Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 7: Party!

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Napapangiti siya. Sobrang random ng ginawa niya kanina sa Theo babes niya. Talagang sinundan niya ang lalake nung nakita niyang lumabas ito para mag-lunch. She was thinking na baka may babae itong ka-lunch date and ruin all of it pero nagkamali siya. It was too late to back out dahil nakita na siya ng binata. She needed to walk to their conversation and interrupt. 

Sa ilang minuto nilang pag-kwekwentuhan ni Mr. Romano ay hindi man lang kumibo ang lalake sa kanila at tinititigan lang siya ng masama. Tinopak tuloy siya at hinalikan ang lalake sa harap ng ka-meeting nito. Medyo natawa nga siya kanina nung paglabas niya. Yung mukha kasi ng Theo babes niya ay parang nababad sa suka bago pa siya makatalikod. Narinig niya ring nag-explain ito sa kausap. 

Nasa kwarto na siya at kanina pa tapos maayusan pero wala pa ring nagsasabi sa kanya na dumating na ang sundo niya. She’s kind of worried. Ang katopakan niya kasi e. Baka hindi na dumating ang lalake sa usapan. Dateless siya sa gabing iyon kung hindi ito dadating. Nagpaganda pa naman siya nang sobra! 

Biglang may kumatok sa labas ng kwarto niya. Akala niya ay ang maid lang nila or kung sino man. “Tuloy, Manang Patty. Wala parin po ba si Theo babes?” Tanong na sabi niya without looking who was walking inside of her room.Naramdaman niyang lumapit ang pumasok na tao sa kanyang likuran. Nagtaka na rin siya nang hindi ito umimik man lang. 

“Manang?” Nagtatakang tanong niya sa pumasok at lumingon. Nahugot niya ang hininga nang makita niyang sobrang lapit na pala ng lalake sa kanya at amoy na amoy na niya ang lalakeng-lalake na amoy nito. Hindi niya tuloy napigilan ang hindi suminghot. She’s trying to familiarize his smell to her senses. 

“T-theo Babes. A-andiyan ka na pala.” Na-stummer na sabi niya sa lalake. “You should just asked one of the maids to get me.” 

“Nah. It’s fine besides your father’s downstairs. He wanted me to fetch you down. Let’s go.” Sabi nito at tumalikod na. His expression seems to be his usual. The cool and calm type. Waley bang effect ang pagpapaganda niya dito? 

“I-I’ll go down in a minute. I’ll just put this necklace on.” Sabi niya at kinuha na pearls na nasa jewelry box niya at akmang ikakabit ito. Napasinghap tuloy siya nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at kinuha ang pearl necklace sa kanya. Ito na ang nagkabit ng necklace sa kanya. Everytime na mag-touch ang kamay nito sa balat niya ay may kung anong kilabot ang nararamdaman niya. Giving her a warmth but very pleasant for her heart and body. 

“T-thanks.” Nasabi na lang niya pero nakarating na pala itong pintuan niya. 

“Let’s go.” Sabi nito at lumabas na nga ng tuluyan. 

“Hmmmmp! Kung hindi lang kita mahal at alam kong makukuha kita, edi sana pinakulam na kita para maging akin ka.” Naibulong nalang niya at sumunod na sa kanyang Theo babes pababa sa living room kung saan naghihintay na ang Daddy at Mommy niya. 

Nagkatinginan ang dalawang lalake at parang may napagkasunduan ang dalawa dahil tumungo ang ka-date niya. Kung meron sigurong woman’s instinct meron rin sigurong para sa lalake. She shrugged the weird idea at iniangkla na niya ang kamay sa lalake. 

“Bye, mom and dad~ I’ll see you later.” Sabi niya at binesohan ang kanyang daddy and mommy. 

“Just take care anak. Wag ka masyadong pasaway ha baka mamaya e iwanan ka niyang si Theo.” Natatawang sabi ng mommy niya at nakibeso na rin sa kanya. 

“Don’t worry, Tita. I won’t leave my eyes off your daughter.” Wowness! Hang sweet naman ng aking Theo babes. 

“Good. Just enjoy your night, baby.” Maikling sabi naman ng daddy niya sa kanya at umalis na sila. Yung kaninang sweetness ng lalake ay nawala once na lumabas na sila ng bahay. Tinanggal kasi nito ang pagkakaangkla ng kamay niya sa braso nito at lumakad na papuntang driver seat nang hindi man lang siya pinagbuksan nito. Nakabusangot tuloy siyang sumakay sa passenger seat ng sasakyan nito. 

“Hindi naman halatang galit ka eh.” Maya-maya ay sabi niya nang hindi na niya makayanan ang katahimikan between the two of them. 

“Hindi ako galit.” Sabi naman nito sa kanya pero hindi pa rin ito natingin sa kanya. 

“Yun nga sinabi ko di ba? Hindi ka nga halatang galit. Sa tono pa lang ng boses mo. Sa pagtrato mo pa lang sa akin. I am so sure na hindi ka galit sa akin.” Pamimilosopo niyang turan sa lalake. 

“Well, hindi rin kasi halatang sarkastiko ka sa mga sinasabi mo.” 

“Look, I am not sarcastic! Ano ba ang ginawa ko sa iyo at ginaganito mo ako? Is it about earlier? Yung hinalikan kita? Can’t you take a joke?” Medyo nasasaktan na siya sa pambabaliwala nito sa kanya. Kahit hindi naman talaga joke sa kanya ang halik na iyon ay mas mabuti naman magkabati na lang sila at sabihing joke niya lang ang lahat. 

“Joke?! It’s not a funny joke then! Don’t just kiss people around when you wanted it. And I was on the middle of a meeting when you arrived!” 

“Bakit? Hindi mo ba nakuha ang partnership ng Imperial Motors at ibinubunton mo yang menopausal attitude mo sa akin? And Theodore De Guzman, I will kiss anybody I like! Kahit ikaw or kahit na sinong lalake man! It’s my decision, not yours.” Sabi niya at tumalikod na dito. Gusto niyang maiyak pero pinigil niya. Ito ang very first na pagtatalo nila. All thanks to her. 

“I’m sorry. It’s actually thanks to you na nagkaroon na ng partnership ang business namin.” Sabi nito and sighs. Mukhang na-guilty ito sa sinabi nito sa kanya. Napangiti siya. Mag-inarte kaya siya just to kiss the guy again. 

“It’s fine.” Maikling sabi niya. Nagulat na lang siya ng ihinto nito ang sasakyan sa gilid ng daan. “Why? Ma-late tayo sa party.” Nagtataka niya pang sabi dito at nilingon ito. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras dahil titig na titig ito sa kanya. 

“Your not fine. I won’t drive to the party unless we have a truce.” 

“Fine. I guess, I should commute. Hindi ko pa nata-try yun.” Sabi niya dito at akmang bubuksan ang pintuan ang hilain siya nito papasok. It’s her chance. She looked up and give the man a kiss again. 

“I got you.” Sabi niya pa pagkatapos niyang mahalikan/maramdaman ang labi ng lalake. “Now, we have a truce.” Nakakalokong ngumiti siya sa nagulat na lalake. Lagi na lang itong nagugulat everytime na hinahalikan niya ito. It kinda give her happiness. 

“Brat.” She heard him murmur pero mas masaya na siya dahil natsansingan na naman niya si fafa Theo babes niya. 



They arrived on the party not to long ago but it felt like he was here for ages. Theo never likes parties and gatherings. It’s much better for him na tawagan ang mga ka-meeting at imeet sila in person not like this. Nakakasakit ng ulo specially ngayon. May ‘mission’ siya at parang kiti-kiti pa ang babae sa paggalaw. Ayaw nitong manatili lang sa isang lugar. Usap dito, usap doon ang akto ng babae. Mas nahihirapan tuloy siyang bantayan ang alaga niya plus pa na naiirita talaga siya dito. Naisahan na naman siya nito sa panghahalik sa kanya. Hindi niya ito mabasa, mamaya ay sobrang saya nito, then the next ay lulungkot. Mamaya ay ang sweet nito sa kanya the next ay manlalamig. Alam niyang moody ang mga babae pero iba ang pagkamoody ng topakin na brat na iyon. Hindi niya tuloy namalayan na nakabusangot na ang mukha niya ng tapikin siya ng kaibigan sa balikat. 

“Hey, Brod! This is Heather Cruz.” Sabi ni Sean kanya. Hindi niya alam na magtatagpo sila ng ka-brod niya. 

“Heather, my Brod, Theodore De Guzman.” Ipinakilala siya nito kay Heather. The lady is exceptionally beautiful. Kaya pala na-love struck ang kaibigan niyang half-half.. 

“I never thought your gonna be here. You didn’t get dragged out, aye?” Sabi pa nito na nagpatindi ng frustration niya sa mga nangyayari ngayon. 

“Shut up, Sean! But hi to you, Heather. Tama pala ang description sa amin ni Sean tungkol sa iyo. You are indeed a killer. So now I know why Sean’s so—.” Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil natakpan na ni Sean ang bibig niya. Itinaas na lang niya ang dalawang kamay to tell na surrender na siya sa pambubuska dito. 

“Fine. I won’t tell.” Sabi niya na natawa na nang matanggal na ng lalake ang kamay nito sa bibig niya. 

“Don’t mind this guy, Heather. His talking nonsense when his annoyed.” Sabi naman ni Sean at ngumisi. Hindi naman ito tumagal na kasama sila ni Heather. Sean got dragged somewhere para ipakilala yata sa mga anak ng mga kakilala. Hinayaan na lang niya si Sean alam naman nitong walang taluhan when it comes to ladies. 

“Nahila ka rin ba dito?” Maya-maya ay tanong ng babae sa kanya habang unti-unting ininom ang cocktail na hawak nito. 

“Hindi naman. Sa tingin mo ba ay may makakahila sa akin dito?” Sabi niya at tinignan ang magkabilang braso niya at ngumisi. 

“I just need to pay some favor back. Kailangan kong i-escort yung babaeng iyon. Anak siya ng kaibigan ko sa army dati.” Sabi niya at inginuso si Ara. Lumingon naman ang babae sa itinuro. Nakalugay ang natural na curly na buhoy ni Ara na bumagay sa goddess dress nito. 

“She’s very beautiful.” Nasaad nang babae sa kanya at nakangiting lumingon ulit sa kanya. 

“...bratty, very capricious, moody and really hard-headed!” Naasar na sabi niya at inisang lagok ang iniinom na scotch. 

“Dapat nagtanong nalang ako ng ibang favor e. Kung hindi ko lang naisip na baka may makita akong pwedeng i-date na babae dito.” Sinabi niya pero wala naman talaga siyang magagawa. She needed to be protected secretly para na rin sa ikabubuti ng dalaga kahit man lang ang pagprotekta sa anak ng lalakeng nagbigay ulit sa kanya ng second chance. 

Natawa ito sa kanya yun na ang nagpabalik ng atensyon niya kay Heather. Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya kay Ara. Nagpaalam muna si Heather na mag-CR kaya naiwan na naman siyang mag-isa. Hindi nagtagal ay nakita niyang papalapit na ang babae sa kanya na nakasalubong ni Sean on the way to where he was standing. 

“Si Heather?” Takang tanong ni Sean sa kanya. Sasagutin na sana niya ng umepal si Ara. 

“Ai, nasa comfort room. I left her there. She’s really beautiful, I must say kuya fafa Sean.” Sabi nito at nginisian ang parang proud na proud na love-struck na kaibigan kay Ara. 

“She’s very beautiful at mahinhin. She’s very woman not like any other girls here.” Sabi niya na pinaka-titigan ang babaeng nasa harapan. 

“True. Good thing at nakakita ka ng babaeng katulad ko, fafable kuya Sean.” Pagsang-ayon naman nito na ikinatawa niya. 

“You think so highly of yourself?” Sabi niya dito na ikinatawa naman ni Sean. 

“You really suit each other. Aso’t pusa ang tandem ninyo e.” 

“Well, I should agree with you fafable kuya Sean. That is why I asked him to be my partner sa party kasi we really suit each other at dahil sobrang bagay tayo sa isa’t-isa why don’t we go and have a dance?” 

“Nope.” Mabilisan niyang tanggi sa alok ng dalaga at uminom ulit nang scotch na nakuha niya sa mga nagdadang waiters. 

“You’re my escort! You should dance with me.” Sabi ni Ara at iniangkla na ang kamay sa kanya pero tinanggal niya iyon at lumapit sa kakadating lang na babae. 

“I better dance with her than to dance with you.” Sabi niya at hinila na niya ang nagulat na babae sa gitna. 

“I’m sorry for kidnapping you a bit. I just wanted to get away from that crazy brat. She’s killing me.” Nakita niya kasing hindi maalis ng babae ang tingin sa mga kaibigan. Napagdesisyunan ata ng dalawa na magsayaw na rin. 

“You’re jealous. I can read you like an open book.” Natatawang buska niya sa babae sa harapan niya. Buti pa ito madaling basahin not like that crazy lady. 

“Huh?” Nagulat ito. Mukhang hindi nito inaasahan na mababasa niya ang nasa utak nito. “No. No. Hindi iyon. Nakita ko kasing nagdilim ang paningin ni Sean e. I am just worried.” 

“Worried and jealous. Don’t worry, your more lovely than Sean’s partner. Inside out!” Natatawang sabi naman niya at hindi napigilang tignan ang gawi ng dalawa. Theo saw Ara staring at them. Parang nagngingitngit ito. 

Mas naging excited tuloy siyang mang-asar ng tao. Tinapunan na lang niya ng tingin ang kaibigan na mukhang susugurin na silang dalawa. Halata tuloy na selos na selos ang loko sa kanilang dalawa. 

“God! Looks like I am gonna get punched by the guy tomorrow. Tignan mo ang tingin sa ating dalawa. If looks can kill baka namatay na agad ako ng walang kalaban laban. This is entertaining.” 

Bigla namang hinawakan niya ang dalaga sa may ibaba ng tenga at iniharap ang mukha nito patingin sa lalake. “Well then, let’s make that guy more Jealous.” Sabi nito at ibinulong sa kanyang tenga. 

Mukhang nagtagumpay naman siya dahil nag-blush ang babae ng sobra. Yun na yata ang cue para sumabog ang kaibigan sa galit at sugurin sila. 

“What do you mean?” Nagtatakang tanong ni Heather sa kanya. Hindi na niya ito nasagot dahil nahila na ito ng lalake paalis. Hindi niya tuloy napigilang mapangisi. 

“Well that was a quick fun.” Naibulong na lang niya sa sarili. 

“Do you really like that type of girl?” Napalingon siya sa tabi niya. Hindi niya alam na nasa tabi na pala niya si Ara and sounded kind of hurt. Hindi niya alam pero parang nagui-guilty tuloy siya na ewan. 

“Definitely.” Yun lang ang sinagot niya nang mahagip ng mata niya ang lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan. Si Edilberto Sanchez! 

“Let’s move!” sabi niya at hinila na rin ang dalaga papuntang parking lot. They needed to get away as soon as possible. Mapapahamak lang ang babae. Nakita niyang napalingon si Edilberto sa kanila at biglang sumenyas. May mga lalakeng lumapit dito at kinausap. Maya-maya ay nagsialisan ang mga ito. 

“W-what’s happening?” May gulat at takot ang nakarehistro sa magandang mukha ng babae. He was too bored to even notice na napapalibutan na pala sila kanina. He needed to move fast and think fast!




ITUTULOY...

No comments: