Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 10

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.



It’s 4 in the morning again. Gising na gising na siya at masaya ang feeling. Tulog na tulog pa rin ang kanyang mahal na mahal na kaibigan. Kahit gising na gising na siya ay hindi pa rin siya natayo. He wanted to look at her sleeping face kahit man lang ilang saglit pa. 

He decided. His going to court her again. He wanted to marry the girl na pinakamamahal niya ng lubusan. May nangyari sa kanya at handa niyang pakasalan ang dalaga sa lahat ng simbahan. Hindi niya tuloy mapigilan ang halikan ito sa noo bago siya tuluyang tumayo. 

Lumabas siya para mag-stretching. Alam niyang pagod na pagod ang babae kaya sure siyang magtatanghali na ito makakagising. Tatakbo muna siya sa paligid ng condo para gawin ang morning ritual niya. 

Makalipas ang isang oras ay pawisan na naman siya pero feel niya ay hindi pa siya pagod at kaya niya pang mag-work out kahit na isang oras pa. Humihingal man ay tinakbo na lang niya ang condo ni DK sa pamamagitan ng hagdanan. Ganoon siya kasaya. His happy na ipinagkaloob ni DK ang sarili sa kanya. Alam niyang alam ni DK na siya ang kasiping nito ng nagdaang gabi. 

Naligo siya at kumain na. Kailangan niya kasing puntahan si Ezekiel. He decided to tell Ezekiel what he really knows para maayos na ang love life ng kaibigan. Hindi niya kayang umupo na lang ang pretend na everythings alright lalo na sa paligid niya. 

Elliot looked around to find a piece of paper and a pen. Maglalagay siya ng message for DK. Nagluto na rin siya ng pagkain for her. Kinuha ang susi sa lalagyanan nila ng susi ni DK at masaya nang umalis. 



“Yow!” Nakangiting bati niya sa nagbukas ng pintuan ng condo. Si Ezekiel iyon. Medyo nagulat ito dahil ang aga niyang nambulabog. “Kamusta?” 

“Mabuti naman brod. How’s Chloe?” Tanong agad nito nang papasukin siya at aluking umupo sa sofa. 

“Zeke, sino yung duma—. E-elliot.” Natigilan silang pareho. Si Cecil ang babaeng nagsalita at malaki na nga ang tiyan nito. Kasing laki ng sa asawa ni James na si KC. Bigla tuloy sumeryoso ang mukha niya at pinilit nangumiti. 

“El... I need to explain everything.” 

“Good. Because I really want to ask you what the hell is happening.” 

“A-ahh. Sa kwarto na lang ako. I’m sorry sa istorbo,” sabi ni Cecil at pumasok na sa loob. 

“Why is that lady here?” 

“She wanted to stay here until she give birth. She’s dying. Her only wish was to stay here until she gave birth and die. Sabi niya na gusto niyang maranasan ang magkaroon ng pamilya. She needed me, El.” 

“And you think hindi ka kailangan ni Chloe? Chloe was in the hospital.” 

“W-what?” May pag-aalala sa mukha ng kaibigan. Elliot knew that the guy loved Chloe so much pero mukhang nagpapakatanga ito sa salitang ‘commitment’. 

“Nahimatay siya dahil sa stress at pagod.” 

“Is...she alright?” 

“You know, Chloe. Sooner or later ay makakabangon din yun sa lahat ng problema niya at aangat pa. Why don’t you tell this things to Chloe? Alam na ni Chloe ang tungkol kay Cecil.” 

“You told her?” 

“I did. She needed to know the truth. Pinilit na rin ako ng ibang ka-brod natin na sabihin. You owe the married couple a lot and so is Chloe.” 

“I’m not ready yet, El.” 

“At kelan ka naman magiging ready? Chloe needed an explanation right now.” 

“I’m sorry. Call me a coward or a stupid guy pero nakapangako na ako kay Cecil to stay with her until she dies.” 

“E paano si Chloe?” 

“Do me a last favor, El. Take care of Chloe for me. Mawawala ako sa kanyang tabi nang matagal. Panahon na rin siguro ito para ma-realize ko talaga kung ano ang mahalaga sa akin. I wanted to know everything slowly. Lagi akong nasa fast pace at ngayon ko lang gustong maghinay-hinay. I think that Cecil will give me time. Hindi naman niya hinihingi ang pagmamahal ko.” 

“But...” 

“Please, El.” 

Napabuntong hininga siya pero napatungo. “Fine. Ako na rin ang magpriprisintang magsabi sa iyo ng mga nangyayari sa kanya. Aalis na ako. I need to do my courting.” 

“Your courting who?” 

“I’m gonna court DK again.” 

“Good Luck then. I think you needed that.” 

“Thanks. Gotta go. Mag-ingat ka ha? Alagaan mo rin yang si Cecil at ang anak mo. Ako na muna ang bahala kay Chloe.” 

“Maraming salamat, Brod. Ingat ka rin. Ingat kayong lahat,” sabi nito at inihatid na siya palabas ng condo nito. 



Dumaan siya sa flower shop at nagpasadya pa siyang magpagawa ng isang flower arrangement. Sinabihan niya ang may-ari na babalik na lang siya matapos bumili rin ng mga kailangan niya para sa panliligaw. Pumunta siyang cake shop para bumili ng sansrival cake na gustong-gusto ng dalaga. Nagpunta na rin siya sa stuffed toy shop para bumili. She always tells him na hindi man lang ito nabibigyan ng stuff toy na regalo galing sa mga naging boyfriend. 

Nagpasya na siyang kunin ang mga bulaklak at bumalik na sa condo ni DK. His sure that DK’s already awake at naliligo na. Namangha naman siya nang makita ang bulaklak na iniayos para sa kanya. 

“Maraming salamat, Mags.” Nayakap niya tuloy ang kaibigang flourist dahil nagandahan talaga siya. 

“Basta para sa iyo. This is the second time ma bumili ka ng bulaklak. Don’t tell me siya pa rin all this years?” Nakangiting sabi ni Margaret, ang bilihan lagi ng bulaklak nila ng kanyang mga ka-brod. 

“I only give flowers to her, Mags. I would never use your flower for fun.” 

“I know that kaya nga extra special ang ibinigay ko sa iyo. I know that your sincere. I really hope na maganda ang kalabasan ng lahat.” 

“Maraming salamat talaga, Mags. I am sure na magagandahan ito sa bulaklak.” 

“O siya at puntahan mo na siya. Tawagan mo kaagad ako if it’s a good news.” 

“Sure. Bye, Mags,” sabi pa niya at exicted nang umalis sa shop ni Margaret. Hindi nagtagal at dumating na siya sa condo nito. Dumiretso na siya sa loob gamit pa rin ang susi niya. 

Naririnig niya ang buhos ng tubig na nanggagaling sa banyo. Naliligo na nga ang dalaga. Mukhang kakagising lang. Nakita niyang hindi pa nito nagagalaw ang pagkain kaninang niluto niya. 

Inilapag niya ang mga dala sa lamesa sa sala at nagpunta na ulit sa kusina para magtimpla ng kape. Sure siyang may hang over pa ang dalaga, magtitimpla na rin siya ng kape para sa kanya para magsabay na sila. 

Lumabas na ito ng banyo at medyo nagulat ito at nakaupo na siya sa lamesa sa kusina at may dalawang basong kape. 

“Good Morning, DK.” 

“Morning, El. Wait lang, bihis lang ako,” sabi nito sa kanya at nagmamadaling pumunta sa kwarto nito. Napangiti siya. Mukhang okay naman pala ang dalaga. It’s time para masabi na niya ang gusto niyang sabihin sa babae. Hindi naman sa nagmamadali siya but he waited for the right time too long. 

Hindi naman nagtagal at nagbihis na ito at masayang ininom ang kape. Mukhang di pa nito nakikita ang mga dala niyang nilagay niya sa sala. 

“How’s your sleep?” 

“Okay lang pero nang gumising ako ang sakit ng ulo ko. Sakto talaga itong kape mo. Yum yum!” sabi nito at nag-approve pa. 

“DK... About last night..” 

“Huwag na lang nating pag-usapan yun, El.” 

“Pero dapat. Wait kunin ko lang ang mga dala ko.” 

“May pinamili...ka. Ano yan?” Nag-iba na ang tono ng boses ng babae pero hindi alintana iyon ni Elliot. Masyado kasing masaya ang binata ngayong araw. 

“I’m gonna court you again.” 

“What for? Dahil ba sa nangyari sa atin?” 

“Yes. That and—.” 

“Don’t be stupid, El.” Matigas ang tono ni DK at nakakunot na ang noo ng dalaga. 

“W-what do you mean?” 

"Alam nating pareho na it was all a mistake. Broken hearted ako, ikaw naman ay nakiramay lang sa akin. Let's all be matured and think of it as just having sex." 

“Pero gusto ko kitang panagutan, DK. Merong nangyari sa atin na hindi dapat ginawa ng magkaibigan. Why don’t you want me to court you?” 

“Look, El. Hindi ko naman ikaw pinapanagot ah. Sabi ko naman sa iyo na wag na lang nating pag-usapan ito. Ginusto nating pareho iyon, hindi mo ako pinilit pero sana ay wag mo akong piliting sagutin ka ulit dahil masasaktan ka lang.” 

“Can’t we be more than friends?” Nasasaktan na siya. Masyado siyang tinatanggihan ni DK. Gusto niyang lumuha. 

“We can’t... I don’t wanna ruin our friendship. Please, El. Don’t do this...” 

“Mahal mo pa rin si Theo?” 

“Sa tingin mo sa isang gabi lang ay makakalimutan ko siya? Sinabi ko na kakalimutan ko siya, El, pero hindi ko sinabi na nakalimutan ko na siya. Let’s just be friends again.” 

“Paano ba ito? I can’t be friends with you again, DK.” Malungkot na sabi niya sa babae at ngumiti ng ubod ng sakit. 

“B-bakit?” Nagtatakang napatingin ito sa kanya. 

“I’ve loved you since nung mga bata tayo. Remember the first time na binasted mo ako? I suggested to be friends with you kasi hindi ko kayang mawala sa tabi mo. Sabihin mo nang tanga ako dahil bata pa nga tayo noon pero alam ko na agad na ikaw ang babaeng gusto kong makatuluyan.” Hindi niya alam na naiyak na pala siya. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang mahina sa tingin ng dalaga. He needed to take it all out before they fall apart. 

“I’ve became your crying shoulder, your knight in shining armor, your ears and warm pillow. Ginawa ko ang lahat ng iyon just for you, DK. Kasi mahal na mahal kita. Nakinig ako kung paano ka sobrang saya sa mga naging boyfriend mo at kung paanong naging close kayo ni Theo, kahit nasasaktan ako, I played the role of a good best friend for you. Tuwing nakikita kitang naiyak dahil kay Theo at sa iba mo pang ex ay doble ang sakit na nararamdaman ko dito. I wanted to help you ease all your pain and absorbed it kasi ayaw ko ngang nakikita kang nasasaktan, DK. Ganoon kita kamahal.” Kinuha niya ang susi ng condo unit nito at inilapag sa lamesa. 

“I thought I can play my role as a good bestfriend until the end but something happened last night. The night that I thought na hindi na mangyayari sa atin. I was so happy and decided to court you again, maybe this time I can have a chance to be more than your friend pero I failed. I failed terribly and it really hurts here,” sabi niya at hinawakan ang dibdib kung saan nakalagay ang puso. 

“I... I’m sorry, DK kung hindi ko na makayang maging bestfriend mo lang... I really am sorry. I won’t need a key to this place. Tama na ang 13 years na naging mabuting kaibigan ako sa iyo.” Lumapit siya dito at niyakap ng mahigpit na mahigpit. Shock na shock ang mukha nito at naluha na rin katulad niya. 

“I’m sorry dahil nasira ang pagkakaibigan natin dahil sa akin. Hindi ko kasi talaga napigil ang puso ko na mahalin kita.” Naramdaman niyang yumakap din ito sa kanya ngunit lalo lang siyang napaiyak. 

“Let’s end everything... I love you, DK, but goodbye,” sabi niya at lumakad na siya palabas ng condo nito. Narinig niyang humagulgol ang kaibigan. He wanted to go back and hugged her again. Kung pwede nga lang na kalimutan niya ang lahat pero hindi na maaari iyon. 

He love DK so much na hindi na nga niya iniisip ang sariling kaligayahan but it’s time na mahalin naman niya ang kanyang sarili at makaramdam naman ng pagmamahal sa iba. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Ezekiel. 

“I’ll take full responsibility for Chloe. I will help her to recover.” 



Nakatulala si DK sa harapan ng mga ibinigay nito sa kanya, sa susi na ibinalik nito at sa baso ng kape nitong hindi nito natapos inumin. Habang nakatulala naman siya ay hindi pa rin matapos-tapos ang pag-agos ng luha niya. 

All she knew ay nagtutulungan sila to mend each other’s broken heart. Hindi niya alam na sobra na pala niyang nasasaktan ang isa sa importanteng tao sa buhay niya, si El. Napahagulgol ulit siya. 

“H-hindi ko alam... I’m... I’m really sorry, El.” Nahikbi pa niyang salita mag-isa at napasubsob sa nakasupot na binili nito. Napakunot ang ulo niya nang maramdamang ang lambot nun. Binuklat niya at nakita ang teddy bear na may hawak na white roses at may nakalagay pang ‘I love you’ sa paanan nito. Nayakap niya tuloy ito at lalo pang napahagulgol. Alam na alam ni Elliot na gustung-gusto niya ang teddy bear at frustrated siya dahil hindi siya nakakatanggap ni isa man sa mga naging boyfriend niya. Boyish look kasi siya kaya siguro ang akala ng lahat ay hindi siya mahilig sa cute na bagay. 

Nakita na niya kanina pa ang cake na galing sa red ribbon at binuklat iyon. Ang favorite niyang cake, ang Sansrival Cake. Napaluha tuloy lalo siya. Ano ba ang ginawa niya sa binatang nagpapaligaya sa kanya? Sa binatang laging naandiyan na dumadamay sa kanya lagi tuwing may problema siya. 

Kinuha niya ang kutsarita sa baso ni Elliot at pinunasan iyon bago kumuha ng kapirasong parte at kinain niya while hugging the stuffed toy that El gave to her. 

“El, bakit mo naman ako iniwan?” Sabi niya, kausap ang teddy bear. Napagdesisyunan na kaagad niya ang pangalan ng teddy bear niya. Biglang may-nag doorbell naman. Napangiti siya. Si Elliot na siguro iyon! Hindi naman ako matitiis ng mokong e. 

Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan, hawak ang teddy bear nito at kutsarita sa may bibig niya na binuksan ang pintuan. 

“Sabi ko na nga ba—... Ai Sorry.” 

“Mam, paki sign na lang po itong papel. Delivery po para sa inyo.” 

“Maraming salamat ha,” sabi niya at pinirmahan na ang dapat pipirmahan at kinuha na ang package. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa pwesto at tinitigan ang package na nakuha. Wala siyang naaalalang package na binili e. Walang anu-ano ay binuksan na niya ang package. 

It’s a small box of jewelry. Dahan-dahan niyang binuksan at namangha sa nakita. Kinuha niya ang maliit na letter at nagsasabing: 
“Happy 13th year! 

                        –El.” 

Pagbabasa niya ng malakas. Mas lalo siyang napaluha. Ngayon nga pala ang anniversary ng kanilang friendship pero mukhang ito na ang magiging last.




ITUTULOY...

No comments: