Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 4

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.



NAGISING si Elliot dahil sa alarm clock niya. It was 4 am in the morning at Sunday. Kahit wala siyang pasok every Sunday ay ganoon lagi ang gising niya. Elliot’s morning ritual is to go out and run to the whole village at a very early time. Mas trip niya kasing mag-jogging nang walang katao-tao at medyo madilim pa. 

Nasa parke na siya nang mapabuntong hininga siya. Reminiscing is one of the things na ginagawa na rin niya tuwing umaga. Ayaw man niyang gawin ay hindi naman niya mapigilan iyon. 




Hindi naman naputol ang communication nilang dalawa ni DK. Kahit na iba’t-iba na ang kurso nila ay iisang unibersidad pa rin sila pumasok nang mga ka-brod niya. Ganoon sila ka-close nang mga ito. Naging mga hearthrob sila nang buong campus at sa tinagal nila sa isang unibersidad ay hindi papalya ang pagtatanong sa kanilang maging representative nang departamento para lang sa mga contest pero tumatanggi sila lagi. 

Everyone became a playboy except to him. Nung nasa university siguro siya ay 1 or 2 ang naging girlfriend niya sa ilang taong inilagi niya doon. His brod made a rule na walang tatalo sa babae nang ka-brod. Isa iyong golden rule sa kanilang anim lalo na sa mga playboy niyang kaibigan. 

Nalaman niyang kumuha si DK nang masteral nang kursong medicine sa text lamang. Hindi na rin niya napuntahan pa ang graduation nang dalaga dahil pinepressure siya nang tatay niya. The last time they saw each other was when he was rejected. Nagulat na nga lang siya nang kontakin siya nito at sabihing magkita-kita silang lahat. Nasaktohan namang magkakasama silang lahat na magkakabarkada sa Regency at Salcedo kaya lang ay tinawagan si Theo sa kampo kaya umalis nang maaga. 

“Long time no see! Matured na Matured na ahh!” sabi ni Ezekiel nang yakapin nito ang dalaga. 

“Ano ako cheese? May matured at may hindi?” Banat naman ng dalaga at gumanti nang yakap sa kaibigan. 

“Namiss kita!” sabi naman ni James at yumakap na rin. 

“Don’t mind what Ezekiel said, you still look lovely, DK. I missed you,” sabi naman ni Sean na yumakap rin. 

“I must say na gumanda ka nga,” sabi naman ni Ran at ngumisi bago ito yumakap sa dalaga. 

“Ai ganon? Ano ako panget dati?” 

“Nope. What Ran meant was you’re breathtakingly beautiful now than before. I missed you, DK.” Maya-maya ay sagot niya sa tanong nang dalaga na mukhang ikinagulat nito. 

“You’re still the same as always, Mr. Bolero, pero I must say you still take my breath away kasi ang gwapo-gwapo mo pa rin,” sabi nito sa kanya at tumawa. Natawa na lang din siya at gumanti nang yakap sa dalaga. 

“Where’s the other one?” Tanong niya sa mga ito nang matapos na ang matagal nilang pagyayakap ni Elliot. 

“Oh, Theo? On Call ngayon si General e.” Sagot ni Ran at ngumiti. 

“General?” 

“Yup. Theo went to army at naging General na rin sa wakas,” sabi naman niya dito na ikinagulat lalo nito. 

“Wala kang nasabi dati. Nagulat tuloy ako.” 

“Well, you never really asked about it. I’m sorry.” 

“Silly. You don’t really have to tell it to me. Nagulat lang ako at hindi kayo buo.” 

“Well, kanina ay buo kami kaya nga lang ay tinawagan siya ng tatay ni Ara.” Narinig niyang sabi ni Ran at napatingin siya sa dalaga. She look hurt pero mas nasaktan siya sa reaksyon nitong iyon. 





ANG ring nang telepono ang nagpatigil sa kanyang mag-reminisce. Ang agang tawag iyon. It’s only 5am. Mag-iisang oras na rin pala siyang nag-jogging. Huminto siya at umupo sa bench sa park at kinuha ang nakasabit na tubig sa kanyang tagiliran bago niya sinagot ang telepono. 


“Hello?” 

“Good Morning!” Masayang bati sa kanya nang kanyang pinakamamahal na si DK. 

“Aga mong nambulabog ah,” sabi niya at natawa. 

“Ngek. Alam ko namang gising ka na ng mga oras na ito e. Wala pa akong tulog, El.” 

“Akala ko ba off ka ng Sunday?” 

“Oo nga. Kakauwi ko lang. Tinawagan lang kita para naman makonsensya ka.” 

“At bakit ako makokonsensya?” 

Natawa ito. “Peace. Punta ka naman dito pagkalipas ng 8 hours at gisingin mo ako.” 

“Ai ginawa akong alarm clock? Huwag mong sabihin na aalipinin mo ako sa off day ko?” 

“Parang ganoon na nga.” 

“So ako pa dapat ang makonsensya? Diba dapat ikaw?” 

“Eto naman. Naglalambing ang pinaka-astig at pinakamagandang Doctor na kilala mo no. Pagod at kulang sa tulog ang bestfriend mo at kailangan lang ng paglalambing ng nag-iisa at gwapung-gwapo na bestfriend ko. Hindi mo ako mapagbibigyan?” Napatawa siya dito. Sigurado siya na kapag magkaharap sila ngayon ay ginamit na nito ang ultimate way para mapa-oo siya nito. Ang puppy-dog-eyes effect ng dalaga. 

“Fine. I’ll be there exactly 1pm with your lunch ready,” sabi niya dito at ngumiti. Spoiled sa kanya ang dalaga. Wala naman kasi siyang magagawa kundi ang pagbigyan ito. Mas gusto niya kasing lagi itong masaya specially kapag magkasama silang dalawa. 

“Weeeeeeeeee! I love you, El! You’re the best! Muah! Muah! Muah!” sabi nito at nag-kiss effect pa. Inihilig niya ang likuran niya sa may upuan at ninamnam ang pa-kiss effect na ibinigay ni DK sa kanya. 

“May bayad kaya ang serbisyo ko.” 

“Sige bibigyan kita ng ultimate hug at ultimate kiss.” 

“Ang cheap naman ng serbisyo ko.” Kunwari ay pagtatampo niyang turan sa babae. 

“Cheap ka diyan! Hoi! Hindi cheap ang hug at kiss ko no! Ikaw lang at si Daddy ang binibigyan ko nito,” sabi nito at tumawa. 

“Sure? E si Theo binibigyan mo rin yata yun e.” 

“Hindi no! Shy type ako sa crush ko,” sabi nito at bumungisngis. 

“Weh? E nung nasa Army kayong dalawa? Walang hug-hug doon?” 

Matagal bago ito nakasagot. Mukhang iniisip nito kung may hug nga bang nangyayari sa Army. 

“As far as I remember, balikat ko lang ang lagi kong ibinibigay kay Theo. Yun lang ang pinaka-intimate moment namin,” sabi nito at natawa na pero napa-hikab ang dalaga dahil naramdaman ulit nito ang antok. 

“Matulog ka na po, ineng. 1pm andiyan na ako kahit na 6am ka pa makatulog.” 

“Sige po, lolo. Tutulog na po ako. Good night po at I love you too sa inyo, lolo. I want vegetarian dish later.” 

“Abat may request pa.” 

“Sulit-sulitin ko na ang pang-aabuso ko sa iyo no. Minsan na lang makaabuso ng kaibigan super yaman at super gwapo. Bye!” 

“Huwag ka ng mambola pa at itulog mo na lang yan. Goodnight” 

“Opo. Opo. Bye!” sabi nito at nawala na sa kabilang linya ang dalaga. Napangiti siyang tumingin sa kalangitan. Sumisikat na ang araw at dumadami na rin ang mga tao sa parke, halos lahat ay nag-jogging or exercise. 

Hindi nagtagal at nagpasya na siyang umuwing nag-jojogging parin para makaligo ng mabilisan pagkauwi. 



Alas-dose pa lang ng tanghali ay nasa condo unit na siya nang dalaga. She got spare keys on his condo and he got a spare key for her condo. Ganoon sila ka-close at kalaki ang tiwala sa isa’t-isa. Binuksan niya ang refrigerator sa kusina at naglabas ng mga ingridients na kakailanganin niya para sa pagkain nilang dalawa. Hindi na talaga siya nag tanghalian para makasabay at maka-bonding ulit ang babae. 

Bago pa man siya makarating dito ay nagresearch na siya ng mga putahe para sa vegetarian dish na iluluto sa babae. Hindi man culinary ang course niya ay natututo na siyang magluto dahil na rin sa babae dahil sa out of the blue nitong panghihingi ng favor sa kanya para ipagluto ang dalaga. He decided to cook something easy but nice. For starter ay gumawa na lang siya ng Vegan Greek Salad at for main ay gumawa na lang siya ng Broccoli and Tofu in Garlic Sauce. It only took him 30 minutes para magawa at ma-prepare ang lahat. 

Nagdesisyon si Elliot na gisingin na ang dalaga trenta minutos bago ang napag-usapang oras. Kumatok siya ng tatlong beses sa kwarto at ang pag-ungol lang nito ang narinig niya. Nakangiting pinihit niya ang seradura ng pintuan at dahan-dahang binuksan ang puting pintuan ng kwarto ng dalaga. Mahina at dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng kama kung saan mahimbing pang natutulog ito. Umupo siya sa gilid at pinagmasdan muna kahit saglit ang dalaga. Hindi niya napigilang tanggalin ang nakatabing na buhok nito sa mukha at inilagay sa likuran ng tenga ng dalaga 

“You’re really...” Napabuntong hininga na hindi na lang niya tinuloy ang sasabihin at mahinang niyugyog niya ang balikat ng dalaga. Nakita niyang kumunot ang noo nito at pinaalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat nito. 

“Hmmmm. Gimme 15 minutes more.,” sabi nito sa kanya at nakapikit pa rin. Lumayo ito sa kanya at akmang hihimbing na naman ang tulog. 

“No more 15 minutes. I’m gonna kiss you and eat all of the food if you’re not up. I’m gonna count till three. One...” Panimula niya sa pagbilang. 

“Hmmmm” 

“Two... Two and a half...” 

“............” 

“Three. Times up! I’m gonna kiss you until you’re breathless,” sabi niya at hinila niya ang balikat ni DK para mapaharap ito sa kanya. Nakakunot noo at pilit na tinutulak siya nito kahit na nga ba nakapikit pa rin. 

Inilapit niya ang mukha sa dalaga pero hindi naman talaga niya ito hahalikan ito. Para sa kanya ang pinakamahalaga na namamagitan sa kanila ay trust at love sa isa’t-isa. Ayaw niyang mawala lang iyon ng dahil sa ganitong ‘punishment’. Lalayo na sana niya ang mukha niya ng magmulat ito nang mata at ngumisi sa harapan niya. 

“Ang tagal naman ng halik ko e. Halika nga dito, El!” sabi nito at ikinawit ang dalawang kamay sa batok niya para hindi siya maka-alis sa pagkakayuko at pagkakalapit ng mukha nila. 

“Good Morning, El.” 

“It’s already noon, sleepy head,” sabi naman niya at pinilit na pasiyahin ang boses kahit na nga ba hirap na hirap na siyang labanan ang matagal ng damdamin para sa dalaga. 

“Naasaan na nga ang good morning at good aftie na kiss ko?” Sabi nito at itinuro ang magkabilang pisngi nito. 

Dahan dahan niyang ibinaba ang mukha palapit sa dalaga habang hindi nila binabawi sa isa’t-isa ang pagtitig. Naramdaman niyang tumama na ang matangos niyang ilong sa pisngi ng dalaga. 



KATOK pa lang ng lalaki ay gising na kaagad si DK. Kaya lang ay ayaw pa talaga ng kanyang mata na bumukas. Ilang araw na kasi siyang walang tulog dahil sa ang ibang doktor ay nasa kanilang leave kaya kailangan pang mas maraming oras ang ibang doktor. 

Sa pagbukas at pag-upo nang binata sa tabi niya at ang pagtanggal nito sa buhok na nakatabing sa mukha niya ay alam niyang lahat. Nagpapanggap na lang siyang tulog hanggang sa niyugyog siya nito ng mahina. 

“Hmmmm. Gimme 15 minutes more.,” sabi niya at inilayo ang kamay nito sa balikat niya at lumayo rin siya ng kaunti sa lalaki. 

“No more 15 minutes. I’m gonna kiss you and eat all of the food if you’re not up. I’m gonna count till three. One...” 

“Hmmmm” 

“Two... Two and a half...” 

“............” Napapangiti na siya dahil alam naman niyang hindi siya nito hahalikan hanggat wala siyang binibigay na permiso dito. 

“Three. Times up! I’m gonna kiss you until you’re breathless.” Hinila siya nito ng walang pasabi buti na nga lang at nakapikit pa rin siya at hindi tumili. Naramdaman niya hiningang lumalabas sa ilong nito. Hindi niya alam pero parang naeexcite siya na ewan. Nadismaya nga lang siya ng maramdaman niya na ang presensya nito ay lumalayo ng tuluyan sa kanya. 

She opened her eyes ang grins at him. “Ang tagal naman ng halik ko e. Halika nga dito, El!” Ikinawit na rin niya ang kanyang dalawang kamay sa batok nito para hindi matuloy ang paglayo nito sa kanya. 

“Good Morning, El!” Masayang bati niya dito. 

“It’s already noon, sleepy head,” sabi nito at tumawa pero bakas sa mukha nito na parang naiilang ito sa pwesto nilang dalawa. Teasing her best friend is one of the best thing to do specially when they are alone. 

“Naasaan na nga ang good morning at good aftie na kiss ko?” tukso pa niya dito at itinuro niya ang magkabilang pisngi niya. 

Nakipag-titigan siya sa lalaki habang inilalapit nito ang mukha sa mukha niya. For some weird reason ay biglang kumabog ulit ang puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa excitement o dahil may heartburn siya bigla. Ang direksyong tinatahak ni Elliot ay patungo sa labi niya kaya nahugot niya ang hininga niya. Ngunit hindi naman niya maputol ang pagtititigan nila ni Elliot. 

Medyo nadismaya nga siya ng bumaling si Elliot patungo sa kanang pisngi niya ng maramdaman niyang tumusok sa pisngi niya ang matangos nitong ilong. Isang mabilisang halik sa pisngi ang kanyang nakuha na nagbigay saya at init sa kanyang puso. 

Iniangat na nito ang mukha at nag-move naman ito patungo sa kaliwang pisngi niya nang walang pagputol ng kanilang mga tingin. 

Para kay DK, ang mabilisang halik na iyon ay nagtagal ng ilang oras. Feeling niya ay natigil ang mundo niya saglit dahil sa paglalapit nila ni Elliot. 

“You’re blushing. It’s cute,” sabi pa nito at pinisil na nito ang pisngi niya. Hindi niya alam na napatanga na pala siya sa harapan ng lalaki. 

“Sensitive lang ang skin ko. Inilapit mo kasi ang lips mo e.” 

“Ai anong akala mo sa lips ko, durian na nakakatusok ng sensitive skin mo at namumula?” 

“Hindi po. Isa ka pong higad! Higad!” sabi niya at nginisian ang lalaki. 

Tumayo na si Elliot at inilahad ang kamay nito para tulungan siyang tumayo. Iniabot naman niya ang kamay at pinagsalikop nila ang kanilang mga kamay para mahila siya nito paalis sa kama. 

“Anong niluto mo for me?” 

“Vegan Greek Salad for appetiser at Broccoli and Tofu in Garlic sauce for mains. Buti nga at may mga ingridients ka sa fridge mo e kundi kailangan ko pang mamili.” 

“Syempre nag-stock na ako ng mga vegetables for my personal chef.” 

“Oo nga pala. May bayad. Hindi pwedeng ako na nga ang nagluto, ako pa ang nagbigay sa iyo ng kiss. Yung hug ko rin wala pa.” 

“Oo nga pala! Halika nga dito, El,” sabi niya at hinila niya ang kaliwang braso nito at niyakap ito ng mahigpit sa bewang nito. 

“Ang bangu-bango talaga ng best friend ko.” 

“Sexual harassment yan, DK. Mapapakulong ka ng di oras.” 

“Asus. Parang inaamoy lang e. Sige, hindi na kita bibigyan ng halik kasi naman ay sexual harrassment pala,” sabi niya dito at tumatawang nakayakap pa rin sa kanyang bestfriend.




ITUTULOY...

No comments: