Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 4: Welcome Home

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Arrrg! That damn dream again!” Naaasar na sabi niya at tumayo na sa kama niya. It’s been twelve years na ang nakakalipas pero ayaw pa rin siyang tantanan ng mga masasamang ala-ala nung kabataan. 

Theo stood up and walked towards the bathroom fully naked. Wala naman kasi siyang kasama sa bahay e. Sunday ngayon at pahinga ang maid na tinatawagan niya to clean the house everyday. Napakamot siya sa mahabang buhok niya. Hindi na kasi siya nakapagpagutip since umalis na siyang army. Muntikan na kasi talaga siyang madedo the last time na pumasok siya sa isang mission. For some reason ay hindi niya pa gustong mamatay pero nasa job description ng isang militar ang mamatay ng magiting sa gitna ng labanan. 

Napatapat siya sa full body mirror niya at nakita niya ang ilang gunshot scars na nagkalat sa buong katawan niya. One was from that dream again. Panaginip na matagal nang natapos at nangyari but it still haunts him. Ang pagiging weak niya. 

“NOOOOOOOOOOOOO!” Yun ang huling narinig ni Theo bago siya mawalan ng malay. Narinig na rin niyang humarurot ang isang sasakyan. The next thing he knew ay nakahiga na siya sa kama ng hospital at isang linggong tulog. 

“S-si Ara po?” kinakabahang tanong niya sa mga magulang niya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at iniluwa ang nakangiti pero may pasa paring pisngi ng dalagita. Muntik na siyang mapaiyak sa sobrang tuwa na makita ang dalagang buhay pa. 

“Theo babes! Akala ko hindi ka na magigising e.” Sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Uupo na sana siya ng biglang kumirot ang kaliwang tagiliran niya. Nakita niyang nakabenda ito. He forgot that he was shot. 

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng mga magulang niya at ni Ara. Tumungo siya at ngumiti. 

“I am fine you don’t have to worry about me.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ng kababatang babae na napalapit na ng husto sa kanya at sa puso niya. “Ikaw anong nangyari nung mabaril ako?” 

Nakita niyang sumungaw ang ulo ng daddy ni Ara sa pintuan at tinawag ang mga magulang niya. Tumayo naman ang mga ito at lumabas na sa kwarto. Doon lang ulit niya tinapunan nang tingin ang medyo natulalang babae. Mukhang may trauma pa ito sa nangyari. 

“No. Forget what I just ask. You don’t have to answer it.” 

“No. You have to know. You saved my life not just once or twice. I owe you my life at sa paglalahad lang ng mga nangyari ay wala iyon sa ginawa mo.” Sabi nito at lumuhang hinaplos ang sugat niya. 

Isinalaysay nito ang pagkakakidnap nito at pagpapahirap sa dalaga. The kidnappers wanted her killed. Malaki ang galit nito sa ama ng dalaga kasi napatay nito ang puganteng anak nung magkaputukan ang mga militar at ang mga rebelde. Gusto daw nitong iparamdam kung gaano kasakit ang mawalan ng nag-iisang anak. Buti na lang daw at may tracker device ang tatay nito na inilagay sa pinaka loob ng bag ng dalaga. Nagsimula na kasing mag-alala ang mga ito nang hindi pa umuuwi ang unica hija ng mga ito. 

Tumawag daw ang mga magulang ng dalaga sa school at doon nila nalaman na napatulog pala ang guwardiya at nagpadala kaagad ng mga tauhan ng mga ito. Doon na daw siya nakitang critical ang lagay buti na nga lang daw at masamang damo daw siya at hindi namatay. 

Nakuha din naman si Ara within 3 days at napakulong na ang may sala sa lahat ng ginawa nito sa kanilang dalawa. 

“I’m glad na nakulong na ang lalake. At least hindi na tayo gagambalain ng mga iyon. I am happy that both of us were safe. Akala ko hindi na matutuloy ang date natin e.” Nagbibiro nang sabi niya sa babaeng lumuluha parin. 

Iginalaw niya ang kamay at pinahid ang luha na nahuhulog sa pisngi nito. Sumenyas rin siya na lumapit ito sa kanya. Tumalima naman ang babae at ginawaran niya ng mabilis na halik ang labi nito. Nagulat ang dalaga at napatingin sa kanya. 

“You don’t have to worry. Ipagtatanggol kita.” Sabi nito nang makalayo na ang dalagita sa kanya at tulala. 

Doon naman pumasok ang mga magulang niya at pati na rin ang mga magulang ni Ara. 

“Let’s go, Ara.” Sabi ng mama nito sa nakatulala paring babae pero gumalaw ito para sumunod na papalabas ng kwarto. Tumigil ito para lumingon sa kanya. Kumaway ito at tumakbo ng mabilis palabas. Tatalikod rin sana ang tatay ng dalaga ng tawagin niya ito. 

“General Aragonez. Pwede po bang makausap ng masinsinan?” May paggalang na tanong ni Theo sa general. Tumungo ang lalake at tumingin sa mga magulang niya. Napatungo naman ang mga ito at lumabas na rin. Ni-lock ng general ang pintuan at tumayo sa gilid ng kama niya. 

“Yes, hijo?” Pagtataka ang naka-larawan sa mukha ng lalake. 

“I want to join the army.” 



Naalala niya na naman kung paano siya nagsimula sa army. Ang lumakas para hindi lagi nakaratay sa hospital bed. Ilang beses na siyang nakapuntang hospital dahil na rin sa medyo mahina ang katawan niya at dahil na rin sa mga nangyari sa kanya nung bata pa siya dahil na rin sa Disaster Prone area na babaeng si Ara. Ang makulit na kababata niya. 

Binabangungot na naman siya ng nakaraan dahil parating na ito galing sa ibang bansa. Pinatapon ito ni Field Marshall Aragonez nung matapos nito ang 1st year sa school nila dati. Delikado parin daw kasi ang buhay nito sa pinas. It was better for him as well. Isang malaking distraction lang naman ang babaeng bratinella-slash-stalker-na-makulit-at-baliw na anak ng napakatino at respetadong si Field Marshall Aragonez. Kung hindi dahil sa General ay matagal na siyang patay. Itinaas niya ang kamay na nakahawak sa scar niya sa may kaliwang tagiliran patungo sa scar niya malapit sa puso mas fresh ito dahil tatlong taon pa lang ang nakakalipas bago ito mangyari at bago pa siya mag-resign. 



Nagmamadaling naglalakad siya patungo sa opisina ni Field Marshall Aragonez dahil may nakalap siyang isang mahalagang impormasyon tungkol sa pagkakatakas ng dating killer ni Aphrodite Aragonez. Nakatakas kasi ito dahil na rin sa koneksiyon nito. Ngayon ay on the move ito pero wala pa rin silang alam kung saan ito makikita. Last time na nakita ng CCTV ay nasa Bulacan ito. Malapit na sa head quarter nila sa pampanga. Mukhang puntirya na nito ang dating General. 

Kumatok siya ng dalawang beses at binuksan iyon. Nakatalikod ang swivel chair nito na nakaharap sa malaking bintana. Sumaludo siya dito at ibinaba na niya ito nang sumenyas ito sakanya. Hindi pa nga lang rin ito naharap sa kanya. 

“General De Guzman reporting to Field Marshall Aragonez about the case of Edilberto Sanchez. Sir, namataan kaninang 1300 na nasa Bulacan na po ito at padiretso na po dito. I suggest that you leave here immediately, Sir.” Sabi niya pa dito at hindi parin umaalis sa kinatatayuan niya. 

“I need you to look at this papers, Sir. Tungkol po ito sa taong tumulong sa pagtakas niya. Tama nga po kayo ng hinala konektado po siya kay Police Inspector Fernandez.” Sabi niya pa nang may marinig siyang magkasa. Kumunot ang noo niya at humawak na rin ng baril na nakalagay sa tagiliran niya. 

He was about to aim nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang dapat ay kanina niya pang kausap na si Field Marshall Aragonez. 

“O, General De Guzman. Andito ka pala. Kanina pa kita gustong kausapin.” Imbes na makasagot siya ay narinig niyang umikot na ang swivel chair at pumutok na ang baril ng lalakeng nagpapanggap. Si Edilberto Sanchez ang kanina pa pala niya kausap. Nataman siya nito malapit sa puso kaya napahawak siya kaagad sa dibdib niyang may tama at itinutok ang baril sa lalake. Salamat at naging magaling siya pagdatig sa sharpshooting. Pinaputukan niya ito at tumama ito sa ulo. 

Matagal na dapat nilang ginawa iyon. Matapos bumulagta ang lalakeng si Edilberto ay bumulagta na rin siya. Atleast kahit papaano ay safe na si Field Marshall Aragonez at ang anak nito. 



Sinugod kaagad siya sa Army Doctor na si DK at doon binigyan siya ng lunas nito at pinadala siya sa mas hightech na hospital. Critical na naman kasi ang buhay niya. Marami palang dugo ang nawala sa kanya at madaming napinsalang arteries at veins buti nalang walang vital organs na natamaan. Delikado daw na gawin iyon sa hospital sa headquarter kaya inilipad siya papuntang maynila. Kinailangan din siyang salinan ng dugo kaya naman nagprisinta si Field Marshall Aragonez sa pagbibigay bago pa mahuli ang lahat. 

Theo owed the old man his life, kung hindi dahil sa kanya ay marahil wala na siya sa mundo at hindi na mararamdaman ang buhay sa labas ng militar. Theo’s having a damn good time playing and fooling around. 

Dumiretso na siya sa pagliligo and took time with it. Tahimik na ang buhay niya pero siyempre na-mimiss niya ang action kaya tuwing may kailangang impormasyon or kailangan pa rin siya sa isang misyon ay go parin siya. 

Natapos na niya ang pagligo at itinapi na niya ang tuwalya niya sa lower half ng katawan at dumiretso na sa built in closet niya at kumuha ng mga damit. Tapos na siyang magbihis ng tumunog ang cellphone niya. Napakunot ang noong pumunta siya doon at kinuha. Ang alam niya kasi ay mamaya pang tanghali ang pagkikita nila ni Field Marshall Aragonez. Meron daw itong napakahalagang mission para sa kanya. 

Calling... Not Registered... 

“Hello? Who’s this?” Nakakunot parin ang noo niyang sinagot ang telepono. 

“THEO BABES! Hamishu!!!!” Nakakarinding sabi ng nasa kabilang linya. Tumili kasi ito sa kabilang telepono. “Namiss kita Theo babes! Lalakeng-lalake na ang boses mo. Nakakabading! Hamisshuuu and halabyou!” Malabading na naman nitong sabi sa kabilang linya. 

Na-shock siya. Iisa lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan. Si Ara. Ang lokaret na anak ni Field Marshall Aragonez. It can’t be kasi next week pa dapat ito uuwi ng pilipinas. 

“Theo babes? Are you there? Yoohoooooo?!” 

“A-ara?” 

“Yupness! The one and only! Pinapatawag ka ni Major Superintendent Super Papalicious Field Marshall Aragonez aka Daddy.” Sabi nito at tumawa ng nakakaloko. 

“Okay. I’ll be right there. Bye.” Sabi niya at akmang pipindutin na ang end button ng biglang simigaw si Ara. 

“Waiting!” sabi nito sa kabilang linya. 

“Yes?” 

“Nasaan ang I miss you too at I love you too?” 

“I miss you, Ara. I will see you later.” Walang emosyong sinabi niya sa babae sa kabila. Magsasalita pa sana ito pero na-end na niya. Kaya pala binabangungot na naman siya. Meron na yata siyang defense mechanism at telepathy when it comes to that crazy lady. Trauma na din siguro sa mga nangyari sa kanila dati. 



Napasimangot ang dalagang nakaupo sa may sofa sa sala. Nakataas ang paa nito sa may lamesa at nakamaikling short shorts ito na nalantad ang porselana, mahahaba at bilugan niyang binti. Naka-spaghetti strap din siya dahil init na init siya sa pilipinas. 

12 years kaya siyang wala sa pinas at hindi na siya sanay sa klima ng pilipinas. Buti na lang talaga at okay parin siyang magsalita ng tagalog. She doesn’t really want to forget her own language. 

“Aphrodite Rana!” Dumagundong na boses ng MSSP Field Marshall Aragonez aka Daddy niya. Napalingon lang siya dito at nginitian siya. 

“Yes, fatherlu?” 

“Is that how a proper lady sit? Umupo ka nga ng maayos. Andaming nakakakita sa iyo.” Sabi pa nito napabuntong hininga. 

“My feet was soar and I needed to relax a bit. Ang haba kaya ng biyahe papunta dito tapos parang ayaw mo pa nga akong naandito e.” Kunwari ay nagtatampo nitong sabi sa ama. 

Bigla naman parang naguilty ito at lumapit sa kanya. “No, Hija. It’s just that I was shock. Akala ko kasi next week ka pa makakauwi e. Hindi tuloy ako nakapaghanda ng makakain. You know how I miss you my baby.” Sabi nito at niyakap na siya. 

“I know. I am just joking. I love you too, dad.” Sabi niya at niyakap na rin ng mahigpit ang tatay na hindi niya nakita for 12 years. Well, actually nagkita sila nung 18 birthday niya at yung pag-graduate niya kasama ang kanyang super sexy paring mother. 

“Pero wag ka pa ring umupo ng ganyan.” 

Napabuntong hininga siya at umayos na ng upo. “Fine. Para sa iyo dad.”



ITUTULOY...

No comments: