Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 1

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.

TEASER:

Matapang. Macho. Gwapo. Simpatiko. Mabait. Kwela. Yun ang mga katangiang gustung-gusto ni DK na makita sa isang lalaki at lahat nang iyon ay nakita niya sa long time crush niyang si Theodore De Guzman, isang General nang Militar. Kung iisipin nga ay fate nila na pagtagpuin sila ni Theo, it is all thanks to Elliot, Theo’s friend. Kung hindi ito pala-away at laging binubully ay hindi niya masisilayan ang kagwapuhan ni Theo, pero wait! Bakit tuwing andiyan si Elliot ay tumitibok ang puso ko nang super duper bilis! Hindi! Imagination ko lang ito! Kasama kasi lagi ni Elliot si Theo kaya naman laging mabilis ang tibok nang puso niya! Hindi niya type si Elliot!!!!! Weh? Di nga ba? Tse!



CHAPTER 1:


ISANG batang babaeng nasa edad 5-6 ang mag-isang naglalaro sa isang parke. Wala naman kasing pakialam ang bata kung mag-isa siya. Bagong lipat lang kasi ang pamilya ng bata sa isang exclusive subdivision, so wala pang kilala ang nasabing batang babae. 


“Narinig ko na anak ka nang tatay mo sa isang maid at nang malaman iyon nang lolo mo ay pinalayas yung katulong na nanay mo! Isa kang anak nang katulong! Yuck! Hindi ka nababagay dito!” Sumisigaw ang batang lalaki at dinuduro pa nito ang kausap na parang walang pakiaalam sa sinasabi nang lalaking bata. 

“Oo nga! Kaya lang daw tinanggap ka nang lolo mo ay dahil bading ang ama mo at ayaw daw mag-asawa nang babae! No choice daw ang lolo mo dahil walang magiging tagapagmana nang construction firm niyo! Umalis ka na dito sa subdivision namin! You don’t belong here! Doon ka sa squatter’s area!” sabi naman nang isa pa at parang naasar na sa walang pakialam na bata at itinulak na ito. 

Napatayo ang batang babae at nilamukos ang bulaklak na hawak nito. Inihagis nito ang bulaklak sa gilid at mabilis nitong tinakbo ang kinatatayuan nang tatlong lalaki. 

“Hoy! Hindi naman kayo inaano nitong lalaki ah! Why are you cruel to him?” 

“Look, Miss! You’re not in this conversation so just scram!” sabi nang isa and shoo the little girl away. Nagalit naman ito at sinipa ang lalaki sa may paa. 

“You don’t shoo a girl! You two are pathetic! Pinagkakaisahan ninyo siya mga bading!” sabi pa nito at bumelat sa dalawang lalaki. Napikon naman ang isa at akmang itutulak rin nito ang batang babae nang may humarang ditong may katangkaran na batang lalaki. 

Napatulala ang babae sa malaking likuran nang nagligtas dito. Nagulat kasi ito, handa naman siya sa lalaking tutulak sa kanya dahil trained siya. 

“I’m gonna tell both your parents that you’re bullying Elliot and a girl! Kung anu-ano pa ang sinasabi niyo sa kaibigan ko! Umalis na kayo!” sabi nang lalaki at nagsitakbuhan naman ang mga ito papalayo. Nakatulala parin ang batang babae sa lalaki kahit na nga ba humarap na ito sa dalawa. 

“You alright?” 

“Y-yes. Thank you.” Nahihiyang sabi nito sa nagtanggol sa kanya at ngumiti. 

“No, thank you for saving my friend. Lagi kasing binubully e but please don’t do anything harsh again. Dalawang lalaki iyon and hindi natin alam kung ano ang gagawin nung dalawa sa iyo kung hindi ako dumating,” sabi nito at nag-okay sign. 

“W-wala yun. Kayang kaya ko yung dalawang iyon e,” sabi nito sa lalaki at nag-thumbs up. Nagulat naman ulit ang babae nang may yumakap sa likuran nito. Nakatingin din kasi dito ang lalaking nagtanggol sa dalawa. 

“Thank you.” 

Hinarap nang batang babae ang lalaking yumakap sa kanya. “Sa susunod try to act like a guy! Tignan mo at babae pa ang nagtanggol sa iyo. Stop being pathethic and fight back lalo na at yung pamilya mo ang tinitira nila.” Humakbang na ang batang babae palayo sa dalawa habang nakakunot ang noo. Ang bilis kasi nang tibok nang puso nang batang babae at hindi naman nito alam kung bakit super bilis nun. Tumakbo na lang ito papalayo para makalayo sa dalawang taong nagparamdam sa batang babae nang ganoon. 



INAAWAY siya nang dalawang lalaking insecure sa kanyang pamilya. Hindi naman niya iyon pinapansin dahil alam naman niya ang katotohanan. His Mom died when giving birth to him and definitely his father is not gay. Elliot knows this at nararamdaman niyang hindi siya niloloko nang pamilya niya. Ayaw nang lolo niya ang secrets so everything his grandfather knows ay sinasabi sa kanya. Mahal na mahal din siya nang lolo at tatay niya. Kaya hindi niya pinapansin ang mga sinasabi nang iba dahil hindi iyon totoo. 

Hindi naman kasi talaga siya physically na sinasaktan nang mga lalaki. It was all talking, kumbaga verbal bullying lang and his not buying any of it. Nagulat na lang siya nang itulak siya nang isang lalaki. He was gonna hit the guy that did that to him nang may humarang na babae sa harapan niya at ginalit ang mga lalaki. Gusto niyang matawa pero nagulat siya nang akmang itutulak rin ang babae. He sighed of relief when Theo came in. 

Tumayo na siya at pinakinggan munang pagalitan ni Theo ang babae. Napangiti siya at bigla na lang niyakap ang babae. “Thank You,” sabi niya dito at naramdaman niyang na-tense ang batang babae dahil sa pagyakap niya. Ayaw pa nga sana niyang hiwalayan ang babae pero kailangan e. Baka maging mas ma-awkward ang babae sa kanya. 

“Sa susunod try to act like a guy! Tignan mo at babae pa ang nagtanggol sa iyo. Stop being pathethic and fight back lalo na at yung pamilya mo ang tinitira nila.” Tama nga naman ang babae sa sinabi nito. Kaya naman talaga niyang ipagtanggol ang sarili e. He just chooses not to use violence to people. 

Umatras ang babae palayo sa kanya. Mga isang dipa siguro or mas malayo pa. Nang makalayo na ang babae ay dinilaan siya nito at tumakbo na palayo. Ang cute! 

“I’ve seen that look,” kinuha na ni Theo ang atensiyon niya at ngumisi. 

“What look?” 

“Those look!” sabi nito at itinuro ang mata niya. “Your eyes are glistening. Parang nakakita nang isang bagay na gustong-gusto nito at may planong angkinin ito sa tamang panahon,” sabi nito at napangisi ulit. 

“I don’t know what you’re talking about, brod,” painosenteng tanggi niya sa kaibigan. Well, isa lang ang alam niya at yun ay ang gusto niyang maging kaibigan ang babae at maging close sila. 

Hindi nagtagal at dumating na ang mga inaantay niyang mga kabarkada na may magandang nasabit. Si Ara. Kumaway ito at tumakbo patungo kay Theo. Nakita niyang nag-roll eyes si Theo dahil nakasabit na naman si Ara sa beywang nito. Super close kasi ni Ara sa kaibigan. 

“What are you guy’s talking about?” Inosenteng tanong nang batang babae. Mas bata kasi ito sa kanila nang di hamak kaya wala pa itong kaalam-alam. 

“We are talking about Elliot’s and your eyes. They are the same,” sabi naman ulit ni Theo nang makalapit na ang lahat. Napatingin tuloy ang mga ito sa kanya and then kay Ara. 

“Oh now I know! ‘That’ look,” sabi naman ni Sean at napangisi. Napangisi na rin ang lahat except for him and Ara. Nag-apir-an pa nga ang mga ito. 

“I have no idea what you all talking about,” sabi na lang niya sa mga ito. 

“No worries. You will know soon enough,” sabi naman ni Ran na akala mo ay matanda na. 



LUMAKI si Daphne na ang hinahanap niya sa isang lalaki ay ‘badboy’ ang image or maangas image. Lahat nang naging boyfriend niya ay pawang mga ganoon. Malakas kasi talaga ang attraction niya sa mga ganoong tipo pero wala naman kasing tumatagal na boyfriend niya dahil may kulang. Wala yung gentleman at pagiging palangiti. Kung hindi kasi mukhang badboy ang mga nakukuha niya ay talagang maangas ito at super ang tiwala sa sarili. Nakakaturn-off kumbaga. 

Marami na ring nagsasabing para siyang lalaki kung umasta when it comes to changing boyfriends. Lagi daw kasing bago ang boyfriend niya pero pare-pareho lang daw naman lahat. Eh, wala siyang magagawa. Yun yung natipuhan niya eh. 

Natatawang nag-reminisce siya sa kalagitnaan nang shift niya sa ospital nang pamilya niya, kung paano siya nagkaroon nang ganoong tipo. She was in 2nd year highschool then, sa isa sa mga exclusive na highschool. 

Nakapagdesisyon siyang takasan muna ang driver at tagasundo niya at magliwaliw sa may bayan. She never really had time to have fun. Medyo stress din siya dahil malapit na ang Taekwondo competition at magaling daw ang makakalaban niya. She was practising all day in his father’s dojo. Isang Taekwondo Teacher ang ama while her mom is a doctor. Mas close sila nang ama niya kaysa ang ina niya dahil busy ito sa hospital pero hindi naman iyon naging hadlang para maramdaman niyang mahal na mahal din siya nang ina. 

“Huwag mo nang lalapitan ang girlfriend ko kung ayaw mong bangasan ko ang pagmumukha mo!” Banta nang isang lalaki sa na-corner na nitong matangkad at maputing lalaki. Dalawa ang nakapalibot dito para hindi makatakas. 

“Hindi ako ang lumapit. Siya ang lumapit sa akin. Why don’t you put a leash on your girl para hindi na siya pumulupot sa ibang lalaki,” sabi naman nang na-corner na lalaki. Kapag ganoon ang sitwasyon ay dapat hindi na ginagalit pa nang lalaki ang kumorner dito. Napa-tapik tuloy siya sa noo at lumapit na. 

“Hindi ba masyadong unfair kung dalawang lalaki laban sa isa? Why don’t you just leave this guy alone and be a good student and study, hindi yung nam-bubully kayo nang tao,” sabi niya nang pigilan niya ang naka-ambang kamao na nakatutok sa matangkad na lalaki. Napalingon at lumayo ang dalawang lalaki sa na-corner na lalaki. She took her chance to stand infront of the man and grins. 

“Wala kang pakialam dito, Miss. Usapang lalaki ito. Doon ka na sa palengke at mamalengke. Magluto ka rin kaya para naman ma-fullfil mo ang pagkababae mo. Dapat ay behave lang kayong mga babae and do some house work,” sabi nito sa kanya at ngumisi nang nakakaloko. Napataas ang kilay niya. Masyado yatang minamaliit nang lalaking ito ang mga kababaihan. 

“Look kahit babae ako ay kaya ko kayong patumbahin. Don’t underestimate us females! Lahat nang kayang gawin nang lalaki kayang gawin nang babae,” sabi niya sa mga nang mamaliit sa mga kababaihan. She really hate people who are sexist, male chauvinist, prejudiced people, bigot or any other words na ang tinutukoy ay ang pagmamaliit sa mga kababaihan. 

Dahil sa sinabi ay nagkatinginan ang dalawang lalaki at tumawa nang malakas at nakakaloko. Aba ang mga hinayupak! Ginagago lang siya! 

“Try me or are you afraid that you’ll get beaten by a girl that you’re looking down on to,” the guy provoked her so in return, she will provoke the guy too! Huwag niyong gagalitin si Daphne lalo na kapag nasa badmood siya. 

“Miss...” tawag sa kanya nang kanyang ipinagtatanggol na lalaki. Hindi naman niya pinansin iyon at naghanda na sa mga kakalabanin. 

“Stay there. I’ll protect you with this two useless and coward guys. Just watch and learn,” sabi pa niya sa lalaki sa likuran at ngumising nakatingin sa umuusok nang mga ilong nang dalawang lalaki. 

“Aba! Ang angas mo ahhh!” sabi nang lalaking sobrang laki nang butas nang ilong kasi napikon ito sa kanya. Mabilis na lumapit ito sa kanya at akmang sasapakin siya pero hinarang iyon nung lalaking nasa likuran niya lang kanina. Hindi niya napaghandaan iyon, masyadong mabilis itong kumilos kaysa sa kanya. Nasapak tuloy ito. Natigilan ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit pero napahakbang yung dalawa palayo. 

“What are you two still doing here? Nakasapak na kayo sa akin, right? Just leave,” mahinahon ang sabi nang lalaki pero mabilis na tumakbo ang mga ito papalayo. 

“Bakit mo hinarang ang sarili mo? Huwag mo sabihing isa ka ring katulad nila na sa tingin mo ay hindi ko kayang pataubin ang dalawang mokong na iyon?” tinaasan niya nang kilay ang nakatalikod parin na lalaki. 

Lumingon ito at sumirko na parang nasa roller coaster ang kanyan puso. Weird! “It’s not your fight, miss, yun dapat ang sasabihin ko sa iyo kanina pero hindi mo ako pinansin. In the first place ay ako naman ang kaaway nung dalawang iyon,” litanya nito sa kanya. May dugo ito sa gilid nang bibig pero bakit parang ang gwapo nito sa paningin niya. Napakurap naman siya nang dalawang beses dito. 

“And I am not like them. Hind ko minamaliit ang mga kababaihan. I think females are very strong kind of human, mentally and emotionally, and I admire all of yous. Ang akin lang naman ay hindi dapat sinasaktan or susuntukin ang mga babae kundi inaaalagaan at minamahal,” sabi pa nito sa kanya at tinitigan siya. Super tuloy ang kabog nang puso niya. Parang pinapatamaan siya nang estranghero. 

“Brod?” Napalingon silang dalawa sa dumating na lalaki. Napakurap ulit siya at kumakabog parin ang kanyang dear heart. Ito yung lalaking nagtanggol sa kanya dati! Oh my God! Is this fate?! 

“Theo...” tawag naman nang katabi niyang lalaki na nasapak. Hindi naman nagtagal ay nagsulputan ang iba pang gwapo at nagtatangkarang mga lalaki. Napapalibutan siya nang mga gwapo! Lord, huwag mong sabihin na mamamatay na ako kaya ipinaparanas mo na ang heaven sa akin? Napatanong tuloy niya kay Lord. 

“What happened? Why do you have wounds on your lips? Don’t tell me that your still getting bullied?” sabi naman nang mukhang foreigner na binatilyo. May kinuha ito sa bulsa nang uniform nito at iniabot sa lalaki sa tabi niya. For the first time, nabatu-balani siya sa kagwapuhan nang mga lalaking nakapalibot sa kanya. 

“Thanks, Brod,” sabi naman ulit nang may sugat na lalaki sa nag-abot nang panyo. 

“I think I know you...” maya-maya ay sabi nang lalaking nagngangalang ‘Theo’, ang hero niya. “Don’t you think she looks familiar, El?” sabi pa nito na kanina pa pala siya pinagmamasdan. Namula tuloy siya sa naisip at na-concious. Oily kaya ang face niya? 

“S-Staring is rude,” buti na lang at naapuhap niya ang mga katagang iyon at pinatapang. Napangisi naman si Theo at nag-peace sign. 

“Theo Babes!!!!” Napalingon silang lahat sa pinanggalingan nang boses except si Theo. Napa-roll eyes pa nga ito nang silipin niya ulit ang lalaki. Humihingal ang mala-maynikang batang babae na nakatayo na sa harapan nila. She’s very beautiful and stunning kahit na nga ba bata pa ito. Kung ikukumpara sa kanya ay super feminine ang babae na hindi tulad niya. Mahaba naman ang buhok niyang straight na straight hanggang collar bone niya pero wala siyang burloloy sa kanyang buhok or ipit na hindi katulad nung batang babae na may yellow ribbon na nakatali sa curly na buhok nito. 

“Stop calling me that, Ara,”mahinahong sabi naman ni Theo sa babae. 

“Well, nagpra-practise lang ako for our future. Theo babes, I love you,” sabi pa nang magandang bata. 

“We are too young for that kind of stuff. Stop watching dramas with your yayas.” 

“Too young ka diyan. I am already 13 and you’re already 17. Mag-debut ka na nga e. Magbibinata ka na, pwede na tayong maging tayo. Ako bahala kay daddy.” 

“Sira! Walang debut ang lalaki no. Pangbabae lang iyan. Leave Theo and be mine.” Nakakaloko namang ngumiti ang medyo magulo ang buhok kay ‘Ara’. 

“Si fafable Kuya Zeke talaga ang galing mag-joke. Stick-to-one ako no. Tsaka di ako nakakaintindi nang english e. Ano ba yung huli mong sinabi?” Banat naman ni Ara sa tinawag nitong ‘Zeke’ na ikinatawa nang lahat. 

“Ahhhh! I remember now! You’re the one who save me when we were still young! Ikaw yung sumigaw sa akin at pinagsabihan pa nga ako,” maya-maya ay sabi ni ‘El’ sa kanya. Hindi niya alam na kanina pa pala siya tinititigan nito. 

“Ahhh! Oo nga! Ikaw nga yun! Don’t tell me at ipinagtanggol mo ulit si Elliot?” 

“Ai hindi. Kaya nga yan nasapak e. Hindi na ako pinayagang ipagtanggol siya ulit,” sabi naman niya at tumingin kay Elliot. Hindi pa rin pala nito pinupunasan ang dugo sa gilid nang labi nito at hawak hawak pa rin nito ang panyong iniabot nung foreigner. 

“You alright, Ara?” Nag-aalalang tanong ulit nang foreigner na katabi ni Ara. Napalingon tuloy silang lahat sa dalawa. Namumutla ang kani-kanina lang ay masayahing si Ara. Medyo nanginginig na ito nang mabilis na nilapitan ni Theo at niyakap. Iniharang nito ang matangkad na katawan sa babae. 

“Sorry, Miss, pero kailangan ko nang iuwi itong si Ara. Take it easy, Elliot and wipe that blood of yours. We better go,” sabi naman ulit nito ang nag-wave for goodbye na. Nagbye na rin ang mga kasamang gwapong lalaki dito. 

“By the way, Ara, you behave! Wag mong ubusin lahat nang pabango sa katawan ni Theo ha, baka bumaho,” natatawang sabi ng magulo ang buhok sa dalawa. Napalingon tuloy ang babae at bumelat. 

“Ara’s been through so much. She’s afraid of blood because of that. Kahit ang maliit na dugo katulad nito,” maya-maya ay nagsalita ulit si Elliot. 

“Ahhhh. Ganon pala yun. Kawawa naman si Ara.” 

“Pero it’s fine. She’s happy kapag nasa tabi niya si Theo. By the way, I haven’t properly introduce myself and my brod. I am Elliot. Call me, El.” 

“Nice meeting you, El, I am DK.” 

“D.K?”




ITUTULOY...

No comments: