Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 8: Disastrous Night

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Naguguluhan siya. Kanina lang ay masaya itong nakikipagsayaw sa ka-partner nang Kuya fafable Sean niya pero ngayon ay hinihila na siya nito palabas kung saan nila na-park ang sasakyan. 

“W-what’s happening?” Nagtatakang tanong niya pero may takot na rin siyang nararamdaman. It was like 12 years ago pero hindi niya hahayaang mabaril ulit ang Theo babes niya. 

“Just run. Someone’s following us.” Pagkasabi pa lang ng lalake ay napalingon na kaagad siya sa likuran niya. Nakita niyang apat na lalakeng armado. Mga magaganda ang suot nitong mukhang nanggaling sa party. 

Sila ba ang humahabol sa amin? Hindi na kailangan pang sagutin ng tanong niya dahil nung nakita sila ng mga ito ay itinuro sila at hinabol sila. 

“Oh my—. Theo babes, they’re coming!” Nag-histerya na niyang sabi dito. Narinig niyang pumalatak ito at hinugot ang car keys sa bulsa nito at pinindot na ang pindutan para mabuksan na ang pintuan ng sasakyan. Once again, she looked and gasped. 

Nakatutok ang baril ng lalake sa kanila at mukhang pupuntiryahin ang kanyang Theo babes. Not him again! She run on the guys back as the gun shot echoed in the empty parking lot. Napahinto siya at napalingon sa kanya ang lalake. Napahawak siya sa lalake at napangiti ngunit it’s a weak smile. 

“Good thing your okay, Theo babes...” Sabi niya sa mahinang boses at natumba na siya sa lalake. Buti na lang at nasalo siya nito at naramdaman niyang dumampi ang kamay nito sa likuran niya kung saan nararamdaman niyang dumadaloy ang mainit niyang dugo. 

“Shit! Shit! Shit!” Narinig niyang sinabi ng lalake. That was all she heard until she fainted. 



Tumatakbo na sila sa loob ng malaking parking lot. Buti na lang at medyo malapit ang pinag-parkan nila ng sasakyan kundi ay mas delikado sila. Theo grabbed the car key and press the button when he heard a gun shot. Napalingon kaagad siya sa likuran. Doon niya nakitang nakaharang na pala si Ara sa likuran niya at medyo napakapit ito sa kanya. Biglang kumabog ang puso niya. Panic, fear and suspicion hit him. 

“Good thing your okay, Theo babes...” Nanghihina ang boses ng babae at natumba na ito. Tunay nga ang pangamba niya. Ito nga ang sumalo ng sana ay balang para sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang likuran ng babae kung saan ito tinamaan ng bala. Ang dating purong puti na damit nito ay namantsahan ng pulang dugo ng babae. 

Napamura siya at binunot ang baril na nasa tagiliran niya at pinaputukan ang lalakeng parang nagulat din yata sa nangyari. It seems that their mission was to kill him first then take the lady with them. 

Tinamaan niya ang lalake sa kamay at itinutok niya ang baril sa isa na akmang babarilin siya pero mas mabilis siya. Theo pulled the trigger and hit the guy on the arm. Nagmamadali niyang binuhat ang dalaga at pinaupo sa drivers seat. 

“Hold on, princess. Don’t die on me yet!” Sabi niya sa dalagang wala nang malay. Nanginginig ang buong katawan niya. Takot siya at galit at the same time. Galit sa sarili at sa mga humahabol sa kanila but he needed to calm down! Kailangan niyang makaalis dito nang hindi sila nasusundan ng mga ito. Tumakbo siya papuntang driver’s seat habang pinapaputukan niya ang mga lalake para lang hindi ito makahuma or magtago sa gilid gilid. 

Nang makapasok sa loob ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Idinial niya ang telepono, he needed help! Si DK ang una niyang naisip. The Military doctor will help him no matter what! 

“Hello?” Nagtatakang tanong nang babaeng doctor.. 

“DK! I need you help! I’ll go to your secret clinic!” Sabi niya na nagpapanic. Naka-bluetooth siya kaya okay lang na mag-drive while talking to the lady. Hindi niya rin mapigilang hindi silipin ang babaeng katabi. Mabilis pa ring tumatagas ang dugo nito. 

“Shit, DK! She’s dying!” Naalarmang saad niya dito. Mukha namang nakuha agad ng kausap ang sitwasyon. 

“Okay. Calm down, GT. I’m on my way to the clinic! See you there. Just stay calm and focus on driving.” Sabi naman nito at nagpaalam na. DK was right. Kailangan niyang kumalma. Walang mangyayaring maganda kung hindi siya kalmado. Hindi pa nangyayari sa kanya ang mawalan siya ng control sa damdamin niya. Bumuntong hininga siya ng paulit-ulit to try and calm himself. 

Wala naman siyang nakitang nakasunod sa kanila so they are perfectly fine na pumunta kila DK. Soon, Theo and Ara arrived. Nagmamadaling lumabas si DK para salubungin siya. Mukhang off ang babae dahil hindi ito nakasuot ng uniporme ng doctor sa pinag-tratrabahuhan nito. 

“Ano bang nangyari?” sabi nito at binuksan ang pintuan kung saan nakaupo si Ara. Nagmamdali naman niyang binuhat ang dalaga. Nagmamadali na rin tuloy si DK na buksan ang pintuan para makapasok sila. 

“Ihiga mo na lang muna siya diyan. Padapa dapat.” Utos nito sa kanya na sinunod naman niya. Inilagay niya si Ara sa operating bed na meron si DK at inihiga. 

“Save her, DK.” Sabi naman niya dito habang hawak-hawak niya ang kamay ni Ara at nakatingin sa babaeng doctor. 

Ngumiti ito sa kanya at tinapik ang balikat niya. “No worries. Just help me, here. Mag-isa lang kasi ako.” Sabi nito at kinuha na ang gloves nito at isinuot. 

“Disinfect all the tools with alcohols, GT.” Sabi nito habang itinatali na ang buhok. Nagmamadali siyang nagsuot ng gloves at nag-disinfect na ang mga gamit na gagamitin ni DK. Matapos niyang gawin iyon ay nagsimula na rin si DK na mag-opera sa dalaga. Hindi nagtagal at natanggal na ang .357 SIG na bala na tumama sa may tagiliran nang dalaga. Buti na nga lang daw at hindi tumama sa kahit anong buto ng babae dahil kung hindi ay mas delikado ang mangyayari sa dalaga. 

Matapos ang operasyon ay parang hinang-hinang napaupo siya sa upuan at kinuha ang cellphone sa bulsa. He needed to talk to Ara’s dad immediately. Naramdaman niyang umupo sa kanyang tabi si DK at binigyan siya ng tubig. 

“Care to tell me what happened?” Sabi nito at uminom ng kapeng hawak nito. Napabuntong hininga siya at tumingin sa babae. 

“That crazy lady took a bullet that was supposed to be mine! She’s crazy! I was supposed to be the one to look out for her because her father told me to do so but... I failed FM Aragonez.” Sabi niya at nasabunot ang buhok niya habang inaalala ang mga nangyari na. 

“Pero kung ikaw ang tinamaan ay sure na papatayin ka nila. Paano ang dalaga? Walang magtatangol sa kanya.” Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng dalaga. Tama nga naman ito. Pero sana ay hindi humantong na nabaril ang dalaga dahil sa kanya. 

“I need to call her father.” Walang anu-ano ay tumayo n a siya at lumabas. Ininom niya muna ang basong tubig bago idinial ang number ni Field Marshall Aragonez. 

“Hello?” Narinig niyang sagot ni FM Aragonez sa telepono. 

“Sir. I’ve got bad news. Aphrodite was shot.” Sabi niya. Trying to calm down. 

“What?! Nasaan kayo ngayon? Pupuntahan ko kayo!” Sabi nito na halatang nag-panic na rin. Narinig niyang may nagsalita sa likuran nito. It looks like Mrs. Aragonez over heard the panic in FM’s voice. 

“Tell me the address and we will arrive as soon as we can.” Sabi pa nito at sinabi na niya ang address ni DK sa telepono. Mabilis na rin itong nagpaalam para makarating sa Secret Clinic ng doktora. 

Hindi nagtagal at dumating na rin ang mga magulang nang dalaga. Halata sa matanda nang mukha ng dalawa ang matinding pag-aalala sa anak na nasugatan. 

“Where’s my baby?” Nagtanong kaagad si Mrs. Deborah Aragonez sa kanya. Si DK na ang naghatid sa magulang ng mga ito sa loob. Hiyang-hiya pa siya sa mga ito. He failed his mission. 

Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Field Marshall Aragonez kung hindi pa siya nito inakbayan. 

“I don’t blame you, son. You don’t have to blame yourself.” 

“But... I failed my mission. Hindi ko naprotektahan si Ara. Imbes ay ako pa ang prinotektahan niya. She shouldn’t have done it.” 


“Kung ikaw ang natamaan ng bala, will she be alright now? I doubt it but I didn’t want my daughter to be like this but I know my daughter well, Theo. Masyado niyang iniisip ang tao sa paligid niya kaysa ang sarili niya. Don’t worry about your mission. I just want you to stay beside my baby for the mean time.”

“What do you mean, Field Marshall Aragonez?” 

“You remember the Island you told me about? Yung isla na wala pang pangalan dahil wala ka pang maisip? I suggest you take Ara there. It’s safer that way. Kami na ang bahala sa paghuli kay Edilberto at Rogelio.” 

“Okay lang bang bumyahe si Ara?” 

“Sasama ako sa paghatid sa inyo. I will be there every week para ma-check nang husto si Ara. Mr. Aragonez talked to me inside. I think it’s the best idea.” Sabi ni DK na lumabas na kasama ang mama ni Ara. 

“I’ll do anything with my power, Sir.” 

“Take care of Ara, hijo.” Sabi naman ni Mrs. Deborah sa kanya. Tumungo siya sa mga ito. Hindi naman niya talaga papabayaan ang babae kahit na nga ba hindi sabihin ng mga ito. 



Unti-unting iminulat niya ang mata. Umaga na pala. Natatamaan na kasi nang sinag ng araw ang kanyang mga mata. Hindi niya nakilala ang kisameng namulatan niya. Napabalikwas tuloy siya nang bangon pero naitigil niya iyon dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya sa tagiliran niya. Doon niya naalala ang mga nangyari kagabi. Si Theo babes niya! 

Pinilit niyang tumayo at lumabas sa kwarto. Nakita niyang nakaupo si Theo at nakatingin sa labas. Salamat naman at okay lang ang Theo babes niya. Lalapitan na sana niya nang biglang may tumabi ditong babae. Nakita niyang inihilig niTheo ang ulo nito sa babae. Biglang parang unti-unting nabiyak ang puso niya. She closed her eyes at may tumulong luha doon. 

Kahit ano palang gawin niya para sa lalake ay wala lang ito dito dahil meron na itong mahal na iba. Ano nga ba namang ineexpect niya? She’s gone for 12 years at panget pa ang paghihiwalay nila. Tumalikod na siya at bumalik na lang sa kwarto. Medyo nahihilo pa siya. 



She’s gonna be fine. She’s a fighter tsaka sa mga ikinuwento mo mukhang hindi yun susuko hanggat hindi ka nagiging sa kanya.” Sabi ni DK sa kanya at tumawa pa. Medyo napagod na rin siya. Emotional, mental and physically na pagod na siya. Hindi niya tuloy napigilang ihilig na lang muna ang ulo sa balikat ng kaibigan. 

“Alam ko naman e. Kaya lang masyado niya akong pinagod.” 

Natawa na naman ang babaeng uminom na ulit ng kape. Addict ito sa kape. “E masyado kang nagpanic e. Ngayon lang kita nakitang magpanic ha. Mukhang sobrang mahalaga si Miss Aragonez sa iyo.” Sabi pa nito. 

“Hindi naman. Siguro nagpanic lang ako dahil imbes na ako yung sumalo ng bala para sa kanya siya ang gumawa non. It’s my job to protect her at nagpanic ako dahil nabaril siya. Nagpanic ako kung ano ang sasabihin sa akin ni Field Marshall.” Sagot naman niya sa babae. 

“Well, alam naman ni FM na makulit ang anak niya e. You don’t need to worry about her. Naituro ko na rin naman ang paglilinis ng sugat niya at may gamot kung magkalagnant man ang dalaga. Wag mo masyadong binatin.” Sabi nito at tumayo na. 

“Saan ka pupunta?” 

“Aalis na. Meron pa akong duty mamaya e.” Sabi nito at nginitian siya nito. 

“Maraming salamat sa iyo ha.” Sabi naman niya at tumayo na. Ihahatid lang niya ito a naka-tigil na helicopter. “I’ll see you soon.” Sabi niya at nakipag-beso na sa babae. Sumakay na si DK sa helicopter. The lady took her phone out and dialled her number 2 quick calls. 

“Hello? Can I see you?” Nasaad na ni DK na gustong umiyak. Habang tumitingin ito sa lalake na kumakaway sa ibaba. 



Nang hindi na makita ni Theo ang helicopter na nagdala sa kanila ay tumalikod na siya at tumingin kung saan ang kwarto ni Ara. Nakita niyang nakasilip ito. Kumaway siya pero mabilis nitong ibinaba ang kurtina. 

Napakunot noong pumasok siya at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Ara. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakatalukbong ang babae. 

“Hey...” Mahinang tawag niya dito at umupo sa higaan ng dalaga. Hindi siguro ito nakatiis at tinanggal ang nakatakip sa mukha nito pero nakabusangot ang mukha nito. 

“Who is she?” 

“She? Ahhh! Si DK, siya yung nag-opera sa iyo para matanggal ang bala sa tagiliran mo. Siya na rin ang nagpalit sa iyo ng damit. Kasamahan ko siya sa militar dati. She’s one of the best Military Doctor na nakatrabaho ko.” 

“Ahhhhhhh. Okay.” Tipid na sagot nito at napanguso. 

“Why? Is something wrong?” Nag-aalala niyang tanong sa babae. 

“Yes, here.” Sabi nito at itinuro ang banda sa puso nito. 

“Palpitation?” 

“Nope. It’s broken.” 

“Huh?” 

“Basted na ako e.” 

Natawa siya sa turan nang babae. Basted? Kanino naman ito nanliligaw? Sa akin? Hahaha!




ITUTULOY...

No comments: