaran ito ni Ezekiel ng mataas na halaga at hindi na nagpakita sa kanya until the time na sinundo kita. Tinawagan ako ni Ezekiel at sinabi na ginugulo daw siya ni Cecil. Saluhin ko daw muna ikaw at nang maayos niya ang kalokohan ni Cecil. Nag-offer ulit ito ng milyon pero tinanggihan daw ito ni Cecil at gusto daw silang mag-usap ng harapan.” 

“So you wanted to tell me na hindi siya nakalusot sa gulong ginawa ni Cecil sa kanya?” Ewan niya kung bakit pero parang may pagtataka sa mga mata nito. 

“Let Elliot finish his story, will yah?” Asik ulit ni Ran dito na ikinatahimik naman ni Chloe. 

“Hindi ko siya matawagan sa cellphone niya para sabihan na natapos na ang date natin at sabihin na niya ang totoo sa iyo so I decided to go and talk to Ezekiel in person. Pinuntahan ko siya sa condo niya at saktong nasa labas ito with a pregnant girl. Hindi ko namukhaan pero nagulat na lang ako ng pumasok na si Ezekiel sa condo at tumingin yung babae sa direksyon ko. Cecil’s the pregnant lady.” 

Napasinghap ang babae at lumuha na ng tuluyan. Iyon na nga ba ang pinakaayaw niya e. Ang magpaiyak ng babae. 

“So...so ganoon pala ang nangyari...” Nanghihinang sagot nito sa kwento niya. Gusto man niyang yakapin ito ay parang siya ang nahihiya para sa ka-brod niya. 

“I told him to stay away from that girl. I will make sure to make that child undergo DNA test once the child was born,” pag-aasure ni Ran sa babae. Hindi nagtagal ay pinaalis na rin sila ng dalaga sa pagsasabing magpapahinga na lang ito. Alam nilang apat na gusto lang talagang mapag-isa ng dalaga kaya naman nirespeto nila ang desisyon nito at lumabas na sila. 

Napatigil sila sa paglabas ng tumigil ang nangunguna sa kanila: si Theo. Nagulat na nga lang siya ng bigla itong magsalita ng malakas. 

“What are you doing here?!” 

“Do you know her brod? Naks naman! Galing mo talagang pumili,” nang-aasar na buska naman niya sa naaasar nang si Theo. 

“So that was why I cannot phone you last night. Meron ka palang bagong babae,” gatong pa ni Ran sa pang-aasar sa naturang Ex-General. 

“How come na very familiar ang mukha mo?” Nagtatagalog namang tanong ni Sean sa babae. 

“Kuya fafables and Theo babes, antagal niyo sa loob ha. Akala ko mapapanis na ang aking beauty sa paghihintay sa inyong makalabas,” nakangiting turan naman ng dalaga. Hindi niya tuloy mapigilang titigan ang babae. 

“Kuya fafables? Theo Babes? Wait! Iisa lang ang natawag sa amin ng ganyan. Don’t tell me you’re the one that I am thinking of who you are. Theo?” Gulat ang nakarehistro sa mukha ni Ran at tumingin sa napa-rolleyes ng lalaki. 

“Kung ano ang iniisip niyo ay yun na nga. Siya na walang iba. Guys, it’s Aphrodite a.k.a Ara.” 

“Wow! Gumanda ka at sumexy lalo ahhh!” Masayang pinuri niya ang kababatang nalayo sa kanila for 13 years dahil sa pag-aaral sa abroad. Hindi niya tuloy napigilan ang mapasugod ng yakap sa dalaga. 

“Nice! Pwede ka na! Pwedeng-pwede,” nakangisi namang turan ni Ran na natapos na ang pagkamangha at niyakap na ang babae ng matapos niyang yakapin ito. “Well, I knew you have potentials. If you need help about ‘things’ tell me, I will help,” sabi pa nito na ikinaluwag lalo ng ngiti ng dalaga. 

“Wag niyo ngang kunsintihin. Kaya lumalala e,” sabi ni Theo na nakatayo lang sa gilid at hindi gumagalaw sa kinatatayuan para yakapin ang kababata. 

Napapalakpak sila ng si Ara na mismo ang yumakap sa lalaki ng mahigpit na hindi naman inialis ng lalaki kahit na nga ba kita nilang lahat na labag sa loob nito na mayakap in public. 

“Mauna na kami sa inyong dalawa. Please, stop the PDA thingy. Bye!” Nakangisi paring turan ni Ran na biglang nagshift ang mood nito kanina na sobrang sama. 

“Yeah. Mauna na rin ako. I need to check on something. I’ll text you when para makapag-kwentuhan na rin tayo,” sabi naman ni Sean sa babae at umalis na rin. 

“Well, I better go too. Pupuntahan ko lang muna si Dra. DK. Bye future lovers!” sabi niya at lumakad na palayo sa dalawa. 

Lumakad na siya sa floor kung saan naka-base ang opisina ng babae. Alam niya iyon dahil minsan na rin kasi siyang napunta sa hospital para dalawin ang dalaga nung nasa graveyard shift ito. Dire-diretso siya sa loob at nakita niyang nakapikit ang dalaga at nakasandal ito sa swivel chair nito. Dahan-dahan tuloy siyang lumapit dito. Alam naman niyang gising ito pero mas gusto niyang nagpapahinga lang muna ito. 

Lumapit siya sa likuran nito at minasahe ang dalaga sa balikat. Napamulat ito at nakatingalang nakatingin sa kanya. Napangiti ito nang makita siya. 

“Hi....” 

“Hello, El,” sabi nito at pumikit ulit. Nagrerelax ang balikat nito at maginhawa ang pakiramdam na nakarehistro sa pagmumukha nito, “Salamat sa pagmamasahe ha,” sabi pa ulit nito habang ninanamnam nito ang kanyang pagmamasahe. 

“As usual, may bayad ulit ito,” sabi niya na ikinangiti ng dalaga. 

“Kelan mo ba ako ililibre ulit? Ang naaalala kong last na nilibre mo ako ay noong mga bata pa tayo e,” sabi nito at nakapikit pa rin. 

“Wala na pong libre ngayon,” sabi niya at ngumisi. 

“So bakit ka nga pala andito?” 

“Ahhh. Isinugod yung girlfriend ni Ezekiel dito. Hinimatay.” 

“Anong sakit?” 

“Stress at pagod plus the fact na 5 weeks old nang buntis ito.” 

“Wow! Congrats kay Ezekiel ha. Naks sunod-sunod na kayong nalalagay sa tahimik ha.” 

“The thing is Ezekiel’s got a very very huge problem. Naghiwalay na sila Chloe at Ezekiel dahil nakabuntis din ito ng iba.” 

Napasinghap si DK at napamulat. Pinagmasdan siya nito at umupo na ng tuwid. “Sit down, El, and tell me the story,” Ikinuwento niya nga ang lahat ng alam niya dito at napabuntong-hininga sa dulo. Alam nito ang nararamdaman niya. He felt really guilty for some strange reason. 

“Huwag mo ngang sisisihin ang sarili mo. Ikaw, baka maging santo ka na niyan ha. It’s Ezekiel, who should feel guilty. Tinulungan mo na nga si Chloe to know the truth e.” 

“Pero sana ay hindi na lang ako ang nagbigay ng masamang balita. Hindi pa naman kasi namin alam kung ano ang plano ni Ezekiel.” 

“Look, kung ako nasa kalagayan mo ay ganoon din ang gagawin ko. I won’t let Chloe to look stupid dahil lang sa napasukan ni Ezekiel. The lady needs to know the truth anyways.” 

“I guess you’re right. Tama talaga ang desisyon kong iwan muna yung dalawa para magkasarilinan at puntahan ka para bigyan ako ng words of wisdom.” 

“Sinong silang dalawa?” 

“Si Theo and Ara.” 

“Nagbalik na pala si Ara,” nakita niyang lumungkot ang kani-kanina lang na masayang mata nito. Ayaw man niyang magpakita ng lungkot ay hindi na niya napigilan iyon at rumehistro na iyon sa kanyang mata ngunit masyadong okupado si DK sa iniisip nito kaysa sa kalungkutan niya.



ITUTULOY...

No comments: