Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 2

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.



♪♫RING!♫Ring♪Ring♫♪ Iyon ang nakapagpabalik nang isipan niya sa kasalukuyan. Napangiti siya. Looks like her best friend needed her. Elliot’s calling.

“Hello, El! What can I do for you?” Masayang bati niya sa lalaki.

“Hi there, gorgeous. I just call to ask if you’re available. I needed someone to drink with kasi yung ka-date ko ayaw magpagabi kaya inihatid ko na,” sabi nito na alam niyang nakangisi ito nang nakakaloko.

“Sira. May shift ako ngayon e. Iilan lang kaming mga doctor dito kaya hindi ako makakatakas,” sabi niya dito at narinig niyang bumuntong hininga ito. He sound rather disappointed.

“When will I see you? Namimiss ko na kasi ang pagka-gandang lalaki mo.”

“Sira! Hindi ako tomboy at lalong lalo nang hindi ako lalaki. Super ganda ko no sayang naman ang lahi ko kung magpapaka-tomboy ako,” sabi niya at ngumisi. Matagal na silang close nang lalaki, mga 12-13 years na siguro. Simula nung magkita sila nang hindi sinasadya nung highschool. Hindi niya tuloy mapigilang mag-reminisce ulit habang kausap ang kanyang best friend.


“So kung tawagin kitang Daphne or Kane or Daphne Kane, anong mangyayari sa akin?” tanong ni Ezekiel nang maglakad na sila sa may bayan. Wala rin naman daw silang gagawin kaya maglilibot na lang daw sila kasama niya. Nasabi na kasi niya sa mga ito na pupunta siyang bayan para maglibot at magliwaliw.

“I’m gonna punch you and kick you there,” sabi niya at tinignan ang gitnang bahagi nang lalaki at ngumisi.


“Tapang! Kaya pala na-inlove sa iyo si El eh!” sabi naman nito sa katabi niya. Natawa naman siya at tinignan nang nakaloloko ang katabi tapos ay tinignan si Ezekiel at bumalik ulit kay Elliot pero hindi umimik ang itinurong may gusto sa kanya.

“Seryoso?”

“Feeling mo naman,” maya-maya ay banat na nito na ikinatawa nang lahat pwera lang siya. Parang may feeling siyang dismayado or something.

“Tse!” sabi niya pero nakangiti na rin siya. Happy siya na may kakilala na siyang mga kaibigan, kaya nga lang ay pumapasok sila sa ibang eskwelahan. Mag-aalas-sais na kaya naman nagpaalam na siya. Ring nang ring na rin kasi ang kanyang phone kaya naman kailangan na rin niyang umalis. She’s so sure na papagalitan siya nang kanyang mga magulang.

“Can I get your number? Para naman maka-text kita. Sawang-sawa na akong makatext tong mga ito e,” sabi nito sa kanya sabay turo sa mga lalaking kasama.

“Sure. Gusto ko rin namang makuha ang mga number niyo e,” sabi niya at isinalaysay ang numero nang cellphone niya.

“Ihatid ka na rin kaya namin?” Maya-maya ay tanong ni James na medyo tahimik lang kanina pa.

“Ai naku wag na baka lalo akong mapagalitan. Napapalibutan kasi ako nang mga kalalakihan e. Konserbatibo ang tatay ko eh at madaldal ang driver namin. Sige tawagan ko na lang si Manong para masundo na ako. Maraming salamat ulit sa pagsama sa akin sa pagliliwaliw,” sabi niya at kumaway na tumakbo na palayo. Hindi nagtagal at dumating na ang driver nila at inihatid na nga siya sa bahay nila.

Kabado siyang pumasok sa malaking bahay nila. Alam kasi niyang papagalitan siya nang ama.

“Saan ka nanggaling?” Malakas ang boses nito pero mahinahon lang iyon.

“Nagliwaliw po. I needed air and time to relax, Dad,” sabi niya at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob. Papanhik na siya sa hagdanan nang magsalita ulit ang tatay niya.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap. Bumaba ka dito,” utos nito sa kanya. Wala naman siyang magawa kundi ang bumaba nang hagdan at umupo sa harap nito.

“Bakit mo kailangng mag-relax? Is there something bothering you?”

“Kabado lang, Dad. Malapit na naman ang competition sa taekwondo. Matatapat pa sa finals namin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang unang gagawin at na-stress ako bigla.”

“Yun lang ba? Why don’t you just warm-up every morning sa may dojo then study sa afternoon kapag may time ka. Next time anak magpapaalam ka. Hindi naman kita papagalitan e,” sabi ng ama niyang si Danilo Reyes, isang Martial Artist at kilalang trainor sa buong bansa.

“Thanks, Dad! Pasensiya na po talaga. Mag-aaral na po ako. I love you!” Sweet na sabi niya sa Daddy niya. She was spoilt by her dad. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito na hindi na masyadong maibigay ng nanay niyang si Katalina Reyes, doktor sa family hospital ng lolo niya. She knew na mahal siya nang kanyang ina, napaparamdam naman nito iyon sa kanya pero hindi kasing pagpaparamdam nang kanyang amang super mahal niya.

“I love you too, anak. Darating daw ang mama mo nang maaga. Sabay-sabay na tayong kumain,” sabi pa nang papa niya sa kanya at ngumiti naman siya. Mga oras na pinakapinananabikan niya. Ang mabuo silang pamilya sa harap nang hapagkainan.

Nagbibihis na siya nang pambahay nang mag-ring ang cellphone niya. Curious ay tinignan niya ang kanyang cellphone. Number ito. Napakunot siya pero sinagot pa rin naman niya.

“Hello?”

“Hi! I thought your not gonna answer my call, It’s Elliot.”

“Oh! Bakit ka napatawag?”

“I just wanted to ask kung nakauwi ka nang maayos at kung pinagalitan ka nang dad mo?”

“Ahhhh. Nasa bahay na nga ako at nagbibihis ngayon. Yes, pinagalitan ako but not too much. Sinabihan lang akong magpaalam kung aalis or may lakad. Salamat sa concern ha.”

“Ahhh. Good to hear na nasa bahay ka na at hindi ka masyadong pinagalitan. Uhhhmm..”

“Yes?” Tanong niya dahil parang may gusto itong sabihin sa kanya.

“N-nothing. I just wanted to tell you to save my number. Sige bye na. I need to do some homeworks and review para sa finals.”

“Sige, i-save ko na lang yung number mo. Mag-study na tayong dalawa. Bye, El,” sabi niya at pinindot na ang end button. Isinave na rin niya ang number nito.

Lagi na siyang tinatawagan at tinetext nito. Tinatanong kung okay lang ba siya, kung kumain na siya, naka-pagaral na ba or yung simpleng pagbati lang nang good morning, good afternoon at good evening. Masaya naman itong kausap at ka-text at lagi na rin silang nagkikita, kasama man nito ang kaibigan or hindi. Syempre ito rin ang source niya sa lalaking natitipuhan, si Theo. For her, Elliot is the bestest friend na meron siya so far. Napakabait din kasi nito at caring.

“Let’s meet. The usual place at 5pm,” sabi ni Elliot sa text nito sa kanya. Hindi na siya nagtataka dahil lagi naman itong nayayaya kung kelan nito gusto at ganoon rin naman siya.

“Sure. I’ll be there pagkatapos nang class ko.” Ang textback niya dito. Natapos na ang klase at excited na rin siyang magpakita dito. Tapos na kasi ang finals at gusto niyang sabihin na pasado siya lahat. Dumating na siya sa pinagkikitaang coffee shop malapit sa eskwelahan nilang dalawa.

“Ang aga mo yata,” sabi niya dito dahil naandoon na ito at nakalahati na ang hot chocolate na lagi nilang iniinom.

“Natapos ang huling klase kanina e. The teacher said that it’s okay na umuwi. How’s your day?”

“Okay lang naman. Same same. Sorry kung hindi kita na text for one week. Super dami kasing ginagawa e. Competition and Finals,” sabi niya at umupo na. May lumapit namang waitress sa kanila na may hot chocolate na.

“Naks! Ini-order mo na kaagad ang akin. Bilib na talaga ako sa iyo. Oo nga pala! Pasado ako sa finals! Sisiw na sisiw sa akin ang aking finals at nanalo rin ako sa Taekwondo! Tinaasan na ako nang ranggo ni Daddy sa Dojo niya. Black na ako!” Excited na sabi niya na nahawakan ang kamay ni Elliot. Malamig ito pero pinagpapawisan. Ramdam niyang tense din ito.

“May problema ba? Ang tahimik mo e.”

“D.K... May tatanungin ako.”

“Sige, I-shoot mo lang,” sabi niya at nag-approved. For some unknown reason ay biglang kumabog ang kanyang heart. Hindi tuloy siya mapakali at lumingon-lingon. Ganoon kasi ang nararamdaman niya kapag padating na si Theo e.

“We’ve been friends for months and a half. I don’t know when or how but I just felt it na lang. I...I...I like you, D.K! Can you be my girlfriend?”




CALLING...calling, Doc. DK sa earth. Calling calling, Doc. DK sa earth.” Napangisi siya sa isiping iyon na pinutol ng kanyang katrabaho na si Nurse Arlene Bathan, isa sa mga matapang at maprinsipyong si Nurse Arlene.

“D.K? You alright?” Narinig naman niyang sabi nang kausap niya. Oh My! Nakalimutan niyang kausap niya pala ang kanyang bestfriend.

“Sorry! Lumutang lang ang aking isipan.”

“Lemme guess, Theo?”

“Kinda,” nagsinungaling na lang siya at napadila sa harap ni Nurse Arlene. Umiling na lang ito at lumabas na lang muna.

“So hindi nga tayo magkikita ngayong gabi?” parang may tampo ang boses nito. Medyo na-guilty naman siya dito dahil everytime na kailangan niya ang lalaki ay handa itong pumunta sa kanyang tabi.

“Sorry talaga, El! Sasamahan kita bukas! Wala akong pasok,” Actually ay meron pero makikipagpalit muna siya nang shift sa kahit sino. Hindi na rin kasi sila nakakapag-bonding nang matagal katulad nang dati.

“No, it’s fine. Alam ko naman na sa propesyon mo ay lagi kayong on call sa duty. I’ll just call somebody to drink with me,” sabi naman nito and sighs.

“Bakit ka ba kasi umiinom? Any problem?”

“Wala lang naman. Just wanna go and drink.”

“Ai, ang trip mo talaga minsan wala sa timing. Sige at magkita tayo bukas.”

“Okay. I will be expecting your call.”

“Sure. Sige mukhang may sasabihin sa akin si Nurse Arlene na importante eh. Bye, El. Ingat ka diyan at wag masyadong magpakalasing. Don’t drive when your drunk, just call a taxi or call me. Ihahatid kita kung kinakailangan basta wag kang mag-drive nang lasing.”

“Opo, Ma. Yes, Ma. Yes, boss. Yes, wife,” sabi naman nito na napangiti siya.

“Ai, wife talaga? Huwag ganoon nahahalatang patay na patay ka sa akin e. Hindi tayo talo pare,” sabi niya na nagboses lalaki. Narinig naman niya ang malutong na tawa nito sa kabilang linya. Ang sarap talagang pakinggan nang mga tunay na tawa nang isang tao. Hindi yung peke or yung pinipilit lang na tawa ha.

“Kaya pala binasted mo ako noon kasi hindi tayo talo.”

“Oo, kasi bading ka e,” pang-aasar niya dito. Kung noon ay masasabi niyang bading ito dahil malamya ito, ngayon ay hindi na. Mas nakilala na kasi niya si Elliot at nalaman niyang hindi pala pala-away ang lalaki. Kumbaga pa-cool effect ito.

“Bading ka diyan. I-umpog kaya kita sa muscles ko,” sabi nito na ikinatawa naman niya. Ganoon talaga sila mag-asaran nang kanyang bestfriend.

“Ai huwag! Baka malaman ko pang mas malambot pa pala sa muscles ko ang musles mo. Mahiya ka naman sa muscles ko!” sabi naman niya at napatawa na naman ito. Hihirit pa sana siya nang banat ngunit nag-page na ang Hospital.

“Calling Doctor Daphne Kane Reyes to Emergency Room. Calling Doctor Daphne Kane Reyes to Emergency Room.”

“Naku talagang binuo pa ang pangalan ko. Mapagalitan nga yung nag-page na iyon.”

“Ikaw talaga, sira ka. Pangalan mo pa rin ang iniintindi mo e kailangan ka na sa ER. Sige na, ibaba mo na ang telepono mo at tumakbo ka na sa ER.”

“Tsk. Sige na nga. I miss you, El. Yung bilin ko ha, huwag mong kakalimutan,” sabi pa niya dito bago niya pinindot ang end button. Kinuha niya ang stethoscope niya at isinukbit ito sa kanyang leeg. Nagmamadali naman na siyang lumakad sa ER.

“Nasaan na ang pasyente?”

“Ai yun na nga po, Doktora e. Kanina diba po nasa may opisina niyo ako? Tatawagin ko ho sana kayo para tignan ang kalagayan nang ka-baranggay namin. Ako po yung nagsugod, sabi ko sa mga ibang nurse na bantayan pero nawala na lang po.”

“Ai ganon? Ikaw ang nagpa-page sa akin no.”

Kumamot ito sa ulo at nag-peace sign. “Sorry po, Doc. Kasi busy kayo kanina e pero kailangan ko talaga kayo nun kaya lang po... Nawala nga si Mr. Putlain.”

“Okay lang. Try ko na lang tumulong din dito. I-check up ko na lang yung mga ibang nakapila,” sabi na lang niya at lumakad na sa nurse desk at tinignan ang mga nakasulat. Medyo madami rin pala. Buti na lang at tinawag siya atleast may gagawin na siya hanggang matapos ang shift niya.

Daphne used to be a Military Doctor. She graduated in a Bachelors degree in Medicine nang malaman niya na pumasok ang long time crush niya sa militar. She did a hella lot of persuasion sa tatay niya. Ayaw kasi siyang payagan dahill baka mapahamak siya.

Her job right now is much relaxing than in the army lalo na kung nasa kalagitnaan kayo nang isang giyera. Lahat nang mga sugatan, nabaril, nasaksak, nabombahan ay isinusugod sa Emergency Center nang mga militar. Kahit na marami kayo ay hindi pa rin sila nauubusan nang pasyente. Mahirap at nakakapagod ang pagiging Militar Doctor. She stopped nang hindi na niya kayanin pa ang walang tulog, malayo sa pamilya, at ang athmosphere sa pinagtratrabahuhan. Iisipin nga nang iba na nag-resign lang siya dahil nagresign na rin ang long time crush niyang si, Ex-Gen. Theodore De Guzman pero bahala na sila sa iniisip nila basta siya she misses her life in Manila. Naalala niya tuloy kung paano nag-umpisa ang pagpasok niya sa Militar.



Constant naman ang conversation nilang dalawa ni Elliot kahit na nga ba ilang taon na din silang hindi nagkikita. Ang last kita nila ay nung sabihin niyang ‘friends’ lang ang tingin niya kay Elliot na okay naman sa lalaki.

Naka-graduate na siya at nakapag-masteral na siya sa propesyon niyang Doctor. Itinext niya si Elliot at ang iba pa. Sakto namang magkakasama pala ang mga ito sa tambayan nung mga lalaki sa Regency at Salcedo.

Nag-biyahe na rin siya papunta doon at nadismaya nang hindi nakita si Theo. Nag-Hi at Hello sila at nag-beso-beso sa mga kaibigan.

“Long time no see! Matured na Matured na ahh!” sabi ni Ezekiel nang yakapin siya nito.

“Ano ako cheese? May matured at may hindi?” Banat naman niya at gumanti nang yakap sa kaibigan.

“Namiss kita ahh!” sabi naman ni James at yumakap na rin. Mas naging approachable na ang tingin niya dito at mas naging friendly.

“Don’t mind what Ezekiel said, you still look lovely, DK. I missed you,” sabi naman ni Sean na yumakap rin.

“I must say na gumanda ka nga,” sabi naman ni Ran at ngumisi bago ito yumakap sa kanya.

“Ai ganon? Ano ako dati panget?”

“Nope. What Ran meant was you’re breathtakingly beautiful now than before. I missed you, DK.” Maya-maya ay sagot ni Elliot sa kanya na medyo nagulat pa siya. Gwapo pa rin ito at maamo pa rin ang mukha pero tama nga si Ezekiel mas mature na itong tignan. Mas matcho na rin ito dahil sa propesyon na Engineer. Narinig niya na pinag-umpisa ito nang tatay na maging trabahador sa constraction site bago talaga naging Engineer sa kompanya nang tatay.

“You’re still the same as always, Mr. Bolero, pero I must say you still take my breath away kasi ang gwapo-gwapo mo pa rin,” sabi niya at hinigpitan ang yakap sa best friend. Hindi ito nagtanim nang sama nang loob sa kanya nung basted-in niya ito noon. For her ay mas naging close pa nga sila nang binata.

“Where’s the other one?” Tanong niya sa mga ito nang matapos na ang matagal nilang pagyayakap ni Elliot.

“Oh, Theo?On Duty ngayon si General e,” sagot ni Ran at ngumiti.





ITUTULOY...

No comments: