Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 5

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


LAGI naman ganito e. Sige ako na lang ang lagi mong abusuhin,” sabi nito sa kanya at tumingin sa ibang direksyon. Tinatanggal din nito ang kanyang kamay na nakakapit sa beywang nito at nag-galit galitan. Ngumisi siya at tumingkayad. 

“O siya. O siya. Bibigyan na kita ng kiss. Ito masyadong matampuhin,” sabi niya dito at ngumuso na para bigyan ng kiss ang lalaki sa pisngi. Sakto naman kasi na nakatagilid ang lalaki so kaya niya itong halikan sa pisngin. Malapit na siya sa pisngi ng lalaki ng bigla itong humarap sa kanya. Huli na ang kanyang reaksiyon at tumama ang kanyang nakangusong labi sa tapat mismo ng labi nito. Swak! Perfect! Excellent! 

Nakita niyang gulat ang lalaking napamulat sa kanya. Ni isa sa kanila ay hindi gumalaw dahil na rin sa di inaasahang paghahalikan nila sa labi. Lumayo siya agad-agad nang mahimasmasan siya sa pagkagulat. 

“Sorry, El,” sabi niya dito. Trying hard na magpakakaswal lang sa lalaki at nag-peace sign dito. Wala naman siyang narinig sa lalaki at lumapit na lang ito sa fridge at kinuha ang ini-ref na salad para sa kanilang starter. Nakahanda na kasi ang lamesa nila for lunch e. 

“Ngek. Wala yun. Hindi kita kakasuhan ng sexual harrassment, so don’t worry. Think of it as a dream come true,” sabi naman nito sa kanya at kinindatan pa siya. 

“Dream come true? Weh? Di nga? Dream ko ba talaga iyon or dream mo?” Natatawa na niyang saad. Kapag siya ang nakakagawa ng mali ay kinukunsinti lang siya ni El at tinatanggal kaagad nito ang awkward moments nila. Para sa kanya, si El ay isang magician na kaya siyang pasiyahin, patawanin, at pinapa-feel din nito kung gaano siya ka-swerte at nakilala niya ang lalaki. 

“Huwag ka nang magpanggap pa, DK. Alam ko namang matagal mo na akong pinagnanasaan e. Buti nga at super gentleman ng best friend mo kundi tsk. Matagal ka nang naka-score sa akin.” 

“Abat!” natatawa siyang nilapitan ito at kinurot-kurot ng pino sa tagiliran ang lalaki. Natatawang iniilagan nito ang mga kurot na dadapo pa lang sa tagiliran. 

“DK, lalong lalamig ang niluto ko. Hindi na ito sasarap. Tsk. Stop this,” sabi nito na tatawa-tawa parin at nag-try na hulihin ang dalawang kamay niya gamit lang ang isang kamay dahil hinahawakan parin nito ang bowl ng Vegan Greek Salad na ginawa nito. 

“I’ll stop. Fine. Hmmmp!” sabi naman niya at tumalikod na. Gutom na rin naman siya e. Naupo na siya sa lagi niyang puwesto sa hapagkainan kapag dalawa lang sila. 

“Dapat lang na masarap ito ha. Kundi, you’re fired,” sabi niya at habang nilalagyan lang ni Elliot ng salad ang kanyang platito. 

“Tikman mo na lang. Kapag fired na ako wala ka ng makikitang gwapong lalaki na gustong magpaalipin sa iyo.” 

“Ai, maraming gwapo ang gustong magpaalipin sa akin at isa ka na doon.” 

“Alam mo yung salitang napipilitan, miss?” Nakangising banat naman nito sa kanya. 

“Weh? May napipilitan bang ang laki-laki ng ngiti lagi kapag magkasama tayo? Are you a massochist?” Natatawang tinitigan niya ang lalaking naglalagay naman ng salad sa platito nito. Napatingin sa kanya ito. Amused na amused ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Huwag kang ganyan makatingin. Bawal! Baka mainlove ako sa iyo, deads tayo diyan. 

“I don’t have that kind of fetish. Stop thinking gibberish,” sabi naman nito at nakangiting sumubo na lang ng greek salad sa bibig nito. Nakatitig lang siya habang ngumunguya ito ng salad. Napakagat labi siya ng mapagmasdan nito ang labing kanina lang ay nakahinang sa kanyang labi. 

Now that I think about it, malambot pala ang labi ni El. Sarap halikan ulit. WAH! Erase. Erase. Erase. Nababaliw na ako. Ano bang araw ngayon at parang ang green ng mind ko? Napailing na lang siya at nag-umpisang kumain ng salad. Dahil siguro sa pagmamadali ay tumulo ang oil sa gilid ng labi niya. Pupunasan na sana niya iyon ng maagapan nito ang kamay niya at lumapit ito sa kanya. 

Napatingin siya sa lalaki at nagtatakang pinagmasdan ito. Nagtataka siya dahil palapit ang mukha nito sa kanya. His lips landed on the side of her lips. Ramdam niyang hinigop nito ang oil sa gilid ng labi niya at humiwalay sa kanya. Dahil sa gulat ay napatitig na nakanganga ang bibig niya sa lalaki habang ang pinakawalang kamay niya ay naihawak niya sa gilid ng labi niyang dinantayan kani-kanina lang ng nakangisi na nitong mga labi. 

“Now we are even. Tsaka walang tissue na malapit. Imbes naman na dumihan mo pa ang precious hand mo,” sabi pa nito sa kanyang hindi maka-sink in at nagulantang na kaisipan. 

Napayuko na lang siya at dahan-dahan nang kumain. Feeling niya kasi ay tumitibok ang puso niya ng super duper bilis. Hindi naman niya mapigilan ang sumilip sa lalaking ngayon ay masaya nang kumakain ng salad. Parang wala lang dito ang nangyari dahil doon ay napagpasyahan niya na lang na baliwalain ang nagwawalang pagtibok ng puso niya at nag-concentrate na lang din kumain. Hindi nagtagal at natapos na nilang kainin pati ang main course nitong niluto. It was indeed delicious. Masasabi niyang genius ang lalaki dahil ikinuwento nitong kakakuha lang nito ng recipe sa internet. Walang aral-aral or practise man lang. 

Nagpasya silang magpahinga na lang sa living room ng condo niya habang nanonood ng movie. Movie marathon lang din kasi ang isa sa mga ginagawa nila kapag off days or di kaya ay magyayaya ang lalaki na lumabas para mag-road trip. Napagpasyahan nilang panoorin ang horror movie na “The Shutter.” Matagal na rin kasi nilang pinaplanong panoorin ito kaya lang ay hindi nagkakatiyap ang mga off nila minsan. 



ELLIOT, please do me a favor.” May pagmamakaawa ang boses nito habang nasa kalagitnaan siya ng pagguhit ng makatanggap siya ng tawag sa kaibigan. Ilang linggo na ang nakakaraan ng ipahayag ni Chloe at Ezekiel na ‘officially dating and going out’ na ang mga ito. Wala namang tutol at super suportado pa nga nila ang dalawa dahil alam nilang nagmamahalan ang mga ito. 

“What is it?” Wala pa rin sa sinasabi ng ka-brod ang konsentrasyon niya kundi sa ginuguhit niya. Naka-loud speaker kasi siya at naka-lock naman ang pintuan niya. Kaya kampante siyang walang nakakarinig na tao sa tawag ng ka-brod niyang si Ezekiel. 

“Cecil came back.” 

“What?!” Napatigil siya sa paguhit ng plano ng isang building na ipapatayo na naman nila. Si Cecil ang dalagang naka-fling ng kaibigan noong naglasing sila dahil sa naudlot na pagpo-propose ng ka-brod din nilang si James na ngayong asawa na nitong si KC. 

“Yes. She’s back at gusto niya daw na harapan ang pag-uusap namin. It looks like it was something really serious.” 

“Diba nabigyan mo na siya ng pera para manahimik na at huwag kang gambalain?” 

“Yes. She said that she didn’t touch it at pwede niyang ibalik kaagad sa akin. She only needed time to talk to me. I need to talk to her because it looks like it’s a serious matter but I can’t call Chloe to cancel my date.” 

“So yung favor na iyon ay ako ang makikipag-date kay Chloe?” 

“You got that right, brod. Care to tell Chloe na meron akong importanteng meeting kaya hindi ako makakarating. Please?” 

“Why don’t you call her now and tell her the truth?” 

“I don’t think it’s the right time. I... I still can’t tell her the truth. Just help me, El. I will tell her the truth when the right time comes.” 

“Fine but I will help you because you needed it but I want you to be honest to Chloe the next time. If worst comes to worst, I will tell her the truth.” 

“Salamat talaga, pare. I owe you one,” sabi ni Ezekiel sa kanya at nag-bye na. Ibinaba na rin niya ang telepono at itinuloy ang paggawa ng plano ng building. 



Umalis na siya ng opisina at lumakad na sa kanyang sasakyan. Good thing at hindi rin siya kailangan pa ni DK ngayong araw. The lady was busy in the hospital nung tawagan niya kani-kanina lang bago siya umalis ng opisina. Hindi nagtagal at nagdrive na siya sa opisina ni KC sa Hearts Connected. 

Hindi naman nagtagal at nakarating rin siya sa HC. Medyo may traffic pero nakalusot agad siya dahil sa buhos. Pagbaba niya ng sasakyan ay halatang na-disappoint ang babae pero ngumiti rin kaagad ito. Simula na ang kanyang ‘pagsisinungaling’ dito. 

“Hi! I am gonna be your date today. Naipit si Ezekiel sa isang importanteng meeting. Hindi na daw siya makakatawag sa iyo dahil na-lowbat na rin ang kanyang cellphone.” Masayang bati niya sa babae kasabay ng ‘paliwanag’ niya. “Disappointed?” 

“No. No. Nagulat lang ako at ikaw ang magiging ‘date’ ko. Na-surprise ako. Are you sure your free tonight at wala kang ibang ka-date? Baka mamaya niyan ay masabunutan ako habang magkasama tayo at naglalakad,” mukha namang kinagat nito ang paliwanag niya kaya buong puso na siyang natawa sa joke nito. 

“You’re funny. I was wondering kung paano mo napaibig ang aking ka-brod. Don’t get me wrong ha, You really are beautiful and his taste but I never knew na bigla-biglaan na lang niyang i-introduce ka niya sa amin as a girlfriend.” 

“Well, Let’s just say I used my charms around him.” 

“No wonder super in love ang kaibigan namin sa iyo. So... Let’s go. Gutom na ako e.” Nakangiti niyang bola dito na totoo naman. He knew na mahal talaga ni Ezekiel ang babae. Meron lang talaga itong problema kaya naman tumulong muna siya sa brod niya. 

“I will take you to an Italian Restaurant that I love. You will totally enjoy it,” sabi niya at lumakad na sa kotse at pinagbuksan ito ng pintuan. Hinintay niyang makaupo na ito ng maayos bago niya ito sinara at tumakbo sa kabilang bahagi ng sasakyan. Hindi naman nagtagal at bumyahe na sila patungo sa Italian restaurant na sinasabi niya. Hindi naman siya nabigo sa pagpunta sa Italian restaurant dahil nagustuhan ng dalaga ang mga pagkain doon. Nakipagkwentuhan na rin siya sa dalaga. 

“Wanna go somewhere to hang-out and stuff?” Tanong niya dito ng makasakay na silang dalawa sa sasakyan at nasa daan na pauwi. 

“Sure. I wanna go and hang-out with you,” sagot nito sa kanya at idiniretcho niya ang sasakyan sa Marina Yatch Club. Doon kasi siya laging nagmumuni-muni kapag walang usapan ang mga ka-brod at kung wala silang usapan ni DK. Sinabi niya kay Chloe na may isa sa mga yatch niya ang paborito niya because it was named after DK. Hindi na naman ito nang-usyoso kung ano ang ibig sabihin ng DK dahil nasabi na nga kasi niya na ipinangalan niya ang yatch sa first love niya. 

“This is such a wonderful place. Dito ka ba nalagi kapag gusto mong magmuni-muni?” 

“Well, Kind off.” Natatawa niyang palusot dito. Hindi kasi ‘Kind-off’ lang kundi lagi siya dito kapag nagmumuni-muni. Hindi naman kasi alam ni DK ang lugar na ito or more like tago ang Yatch niyang may pangalang DK. 

Lumakad na siya pataas sa yate at inalalayan ang dalagang makahakbang dito. Lumakad ulit siya papasok sa loob ng yate. 

“Akala ko ba babae ito? Bakit pang-army. It’s more of masculine than feminine.” Nagugulat at namamangha nitong iginala ang mata sa Army uniform inspired coating ng loob ng yate. Dahil nga DK ang pangalan nito ay may touch ng Army sa loob. Meron ding parte ng yate na puro white lang which represent the Doctor side nang babae. 

“Pag narinig ka ng first love ko ay baka nasa sahig ka na at ipinamukha niya sa iyo na kayang gawin ng babae ang lahat ng gawi ng lalaki.” 

Natawa itong itinaas ang dalawang kamay. “I better not say it in front of her then. You have to warn me about her kung makita ko man siya. Baka mamaya nun ay nabalibag na pala niya ako sa sahig.” 

“Even though she hates hearing the word ‘panglalaki lang dapat ito’, DK is sweet and kindhearted.” Dahil sa pag-uusap tungkol kay DK ay hindi niya mapigilang hindi ngumiti ng matamis dahil naalala niya ang unang pagkikita nila ng babae at yung mga oras na nahulog ang loob niya dito. Naalala nga rin niya ang unang heartbreak niya dahil dito. Nalungkot tuloy siyang tinungga ang bote ng beer. 

“You okay?” Concern na tanong nito. Hindi niya namalayang nagakita na pala siya ng sad expression sa harap nito. 

“Huh? Why did you ask?” Palusot na tanong niya. 

“You cannot fool me, Elliot. I’ve seen and met different kinds of people at alam ko kung kelan sila malungkot, masaya, or may problema. Pwede mo akong sabihan ng problema mo. I am willing to listen and promise hindi ko ipagkakalat,” sabi pa nito at ngumiti sa kanya. 

Na-touch siya. Unang kita pa lang niya kay Chloe ay palagay na ang loob niya dito. She is just like DK. Sweet and very kind hearted. Nalaman kasi niyang ito ang tumulong para magkabati sila James at ang pinsan nitong si KC. Swerte talaga si Ezekiel sa babae kung magkatuluyan man ito. Botong-boto siya dito for his friend. 

“You don’t have to worry about it. May naalala lang akong ikinalungkot ko. I will take your words at gagambalain kita once na may problema ako specially tungkol kay DK. Let’s go out. Mas maganda ang view sa harap ng yatch.” Pag-iiba na niya ng topic at lumabas na ulit sila para tignan ang magandang tanawin ng karagatan at maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa katawan nila. Hindi naman nagtagal at nag-paalam na rin ito matapos ang msaya na naman nilang pakikipag-kwentuhan. 

“I really have to go. Baka masarahan pa ako ng pinto sa bahay namin. Wala kong spare key e,” pabiro nitong sabi sa kanya habang pababa na sila ng yate niya. 

“No worries. Ihahatid na kita at uuwi na rin ako sa condo. I need to finish some work.” Inihatid na niya ang dalaga hanggang sa pinaka-loob ng subdivision nito. Hindi niya hinayaang mag-isa itong maglakad sa eskinita. 

“Maraming salamt sa pagiging proxy ng kaibigan mo ha. Mag-ingat ka sa pag-drive. I really had a great night out. Salamat,” sabi nito at kumaway pa sa kanya bago niya pinaandar ulit ang sasakyan pauwi.




ITUTULOY...

No comments: