Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 12 [Finale]

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Napagplanuhan na nilang lahat ang gagawin nila para magkita sila ni Elliot. Ara will phone Elliot para gawin itong modelo para sa isa na naman nitong fashion show. Doon niya kunwaring nakita ang binata sa may basement kung saan nakalagay ang parking lot ng Aphrodite’s Fashion House. Nag-antay siya doon bago dumating ang time na napag-usapan ng dalawa.

Nakita niyang dumating ito gamit ang dati pa rin nitong gamit na kotse. Nagpark ito sa di kalayuan at bumaba na rin. Kunwari naman ay may kinuha siya sa sasakyan niya. Lumakad na ito patungo sa Elevator at siya naman ay nagmamadali ring pumunta doon.

Kunwari ay nagulat siyang napahinto sa may gitna ng daan. Napahinto na rin kasi ito nang makita siya. Talagang pinaghandaan niya ang oras na ito. She’s now wearing a dress that was picked by Ara at ipinasuot sa kanya. Hindi man siya masyadong marunong mag-stilleto ay kinaya niya pa rin.

“E-el.” Mahinang sabi niya. Gusto niyang mapasinghap. Ganito na ba kalakas ang dating sa kanya ng binata? Bumilis tuloy lalo ang tibok ng puso niya tulad lang nung dati nung highschool sila. Bigla siyang napaluha, matagal na pala niya talagang mahal ang binata, noong highschool pa lang sila. Nabulag siya sa paghanga niya kay Theo kaya naman niya binaliwala ang kaibigang nagmamahal sa kanya.

Napakunot ang noo nito at nilapitan siya. A worried expression was plastered in his face. “Are you alright, DK? Why are you crying?” Sabi nito at pinahid ang mga luha sa mata niya. Hindi niya alam na nahawakan na niya ang kamay nitong nagpunas ng luha niyang nadaloy pa rin namin.

“I missed you so much, El.” Madamdamin niyang sabi dito at hindi niya napigilang yakapin ito ng mahigpit. Akala niya ay hindi siya nito yayakapin pero niyakap na rin siya nito. Mas mahigpit pa sa kanyang mga yakap, wala siyang pakialam kung mawalan na siya ng hininga sa pagkakayakap nito. All she needed is to feel his warmth that she misses for the past 3 years.

“I missed you too, DK, so much,” sabi nito sa kanya bago pa siya nito pinakawalan. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya but she can still see the hurt feeling within him.

“How are you? I heard that you have a fiance? May nakakita sa iyo wearing an engagement ring,” sabi nito sa kanya at pinilit ngumiti ng masaya pero kita niya ang hurt expression nito sa mga mata nito. For her, that hurt expression is the key for her successful love.

Napangisi siya ng maluwag. “At sino namang nagsabi na engagement ring ito?” Sabi niya dito at ipinakita na ang singsing na ibinigay nito sa 13th year anniversary nila na mag-best friend. Napatingin ito sa daliri niya at napatanga doon.

“My last boyfriend was Gerard. Yun na yun. Wala na akong ibang hinahangad na maging boyfriend kundi ikaw.”

“Huh?”

“I know. I know, I am stupid for not realizing it sooner. I am totally in love with my best friend. Kailangan ko pang makita na masaya ka na sa piling ng iba bago ko marealize na ayaw kong mawala ako sa puso mo at may ibang pumalit. I am selfish at sobrang tanga. Dense din ako at hindi marunong bumasa ng tao, El.”

“I know all of that, DK.”

“Pero sana ay tanggapin mo ang pagmamahal ko. I will make it up for you. Your 13 years of pain with me.”

“Hindi naman lahat ng oras ay nasasaktan ako sa piling mo, DK. Mas ang happy moments natin than sad. I’m always happy whenever your near me.” Nakangiti nang sambit nito.

“Kahit na lokaret ako, selfish, tanga at dense ay sana matanggap mo ulit ako at matutunang mahalin. Wag na lang si Chloe. Please?”

“Paano naman nasama si Chloe dito?” Amuse na tinignan na siya nito.

“Well nakita ko kayong masaya e nung isang araw. I saw you very happy with her and her child. Nagselos ako at naisip na ‘ako ang dating nakakapagpangit ng todo diyan. Mahal niya ako wag mo siyang agawin sa akin!’,” sabi niya dito with matching action pa na tinititigan kunwari ng masama si Chloe.

Natawa ito at niyakap siya ulit. Naramdaman na niya ang paghalik nito sa buhok niya at narinig na niya ang mabilis na tibok ng puso nito na nag-mamatch sa tibok ng puso niya.

“I love you so much, El and I really am sorry for giving you so much pain.”

“It’s all in the past na, DK. Let’s forget our painful memories and just think of our happy days. Maraming salamat at nalaman mo nang patay na patay ka talaga sa akin.”

“Oo nga e. Patay na patay talaga ako sa iyo,” sabi niya dito. Naramdaman niyang unti-unting iniaangat ni El ang mukha niya. Their lips touched and kissed like their’s no tomorrow. She misses the kisses that made her feel breathless. Nahulog niya tuloy ang props niyang dala na kailangan talaga ni Ara pero hindi niya namamalayan iyon.

Natapos na ang halikan nila at nag-aya na itong umalis patungo sa loob ng building. Naalala niya lang ang dala nang maramdaman niyang wala na siyang hawak sa kabilang kamay. Lumingon siya at hinanap iyon.

“Wait. Nahulog ko pala yung kailangan ni Ara. Kunin ko lang,” sabi niya at tumakbo na patungo sa pinaghulugan niya ng desenyo nito na nakalagay sa folder. Yung iba ay nalalaglag kaya naman pinulot niya pa. Nang mapulot ay tumayo na siya at inayos ang nagulong buhok at tumingin na sa dako ni Elliot na tumatakbo na patungo sa kanya.

Napalingon tuloy siya sa maingay at mabilis na takbo ng sasakyan. Nagulat siya dahil sasalpok na ito sa kanya. Wag naman sana dahil gusto niya pang makasal sa pinakamamahal niyang si Elliot. Napalingon ulit siya dito pero naitulak na siya nito palayo sa puwesto niya. Tumama ang katawan niya sa gilid ng sasakyang nakapark doon.

Wala sa sakit ng katawan niya ang focus niya. Ang focus niya ay sa binatang ngayon niya lang naamin na mahal niya. Sa binatang nagligtas sa kanya. Nakita niyang bumangga ang sasakyan sa poste sa basement at patay ang binata. Iika-ika siyang lumapit sa sasakyan at hinanap ang binata.

Elliot was near the car, swimming in his own blood. Natigilan siya at napaiyak. Nanginginig ang kamay na tinawagan agad niya ang hospital ng ama.

“I need an Ambulance! Two ambulance! May nasagasaan dito! Hurry up!” Nagpapanic na niya sabi dito na narinig niyang in-oo-han nang nakasagot. She’s very thankful na malapit sa hospital ng ama ang fashion house ni Ara. Nanginginig siyang tinignan ang hininga ng binatang pinakamamahal.

“Don’t die on me, El. Hold on! The ambulance gonna come! Magpapakasal pa tayo so don’t die on me! Kapag namatay ka ay humanda ka sa akin!” Humahagulgol na niyang hawak ang kamay nitong mahina na. Hindi niya alam kung ilusyon niya lang or anything pero naramdaman niyang parang mahina nitong pinisil ang kamay niya. Hindi iyon maari dahil walang malay ang binata.

Every minute ang check niya ng paghinga nito.She wanted to make sure na okay ang lahat. “Hold on, El!” sabi niya dito nang marinig na niya ang sirena ng ambulansya.



Nakaupo si DK sa tabi ng higaan ni Elliot. Its been two months since the day of the incident. Nalaman niyang na-coma ang binata dahil na rin sa pinsalang natamo sa pagkakabangga nito sa sasakyan. Kinailangan ng dugo ng binata dahil sa major blood lose nito kaya naman nagprisinta siyang mag-donate once na nalaman niyang type B pala ang binata. Nagkaroon din ito ng broken bones pero hindi pa rin talaga ito nagmumulat ng mga mata. Hindi naman sa nawawalan siya ng pag-asa pero she’s really hopeless kapag ganito si Elliot. She’s coming back and forth sa room nito kahit na nga ba nasa shift sya sa hospital. Siya na rin ang nagprisinta na mag-alaga sa binata at wag gagalawin ng mga nurse.

Si Gerard pala ang nagtangkang pumatay sa kanya. Malaki ang galit sa kanya ng ex-boyfriend dahil na rin sa hindi na ito nakabangon pang muli ng paalisin niya ito sa hospital ng ama. Matagal na daw itong nagplaplano ng masama sa kanya. Sabi ng mga pulis ng mag-imbestiga ang mga ito at nagtanong-tanong sa malalapit na kamag-anak at kaibigan ng binata. Bago daw mangyari ang attempted murder nito ay lagi na daw siyang sinusundan nito at inaalam ang schedule ng doctora. Gusto daw itong patayin siya dahil ito lang daw ang kabayaran sa pang-gagago niya sa binata. Namatay naman si Gerard dahil sa pagkakabunggo nito sa poste. Dead-on-arrival ito kaya naman hindi na siya nakapagsampa pa ng kaso sa binata.

“Ngayon wala ka na talagang kawala sa akin. Dumadaloy na ang dugo ko sa iyo,” nakangiti na niyang bulong sa binata kahit na nga ba naiyak siya dahil di parin ito nagigising. Kinuha niya ang kamay nito at hinalik-halikan. “I really thought that I was gonna die. Natakot ako. Paano kung mamamatay na ako? Hindi ko maibibigay kay El sa iyo ang kasal na matagal mo nang pinapangarap pero bigla mo akong itinulak at doon ko lang nalaman na mas takot akong mawala ka sa akin kaysa sa aking buhay.”

“It was the very first time na hindi ko alam ang gagawin ko at nanginginig at buong katawan ko sa takot. Sa takot na iiwan mo akong mag-isa. Forever. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin, El. Alam mo namang mahina ako kahit na mukha akong malakas at matapang. Wag mo na ulit gagawin iyon, El. Please...” Nahagulgol na ulit niyang turan habang nakasubob ang mukha niya sa kamay nito.

Naramdaman niyang may humawak na kamay sa ulo niya. Napaangat siya ng tingin at laking gulat ang nakangiting si Elliot.

“Don’t cry,” mahina nitong turan sa kanya at ngumiti. “Bakit ka nga ba naiyak....Miss?”

Napanganga siya. Miss? Bakit miss lang ang tawag nito sa kanya? Don’t tell me... “El, thank God your awake. Ako ito si DK! Hindi mo ba ako nakikilala?”

“D.K? Yung babaeng na...” nagblush na ang binata, at kahit na frustrated siya na di siya nito na kilala ay napangiti sa binata. Ang cute cute kasi nito.

“...na crush mo? Oo ako nga yon. Hindi mo ba natatandaan na magpapakasal na tayo kung hindi lang nangyari ang aksidenteng ito?”

“H-ha? K-kasal? Ang babata pa natin right?” Confirmed. Mukhang nawala ang alala nito sa 13 years nilang pinagsamahan. Just thinking of that made her cry again. “H-hala.Wag ka ng umiyak... I...I’ll try to remember everything, D.K.”

“Wait. Tatawagin ko lang mga ka-brod mo at ang doctor na naka-assign sa iyo,” sabi na lang niya dito at iniwan ang mukhang naguguluhan pa rin na binata. She sighed and took her phone out. Tinawagan niya ang mga ito at sinabi na gising na si Elliot. All of them told her na they will be on their way. Hindi nagtagal at dumating na ang mga ito. Mas pinili niyang sa labas na lang siya maglagi while the guys was talking to him. Isa-isang lumabas ang mga ito.

“Looks like he forgotten his 13 years... no 16 years of existence. Sa tingin mo DK, his gonna be fine?” Nalulungkot na tanong ni Theo sa kanya. She sighed and look at the guy intently.

“Yun din ang ipinapanalangin ko. Kailangan niyang mag-undergo ng ilan pang mga test para malaman talaga natin ang lagay niya. His doctor is one of the best here so kampante ako. I will do anything just to make him retrieve all his memories.”

“Tutulong kami,” nakangiting tugon ni James sa kanya. “kahit na nga hindi siya makaalala ay sobrang worried siya sa iyo. Hindi ka na daw kasi bumalik. His always asking about you at kung pupunta ka daw.”

“True. He even said na magpapakasal kayo at nagalit ka kasi nga di ka niya makilala. So kelan ang kasal?” Nakangising turan naman ni Ran. Doon siya nag-blush. Actually ay wala pa silang napag-uusapan ni Elliot tungkol doon pero she assumed na doon na rin naman ang tuloy ng lahat.

“Soon. Kapag naibalik natin ang memorya niya...but I dunno where to start.”

“Why don’t you start by telling stories about you and him kapag lagi kayong magkakasama?” Suhestiyon ni Sean sa kanya

“Naisip ko na rin iyon but I am afraid.”

“Afraid of what?” Nakakunot noong tanong naman ni Ezekiel.

“Afraid na kapag nalaman niya ang mga sakit na naidulot ko sa kanya ay hindi na niya ako mahalin pa. You see, ang utak niya ay parang isang highschool student...”

“Pero you have to realize na tinanggap niyang maging bestfriend ka niya para lang mapalapit sa iyo. Hindi kaagad susuko si El. You should know that better than we are, mag-bestfriend kayo nun eh.” Nakataas naman ang kilay ni Ran na turan sa kanya. He got a point. She needed to tell him everybody dahil it will look like na nagsisinungaling siya dito.



Para siyang isang matandang babae na nag-story telling sa isang highschool student. Yun lang kasi ang lagi niyang ginagawa since na nakalabas na ang binata sa hospital. Sa condo na ni Elliot sila tumuloy while her, on the other hand, ay nagpaalam na magbabakasyon para mabantayan at maalagaan ang binatang pinakamamahal.

Kahit naman kasi wala itong maalala sa 16 years na magkasama sila ay napaka-sweet pa rin nito at ramdam na ramdam niyang mahal siya ng binata. Elliot’s fully recovered na when it comes to physical health pero kapag memory na ang pinag-uusapan ay wala itong maisasagot. Merong ilan-ilang naaalala ang binata pero malabo pa ito at hindi buo kaya naman parang wala pa rin iyong kwenta.

“I really can’t believe na magkasama na tayo at magpapakasal na. Kasi ang naaalala ko lang ay yung nabasted mo ako at naging mag-bestfriend tayo...DK, naging mag-bestfriend ba tayo?” sabi nito habang nakatingin sa tanawin ng condo nito. They are waiting for the sun to come out. Maaga kasing nagising ang binata. Sanay kasi itong nagigising ng super aga kaya kahit na may amnesia siya ang katawan nito ay hindi nakakalimot.

“Yes. For 13 years.”

“So those 3 years ay naging mag-on tayo?” Napatingin ito sa kanya. Doon siya napalunok. Yun ang pinaka-ayaw niyang maging topic nila pero hindi siya pwedeng tumakbo na lang ng tumakbo.

“No. We broke up being bestfriend at hindi tayo nagkita or nagkatawagan for 3 years. We just met 2 months ago bago ka...bago ka mawalan ng memorya.” Hindi siya makatingin dito pero ramdam niya at alam niya na ang magiging reaksyon nito.

“Why did we broke up being bestfriend? At bakit hindi tayo nagtawagan man lang or nagkita for almost 3 years? Ano ang dahilan kung bakit ako nawalan ng problema? Is it all because of you?” May hinanakit at akusasyon ang maririnig niya sa boses ng binata. Lumuluha siyang tumingin dito at tumungo.

“Yes. I was the one who caused you all the pain simula pa nung naging mag-bestfriend tayo. Hindi ko alam na ininda mo lahat ng sakit habang pinapanood mo akong baliw na baliw kay Theo at laging papalit-palit ng boyfriend. Hindi ko alam na noon pa man ay sobra na ang pagmamahal mo sa akin and sacrifices everything just to make me happy. Nalaman ko lang lahat yun ng iwan mo ako dahil nabasted na naman kita for the second time. The second time was the time I hurted you the most and I am so sorry sa mga ginawa ko.”

Inilapi ni Elliot ang kamay nito sa kanya at ito na nag nagpahid ng luha niya. “You don’t need to cry. I just wanted to ask you what really happened. Maybe ito na ang makakapagpabalik ng memorya ko. I just don’t want to see you suffer anymore,” sabi pa nito at niyakap siya ng mahigpit. Doon lalo siyang napaiyak. Bakit kahit na anong gawin kong mali at pasakit dito ay pinapatawad pa rin ako ni El?

Niyakap niya ang binata. Mahigpit na mahigpit habang nahagulgol siya. How can I hurt this guy so much that loved me wholeheartedly? Humiwalay siya sa binata at tumingala dito. “Merong nangyari sa atin 3 years ago. You wanted me to marry you but I reject you dahil nga takot akong mawala ka as my only bestfriend. Yung sandigan ko tuwing malungkot at kabiruan ko kapag masaya ako. Hindi ko alam na sa pagtanggi kong iyon ay humantong tayo sa hindi pag-uusap at pagkikita for 3 years pero naisip ko rin... It’s good na nagkahiwalay din tayo.”

“Why?”

“Because... I realize that you are the only guy that I love the most. The one I need and the one I cannot live without. I love you El at hinding-hindi kita iiwan dahil lang sa wala kang maalala sa 13 years na pinagsamahan natin.”

Nakita niyang napanganga at na-speecheless ang binata pero ngumiti ito at umuupo sa harapan niya para maging magka-eye level sila. Inilapit nito ang mukha sa kanya at nakipag-nose to nose ito. “Sa way pa lang ng sinabi mo... I have this urge to kiss you pero hindi yata ako marunong.” Dahil magkalapit ang mukha nila ay nakita niya ang pag-blush ng lalaki na ikinangiti niya.

“Sabi ko nga saiyo, only your mind cannot remember but your body does. Lemme show you how good kisser you are,” sabi niya at inilapit na niya ang labi niya sa labi ng binata na tumugon kaagad sa paghahalikan nila. They kissed like there was no tomorrow. Halikang matagal na niyang pinanabikan ulit dahil na rin sa matagalang coma ng lalaki. It lasted like it was forever and both of them were breathing heavily but had a smile on there faces.

“Let’s go. Meron akong lugar na nakita ko...more like, ipinakita sa akin. I want you to go there. Lagi ka daw kasi doon,” nakangiti na siyang tumayo at hinila ang binata patayo din. Nagpahila naman ito sa kanya. Both of them walk out of his condo nang matapos na ang paghahanda nila.They are going to the place called Marina.



Dumating sila sa Marina ay maghahapon na. Marami rin kasi silang pinuntahan like yung hospital, Senang Hati, park kung saan lagi itong nag-jogging and everything na pinuntahan nito or nila.

“May Yatch ka dito?”

“Hindi. May Yatch ka dito. Nagulat ako nung isang araw, Ezekiel told me to go to Marina and look for a yatch called ‘D.K’ akala ko ay nagloloko lang si Zeke but I was shock na sa iyo pala iyon. I took your keys the other day diba? Dito ako pumunta nun.”

“My yatch that was named for you? Maybe because I love you so much, DK.”

“Yes, I know... and I love you more,” sabi niya dito at lumakad na sila patungo sa Yate nito. They spend their time there and talk about things. May naaalala itong mga tagpo nito noon dito and she can’t stop smiling. Nagiging madalas na ang pagbabalik ng mga memorya niya and it only mean one thing, malapit na nitong makolekto lahat ang memorya nitong nawala.

Hindi naman sila nagtagal na doon at nag-aya na siyang umuwi. They walked out of the Marina club and was about to go inside the car ng maramdaman niyang wala ang susi ng kotse niya sa bulsa niya. Napatanga siya.

“Why?” Nagtatakang tanong nito sa kanya,

“Naiwan ko ang susi ko sa loob ng yate mo. Wait here, El, kukunin ko lang,” nagmamadaling tumakbo siya patungo sa yate at tumawid na sa kalsada. Hindi niya nakita na mababangga na naman siya. De Javu? Wag sanang tumakbo si El patungo sa akin! Naisip na lang niya pero napatingin pa rin siya sa binata. Doon ay parang napatanga muna ito pero biglang tumakbo. Noooooooooooooo! El!

Tinalunan na siya ni El at nagpagulong gulong sila palayo. Nakahinto pala ang kotse bago pa sila masagasaan nito. Lumabas ang binata sa loob na kilalang model na si Billy Thomas. “Oh my! Okay lang kayo?”

Napamulat na siya pero ramdam niya ang bigat ni Elliot na nakadagan sa kanya. “El? El?” tinawag niya ang binatang hindi na nagalaw pa. “El?!”

“Miss, kailangan na natin siyang dalhin sa ospital. Nawalan siya ng malay.” Yun lang at bunuhat na nito ang binata. Sa likuran na sila umupong dalawa ni El, tinitignan niya ang pulso nito. Sa pinakamalapit na silang hospital pumunta.



Iminulat niya ang kanyang mga mata. Nasilaw siya dahil nakabukas ang ilaw sa kwartong kinalalagyan niya at puting puti din ang pintura nun. Inilibot niya ang paningin and there she is. The woman he loves so much. Inaayos nito ang mga prutas na dala nito sa gilid ng kama niya.

“D.K...” mahinang tawag niya dito. Napatigil ito sa ginagawa at unti-unting lumingon sa dako niya. Napasinghap ito at mabilis na tumulo ang luha nito.

“El! Wait tatawag lang ako ng doctor.” Doon siya natawa.

“Wait. Diba doctor ka?”

“Off po kaya ako Mister. Kamusta ka na?”

“I felt alright. Bakit nga pala ako naandito?”

Rumehistro lalo ang gulat at pangamba sa mukha ng dalaga. Napakunot noo tuloy siya dito. “Hindi ka na naman nakaka-alala ng mga nakaraan?”

“Ang naaalala ko lang ay yung nasa Marina tayo and then theres a...car. Okay ka lang ba DK?”

“Okay ako. Ikaw nga ang nawalan ng malay. May naaalala ka pa bang iba?”

“All of it. Bumalik siguro lahat ng alala ko nung muntikan ka na namang mabangga.”

“Weeeeeeeeeee!” Yun na lang ang nasabi ng dalaga at niyakap na siya nito ng mahigpit at pinupog ng halik sa may pisngi. “I am so happy! Naalala mo na ulit ang mga pinagsamahan natin for 13 years!”

“Yes. At naalala ko rin ang isang importanteng bagay na sinabi mo sa akin.” Ngumiti siya at pinakatitigan itong mabuti. Puno ng pagmamahal niyang tinitigan ang dalagang pumukaw sa puso niya simula pa lang.

“Ai oo nga pala!” Tumayo na ito at may kinuha sa bulsa. Kinuha nito ang kahong ibinigay niya dati para sana sa kanilang dalawa, ang singsing na patunay na 13th year na silang mag-bestfriend. “This ring originally symbolizes about our friendship but for me, it has two meaning. Ito kasi ang patunay na minahal mo ako ng ganoon katagal at ito rin ang patunay na ikaw lang talaga ang nag-iisang bestfriend at pinakamamahal kong binata sa buong mundo. At dahil doon ay you have to marry me.” Utos nito sa kanya at isinuot na ang singsing sa ring finger niya. Natatawa siya dito pero pinisil na lang niya ang kamay nito may hawak sa kamay nito.

“Wala na ba akong choice?” Pagbibiro pa niya dito.

“Wala na! Yung dugo ko na ang dumadaloy sa ugat mo no! Ako na ang nagmamay-ari sa iyo. Ipapa-shot gun wedding ko ang wedding natin kapag tumanggi ka!” nakangising turan ng dalaga sa kanya.

“Kahit naman tutukan mo pa ako ng baril or tutukan mo ako ng patalim ay alam mo ang sagot ko diyan. I will marry you kahit ilang beses pa. I love you so much, DK!”

“Unli ka, El?”

“Oo. Super unli. Until the day that I die.”

“Good, kasi infinite ang unli ko e. Kahit na sa kabilang buhay, mahal pa rin kita.”

“O tama na muna ang cheesy lines na yan!” nakasilip na pala ang mga kaibigan nila.

“We are getting married!” masayang ibinalita niya.

“Ang tagal na namin yang inaantay. That guy is madly in love with you since forever!” Nangiting banat ni Sean sa kanila.

“Patay na patay sa iyo yan.” Nakangisi namang turan ni Theo na nakaakbay na sa kaibigang si Ara. Mukhang may happy ending na rin ang storya ng dalawa. Napangiti siya dito at kinindatan ito.

“Were back guys!” Nakangiting turan ni Ran dito. Iniluwa ang cute na batang lalaki na nakasilip sa gilid at ang babaeng matagal na nitong hinahanap.

“Hello guys!” Nakangiting turan ng medyo nahihiyang reporter-cum-girlfriend ng binatang ngayon lang yata nakitang nakangiti.

“Vega?” Halatang gulat na gulat ang kaibigan niyang si Ara.

“Yes, the one and only but how did you know me?”

“Sira! Ako si Aphrodite! Ako si Ara!”

“Oh my God! Ara! Ang ganda mo lalo!”

“Sira, nagsalita ang blooming. Paano mo napa-ibig yang si Kuya fafable Ran?”

“Not It’s a very long story, Ara. Meet our son, Isaac.” Nakangiti na itong ipinakilala ang gwapong anak nito.

“Wow! Ilang taon na siya?” Si KC naman ang nagsalita.

“Same age as Kiel... 5 years na ang anak namin.” Si Ran na ang sumagot dito. “Let’s not talk about our love story first... Let’s just congratulate Elliot dahil magpapakasal na sila ng babaeng pinakamamahal niya.”

“Right! Congratulations!” Masayang bati ng lahat sa dalawang newly engaged na couple.




-END-

Abangan po ang pinakahuling libro ng JESTER Series. Ang libro ng heartless batchelor natin na si Randolph Archuetta. JESTER Series 6: Randolph – Take me with you

No comments: