Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 8

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


“I needed to go, El. Emergency,” paalam nito sa kanya habang nainom siya ng tubig. Expected na niya iyon. Kahit naman yata hindi emergency, basta si Theo ang tumawag ay iniiwan siya nito. 

“Go. It’s an emergency, I cannot ask you to stay and watch movie with me,” sabi niya dito at pinilit ang sarling ngumiti kahit na nga ba gusto niyang ilabas ang frustration niya sa nangyayari. 

“I’m really sorry, El. I’ll call you and I’ll be back as soon as I can.” Siguro nga ay nagiging transparent na sya sa kaibigan kaya naman alam nitong parang hindi sincere ang ngiting ipinagkaloob niya sa dalaga. 

“Yes. Call me when you need me.” Dalawa ang meaning nito para sa kanya. One in a sarcastic way at ang isa ay in a very sincere way. Sarcastic kasi lagi naman siyang tinatawagan ng dalaga kapag kailangan lang siya nito or may problema ito. His fine with that dahil siya rin naman ang nag-suggest na maging bestfriend ng dalaga. His happy to be one of the guy na importante dito. Hindi nga lang kasing importante ni Theo. Kahit na nga ba ginagamit lang siya ng dalaga para makawala sa sama ng loob nito ay gusto niya paring makatulong sa dalaga. Yung mapagaan man lang ang loob nito at i-absord niya lahat ang bad vibes nito. 

Daphne has been through a lot at ang gusto lang naman niyang mabawasan ang mga paghihirap nito kahit na nga ba ang tanging role niya sa buhay ng dalaga ay isang shoulder to cry on. 

Pinanood niya ang nagmamadaling bulto ni DK papalabas ng condo nito. Nakatayo parin siya sa tapat ng refrigerator kahit na nga ba kanina pa nakaalis ang kanyang sinisinta na si DK. Napabuntong hininga siya at matamlay na naglakad siya patungo sa sala kung saan naka-pause ang pinapanood nilang movie kanina ni DK. 

Elliot stared at the screen for a few minutes bago pa niya kinuha ang remote control at ni-resume ulit. He decided to wait for DK’s arrival. Sabi naman kasi nito na babalikan siya nito at tatawagan. She never breaks her promise. 



NAKATAPOS na si Elliot ng dalawang movie ngunit ni text or tawag man lang sa kaibigan ay wala siyang natatanggap. Hindi tuloy siya mapakali at kahit na nakadalawang movie siya ay hindi naman niya naintindihan ang mga pinanood. Hindi nabali ng promise si DK. Yun ang pinanghahawakan niya. Elliot took his phone na nakapatong sa lamesa at nagsimulang mag-dial. 

Ilang beses itong nag ring ngunit hindi ito sinasagot ni DK. Ilang missed calls ang ginawa niya ngunit wala man lang itong sagot sa kanya. Sa kabilang banda, nasa gitna ng operasyon si DK at nasa bag nito ang cellphone niya in vibrate mode. Hindi kasi natanggap ng tawag ang dalaga kapag nasa major operation siya. 

Ipinasya niyang maghintay na lang ulit at manood ulit ng isa pang movie. Kahit inaantok na ay hindi pa rin siya pwedeng matulog hanggat hindi pa niya nababalitaan ang nangyari sa ka-brod niyang si Theo at kay DK. 

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya at pinagkasiya niya ang kanyang katawan sa sofa. Naiwan na rin niyang nakabukas ang TV. 

Kahit wala ang alarm clock sa tabi ay nagising pa rin si Elliot ng alas kwatro. Puyat man at masakit ang batok dahik sa matigas na hinigaan niya ay tumayo ito at sinilip ang kwarto ni DK, baka kasi nakauwi na ito at hindi na lang siya nito ginambala dahil tulog na tulog siya. 

Nadismayang lumabas at isinara niya ulit ang pinto ng kwarto ni DK. Lumakad ulit sa phone niya just to check kung nag-try na tumawag sa kanya si DK. Tinanggal niya ang lock ng phone niya at nadismayang wala man lang miss call ang dalaga. 

Natawa siya ng pagak. Parang ang sitwasyon niya ngayon ay pahiwatig na kailangan na niyang itigil ang magkaroon nang pag-asa ang unrequired love niya kay DK. Umaasa kasi siyang matututuhan din siyang ibigin ng dalaga na katulad ng pagmamahal niya dito. 

“Am I really this pathetic?” Nasabi pa niya at tumingin sa bubungan ng condo ni DK. Napabuntong hininga. Hindi na dapat siya naghahangad ng sobra-sobra ng ibinibigay ng dalaga sa kanya. 

Nagulat siya nang mag-vibrate ang telepono niya. Si DK ang tumatawag. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya ito. 

“Hello, El? Can I see you?” Bati nito sa kanya. He can hear her crying at maingay rin ang naririnig niya. 

Ok ka lang ba? Bakit ka naiyak? What happened? Yun ang isinisigaw ng utak niya na sabihin ngunit hindi niya magawa iyon. May sama pa rin kasi siya ng loob sa dalaga. He waited all the time pero wala man lang misscall or anything. Ngayong naiyak na naman ito at malungkot ay siya na naman ang hinahanap nito. 


Paano kung may makita na itong magpapasaya sa kanya? Yung aalalay katulad ng ginagawa niya? Yung iibigin ng dalaga at tatakbuhan. Paano na siya? 


“Sure.... I’m still in your condo. Nakatulog ako e.” 

Okay. I’ll be there in a few hours. Bye..,” sabi nito sa kanya at binaba na nito ang telepono. Hindi man lang nito hinintay ang bye niya. 

“Bye.. Ingat ka..,” sabi na lang niya kahit na nga ba hindi na rinig iyon ng babae. 

Nagpasya na lang siya na magluto na lang ng breakfast niya. Dahil na rin sinabi nito na mga ilang oras pa bago ito makarating ay nagpasya siyang pumunta sa mini-cabinet na ginawa niya para sa mga damit niya. Minsan kasi ay natutulog siya dito lalo na kung gustong makipag-bonding nang dalaga sa kanya. Dahil iisa lang ang cabinet para sa damit sa loob ng condo ay nagpasya siyang gumawa ng mini-cabinet para sa kanya. 

Pagkatapos kumain ay naligo na siya at nagsipilyo. DK’s condo is like his 2nd home. Lahat ng gamit na kailangan niya ay nasa loob na mismo ng condo ng dalaga. Ok lang naman iyon sa dalaga dahil kampante ito sa kanya. 

Naka-ilang oras na ang nakalipas nang bumukas na ang pintuan ng condo nito. DK walked in in a very gloomy way and sat on the sofa. Mugto ang mata nito. Tumabi siya sa dalaga at tinignan ito ng masinsinan. 

“What happened? Why did you cry?” 

Tumingin ito sa kanya at nagsimula ulit na tumulo ang luha nito. Hindi tuloy napigilan ni Elliot na kabigin ang dalaga at yakapin ng mahigpit. Ramdam niyang yumuyugyog ang balikat ng dalaga. Hinimas-himas niya ang likod nito para mapatahan. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita. Nasasaktan si Elliot dahil nakikita niyang nagdurusa ang dalaga. 

“N-na... N-Nabroken h-hearte..ed ako...” Pautal-utal na sabi ng dalaga sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. 

“What do you mean?” Nagtatakang tanong naman niya. Humiwalay siya sa yakap at tumayo. Lumakad siya sa kusina at kumuha ng malaking baso ng tubig at bumalik na ulit sa puwesto niya. 



KINUHA niya ang baso ng tubig na ibinigay ni El at ininom iyon. Elliot waited for her to speak up kaya naman tahimik silang dalawa hanggang sa matapos ang pagka-utal niya. Nag-breath in and breath out muna siya bago siya magsalita. 

Magsasalita na sana siya nang gumalaw ang binata at pahirin ang mga natuyong luha niya. “Ikaw talaga. Tignan mo ang mukha mo. Para kang bata, ang dungis mong tignan,” sabi pa nito sa kanya at nakangiti na ito. 

“E kasi naman no. Mabasted ka kaya ng long time love mo, hindi ka kaya aatungal?” 

“Aatungal ako... Or more like, it’s better to die. Pero ikaw, hindi kita hahayaang mamatay. Mamamatay muna ako bago ka mamatay or magpakamatay.” 

“Sira. Wala sa isip ko ang magpakamatay. Paano ang tatay ko? Ang nanay ko? Ikaw? Sigurado ako na aatungal ka once na mamatay ako no.” 

“Ai hindi no! Hindi ako aatungal dahil susunod ako sa iyo.” 

“Naks ang banat!” sabi niya at napangiti na. Iba talaga ang bestfriend niya. Kanina lang ay parang ayaw na niyang tumigil umiyak pero ngayon ay tawa na siya ng tawa. 

“Let’s put the murdering our selves aside, tell me what really happen,” sabi nito at sumeryoso na. 

“Ara got shot.” 

“What?!” 

“Don’t worry. She’s safe. Theo, me and Ara flew to Theo’s Island. Napagpasyahan namin na ilayo si Ara sa kapahamakan. Her life is still in danger kapag naglagi siya sa maynila so her parents, me: her doctor, at si Theo ay nagkasundo na ilayo nga namin siya.” 

“Thank God, she’s okay pero paano napasok ang pagiging brokenhearted mo kung super busy ka naman pala?” 

“What do you think of Theo?” 

“What do you mean?” 

“Isn’t he the type na cool at maabilidad? Yung hindi nagpa-panic at level-headed lagi. Yun bang swabe siya.” 

“Yes. His very protective too specially to someone like us. His friends.” 

“Tama but when I got his phonecall. Theo was in panic state. Nakita ko na si Theo sa bakbakan sa Militar kahit na may mga kaibigan niyang nababaril at namamatay sa bakbakan ay never kong nakitang nagpanic si Theo pero dahil kay Ara... Theo showed a very defenseless side of him. Yung parang hindi niya kaya kapag namatay si Ara.” 

“Diba nasabi ko na sa iyo noon na maraming nangyari kay Ara at laging nasa tabi ni Ara si Theo and protected her siguro ay nagulat ito dahil hindi niya naprotektahan ang dalaga.” 

“Ara took the bullet that was supposed to be his. Ganoon kamahal ni Ara si Theo. Kahit mamatay ay okay lang sa kanya basta okay si Theo. Theo on the other hand still doesnt know na mahal nito ang babae.” 

“Paano mo nalaman? Hindi naman sinabi sa iyo ni Theo ito ha. Ikaw na rin nagsabi na hindi pa alam ni Theo na mahal nito ang dalaga.” 

“Sa mga taong in love, malalaman mo iyon sa galaw at sa expression sa mata. Lahat ng expression ni Theo ay puno nang affectionate sa babae. Alam ko iyon dahil nagseselos ako sa ganoong expression ni Theo na kay Ara lang niya naibibigay but I have to give up.... Wagas ang pagmamahalan ng dalawa. All I could do, as Theo’s friend, is to give my blessing.” 

“Giving up is a very hard thing to do. Matapang ka dahil nagawa mo iyon..,” sabi naman ni Elliot at ngumiti. Biglang kumabog ang dibdib niya. Namamalik-mata lang ba siya or talagang tinititigan siya ng binata ng ganito. Love... full of love ang titig na iyon ng binata. Hindi niya tuloy mawari kung kikiligin ba siya pero isa lang ang alam niya. Masaya siya at mabilis ang tibok ng puso niya. There’s a warm feeling din doon. Masarap iyon... Lagi naman kasing ipinararamdam ng binata sa kanya ang warm feeling na iyon. For her, Elliot is her Sun at siya ang halaman na nabubuhay dahil sa liwanag nito. 

“Mahirap talaga no! Tignan mo at mugto ang mata ko. Diyahe!” sabi na lang niya at itinuro ang mata niya. 

“Let’s go out.” 

“Ha?” 

“Punta tayong supermarket. May bibilhin tayo.” 

“Ahhhh. Akala ko kung ano na.” 

Natawa naman si Elliot ng malakas. Parang musika talaga ito sa tenga niya ang sarap laging pakinggan. “You wish na sana ay tanungin kitang mag-date.” 

“Ikaw yun no! Kapal!” 

“Shhhh. Dadating din tayo sa proseso na yan. Ligawan mo na lang muna ako.” 

“At ako pa talaga ang manliligaw?” 

“Ai hindi. Ako. Ako. Ako. Liligawan ko muna sarili ko para makapag-date tayo.” Joke na sabi nito at hinila na siya patayo. 

“Let’s go.” 

“Wait! Lalabas tayo na ganito ang itsura ko?” 

“What? For me, your the most beautiful person in the world. Let’s go.” 

“Yung mata koooooo!” Pagtanggi niya sa paglabas. Tinatanggal niya ang kamay nito pero mahirap tanggalin ito. Hinila tuloy siya sa cabinet nito at kumuha ng shades. 

“Wear this. Para naman pogi ka katabi ko,” sabi nito at isinuot sa kanya. 

“Now let’s go.” 

“Wait!” 

“What now?” Nakakunot ang noong tumingin ito sa kanya. 

“Hindi pa ako naliligo.” Lumapit ito at suminghot singhot. 

“You smell fine except for the smell of medicine and blood. Wag ka na lang magpahalata na Serial killer ka. Kahit na gaano ako kayaman ay baka hindi kita mailabas ng kulungan.” 

“Sira! Tara na nga.” 

“Kung gusto mo paliguan na lang kita.” 

“Tse! Let’s go.” 

“Opo, Misis.” 

“Tse!” Natatawa niyang sabi dito. Nakalimutan na niya ang kanina niyang iniiyakan.



ITUTULOY...

No comments: