Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 2: My Allies

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


Failed ang unang mission niya. Ang makapagbigay ng malupet na first impression sa kanyang super mega crushness na si Theo. Palapit na kasi siya dito ng bigla yatang nanlambot ang tuhod niya at nadapa. Nahatak niya tuloy at napunit ang damit ng lalake. Nasabi niya rin tuloy na sa kanya lang ang lalake. EEEEEK! Naguguluhan na siya! Ano ang gagawin niya? 

Nakatulala siyang umupo na sa silya ng classroom niya. Nag-iisip kung papaano makapagpapakilala sa lalake kung hindi naman niya alam kung saan ito matatagpuan. 

“Hi! Nakita ko yung nangyari kanina. Classmate pala kita! Grabe ha. First day mo, inaagaw mo na agad ang isa sa mga Highschool’s Most Fafable ng School: Ang JESTER.” Sinabi ng tumabi sa kanya. Hindi niya sana ito papansinin kung hindi lang nito nakuha ang atensiyon niya. 

“Most Fafable? JESTER?” Takang tanong niya at lumingon na sa babae na tumabi sa kanya, Maganda ito at maputi, hindi nga lang bumagay ang geeky glasses ng babae. 

“I’m Vega Mae Sandoval. May pinsan ako sa Newspaper Club kaya kilala ko ang Most Fafable ng school. Sila kasi ang laging naka-feature sa Newspaper Club e. And you are?” Nakangiting tanong nito at inilahad ang kamay. Mukhang meron na siyang mapagkukunan ng impormasyon dito. 

“I am Aphrodite Rana Aragonez, call me Ara or Rana.” Sabi niya dito at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. “So tell me about this Most Fafable in school. Sinu-sino sila?” 

“Hindi mo sila kilala? Nafi-feature na rin kaya sila sa mga malalaking magazines. Inihayag mo pa naman sa lahat na sayo lang si Mr. Theodore De Guzman pero wala kang alam sa kanya. ” Nagtatakang sabi nito sa kanya. 

“Errrr. Na-isolate kasi ako ng magulang ko e.” Pagpapalusot niya. Simula ngayon ay maghahanap na siya ng mga magazine na naka-feature ang lalake. Hindi kasi siya mahilig magbasa ng magazine. 

“Ai naku. Sige sabihin ko na sa iyo kung sinu-sino sila. JESTER ay mga magkakaibigang gwapo simula pa ng bata sila. May napapabalitang meron din silang prinsesa noon pero sa tingin ng mga tao ay alamat lang iyon, hindi totoo, haka-haka. Wala kasing makapagsabi kung ano ang itsura or pangalan nito. Hindi rin naman nagsasalita ang mga Fafables natin dito. Si James Anthony Cristobal, Ezekiel Martin Aquino, Sean Micheal McConnel, Theodore De Guzman, Elliot Christopher Rivera, at ang paborito kong si Randolph John Archuetta. JESTER came from their first initial.” Sabi nito at napangiti. Inilabas narin nito ang scrapbook nito na may nakalagay na JESTER. Ibinigay nito iyon sa kanya na agad naman niyang kinuha, binuklat at binasa ang mga nasa loob. 

Andoon lahat ang mga article ng mga ito sa scrapbook ng babae. Lahat ng mga rumors, balita, chismis na tungkol sa mga ito ay naandoon. Sila na nga ang hinahanap niya. Ang mga kababata niyang fafables! 

“So sikat pala talaga sila kuya ko.” Bubulong-bulong niya habang iniisa-isa ang mga article ng mga lalake. 

“Kuya?” Nagtatakang tanong ulit ni Vega. Malabo man ang mga mata nito ay super naman ang pandinig nito. Napatingin siya dito at nakita niyang super curious ito sa kanya. Sino ba namang hindi? Eh Mukhang fan na fan ng babae ang mga kababata niya. Pero kailangan din naman niya ang kaalaman nito at kakayahan nito. 

“Wag kang maingay ha pero may sasabihin ako sa iyo.” Sabi niya at sumenyas siyang lumapit ang babae sa kanya. Lumapit naman ito at inihilig ang ulo sa kanya. 

“Ako yung alamat, haka-haka at chismis lang. Ako yung prinsesa nila noon. Umalis nga lang ako sa dati naming bahay at wala na kaming communication ng mga kababata ko.” Bulong niya dito na ikina-singhap ng bago niyang kaibigan. 

“Ikaw ang mysterious girl in life ng mga JESTER?!” Medyo napalakas ang boses nito sa pagkagulat pero nagtakip ulit ito ng bibig. Buti na lang at hindi masyadong naintindihan ng mga kaklase nila ang sinabi nito or wala lang talaga silang pakialam. 

Tumungu-tungo siya at ngumiti. “Wag mo na lang ipagkalat ha. Gusto kong maging low profile sa harap ng maraming tao.” Sabi niya dito at ngumiti. 

“Sige, super secret na lang natin ito. So anong plano mo ngayon? Mukhang bad first impression ang nangyari kay Mr. Theo e.” Sabi nito sa kanya na ikinabuntong hininga niya. 

“I need to talk to him and the others. Ipapakilala ko na ang sarili ko sa kanila pero hindi ko kasi alam kung saan sila makikita or makakausap e.” Sabi niya at napakalum-baba. 

“Asus. Super dali lang ng problema mo. Alam ko kung saan natambay ang mga iyon. Nandiyan na rin ang mga iyan sa scrapbook ko.” Sabi nito at ibinuklat ang scrapbook sa pahina kung saan may title na: “The Hang-out Place.” Aba at mala-stalker ang dating ng kaibigan niyang bago. Wagi! 

“Salamat sa tulong! I owe you one, Vega!” Sabi niya dito at napayakap sa babae. 



Hey, Man! I heard what happened earlier.” Natatawang sabi ng binatang si Sean. “You flashed your sexy body to everyone.” Pang-aasar pa nito while batting his eyelashes in front of him. Nag-ala bading ang lalake. 

“I didn’t flash it to the public intentionally. May nadapa kasi sa harap ko at nahila ang damit ko. I better stay away from her.” Sabi niya dito at iiling-iling. Nasuot na tuloy niya ang extra shirt niya para sana sa practise ng Archery. Captain siya ng Archery club. 

Natatawa na lang ang mga ito ng biglang may tumawag sa kanya. “Theo...” Napalingon siya kasi pamilyar sa kanya ang boses nito. Nadismaya nga lang siya nang mapagsino ang tumawag sa kanya. Ang Miss Disaster na nanghubad sa kanya sa public. 

“How the hell did you know this place?” Well, alam na ito lahat ng mga tao sa paligid pero as far as he knew, Freshman ang babae. Yun ang pagkakarinig niya nung sabihan ng ibang junior at senior na feeling ito. 

Biglang kumaway ang katabi ni Miss Disaster. “Ako ang nagbigay ng information sa kanya, Vega Sandoval, pinsan ni Donnie Plaza.” 

Donnie Plaza. Ang Newspaper Editor-in-chief. Ang laging nakasunod sa kanila every year. Laking pasasalamat nila at naka-graduate na ang babae pero mukhang meron itong kasunod na disaster. Ang pinsan nito. 

“Sorry kanina. Hindi ko naman sinasadyang madapa at mahigit ang damit mo kanina e. Kung alam ko lang na mangyayari iyon edi sana hindi na lang ako lumapit sa inyo.” 

“It’s fine, Little Miss Cutie. Pagpasensiyahan mo na itong tol namin.” Sabi naman ni Elliot sa kanila na ikinalingon niya sa kaibigan. 

“What the hell? Ako pa dapat ang ipagpasensiya nitong si Miss Disas—.” 

“Ara, Theo. Aphrodite Rana Aragonez. Ring any bell?” Sabi nito sa kanila at ngumiti. Bigla namang tumayo at lumapit si Ezekiel sa babae at pinaka-titigan ito. 

“Ano ka ba naman kuya Zeke? Ako nga ito. Kulit ninyo e. Isumbong ko kayo kay General e.” Sabi ni Ara at ngumisi. 

“Ikaw nga! Ang kababata naming iyakin!” Natatawang niyakap siya ni Ezekiel at pinupog ng halik sa buhok niya. 

“Eeeeek! Kuya Zeke naman e! Wag mo akong lawayan!” Natatawa nang sabi ni Ara sa kaibigan. Tumayo na rin siya at lumakad papalapit dito. Tinanggal niya ang pagkakakapit ni Ezekiel sa babae at pinakatitigan. 

Natameme naman ang babae at biglang namula. Napangisi siya. Halatang crush nga siya nito. “Ikaw na pala yan, Ara! Nice to see you. Ikaw pa rin talaga ang Miss Disaster sa buhay ko. Wala nang iba pa.” Sabi naman niya dito at hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa mga labi niya. 

“Sorry talaga, Theo.” Sabi nito sa kanya at mukha namang naguilty talaga ito. Tinapik na lang niya ang balikat nito at ngumiti. 

“Sabi ko sayo, it’s okay. Madami pa naman akong damit na iba no.” Hindi nagtagal at nakiyakap na rin ang mga lalake sa dalagita. Umupo ito sa tabi niya at yung kasama naman nito ay kinulit ang nananahimik na si Ran. 

“So bakit eto ang pinili mong eskwelahan?” Nagtatakang tanong ni James sa dalagita. 

“Ahhh. Malapit lang kasi ang bahay namin dito at nalaman kong dito rin kayo pumapasok. Aba syempre, hindi ako papayag na sa iba ako papasukin ni daddy no! Antagal ko na kayong hindi nakita. Nakakatampo nga kayo e.” Sabi nito at humalukipkip pa. 

“Dahil hindi ka naman kinontak? Ai naku! Ginawa kaya namin ang lahat para makontak ka pero mga magulang na rin namin ang nagsabi na hindi pupwede kasi baka may mang—.” 

“Shhhh. Wag na nating pag-usapan iyon, mga kuya’s. Ang ikinatatampo ko talaga ay yung hindi ako namukhanaan ni Theo.” Sabi nito at sumimangot sa kanya. Natawa naman siya. 

“Aba, malay ko bang nagmukha ka na palang tao? Dati kasi mukha kang tiyanak e.” Panunuksong sabi niya sa magandang dalagita. Hindi niya talaga ito namukhaan kasi anlaki ng ipinagkaiba ng mga itsura nito. Not that he was saying na panget ang dalagita noon. Mas gumanda na nga lang ito at medyo nag-mature na rin ang mukha nito. Hindi niya tuloy ito nakilala agad. 

“Heh! Ikaw talaga, Theo!” sabi naman nito pero napangiti na rin. 

“Nakakapagtaka ha. Kaming lahat may Kuya pero pagdating kay Theo, wala na. Ano ito favoritism?” Natatawang sabi naman ni Elliot sa dalaga. Nagtataka rin siya. Dati ay Kuya Theo ng Kuya Theo ito, pero ngayon ay wala na. 

“Ngek! Paano ko tatawaging kuya ang future husband ko?” Nakangising sabi nito sa kanya at nag-beautiful eyes pa nga ito sa kanya. Tinamaan na ang lintik! 

“Future Husband? Hala, Ara! Kabata mo pa ay pag-aasawa na kaagad ang iniisip mo?” Natatawang sabi naman ni Ezekiel sa babae. Yan pare, sabihin mo! 

“Kaya nga Future, Kuya Zeke e. Kasi pagtumanda na kami saka ko na siya pakakasalan. Hindi ko pa ito iniisip, pero pinapangarap ko nang maging Mrs. De Guzman.” 

“Well, hanggang pangarap na lang iyon, Ara. Hindi ako magpapakasal sa isang babaeng may kakabit na disaster sa pangalan. No thank you. Mahal ko pa ang buhay ko.” Sabi niya dito at tumayo na paalis sa kanila. Ayaw niya ng usapang kasal-kasal at lalong ayaw niyang kinukulit siya ng mga tao. 

Malayo na siya ng marinig niyang tinawag ulit siya ng babae. Napahinto siya at napataas ang kilay na tinignan ang babae. 

“Bahala ka. Try mong gawin pero I doubt na makakamit mo ang gusto mo.” Sabi niya dito at tuluyan nang umalis. 



Mr. Theodore De Guzman!” Tawag niya sa lalakeng lumalayo na sa kanila. Sinabi ng mga kababata na hate ni Theo ang stalkers, mga makukulit at mga babaeng nanliligaw sa lalake. 

“Magiging akin ka rin, by hook or by crook! I will make sure to make you fall in love with me!” Sunod na sinigaw niya pa sa harap ng maraming tao. Silang dalawa na lang tuloy ang tinitignan at pinapanood ng mga ito. Napahinto ang lalake at tumingin sa kanya. Nakataas ang kilay nito pero nakangisi itong parang aso. Gwapong aso nga lang ito. 

“Bahala ka. Try mong gawin pero I doubt na makakamit mo ang gusto mo.” Narinig niyang sagot nito sa rebelasyon niya at lumakad na ito paalis. 

Natatawang pumalakpak ang mga kababata niya at maging ang first niyang kaibigang si Vega. Super entertaining yata ang sinabi niya sa mga ito. 

“Seryoso ako mga fafable kuya’s ko!” sabi niya sa mga ito at humalukipkip. 

“Alam namin. Kaya nga goodluck e. Kung matigas ulo mo, mas yung lalakeng iyon.” Sabi ni Ran sa kanya at tinapik ang balikat niya. “Pero andito kami sa likuran mo kung kailangan mo ng tulong namin.” 

“Ai naku, tutulong din ako no! Ikaw pa e malakas ka sa akin.” Sabi naman ni Vega na nag-thumbs up pa. 

“Salamat ha!” Sabi niya sa mga ito at inilabas na ang naglalakihang box ng pagkain na ipinahanda niya sa super chef ng bahay nila. 

“Gawa ni Manang Cholly. Pinagawa ko talaga para sa inyong lahat, pero mukhang hindi na ito matitikman ni Super crushness kong si Fafa Theo.” Sabi niya pero nakangiti na, marami pala siyang magiging kakampi sa Mission Impossible niya. WOOHOO! 

“Musta na nga pala yang si Manang Cholly? Ang sarap parin ng mga ginagawa niyang mga pagkain ahh! Sana maulit ang pagpapakain mo sa amin.” Nakakalokong sabi ni Ezekiel at nilalantakan ang sandwich niya. 

“Sige ba, dadalhan ko kayo ng mga pagkain na gawa ni manang Cholly as long as you will help me make my Super crushness Theo to go out with me.” Sabi niya with a grin. 

“Sure! Ibinebenta talaga namin ang isa’t-isa.” Sabi nito na ikinatawa ng iba. Ganon naman talaga ka-kwela ang mga ito e. Tuwing may magkaka-crush sa isang ka-tropa ay ilalaglag pa nila ito kaysa na tulungan. 

Gra-graduate na ang mga kababata kaya ito na lang ang last niyang magagawa ang mga ito. Narinig niya kasi na pag-college daw ay mas mahirap na daw ang gagawin ng mga estudyante.




ITUTULOY...

No comments: