Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 6: Challenge!

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Buti na lang at nasundan niya ang lalake papunta sa hospital na hindi man lang nalalaman ng lalake. Magaling pa rin pala ang stalking skills niya sa fafable na si Theo. Nag-park siya sa di kalayuan sa lalake. She saw Elliot and the rest going out of their own car. Mukhang importanteng tao ang pupuntahan ng mga ito dahil napalabas sa mga lungga ang JESTER. 

“Sino kaya si Chloe? Is she Theo’s new girl? Kaya siguro hindi na niya ako pinapansin.” Kinakausap niya ang sarili niya while nakasunod parin sa mga ito. Hindi niya naririnig kung anong pinag-uusapan ng mga ito pero mukhang seryoso. 

Nakita niyang lumapit sa mga lalake ang isang buntis na babae at si Kuya James niya. Nakaakbay ang Kuya James niya sa babae. Looks like eto and wife ng kuya James niya na nabalitaan niya through phone call ng ama. She’s really beautiful kahit na nga ang laki na ng nasa sinapupunan nito. 

Humahangos na pumunta na ang mga iyon sa loob ng isang kwarto. Tumakbo rin siya papunta sa tapat ng kwarto at nag-try na rinigin ang nasa loob pero hindi niya marinig. Napabuntong hininga siya. Sino kaya ang Chloe Braganza na yun? Wala siyang nagawa kundi ang umupo na lang sa bench at hintayin ang paglabas nila. 

Mga kalahating oras ang lumipas ng lumabas na ang buntis na babae. Nagulat pa nga ito ng makita siyang nakaupo at nakatitig sa pinaglabasan nito. Napakaway ito sa kanya at ngumiti per pagtataka ang nasa utak nito. 

“Are you one of my cousins friend?” 

So cousin pala siya ng Chloe na iyon. “No. Actually, I am a friend of the guys inside.” Sabi niya at ngumiti sa buntis na babae. 

“Oh! Friend mo yung mga mokong na nasa loob? How come James didn’t tell me about you?” 

“Ahhh. Kasi I’ve been gone for 12 years. I just came back.” Sabi niya at umurong ng upuan para makaupo ang buntis na babae. 

“I’m KC Cristobal. Wife ng friend mong si James. Sorry for late introduction ha, but why don’t you go inside?” 

“Hindi ko naman kasi kilala yung nasa loob e. I don’t want to cause commotion inside.” 

Biglang bumukas ang pintuan kaya naman hindi na siya napilit pa ng mabait na si KC. “Honey, Let’s g—. Oh! You have some company. Sorry for interrupting you lovely ladies.” 

“Hon. Hindi mo na ba siya nakikilala? She told me she’s one of your oldest friend.” 

“Kuya fafable James!” Tawag niya dito. Alam niyang siya lang naman ang tumatawag non dito. 

“Kuya fa—? Is that you Ara?” Nagugulat na sambit nito sa kanya. Napatayo tuloy siya at rumampa sa harap ng kababata. 

“The one and only.” Sabi niya nang matapos na siyang mag-mini fashion show sa harap ng kababata. Medyo natatawa pa nga si KC dahil sa pag-fashion show niya. 

“Oh my god! You grew well. Kamusta sa states?” 

“Ayun states parin, Kuya fafable.” Sabi niya at niyakap na nang mahigpit ang lalake. “Mas gusto ko parin dito no. Nagsawa na ako sa mga blue eyed guy at mas gwapo ng di hamak ang mga kababata ko. I missed you all so much.” 

“Miss you too, princess. Nagkita na ba kayo ni Theo babes mo?” Nakakalokong pakli nito sa kanya. 

“Yupness, Kuya fafable kaya lang sobra ang pag-ignore sa akin ni Theo Babes. Mukhang meron na siyang bago e.” Sabay turo ng pangalan ni Chloe na gamit ang nguso. Sa ginawa niya ay napatawa ang dalawa. 

“Chloe and Theo?!” Natatawa paring turan ng babaeng buntis. “Ang cute mo naman.” Sabi nito sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. 

“Sige alis na ako. Kailangan pa ni wifey ang pagpapahinga e.” Sabi ni James sa kanya at nag-beso beso na sa kanya. 

“Ai sige. Tawagan niyo ako sa paglabas ni Baby ha.” Sabi nito at pinanood na lumagad ang halatang inlababo parin sa isa’t-isa. Hindi nagtagal at lumabas na rin silang lahat. Nagulat pa nga sila lalo na si Theo babes niya dahil andoon siya. 

“What are you doing here?!” Medyo napalakas ang boses nito. 

“Do you know her brod? Naks naman! Galing naman pumili.” Nang-aasar na sabi ni Elliot sa kababata. 

“So that was why I cannot phone you last night. Meron ka palang nakitang babae.” Sabi naman ni Ran sa lalake at pinagmasdan siya. 

“How come very familiar ang mukha mo?” Nagtatagalog nang tanong ni Sean sa kanya. 

“Kuya fafables and Theo Babes. Antagal niyo sa loob ahhh. Akala ko mapapanis na ang aking beauty e.” Sabi nito at napangiti. 

“Kuya?! Wait! Don’t tell me she’s what I am thinking she was?” Tanong ni Ran at tinitigan si Theo. Napabuntong hininga ang lalake. 

“Yes. Your right. She’s none other than, Ara.” Sabi nito sa mga lalake at napasugod ang mga ito sa kanya at niyakap. 

“Wow! Gumanda ka at sumexy lalo ahh!” Sabi ni Elliot at niyakap siya ng mahigpit. 

“Nice. Pwede ka na. Pwedeng-pwede.” Sabi naman ni Ran at niyakap siya matapos siyang yakapin ni Elliot. 

“Well, I knew you have potentials. If you need help about ‘things’ tell me, I will help.” Sabi nito na ikinangiti niya lalo. 

“Wag niyo ngang kunsintihin. Kaya lumalala e.” Sabi ni Theo pero hindi pa rin siya niyayakap. Lahat na yata nayakap siya except ang Theo babes niya. Lumapit na lang tuloy siya at siya na ang yumakap. Warmth spread all over her body nang magtama ang kanilang katawan. Naamoy niya ang panlalakeng aftershave nito at ang amoy ng hospital but it’s fine for her. Kasi gwaponess talaga ang fafable super crush niyang si Theo babes. 

“Mauna na kami and please, stop doing public displays, Ok?. Bye guys.” Nakakalokong sabi ni Ran at umalis na ito. Mukhang may something na gumugulo sa utak ng lalake but it’s the guys life at kaya ng mga lalake na malusutan ang lahat ng problemang kakaharapin. 

“Yeah. Mauna na rin ako. I need to check on something.” Sabi naman ng fafable Sean niya at umalis na rin. 

“Hahanapin ko lang si Dra. DK. Bye, future lovers.” Sabi nito at lumakad na papunta sa nurse station. 

“Tignan mo. I told you, bagay tayo, my Theo Babes. Narinig ko na um-oo ka sa pagiging partner ko sa dance. Sala—.” Pinutol na naman nito ang sasabihin niya nang ilayo siya nito sa pagkakayakap niya. 

“You don’t need to tell thanks kasi I owe your father one.” Sabi nito at lumakad na papalayo kung hindi pa niya iniangkla ang kamay sa braso nito ay iiwan na naman siya nito. 

“I’m going with you.” 

“Fine but just be quiet.” Sabi na naman nito sa kanya at lumakad na. Buti na lang at hindi na nito tinanggal ang kamay niyang nakaangkla dito. 



Medyo nagulat si Ara nang dalhin siya ng kanyang super mega duper crushness fafable niyang si Theo babes sa isang restaurant. 

“D-date ba ito? Eto ba yung naudlot nating date noong 12 years, 11 days, 54 minutes and 06 seconds na nakakalipas?” Sabi niya dito at tumingin sa lalakeng tahimik lang na kumakain. Kahit na hindi ito nagsasalita or gumagawa ng eksena ay sa kanila lang napapadalas ang pagsilip-silip ng mga babae. Kulang na nga lang ay takluban niya ito ng kumot or hilain ito at ilagay sa compartment ng sasakyan para walang makatingin sa iniirog niyang pururot! 

“Nope. I just wanted to say ‘Welcome back’ properly, Ara, so you won’t annoy me anymore.” Sabi nito sa kanya at tahimik na kinain ang turkey na inorder nito. 

“Well, I think of it as a date. Sooner or later, magiging akin ka rin naman e.” Sabi niya dito at naghati na nang steak na inorder niya. Medyo nabulunan yata ito sa sinabi niya kaya nabilaukan itong napaubo at uminom agad ng tubig na malapit dito. Nagulat naman siya sa nangyari at dinaluhan agad ang lalake at hinimas sa likuran. 

“What did you just say?” Medyo napapaubo pang tanong nito. 

“What? The I’ll think of this as a date?” Nagtatakang tanong niya dito. 

“No, the latter part of your sentence.” 

“Oh! The part where I said you will fall for me sooner or later? Why? Yun lang ba ang ikina-shock mo? Noong bata pa ako ay iyon na ang pangarap ko ang mahulog ang loob mo sa akin. So I will do anything just to make you fall in love with me.” Sabi niya dito at ibinulong niya ang dalawang pangungusap sa tenga nito.Napapangiti siyang lumakad sa upuan niya nang makita niyang tinakpan nito ang tengang binulungan niya kanina. 

“Honey, just don’t stress out and relax. I will handle this things.” Nakakaloko niya pang sabi dito na medyo nailakas niya ang boses. It’s about time to take what is supposed to be hers a long long time ago. 

“I just wanna clear things up, Ara. I am a sane man and I won’t fall for an insane lady. I don’t wanna be called ‘cradle snatcher’.” Sabi nito na naibalik na ang nakakalokong ngiti sa labi. 

“Are you implying that I am still a baby compared to you? You just called me a lady earlier and I will proved you that I am no baby.” 

“I think, I just heard a challenge. I accept! You will see that I won’t fall in love with you, Baby Ara.” Sabi nito at ngumuyang nakakaloko at tinitigan siya nito sa mata. 



It has been the hellish three days of his damn life! Kung alam niya lang na mas naging baliw ang kababata nang magkahiwalay sila ay hindi na sana siya nag-accept-accept pa ng challenge dito. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa trabaho niya. 

Nagtratrabaho siya sa isang opisina with a desk, paper works, laptop, meeting ng client and such aka Business Man siya when he doesn’t have any secret mission. Aphrodite is being a pain in the arse para sa kanya. Maya-maya ang sulpot nito at lagi siya nitong tinatawagan. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang kanyang numero; mapa-private line man or sa office line, but she surely knows how to annoy the hell outta him! 

Nasa gitna siya ng meeting with Mr. Romano Imperial nang bigla na lang sumulpot ang dalaga sa lunch meeting niya. Naki-upo pa ito sa kanila at nakipagkwentuhan with his client. 

Tumatawa ang dalawa while he on the other hand ay napaka-seryoso at kulang na lang ay itapon palabas ang babae. She’s ruining his peaceful life! 

“Mr. Imperial—.” 

“Romano, Miss Aragonez. I love your character!” sabi ng kausap niya sa dalaga. Aba at nakapagpa-first name basis na ang dalaga sa lalake. 

“Mr. Romano then, but please call me by my name too. Ara will be fine.” Sabi naman ng babaeng baliw sa ka-meeting. 

“Buti pa kayo love niyo ang character ko yung iba po kasi, ayaw akong i-appreciate.” Sabi pa nito sa kausap at tinapunan siya ng tingin. 

“I think, kung sino mang poncio pilato ang hindi ka na-aapreciate ay isang bulag or tanga.” 

Bulag at tanga daw? Ako? Ano ba ang nakita ni Mr. Imperial sa babaeng baliw at tuwang-tuwa ito dito. 

“I like how you see things. Very very positive at sobrang bilib mo sa sarili mo, I mean in a good way plus your very beautiful, Ara.” Pagpapalaki pa ng ulo ni Mr. Imperial kay Ara. 

“Salamat po, Mr. Romano. I am so pleased to meet you but I think I am being a real pest for both of yous! So I should go! I need to grab some make-up artist too para mamayang gabi. Me and Mr. De Guzman has a party to attend too. Nice meeting you po ulit, Mr. Romano.” Sabi nito sa lalake at nakipag-beso pa. 

Hai salamat at medyo naramdaman rin nitong importante ang pinag-uusapan namin. 

“Oh! I am sure it is fine with Mr. De Guzman. If both of us are being too serious here ay baka maging mas bata ako sa kanya ng di hamak. It is indeed very nice to meet you.” Sabi nito na nakatayo na rin katulad niya. 

“By the way, Ara, I’ll phone you and introduce you to my son. I am sure both of you will like each other.” Sabi pa ng lalake sa praning. 

“Well then, Mr. Romano, I will expect an invitation from you. I will surely like to see your family and have a chat. I gotta go.” Lumakad ito palapit sa kanya at akala niya ay makiki-beso rin ito sa kanya pero mukhang na-underestimate niya ang babae. 

She grabbed me on my neck and pulled me for a kiss! In front of Mr. Romana Imperial na mukhang mag-rereto sana ng lalake para sa praning. 

“Now, that is for ignoring me for the rest of my stay here. I will see you tonight, love.” Sabi pa nito at kinindatan siya. 

“I-I can explain it, Mr. Imperial.” Medyo nag-panic na sabi niya dito sa lalake nang makaalis na ang dalaga sa harap nila. Medyo nagulat kasi siya sa bold na ginawa ng babae. Nagulat naman siya at humalakhak ito. 

“No. No. I am sorry for trying to set up my son and your girlfriend together. Let’s go down to business?”





ITUTULOY...

No comments: