Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 3

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.



LET’S break up.” Walang emosyong sinabi ni DK sa boyfriend niyang si Gerald. Isa sa mga co-doctor niya sa hospital. Isang linggo pa lang silang mag-on pero andami na kaagad niyang naririnig dito. Napasagot siya dahil rugged ang look nang nasabing doctor. Mala-Gerald Anderson ang look nito at weak siya sa mga ganoong lalaki. Hindi niya alam na may kabalastugan pala itong doctor na ito.

Ginagamit pala nito ang pangalan niya sa ibang nurse para manakot na masesesante kung hindi gagawin ang mga sinasabi nito. Buti na lang at nalaman niya. Napaka-gago pala nitong taong ito. Nakaka-turn off.

“Let me explain, DK. I can explain everything,” sabi naman nito na sinusundan siya. Magkikita kasi sila nang kanyang ultimate best friend na si Elliot.

“You don’t need to explain anything. Maraming proof na akong nakalap. You are the worst guy I’ve ever met. Kung kukulitin mo ako ay makakarating ito sa board at mawawalan ka nang lisensya. Buti nga at natanggal ka lang sa ospital namin e. Mabait pa ako nun. Don’t try to do anything to the other hospital or ipapatapon kita palabas nang bansa.”

“DK. This is unfair! Hindi mo man lang ako pakikinggan?”

“Bakit pinakinggan mo ba ang daing nang mga nurse na ginago mo? Pwe!” sabi niya at nandidiring lumayo sa lalaki. Hindi na ito nagpilit pa at dumiretso na siya sa sasakyan niya. Ma-late pa siya sa kanyang very awaited appointment with her bestfriend.

Hindi naman nagtagal at nakadating na sila sa dating tambayan. Bagong coffee shop ito sa dating building nang coffee shop na pinagtatagpuan nila. Kofi Cups and Sweets na ang bagong pangalan nang coffee shop. Isa daw sa malayong kaibigan ni Earth ang may-ari na si Kofi.

“El!” Tawag niya dito at kumaway sa kaibigan. She doesn’t care kung pagtinginan siya nang tao. Nakangiti naman itong kumaway sa kanya at tumayo para salubungin siya nang mahigpit na yakap na ginantihan naman niya nang mahigpit ding yakap.

“Ano naman tong tagpo natin?” Natatawang sabi niya nang matapos na ang yakapan nila. “Parang 100 years tayong hindi nagkita. How’s your company? How’s Tito Elijah and tita Jasmine?” Maya-maya ay tanong niya at umupo na siya na kaharap ito.

“Well, I just missed you so much. The company’s fine and my parents are both enjoying their vacation. Nasa Macau sila ngayon at ang next destination nila ay sa Mongolia,” sabi nito binigyan siya nang menu nang coffee sa kofi. Recently lang itong itinalaga nang daddy nito na maging Presidente nang Rivera’s Construction Company. Kilala at top notch na Construction Company sa buong pilipinas.

“Ai hindi lang ikaw ang naka-miss no. Miss na miss kita, super super, mega mega.” She said and grins.

“Wait, I better go and order some coffee. What do you want? The usual or may bago ka nang inumin?”

“No. Same na lang. Cafe Au Laite na lang. Naadik ako sa kape dito e,” sabi niya at ngumiti na dito. Tumungo naman ito at lumakad na papalapit sa may counter. Hindi naman niya maiwasang pagmasdan ang lalaki na nakatalikod na sa kanya. Sa kanilang anim ay si Elliot ang masasabi mong ‘Payat’ sa grupo. Kumbaga macho ang dating nang iba habang ito ay malaman lang.

For her ay maganda ang hubog ng binata, sexy ito at pang model nga ang dating nang katawan nito plus pa na matangkad ito. Hindi niya napigilang mapatingin sa pang-upo nito. Napakagat-labi tuloy siya sa nakita pero napilig niya ang ulo dahil na rin sa iniisip. Nagiging marumi na ang isipan niya. Sakto namang napalingon si Elliot sa kanya at kumaway. Napakaway din siya na lalong nagpaguilty dahil tinitignan niya nang malaswa ang lalaki.

Nakita niyang may dala na itong kape para sa kanilang dalawa. Caffe Macchiato ang sa lalaki at yung inorder niya.

“Is there something you wanna ask?”

“Ha? Bakit mo naman nasabi iyon?”

“Well, I saw you staring kaya nga ako nagmamadaling bumalik dito e. Is something bothering you?” Ay Oo! Ang cute nang puwetan mo. Yummy!

“Nothing really. I just wanna tell you na break na kami nang boyfriend ko.”

“That fast? Anong nangyari?”

“Huwag na muna nating pag-usapan naaasar ako e. I don’t wanna ruin our day together. Minsan na nga lang tayo magkasama e.”

“Anong minsan? 3-4 times a week tayong nagkikita e.”

“Ai nagrereklamo ka na? Sawa ka na sa mukha ko? Ganon? Ganon? Para kang si Zach e. Pinagsasawaan ang mukha ko.”

“Never. Hindi ko pagsasawaan ang mukhang yan no ang iniisip ko nga ay baka pagsawaan mo na ako e.”

“Ai hindi no. Ikaw pa! Ikaw ang isa sa mga mahahalagang lalaki sa buhay ko. Kasama ka sa grupo ng Daddy at ni GT.”

“Awwww. So flattered ha. Tumaas na pala ang ranggo ko sa puso mo.”

“Baliw! Ikaw nga ang pinaka sa inyong tatlo e.”

“Pinaka ano?”

“Pinaka-cute, pinaka-maaasahan next to my dad, pinaka-mabait at pinaka-love ako.”

“Oo na nga. Ako na nga ang bumili nang kape nating dalawa e. Hindi mo na ako kailangan pang bolahin. Mamaya niyan isipin ko crush mo na ako e, ma-rape mo pa ako.”

“Sira! Ako mang-rape? If I know gustong-gusto mo naman yun e. May lihim kang pagnanasa sa akin e.”

“Ai, paano mo nalaman yon?”

“Ako pa? May pagka-manghuhula ako e,” sabi niya at nag-peace sign. Hindi naman nagtagal ay nagkwentuhan na sila ni Elliot kung anu-ano ang mga ginawa nila the past few days na hindi sila nagkita. Hindi tuloy nila namalayan na gumagabi na pala.

“Halika, let’s go have a drink. Ikukwento ko na sa iyo yung tungkol sa break up namin nung boyfriend ko.”

“Ayon pa pala. Let’s go then,” sabi ni Elliot sa kanya at tumayo na sa tapat niya. Inilahad nito ang kamay para alalayan siyang tumayo. Super gentleman pa nga pala nito. Nakalimutan niyang sabihin kanina.

“Ang swerte ko talaga dahil may best friend akong katulad mo. Feeling ko artista/diyosa ako sa paningin mo,” sabi niya dito at ngumiti.

“Ai ganon? Sige, hindi na lang kita alalayan. Nagiging diyosa ka na sa paningin ko mas imposible na tayong maging tayo niyan.”

“Ai may ganoong banat?”

“Oo naman no. Minsan lang bumanat nang ganon.” Lumakad na sila sa sasakyan nito at ipinagbuksan pa siya nito nang pintuan. For her ay napaka-swerte ng babaeng maikakasal dito. Kasi alam niyang super alaga at maaalalahanin ang lalaki.



HINDI naman nagtagal ay dumating na sila sa Senang Hati which is pagmamay-ari naman ni Earth. Isa sa mga magagandang lugar na puntahan tuwing gabi. Sakto naman sila at tumutugtog ang Infinity Band. Once in a blue moon na lang kasi siya nakakapunta dito kaya naman ay masaya siya at nasasaktohan nila ang Infinity band, Favorite din niya ang banda na Thunderkizz which is nagiging kilala na rin sa pilipinas. Katrabaho niya kasi si Doc Penpen na naging kaibigan na rin niya sa isa sa mga Hospital dati na nag-OJT siya. Magkasing edad lang naman kasi sila nito at OJT rin ang lola mo doon.

Umupo kaagad sila sa harap nang bar at nakatingin sa stage kung saan nagpeperform ang Infinity na ang bokalista ay si Ross pero right now ay si Doc PenPen ang kumakanta nang Paramore Song. Napansin niyang sunod-sunod ang paglabas nang Thunderkizz na galing sa banyo, naandoon pala ang mga iyon para sumuporta sa Infinity Band. Nag-order na rin sila nang matapos ang unang kanta nang mga ito. San Mig Light ang sa kanya while Elliot had scotch.

“So what happened?” Kinuha ni Elliot ang atensiyon niya nang basagin nito ang katahimikan na bumabalot sa kanila.

Ininom niya ang kalahati nang laman nang SanMig at napabuntong hininga. “That maniac! He used his title as a Doctor and my boyfriend kaya siya nanakot ng mga nurses and they can’t fight kasi nga baka daw mawalan sila ng trabaho. It’s a good thing na napadaan ako sa opisina ni Gerald and saw he was about to molest Nurse Arlene. Arrrg! Just thinking about it makes my blood boil and I feel stupid for having him as a boyfriend.”

“What a jerk he is! Do you want me to do something to him? Don’t blame yourself here. Malay mo bang ganon yun kagago,” sabi naman nito sa kanya na nakatiim bagang at nakakuyom ang kamay nito.

“Don’t worry about it, El, I’ve done something ‘evil’ to him. Pinatanggal ko siya sa ospital namin at banned na siyang makapasok. Ako pa.”

“Nice move, DK, kung kailangan mo pa nang maraming guard sa palibot nang ospital mo, just tell me. I will hire people.”

“Asus! Kaya ko na po, handsome Elliot. Pero kapag ang nangulit pa rin yung lalaking yun ay ipanghaharang kita sa kanya,” sabi niya at nag-peace sign.

“Hindi mo na kailangan pang iharang ang katawan ko kasi ako mismo ang haharang para sa iyo.”

“Sige! Tagay tayo diyan dahil ang cheesy mo na naman,” natatawa na lang niyang sabi sa lalaki at nag-toast silang dalawa.





SIGURO ay cheesy jokes lang ito para kay DK pero siya ay seryoso sa mga ganoong banat niya. Yes, he’s still in love with the this woman for the longest time of his life. Yup, lumalabas siya at nakikipag-date sa iba pero lahat nang mga katangian ng mga babaeng nakaka-date ay katulad nang kay DK. Kung hindi man ay kahawig or kamukha nito pero kahit na anong gawin niya ay ang original pa rin ang hinahanap nang puso niya. Hindi niya tuloy maiwasang hindi alalahanin ang mga nangyari noon.


“We’ve been friends for months and a half. I don’t know when or how but I just felt it na lang. I...I...I like you, D.K! Can you be my girlfriend?” Nilakasan niya ang loob na mag-umpisa nang manligaw sa babae and once na sagutin siya nito ay manliligaw siya. It might be the other way around pero atleast it’s the thought that counts.. He admits na hindi niya talaga alam manligaw pero kahit na. Alam niyang gusto na niya ang babae noon pa. He just can’t wait na maging sila together. 

Tumawa ito nang malakas at hinampas-hampas siya sa balikat at nakangising tumingin sa kanya. Napakunot tuloy ang noo niya at tumingin sa paligid. Pinagtitinginan na sila nang marami. 

“Grabe ang ang sense of humor mo, El! I like that friend,” sabi nito sa kanya na nagpawasak nang puso niya. First love and first rejection, ang saklap diba? 

“Hindi ako nagbibiro, DK. I like you... so much...,” sabi niya dito at trying na ipaintindi sa babae na seryoso siya sa pamamagitan nang pagtitig niya sa babae. Nawala ang ngiti nito at parang napapasong inilayo nito ang kamay sa balikat niya. 

“Ahhh...,” for the first time ay naging speechless ang dalaga habang nag-uusap sila. “Uhhmmm. S-sorry. Akala ko ay joke joke lang e.” 

“It’s okay. Atleast you know na seryoso ako.” 

“...pero...” Hindi niya alam kung bakit pero alam na niya talaga ang magiging ending niya. Basted siya sa babae. Nagpanic man siya ay hindi naman halata iyon. 

“Meron na kasi akong mahal na iba e... Sorry talaga, El,” sabi nito sa kanya at tumingin naman ito nang diretso sa mga mata niya. He can see that she’s hurting too at hindi naman niya plano ang saktan ang babae dahil lang sa kanyang confession. 

He smiled to her at medyo nagulat pa ang babae. “Okay lang yun. I confessed eventhough I knew that you love another man. Wala lang. Just to let you know na mahal din kita. You don’t have to worry about me, DK. Okay lang ako na magkaibigan tayo. Let’s just be friends.” 

Dahil sa sinabi niya ay mas lalong nagningning ang mata nito sa tuwa. “Let’s be friends!” Masayang sabi nito at niyakap na siya. 

Kahit na ang sakit sakit sa kanya ay okay lang basta hindi ito nasasaktan dahil lang sa kanya. Ganoon ito kaimportante sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang gumanti nang yakap at ngumiti kahit na nga ba ang pinaka-gusto niyang gawin ngayon ay ang umiyak nang lihim. 

“It’s Theo, isn’t it?” 

Nakita niyang nag-blush ito nang sobra at nahihiyang tumungo. Masokista nga siguro siya. Why did he confirm it? Mas okay pala kung may hinala ka lang para atleast pwede ka pang mag-isip na hindi pala ang kaibigan mo ang mahal nang babaeng gustong-gusto mo. 

“I-I’ll help you.” 

“Talaga?! Maraming maraming salamat, El! You’re the best!” 

“Anything for you, DK.”


Bumalik lang ang kanyang diwa ng maramdaman niya ang ulo ni DK sa balikat niya. Nakalimutan niya, madali nga palang malasing ang dalaga. Napangiti siya at inakbayan na lang ang dalaga. He decided na iuwi na lang ito sa condo unit nito.



ITUTULOY...

No comments: