Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 5: Your Worst Nightmare

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.



Bakit ka nga pala napaaga ng uwi?” Nagtatakang tanong nang daddy niya ng makapuwesto na ito sa tapat niya at umiinom na ng tsaa. 

“Kung alam lang namin ng mommy mo ay hindi ko na dapat siya pinatapon sa isla at magbakasyon.” Sabi nito at ngumisi. May pagka-praning rin kasi ang ama niya. Lahat ng subordinate ng tatay niya ay takot dito dahil terror ito at istrikto when it comes to work per pag naandito na sa bahay ay relax ito at parang hindi ito isang taong mataas ang ranggo sa militar. 

“Well, I’ve got an invitation to a party. It’s about my business and It’s very important kaya umuwi na rin ako. I am planning on expanding my clothing bussiness, dad. At kailangan ko ng tulong ng mga tao sa party na iyon. I need to do some sales talk to them.” Sabi niya dito at ibinato niya sa may lamesa ang invitation. It’s an invitation for all the new entrepreneur to socialize to the other bussiness mens na successful. 

“Your Aphrodite’s Fashion House? Pero kilala na rin iyon sa Pilipinas ahh. Marami nang mga model ang kilala ang brand mo.” 

“Yupness, dad, pero hirap silang makakuha ng mga damit dahil sa America lang meron ang Ara Collection. Gusto ko hindi lang ang mga model ang makabili ng mga damit ko. I want all the filipinos to where my dresses.” 

“Well, it’s up to you but I need to give you some bodyguards to this event.” Sabi nito at napangiti na. 

“No way! Paano ako makaka-mingle ng tao at makakapag-sales talk kung may nakabuntot sa aking mga body guards? Tatanungin ko si Theo babes about this.” 

“I doubt na sasang-ayon siya. You know him, darling. That guy hates gatherings.” Sabi nito at tumawa ng malakas. 

“That is why you’re helping me with it.” Sabi niya sa daddy niya at kumindat pa dito. Nag-roll eye na lang ang daddy niya at bumuntong hininga. 

“Well, I will try.” Sabi nito na napangiti na siya. She knew well na hindi naman makakatanggi si Theo sa daddy niya. Naging Boss kaya ito ni Theo babes niya. Bigla namang nag-ring na ang telepono ng daddy niya. Nag-excuse ito at lumakad na papalabas ng veranda nila. Mukhang urgent kasi biglang sumeryoso ang mukha ng tatay niya. 

Napabuntong hininga siya at napatingin sa cellphone niya. Binabaan siya ng telepono ng babes niya. She knew well na nag-iba na ang pagtingin nito sa kanya. It was 12 years nung last silang nagkausap. Sabi nito na mag-date sila sa graduation nito pero hindi naman iyon natuloy. Napabuntong hininga ulit siya at nag-reminisce. 



Excited niyang pinanood ang mga nag-mamartsang mga tao sa stage. Eto na kasi ang araw ng graduation at araw ng first date nila ni Theo babes niya. Nangako sila sa isa’t-isa na mag-date sila sa graduation. Tapos na iyon at nakita na niyang naglalakad ang lalake papunta sa kanya. Kumakabog ang dibdib niya. Inlababo na siya sa kanyang Super Crushness Theo babes niya. 

“Ara...” 

“T-tara na! I’m excited.” Sabi niya dito at hinawakan na ang kamay nito at naglakad na. Tumigil rin ulit siya at napakunot na tumingin sa lalake dahil hindi ito naglalakad. Nagtataka tuloy siya dito. 

“May gagawin ka pa ba? Or kakausapin? Okay lang sa akin, I’ll wait here, Theo babes.” Sabi nito sa lalake at nakangiti na ulit. 

“No... Ara—.” 

“No? Edi taralets bagets!” sabi niya dito at hihilain na dapat niya ulit si Theo pero hindi ito nagpahawak sa kanya. Doon na siya kinabahan. 

“Just let me talk. Pinahihirapan mo ako lalo e.” Sabi nito sa kanya at medyo irita na. Niluwagan nito ang suot na necktie at tumitig sa kanya. 

“I’m sorry pero hindi na tuloy ang paglabas natin.” 

“Ano? Bakit? Whyness? Chubachuchu?” Naguguluhan niyang tanong dito. Nadismaya na siya ng sobra sobra pero baka ilipat lang nila ito ng date at okay pa rin siya doon. 

“Nakiki-joy ride lang naman ako sa iyo nung sabihin kong ‘oo’ about doon sa date e. Hindi ko naman talaga gusto ang i-date ka. Kaya nga hindi kita inaaya diba? Tapos tuwing magkasama tayo napapahamak ang bukay ko. Just let me go and have a peaceful life.” Sabi nito sa kanya at natulala siya. Hindi niya alam na galit pala ito sa kanya dahil lagi itong napapahamak dahil sa kanya. Pinag-laruan rin lang pala siya nito para siguro makaganti sa pagpapahamak niya dito ng maraming beses. 

Napaluha siya pero hindi na niya iyon hinayaan pang makita ng lalake dahil tumalikod na rin siya at dire-diretsong pumunta sa kotse niya. Hindi niya alam na it will be the last time na magkikita sila. 



Natigil lang ang pag-rereminisce niya ng biglang may nag-doorbell at buksan ng isang maid ang pintuan. Iniluwa doon ang isang matangkad na lalake na naka-brush up ang mahabang buhok nito at naka-black na polo shirt. 

Biglang nagwala ang puso niya. Si Theo babes niya. Matagal man silang hindi nagkita ay kilala parin niya ito. Sa pagtayo nito, sa presence nito at sa super gwaponess nitong face. Nagtanong ito sa maid at itinuro siya sa lalake. 

Napatingin sa kanya ang lalake at napatitig. Hindi niya nga lang mabasa kung ano ang nasa utak nito dahil straight face parin ito hanggang sa makarating na ito sa tapat niya. 

“Hi Ara. Where’s your dad?” Tanong nito sa kanya at iginala ang mata sa kabahayan. 

“T-theo babes? Ikaw na ba talaga yan?” Natutulalang tanong niya dito. Mas gwapo ito sa malapitan. Lagi niyang nilulunok ang laway niya para lang hindi siya maglaway sa harap ng lalakeng super duper crush niya at namimiss na niya ng sobra. 

“Yes. Where’s you father?” tanong ulit nito. Para bang ayaw nitong makinig sa lahat ng sinasabi niya. 

“Ai nasa veranda. Meron tumawag e. Biglang sumeryoso. Theo ba—.” Hindi na niya ito natuloy dahil iniwan na siya ng lalake at dumiretsiyo na ito sa veranda. Nakita niyang sumaludo ito. Nagalit siya sa ginawang pag-ignora sa kanya ni Theo babes niya kaya kumuha siya ng throw pillow at binato ang binata! Sapul! Napatingin tuloy sa kanya ang binata. Doon siya dumila dito at nagmartsa na pataas sa kwarto niya. 



Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan na siya. Kanina pa siya nagpapabalik balik papunta sa pintuan pabalik sa kotse. Meron siyang hindi magandang nararamdaman na mangyayari sa kanya sa loob. Pero kailangan niyang pumunta dahil pinapapunta siya ni Field Marshall Aragonez para idiscuss ang kanyang next assignment. 

Nag-doorbell na ang lalake sa pintuan na agad namang binuksan ng maid. Si Manang Patty iyon. 

“Hello po, Manang Patty. Nasaan na po si Field Marshall?” Tanong niya dito at ngumito sa matanda. 

“Andoon kanina, Hijo. Kasama ang anak niya. Tanungin mo na lang si Mam Ara.” Sabi nito at itinuro ang puwesto ng babae. Napalingon tuloy siya doon at medyo nagulat. Hindi niya ineexpect na mas gaganda ang babae. Ganoon parin naman ang itsura nito pero mas naging maappeal at naging mature ang babae. Muntik na nga siyang mapanganga e. 

Lumakad na siya palapit dito. It was indeed the worst move na nagawa niya. Naamoy kasi niya ang floral at sweet nitong amoy na bumagay naman sa anyo nito. Mahaba at wavy ang buhok nito na mala-diyosa sa sinaunang panahon ang arte, piliktmata nitong mahahaba na bumagay sa medyo greenish nitong mata, naka-contact lens kasi ito ng green, at ang nunal nito sa ibaba ng labi na nagbibigay ka-sexyhan sa mga labi nitong mapupula kahit na wala naman itong lipstick. Napalunok siya. Buti na lang at hindi nito nakita iyon. 

“Hi, Ara. Where’s your dad?” Tanong nalang niya at bawi sa pagkakatitig niya dito, inilibot na lang niya ang kanyang mga mata para hindi siya mabuking nito na malakas ang sex appeal nito sa kanya. 

“T-theo babes? Ikaw na ba talaga yan?” 

“Yes. Ako nga. Where’s your dad?” Ulit niya. He was trying real hard not to look at the lady again. Masyado kasing namamagnet ang mata niya sa babae e. Kahit na inililibot niya ang kanyang mata ay hindi parin niya mapigilan ang hindi ito tapunan ng tingin. 

“Ai nasa veranda. Meron tumawag e. Biglang sumeryoso. Theo—” Veranda? Eskapo na! Sabi niya sa isip niya at biglang tumalikod sa babae at dumiretso sa Veranda. Naramdaman na lang niyang may tumamang throw pillow sa tagiliran niya. Napatingin tuloy silang dalawa ng daddy nito sa unan at nagtapon siya ng tingin sa babae. Binelatan siya nito at nagmartsa na palayo. 

“Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Miss ka lang nun masyado. Napasugod ka yata?” Nagtatakang tanong ng matandang lalake at umupo na sa isa sa mga upuan sa veranda. Umupo rin siya sa tabi ng lalake ng senyasan siya nitong umupo. 

“Sabi po kasi ni Ara na pinapatawag niyo daw ako.” 

“Wala akong sinasab—. Never mind. I need to talk to you about some ‘business’. Let’s go to the Study room.” Sabi nito sa kanya. Doon lang kasi ang soundproof ang kwarto. Sila lang ng matanda ang nakakaalam nito. It was a secret room para doon sila lagi makapag-usap. 



Pagdating sa Study room ay ini-lock kaagad ni Theo ang pintuan at tumayo sa harapan ng matandang lalake. 

“We have bad news. Kakatawag lang ng ni General Urbano. He found a footage of Edilberto Sanchez sa isa sa mga CCTV sa isang MRT. Pinakuha ko ang files nung lalakeng binaril mo dati and he wasn’t Sanchez. Isa ito sa mga tauhan niya na pinalitan ang mukha para maging siya. It was Romano Gomez aka ‘Tigas na bato’.” 

Napamura siya. Akala niya ay okay na ang lahat. Hindi niya ito inaasahan. Meron nga rin silang pagkakamali dahil hindi na nila inalam pa kung si Edilberto nga ba ang nabaril niya. Hindi kasi nila ineexpect na gagawin iyon ng lalake. 

“I had the source na nalaman nito ang party kung saan pupunta ang anak ko. Nakita nito ang pangalan ng anak ko. I am worried.” Nababakas nga sa mukha nito ang pag-aalala sa mukha nito. 

“Alam mo namang matigas ang ulo ng anak ko. She told me na ayaw daw nito ng bodyguard.” Sabi pa nito at napabuntong hininga. Kinabahan na siya. Eto na yata ang pinaka-ayaw niyang mission na hahawakan. 

“Pwede na ba akong sumingil ng utang? I know, it’s a foul move, Theo but I cannot let anything happen to my only daughter.” 

“So you want me to be her bodyguard?” Pagtitiyak niya sa magiging mission niya. 

“Yes. Yun na rin iyon but I want you to make her think na magiging partner ka lang niya sa party na iyon. I had this gut feeling na hindi kikidnapin ni Sanchez ang anak ko kundi papatayin ito on the spot.” 

“Don’t worry Field Marshall Aragonez. Ako na po ang bahala sa anak niyo.” 

“I trust you. Theodore.” Sabi nito at nakahinga na ng maluwag. Mas gumaan ang ekspresyon nito kaysa kanina. 

“Aalis na rin po ako. Kailangan ko pong puntahan ang mga ka-brod ko e.” Sabi niya dito sa lalake nang papalapit na sila palabas dito. Binuksan niya na ang pintuan at nakita niyang nakabihis nang pang-alis ang dalaga. Nagbawi siya ng tingin dahil nagkatinginan ulit sila ng babae. 

“Sige po, F.Marshall Aragonez. Mauna na po ako.” Sabi niya dito at sumaludo ulit. 

Paalis na siya ng bahay nang biglang mag-ring ang telepono niya. Sinagot niya ito. It was James. “Tol! You better come here! Chloe had an accident!” sabi nito sa kanya. Nag-papanic ang bruho dahil nagpapanic rin ang asawa nitong malapit na ring manganak. 

“Relax. I’ll be there. Tawagin mo na rin sila para hindi ka mabaliw sa kakatingin sa dalawa. Try calling Elliot para siya na ang mag-asikaso kay Chloe.” Sabi niya dito at dumiretso na patungo sa kotse at pinasibad na ang sasakyan. 



Dad! I am going.” Sabi niya at nagmamadaling sinundan ang lalake. Kung dati, stalker siya nito ngayon ay stalker pa rin siya nito. Sino kaya ang Chloe na iyon? 

“Where are you going? Oh, By the way. Napa-oo ko na si Theo about sa party. He will be your partner.” Sabi nito na nakapagpatigil sa kanya at napabalik na tumakbo sa papa niya. She jump towards her dad and kissed her father’s whole face. She’s so happy. 

“Thanks, Dad! Now, I need to do my other work.” Sabi niya nang marinig na umalis na ang sasakyan ng lalake. 

“I need you car key, Dad.” Sabi niya dito at ngumiti ng ibigay ito ng daddy niya. 

First Job: Designer 

Second Job: Stalker ni Theo Babes




ITUTULOY...

No comments: