Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 3: My Best and My Worst

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Nagsimula na nga siya sa pangliligaw niya sa lalake. Nagtanong-tanong siya sa mga kababata kung ano ang mga gusto at ayaw nito, mga paboritong pagkainin nito at kung anu-ano pa. Dahil sa tulong ni Vega ay nalaman niya ang schedule nito. Sinu-sundan niya ito saan man ito makapunta. Stalker nga kumbaga. Sasali na nga rin siya sa Archery Club para lang talaga sa lalake, kahit na nga ba hindi siya marunong nito. 

Yun na kasi ang recruitment day ng mga clubs sa highschool. Sabay silang naglalakad ni Vega at naghiwalay din. Love talaga ng kaibigan ang pagiging Journalist kaya naman sumali ito sa Newspaper Club. 

Tinungo naman niya ang stand ng archery club. Maraming nakapila dito katulad na rin ng ibang sports club na kasama ang mga JESTER. Yun nga lang ang problema niya. Walang spe-special sa pag-aaply sa mga clubs. Pumila siya kahit na nga ba napakahaba ng pila. It took her, 2 hours para lang makapunta sa harap. Pawisan na siya at nanlalagkit, dahil sa sikat ng araw at sa mga kasama niyang nakapila dito. 

“Okay. Let’s go for a break.” Sabi ni Theo nung nasa harap na siya. Nakangisi ito sa kanya at tumayo na. Naghihimutok na humarang siya sa dadaanan ng lalake. 

“Grabe ka naman Theo babes! Antagal ko nang pumila dito. Hindi pa nga ako nakain e tapos your just gonna walk away na parang hindi mo ako nakita?” Naiiyak na niyang sabi pero ayaw naman niyang umiyak pa ulit sa harap ng lalake. Masyado na siyang umiiyak sa harap nito. 

Mukha namang naguilty ito at napabuntong hininga. Naglakad ito papunta sa desk at kumuha ng application form. “O eto. Sign it up and give it to me. Let’s go.” Sabi nito at hinila na siya paalis sa lugar. Napangiti na siya dito at tinititigan ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Strong yet gentle. 

“S-saan tayo pupunta Theo babes?” Nagtatakang tanong niya pero sumusunod parin siya dito. Well, kahit naman yata saan siya dalhin nito ay okay na okay na ito sa kanya. 

“We’re going to eat sabi mo nagugutom ka na.” Sabi naman nito sa kanya pero hindi parin siya nililingon nito. 

“M-meron akong baon. Hindi mo kasi natitikman yung mga gawa ni Manang Cholly e. Lagi kong binibigyan sila fafable kuya’s tapos bibigyan naman nila ako ng information about yo—.” Natakpan niya ang bibig niya ng papel na ibinigay nito. 

“What?!” Nagulat na tanong nito. Napahinto tuloy sila nang wala sa oras. “Kaya pala feeling ko may sumusunod sa akin everyday. Ikaw pala iyon.” Sabi pa nito at mukhang galit ito sa kanya. 

“S-sorry. Ikaw kasi e. Iniiwasan mo ang kagandahan ko.” Sabi naman niya at nag-puppy dog eye pa sa kanyang labidabs. 

“Imbes na sumunod ka at magmukha kang stalker, tumabi ka na lang sa akin kahit na iwasan kita.” Sabi nito at nasapo ang noo. 

“Namimiss ko na rin ang pagkain ni Manang Cholly e. So we better go to somewhere para makaupo at makakain.” Sabi ulit nito at napabuntong hininga. 

“Sakto! Favorite mo talaga itong ipinaluto ko sa kanya. Kare-kare.” Sabi niya at ngumiti sa lalake. Iniangkla na niya ang kamay sa lalake at siya naman ang humila nito papunta sa cafeteria ng school. 

Ilang buwan pa lang siya dito pero kilala na rin siya bilang one of the most beautiful faces sa school. Kilala rin siya sa school bilang ultimate stalker at may ultimate crush kay Theo. Yung lalake na nga lang ang hindi nakaka-alam nun e. 

Pumasok na sila sa cafeteria at umupo sa empty chair at doon niya inilatag ang mga pagkain na dala niya. “Here, Theo babes. Kare-kare at kanin. Tapos akin ito.” Sandwich na naman iyon. Hindi siya kumakain ng kanin dahil baka tumaba siya at ayawan na siya ni Theo babes. 

Nagtatakang tumingin ito sa mga pagkain niya. “Yan lang ang kakainin mo?” tanong pa nito at itinuro pa ang pagkain niya gamit ang nguso nito. 

“Yup. Baka kasi pagtumaba ako ay bigla mo akong ayawan e. I don’t want that.” Sabi niya dito at ngumiti. Nakita niyang kumuha ito ng kare-kare at kanin at inilapit ito sa kanya. Napakunot-noo tuloy siyang tinitigan ang kutsarang nasa harapan niya at puno ng pagkain. 

“Eat.” Utos nito sa kanya at nakipagtitigan ito sa kanya. For some reason ay binuka niya ang labi niya at lumapit sa kutsara. Nahipnotismo ata siya ng malalalim kung tumitig nitong mga mata. 

“Kumakain ka naman pala e. Here.” Sabi pa nito at sinubuan ulit siya ng pagkain na kinain naman niya ulit. 

“Uuuuuuuuy!Ang sweet!” Narinig niyang buska ng friendship niyang si Vega kasama ang fafable na si Ran. Kataka-taka na nagkasundo rin ang dalawa. Magkaiba kasi ang pananaw ng mga ito sa isa’t-isa. 

“You two look good together.” Buska naman nito kay Theo at ngumisi. “A father and a child.” Nakakaloko rin itong ngumiti. 

“Tse, fafa kuya Ran! Baka kamo husband and wife! Vega patahimikin mo nga yang si fafable kuya ko.” Sabi niya sa kaibigan na ikinatawa lang ng mga ito. Umupo na rin ito sa tabi nila. 

“Mukhang nahuli ka na nitong si Ara ha.” Maya-maya ay pambubuska na naman ni Ran sa malapit na kaibigan. 

“Shut up, tol. Pinapakain ko lang. Ayaw magkanin e.” Palusot na sabi nito pero hindi pa rin ito tumigil sa kakasubo sa kanya ng pagkain. Pagtapos na itong sumubo ng pagkain ay papakainin siya. Sharing kung baga. Kinikilig talaga siya deep inside! 

“Kung inggit ka fafa Ran, why not try mo kay Vega ito.” Sabi naman niya ikinain ang isinubo ni Theo sa kanya. 

“Tama na. Baka tumaba na ako dito bigla.” Sabi niya at nagpunas na ng bibig at uminom na ng tubig. Hindi kasi siya nainom ng tubig hanggat hindi pa siya tapos kumain. Trip trip lang yun dati pero nakagawian na rin niya. 

“Ang konti ng kinain mo ahh. Hindi ka naman tumataba e. Kain pa.” Sabi nito sa kanya at iaamba na sana nito sa kanya ang pagkain ng biglang sumulpot si Kuya Ezekiel niya at ito ang kumain nito. 

“Ang sarap, honey!” Sabi nito at akmang hahalikan nito ang pisngi ng kaibigan kung hindi pa siya napatakbo sa tabi ng crushness niya at yakapin ito. Napasubsob tuloy si Theo sa may tiyan niya at ang isang kamay niya sa mukha ni Ezekiel. 

“Eeeeew! Nilawayan na naman ako ni Kuya Ezekiel!” Sabi niya dito at ipinunas ang kamay sa damit nang lalake at tumawa. 

“Bawal mong halikan si Theo Babes ko, fafable Kuya Ezekiel.” Sabi niya dito at pinakawalan na ang napasubsob na si Theo. Kanina pa niya pinipigilan ang mapatawa ng malakas dahil nararamdaman niya ang hangin na nanggagaling sa ilong at bunganga nito. Secret niya iyon. Ang kiliti niya sa tiyan. 

“Sobrang nakaka-hurt ka na ha! Wala naman akong nakakahawang sakit no.” Sabi ni Ezekiel na kunwari ay nagtatampo ito sa kanya. Niyakap na lang niya ang kuya niyang loko-loko. 

“Ngek! Wala ka namang nakakahawang sakit no. Yung pagkabaliw mo lang ang iniisip ko no. Baka mahawa ako.” Sabi naman niya at bumungisngis. 



Pinapanood ko na po sila.” Anang ng lalakeng naka-brush up ang buhok at medyo bigotilyong lalake. Nakapang doctor itong outfit at nakaupo ito sa di kalayuan sa mga grupo ng lalake at 2 babae. Matagal na niyang minamatyagan ang isa sa mga babae. Ang target: Aphrodite Aragonez. 

“Good. Wag mong aalisan ng paningin yang babaeng yan. Ilang beses na tayong nag-fail sa pagkuha sa babaeng yan. Maysa langis ata yan e, hindi mahuli-huli.” Maririnig mo na asar na ang nasa kabilang linya. 

“Don’t worry, Boss. Ako na ang didiskarte dito.” Sabi nito sa kausap at ibinaba na ang telepono. Pinagmasdan ulit ang mga nagkukulitang mga kabataan. 



Simula na ang training niya sa Archery Club. Pinagbigyan siya ni Theo na nag-join sa Archery kahit na alam nito na hindi lang dahil sa archery kaya siya sumali. Unang ginawa ay ang introduction sa archery at ang pagpapanood sa kanila ng tamang posture at paghawak ng bow and arrow. Inisa-isa rin silang pinasalang sa pagpana at halos lahat ng mga sumali ay marunong sa archery. Siya lang yata ang hindi marunong. 

“Miss Aragonez. Ikaw na next.” Napalunok siya ng tinawag na siya ng Vice ng Archery Club. Tumayo na siya at medyo nanginginig na lumapit doon. Tumingin muna siya kay Theo pero ngumiti lang ito at tumungo. 

“H-hindi ako marunong nito e. Novice palang po ako pagdating sa Archery.” Matapat na sabi niya at tumingin sa strict na Vice Captain ng archery. Napabuntong hininga ito at lumapit sa kanya. Jovanni Eusebio ang pangalan ng Vice Captain ng Archery. Kilala rin ito dahil gwapo ito at hindi nalalayo ang kakayahan sa labidabs niya. 

Aakmang tuturuan na siya nito ng pigilan ito ni Theo. “Ako na ang magtuturo.” Sabi nito sa kanila. Pumuwesto ito sa likuran niya, ramdam na ramdam niya ang lalake kasi magkadikit sila. Gumalaw ang kamay nito at hinawakan ang isa niyang kamay at pinahawak sa string ng pana. Lumayo ito at pumuwesto sa gilid niya at pinahawak ang handle ng pana. Maya-maya ay pumunta ulit ito sa likod niya at ipinuwesto siya ng tamang posture. 

Medyo naliliyo na siya sa nakakaadik na panlalakeng amoy nito. Lunod na lunod na rin siya sa sobrang kilig at ang utak niya ay kung anu-ano na ang naiisip. Naramdaman niyang lumayo na ito sa kanya nang okay na ang posture niya. 

“Go.” Utos nito at doon lang niya pinakawalan ang palaso na hawak niya kasama ang string kanina lamang. Hindi man tumama ito ay sobra naman siyang natuwa. Hindi niya tuloy napigilan ang yakapin ang lalake sa harap ng public. 

“Nice one!” masaya ring bati nito sa kanya at hinagod nito ang likod niya. 

“Ahem. Ahem.” Narinig niyang tikhim ng Vice Captain ng Club. “Sige na mamaya na yang loving-loving na yan.” Sabi nito at hinawakan na ang balikat ni Theo nang maghiwalay na sila. Pareho silang pulang-pula. 



Matagal na silang ganoon ang routine. Kain sa lunch time, makipagkwentuhan sa mga kababata at mag-practice sa Archery. It’s perfect for her except that konting oras na lang at ga-graduate na ito. Wala silang something pero sa mga mata ng nakakakita ay parang sila na. Kumbaga may ‘Mutual Understanding’ na sila. She’s happy na rin kasi alam niyang may something talaga sila. 

Kakatapos lang nilang mag-practise at naghihintay na sa labas si Theo babes niya. Lagi na rin siya nitong hinahatid patungo sa bahay nila. It was indeed sweet of him. Sino nga naman bang hindi maiinlove kay Theo babes niya diba? 

“Sorry sa paghihintay, Theo, my babes, my love sweet love.” Sabi niya dito at ngumiti na. Tumayo na ito ng tuwid at ngumiti na rin sa kanya. 

“Okay lang yun. Sanay na ako.” At tumawa pa ito. 

“Aha! Sanay ka na? Sa alin? Sa paghihintay sa akin? Alangan namang lumabas ako ng amoy pawis ako. Eeeeeek! Baka ma-turn off ka pa sa akin at hindi pa ako makasabit sa iyo ng ganito.” Sabi niya dito at kumapit na braso ng lalake. 

“Kahit naman anong amoy mo, okay lang sa akin e. Mabango naman ang pawis mo e.” Sabi nito at ngumisi. 

“Homaygawd! Inaamoy mo ako? Weeeeee.” Sabi niya na kinikilig-kilig pa. “Theo Babes, iimbitahan sana kita for a date. Ayaw mo kasi akong imbitahan e kaya ako na ang mag-iimbita sa iyo. Let’s go on a date.” 

Nag-isip pa muna ito tapos ngumiti. “Of course naman! Actually naghihintay akong ako ang imbitahan mo e.” Sabi pa nito at nagpacute na dumila sa harap niya. 

“Ai ganon? Kung hindi ako maglalakas ng loob na magtanong ng date ay waley akong maririnig mula sa iyo?” 

“Hindi no! I am planning on asking you out on a date pag-graduation.” Sabi nito at niyakap siya. Maya-maya ay may lalakeng humarang sa kanilang dalawa. Naging alerto kaagad si Theo at hinila siya papunta sa likod nito. 

“Who are you?!” Asik ni Theo dito. 

“Hindi ka namin kailangan pare. Kailangan namin yung babae mo.” Sabi nito at tinutukan na sila ng baril. 

“Pagkabilang ko ng tatlo tumakbo ka na.” Bulong nito sa kanya at hinarap ang lalakeng naka-cap at nakasunglass. 

“I won’t hand her!” Sigaw nito at mabilis itong bumilang hanggang tatlo. Tumakbo siya kahit ayaw niya. It’s a way na rin para makahingi siya ng tulong. Isang putok ang narinig niya na nakapagpatigil sa kanya at nakapagpalingon. 

Nakatumba at tumatagas ang dugong nakahandusay si Theo sa kalsada. 

“Nooooooooooooooooooooooo!” Sigaw niya dito at tumakbo patungo sa lalake. It was indeed the worst move na ginawa niya. The only thing she knew was her blacking out and waking up sa kamay ng mg kidnapper. Ang Theo babes niya!



ITUTULOY...

No comments: