Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 11

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


After 3 Years... 

Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong taon. DK went back to Theo’s Island para gamutin ang dalaga. Naging mas close na rin sila ng dalagang si Ara at naging mag-bestfriend din, dahil na rin sa nagkakaintindihan silang dalawa. Close sila pero hindi pa rin talaga niya makakalimutan ang pagiging close nila ng dating bestfriend na si Elliot. 

Mula noon ay hindi na niya nakausap pa ang binata. Mas nauuna ang hiya niya dahil sa sakit na ibinigay niya dito. Hindi rin naman kasi ito nakikipag-communicate sa kanya. Malungkot at hindi katulad ng dati ang buhay niya. Hindi na rin siya nakikipagrelasyon dahil wala na siyang motivation. 

Natatawa nga siya dahil mukhang nag-boyfriend lang siya para ipakita kay Elliot na may nagmamahal din sa kanya kahit na hindi pa siya mahal ni Theo at para mapalapit lang din lalo kay Elliot. Sabihin nang sira-ulo siya at papansin pero ganoon nga siguro siya. Kulang kasi siya sa attensyon lalong lalo na sa kanyang nanay. 

Suot-suot din niya ang package niya na galing sa binata 3 years ago. For her, ito ang farewell gift ng binata sa kanya. Hindi niya masisisi ang binata dahil siya lahat ang may kasalanan. Nasaktan niya nang lubusan ang binata. Sobra-sobra na hindi niya kayang ipakita ang mukha sa binata. 

May lakad siya. Tapping kasi ng interview para kay Ara. Ara called her para samahan siya pero male-late nga sya dahil may mga pasyente pa siya. Dumating na siya sa part na matatapos na ang taping. 

“So we heard that may mysterious guy sa iyong buhay. It was your childhood love, kamusta na si chlidhood love mo?” Sabi Jacqueline Navarro, isa sa mga kilalang T.V Show host ngayong taon. 

“Ha? Si Childhood love? More like childhood friend. We are friends noon hanggang ngayon. It’s just that we cannot go any further than that.” Nakangiting sagot ni Aphrodite sa nag-iinterview sa kaibigan. Alam niyang gusto nang maiyak ng kaibigan. Something happened between Theo and Ara that made those two end their relationship. Pareho sila nang katayuan at estado ngayon ni Ara. 

“So, you are very single and available ngayon? Narinig niyo yon mga gentlemen? Single daw si Miss Aphrodite. Well, thanks for answering our question for today.” Hindi nagtagal at nag-pack up na ang set. Nakita niyang tumayo ito at nagpaalam na nakangiti sa director at producer ng show bago lumabas ng studio. 

“Ara!” Tawag niya but the lady seems to be preoccupied. Lumapit tuloy siya sa bilihan ng mga tubig at bumili ng dalawa. She knew well na iiyak na naman ang dalaga. DK gave the lady time para naman ibuhos ang lahat ng emotion in one go. Kahit siya, kapag naaalala niya ang masasayang pagsasama nila ng dating kaibigan ay naiiyak siya. Napatingin tuloy siya sa kisame. Naaalala na naman kasi niya si Elliot. 

“Wag nang iiyak. Kasalanan mo rin naman e. Wag ka ngang pasaway, DK.” Pag-aalo niya sa sarili dahil malapit na siyang maiyak. Nararamdaman niyang nanunubig na ang mga mata niya. Nag-inhale at nag-exhale na rin siya para mapagaan ang sariling emosyon. 

“Makapunta na nga kay Ara ng hindi ako mag-emo dito,” sabi niya at lumakad na sa dressing room nito. Naririnig niyang nahikbi ito. Napabuntong hininga siya at kumatok. Narinig niya tumahan ito at naglakad na patungo sa pintuan. 

Napangiti siya ng malungkot. “Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong niya dito at sinagot siya ng pagtungu-tungo nito. 

“Yes. Mukhang nag-adlib si Jac sa tanong na iyon. Hindi tuloy ako prepared.” Natatawang sabi nito pero tumulo na ulit ang luha. Pumasok na siya at inilock ang pintuan. Doon niya niyakap ang dalaga. 

“Hush, Ara. Okay lang yun. Gago kasi yung si Theo e.” Pag-aalo nito at hinimas-himas ang likuran ng dalaga. “Kalimutan mo na lang siya. It’s his lost not yours. Just date someone, Ara. Masyado mong binuburo ang sarili mo sa trabaho kaya nga hindi mo makalimutan si GT e.” 

“Pero—.” 

“No buts, Ara. I will set a date for you and my cousin, Zach. Magkakilala na naman kayo nung ugok na iyon e. Mukhang tinamaan rin sa beauty mo.” 

“Fine. I will do it for you and my parents. Nag-aalala na rin ang mga iyon sa akin. Kulang na lang ay ipa-raffle ako nang mga iyon para lang makipag-date ako.” Natawa silang parehas sa banat ng dalaga. 

Is it time for me to move on as well? Move on?Naloloka na siguro ako. 

“Let’s go. Wanna hang-out?” Tanong niya dito nang mag-ayos na ang dalaga. 

“Sure. Let’s go,” sabi nito at umangkla na sa kamay niya. Kung dati ay maikli ang buhok niya ay ibang-iba na ngayon. Mahaba na rin ang buhok niya na hanggang bewang na ang haba. Natural na bagsak ang buhok niya. 

Mas marami nang nanliligaw sa kanya simula nang mag-umpisa na siyang magpahaba ng buhok. Yun kasi ang tanda na naghiwalay sila ng kanyang bestfriend. Three years na niyang inaalagaan ang buhok niyang mahaba. 

Ang laging sagot niya sa mga manliligaw niyang makukulit ay ang singsing na bigay sa kanya ni El. ‘Panlaban sa aswang’ ang tawag ni Ara sa singsing niya. Kasi nawawala kaagad at di na nagpapakita ang mga manliligaw niya. 

Lumabas na sila ng studio at pasakay na sa sasakyan niya nang may mahagip ang gilid ng mata niya. Si Elliot iyon, wala nang iba. Kilala niya ang tayo nito at ang buhok nito. 

“El...” Nasabi niya at lumakad na papalapit. Dinaanan ba siya ng binata? Magkabati na ba ulit sila? 

“E—.” Napatigil siya sa pagtawag sa lalaki nang lumabas na si Chloe at ang anak nito. Nakangiting nagpabuhat ang batang lalaki sa binata. 

“Oh...” Napatutop niya ang bibig. Doon naman lumapit si Ara. 

“Hey. Are you alright?” Nagtatakang tanong nito. 

“Y-yes... It’s Elliot and Chloe. They look happy, right?” Sabi niya pero naluluha na siya. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman niya sa puso niya. 

“Yes they do look...happy. What’s wrong? Why are you crying?” Nagtatakang tanong nito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. 

“Huh?” Napakunot ang noo niya at mabilis niyang inilapit ang kamay sa pisngi niya. Lumuluha na pala siya. Ang sakit naman kasi sa puso e. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Am I jealous of Chloe? 

“I... I’m sorry, Ara. Can I ask you a favor?” Determinado niyang tinignan ang dalaga. 

“Sure, what is it?” Nagtataka pero alam nitong may pla-planuhin silang malupit. 

“Wait. Imma go call Ran to ask another favor again. Let’s fight for our happiness this time.” 

“Yes!” Pagsang-ayon naman nito. Dapat ay noon pa niya ito ginawa, tutulungan niya ang dalaga at si GT na magkatuluyan. Ito na rin siguro ang kabayaran niya sa pananakit ng damdamin ni Elliot. 



3 years na ang nakalipas simula nung hindi na niya dinalaw pa ang dalaga. Napakahirap sa kanya dahil umikot na halos ang buhay niya sa dalagang minamahal niya pa rin hanggang ngayon. Hirap siya pero thanks to Chloe ay medyo nakakalimutan niya ang dalaga at salamat na rin sa makulit nitong anak na kamukhang kamukha ng tatay nito. 

“Uncle!” Sigaw kaagad ng bibong-bibo na si Aaron (3 years old). Nagmamadaling umalis ito sa hawak ng nanay nito at nagpabuhat sa kanya. Uhaw kasi sa kalinga ng ama kaya masyadong close ito sa kanya. Siya na rin ang parang tumatayong pangalawang ama nito habang wala pa ang kaibigan niyang si Ezekiel. 

“Hi, baby! I missed you,” sabi niya naman dito at kinarga na niya ito. “Kamusta naman ang lakad mo sa loob?” Nasa labas kasi sila ng T.V Station dahil mas gustong makausap ni Chloe ang mga cliente nito. Isa kasi sa mga host sa loob ay nagpatulong na makakuha ng date para dito. 

Okay naman. Kakatapos lang nung taping ni Aphrodite sa loob kaya nakausap ko si Miss Jac para sa details ng off niya.” 

“Ai buti naman. Kamusta na kaya yung mokong na yun?” Naalala niya kaagad ang kababatang si Ara. 

“Sino si DK?” 

“Huh?” 

“E nakita kong kasama ni Ara si DK e. Ang ganda pala nun kapag mahaba ang buhok niya. Mas gumaganda. Napansin ko tuloy ang magandang singsing nito sa daliri. Mukhang engage na si Doc.” 

Biglang parang sumakit ang puso niya sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya akalaing mag-aasawa na ito. Sabagay, ano nga ba ang halaga niya sa dalaga? Dating kaibigan lang naman siya nito e. Ngayong wala na siyang koneksyon ay wala rin siya para dito. 

“I’m sorry, El. Napaka-daldal ko talaga,” sabi nito na natutuop ang bibig. Napangiti naman siya sa babae. Eto na ang parang pumalit na DK sa buhay niya ang kaibahan nga lang ay kaibigan lang talaga ang gusto niya dito. Hindi niya tuloy maiwasan ang ‘panliligaw niya dito’. 

It’s been two years since nang magkalapit sila lalo ng nanay nang si Chloe. Mabait ito at laging nakaalalay sa kanya dahil na rin sa pagiging broken hearted niya. Imbes na nga na siya ang umaalaga dito noon ay siya pa ang inaalagaan nito. Lagi kasi siyang naglalasing tuwing magkasama sila. Crying my sadness away, ika nga. 

Nag-1 year na rin si Aaron at lalo akong napalapit sa babae. Maganda na mabait pa at matulungin. Paano nga bang hindi maiinlove sa isang katulad ni Chloe? 

Napagisipan niyang manligaw sa babae pero syempre ay nagpaalam muna siya kay Ezekiel. Alam niyang nashock ang ka-brod pero guilty pa rin ito sa pang-iiwan sa dalaga at sinabihan pa siyang ingatang mabuti ang mahal na babae. Dahil sa blessing na iyon ay naglakas siya ng loob na ligawan ang babae. 

Bumili siya ng chocolates at teddy bear. Mahilig kasi si Chloe sa chocolate na dark. Ipinangako na niyang iisang babae lang talaga ang kaya niyang bigyan ng bulaklak. Dumating siya sa bahay ni Chloe dahil off ito para alagaan ang cute na baby Aaron nito. 

“Here,” sabi niya at inilapag ang stuff toys at chocolate sa lamesa. Napangiti naman ito at ibinigay kaagad kay Aaron ang laruan na kinagat lang ng baby na si Aaron. 

“Salamat ha. Hindi pa naman birthday ni Aaron or birthday ko ah. Para saan ba iyan?” 

Natawa siya. Ganoon ka-cute ang dalaga sa paningin niya. “I wanted to tell that I want to court you.” Nakangiti niyang turan pero seryoso siya. 

Nakita niyang napatanga ito sa kanya ng ilang minuto bago bumunghalit ng tawa. Medyo napakunot noo siya dito kaya naman tumigil ito. “Loko ka! Seryoso ka ba diyan?” 

“Yes.” 

“Ai, El. Bangengerz ka lang. Akala mo lang na mahal mo na ako or gusto mo ako kasi inaalagaan kita. Try to think of me and you then hold your heart. Ramdamin mo kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo,” sabi nito na ginawa naman niya. Normal ang heartbeat niya dito. 

“It’s normal. Why?” 

“Good. Now try thinking of DK and you.” Pagkasabi pa lang ng ‘DK’ ay biglang bumilis na kaagad ang tibok ng puso niya. Nanginginig na inilapit niya ang kamay sa dibdib niya at tumitibok iyon ng mas mabilis kaysa kanina. 

“I get what you mean. Thank you but aren’t you cruel?” Nakangisi nang sagot niya. 

“I am. Ganyan din ako sa sarili ko e. I sill love Ezekiel and you still love DK. We are actually in the same boat kaya akala mo ay gusto mo ako. We are kinda using each other in a way na rin. Salamat at nagpapagamit ka sa akin.” Napangiti na ring sabi nito. 

“Nagpapagamit ka rin naman sa akin e. Quits lang tayo,” sabi niya dito. Instead na ma-disappoint siya dahil nabasted na naman siya ay mas masaya siya ngayon. May nakakaintindi na sa kanya at kaibigan niya pa. 



Hindi nagtagal at dumating na sila sa bahay ng dalawa. Wala kasi ang yaya ni Aaron kaya isinama ito ng dalaga sa trabaho nito at dahil wala rin naman siyang pasok ngayon ay nag-volunteer na siyang maging yaya ng bata. Maglalaro sila ni Aaron habang inaasikaso ni Chloe ang pagkain nilang lahat. 

o-o-o-o-o 

Nakita nilang tumigil ang sasakyan nito sa bahay ni Chloe. Napag-alaman nilang bahay ito ng dalaga dahil na rin sa record nito at ng anak nito sa hospital. Parang masayang pamilya ang tatlo at pumasok na sa loob ng bahay ng dalaga. 

Hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Nalaman niyang mahal niya ang binata noon pa. Si Ara na rin ang nagpatunay nito. Hindi na siya naghahanap ng gagawing boyfriend dahil akala niya noon ay super depressed siya pero ilang taon na ang nakakaraan ay ayaw niya pa rin magpaligaw at ngayon ay ginagamit na niyang pansalag ay ang singsing na ibinigay ni El sa kanya. Tinanong rin ni Ara kung ano ang pagkakaiba ng sakit na naranasan niya noon kay Theo at El? Or kung gaano na niya katagal hindi iniiyakan si Theo. 

“Hindi pa naman natin sure kung sila na nga talaga, DK. Let’s think positive here, DK.” Pag-aalo ulit nito sa kanya. 

“I hurted El far too long. Isn’t it the time to wish for his happiness? Pero bakit hindi ko yata kayang ibigay ang blessing ko sa dalawa? I wanted Elliot all for myself. Ang tanga-tanga ko talaga. I took Elliot for granted. Ngayong wala na siya sa tabi ko ay saka ko lang mare-realize na mahal ko pala siya noon pa?” 

“Tell him. Kaya lang naman kayo nagkahiwalay ay dahil akala mo ay hanggang kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa kanya. Minahal ka ni fafa El for 13 years, I am sure na hindi ka pa niya nakakalimutan. You have to be honest sa feelings mo at sabihin mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. I’ll help you.” 

“Maraming salamat, Ara,” sabi niya dito at niyakap niya nang mahigpit ang dalaga. Ara’s right. It’s time na siya naman ang magpakahirap siya para makuha ang pagmamahal ng binata na nimahal siya ng sinsero. She needed to be sincere, specially for him. Hindi niya kayang mag-accept ng pagkatalo habang hindi pa naman alam ng binata na mahal niya ito.



ITUTULOY...

No comments: