Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 12: I love you, Boss! [Finale]

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.



As I was saying, This restaurant was one of the best restaurant I knew. Kilala ko rin kasi yung chef. She’s one of the best for me.” Madaldal na sabi ni Zach. 

She knew well na nagpapakitang gilas ito sa kanya. Pero masyadong occupied ang isip niya sa nangyari kanina. Mahal na siya ni fafa Theo babes niya! If only sinabi nang lalake iyon sa kanya instead of breaking her heart nung huli silang nagkita ay masaya na sana silang dalawa ngayon. Pero it’s too late na. She already decided to move on sa masakit na nakaraan niya. 

Bakit kaya si Lord pinaparusahan siya? Nung una ay nung nagpasya na siyang lumayo dahil baka makasagabal siya sa pagmamahalan nila DK at ni Theo. Ngayon naman ay medyo mabagal nitong pinagalaw ang lalake na mag-confess sa kanya. She sighed. 

“Are you okay?” Nagtatakang tanong ng lalake at nakangit ito sa kanya. “Am I boring you?” 

“No. No. I am sorry, Zach. May nangyari kasi kanina bago ako makarating dito. Problema lang pero I am fine. I am really sorry.” 

“No. It’s fine. I can understand. If you need anything ay nandito lang ako.” Sabi nito ulit sa kanya. Gwapo naman si Zach at matatawag na hunk dahil na rin sa malaking katawan nito. Nakita na niya ito dati sa one of the photo exhibit na napuntahan niya. Zach is a famous model sa Pilipinas. 

“Speaking of need, I need your talent. We need a photographer for a photoshoot.” Pag-iiba niya nang topic nila. 

“Sure. What for may kakilala ako eh?” Nagtatakang tanong nito at kumain na nang inorder nila. 

“Well, magpapalit na kami nang mga advertisements at yung mga picture na panghatak nang tao sa store.” Sabi niya at sumubo na rin nang pagkain. Kung lagi niyang iisipin si Theo babes niya ay hindi siya talaga makaka-move on. 

“It’s gonna be a pleasure to help you, darling.” Sabi nito sa kanya. For some reason ay bigla na naman niyan naalala ang Theo babes niya. He used to call her ‘Darling’. Paano niya papahintuin ang lalake sa pagtawag non sa kanya nang ‘darling’? Ano ang sasabihin niya? ‘Zach please don’t call me darling. Only one person called me that and I don’t wanna remember anymore?’ Nope. Hindi niya iyon sasabihin. 

“Thanks, Zach.” Sabi niya dito at ipinagpatuloy na ang pagkain. Nagkwentuhan pa sila nang ilang saglit pa until they decided to go home. Inihatid siya nang lalake sa bahay nila. They were standing outside the house. 

“I had a great night and it’s all thanks to you, Zach. Thank you again.” Sabi niya at nakipagbeso-beso na siya dito na ginantihan naman nang lalake. 

“I had a great night too, darling. I hope this won’t be the last?” Nakangiting pahayag nito sa kanya. Tumawa naman siyang tumung-tungo. 

“Of course it won’t be the last. I will make sure we go out but you have to make an appointment.” Sabi niya at nagpa-cute na dumila sa harap ng lalake. 

“I will remember that one, Darling. I should go. Sleep tight and please don’t dream about me baka kasi mapagod ako sa kakatakbo sa isip mo.” 

Natawa siyang hinampas ang lalake sa balikat. “Sira! Ang korni nang banat mo.” Sabi niya dito at kumaway na. Kumaway ito pabalik at lumakad na papasok nang kotse. Pinaandar na nito iyon at umalis na bago pa siya pumasok. Ang kaninang nakangiti niyang expression ay nataggal nang may humintong kotse sa harap niya. She knew well kung kaninong sasakyan iyon. 

“What are you doing here? I saw your car on the restaurant that Zach and me went. Ano ba talagang gusto mong mangyari?” 

“I needed to see you badly. Yes, I know it’s a low move na ginamit ko ang koneksyon ko para malaman kung saan kayo mismo kumain at sinundan. Alam mo na ikaw lang ang gusto ko at ang makuha ko ang pag-ibig mo.” 

“Hah! So ngayon ay gusto mo na yung pag-ibig ko matapos kong ipagpilitan iyon sa iyo at itapon mo lang sa isang gilid. Look, Theodore, Just leave me alone.” Sabi niya at tumalikod na at lumakad na papunta sa loob nang bahay nila. Napatigil nga lang siya dahil pinigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya. Napapikit siya nang mariin. Bakit ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya? Nakakaasar naman o! 

“Let go of me!” Sabi niya at nagpumiglas pero mas malakas talaga ito masyado sa kanya. 

“I know that you really hate me now but I won’t stop pursuing you until you start to love me again. I only need you, Ara babes.” Mukhang ginagaya nito ang pangungulit niya dito pati kasi ang pagtawag niya dati sa babes niya ay ginaya na rin nito. 

Tinaasan niya ito nang kilay at humalukipkip sa harap nito. “Well, you can try but I doubt na makukuha mo ang gusto mo.” Sinabi naman niya trying to mimic the guy when they were only on highschool. 

Napangisi na ito. Yun namang ngisi na nagpapalambot nang kanyang mga bones and joints. Kalorkey! Bakit ba ang gwapo gwapo mo lalo sa paningin ko? I love it when your this confident. 

“Don’t worry, Ara babes. I will make sure you will fall in love to me again.” Yun lang at hinila siya papalapit dito. Bumagsak tuloy siya sa matipunong dibdib nito. Akmang itutulak niya ang sarili palayo pero niyakap lang siya nito. She can hear the guy’s heart thumping dramatically. 

“Just let me hug you for a while. God! I miss this feeling. Your warmth and your softness next to my skin.” Bulong nito. Hindi na siya nagpumiglas pa. Miss na rin naman niya ang pakiramdam na makulong sa matipunong bisig nang lalake pero hindi siya gaganti nang yakap dito. Maghirap naman itong makuha ulit siya. Matapos ang ilang minutong pagyayakap ay pinakawalan na siya nito. Ngumiti ito sa kanya at humalik ito sa pisngi niya. 

“I will court you... My way, Ara babes. Good night.” Sabi pa nito sa kanya bago ito makaalis sa paningin niya. Nayakap niya ang sarili, nakaramdam siya nang lamig nang mawala siya sa pagkakayakap nang lalake. She sighed. Kung hindi siya magmamatigas ay sigurado siyang mahuhulog kaagad ang loob niya sa lalake. 

Hindi siya papayag na makuha nito kaagad ang gusto nito. She worked very very hard para makuha ang pinaka-mimithi niyang pag-ibig nito. She walked inside the house with a grin on her face. She cannot help but to think of a ways para pahirapan ang lalake. 



Hindi nga nagsinungaling si Theo babes niya. Kakagising lang niya pero nanggulat kaagad ito. Her room were filled with Dahlia flowers. Napangiti siya dahil dito. Theo knew her favorite flowers? Paano? Kumuha siya nang isang white dahlia na nakalagay sa side table niya at inamoy ito. She love the flower because of it’s unique yet very beautiful petals nang mga ito. Napatingin siya sa gilid nang marinig niyang mag-ring ang cellphone niya. It was Theo Babes. 

“Hello?” Malamig na bati niya dito. 

“Good Morning, Ara babes! How’s your sleep?” 

“Mas okay sana kung hindi mo ako ginising.” Pagsusungit niya pero nakangiti siya habang inaamoy-amoy ang dahlia na nasa kamay niya. 

“Did you want me to open a flower shop? Mukhang pinakyaw mo na lahat ng dahlia sa isang flower shop ahh.” 

“Not only one flower shop, Ara babes. Lahat nang kilala ni Margaret na nagtitinda nang bulaklak ay binili ko lahat ang paborito mong bulaklak.” 

“Salamat.” Kunwari ay walang ka-emo-emosyong sagot niya dito. “How did you know that I love this flower?” 

“Nakalimutan mo na ba? Mga bata pa tayo noon. My mom likes to plant flowers and take cares of it. Unang kita mo sa bulaklak na Dahlia ay nagustuhan mo na agad yun. You even pick on of it secretly. Akala mo lang walang nakakita sa iyo but I saw you. Nang malaman ni Mama na may pumitas nang bulaklak niya ay ako ang nagsabing pumitas noon. Napagalitan pa nga ako e.” Natatawa nitong kwento sa kanya. 

Inilagay niya ang kamay sa bibig just to supress her laughter. Naalala niya nga iyon. Napingot ni tita Lois si Theo babes niya. Sabi pa nang ginang na dapat ay nagpaalam ito sa pagkuha. “Oh that. I remember.” Sabi niya ulit dito with again, her usual cold voice. 

“Well, thank you ulit. I’m hanging up.” Pagkasabi nito ay pinindot na niya ang end button. Hindi pa doon natapos ang pagpapadala nito nang mga bulalaklak at mga letter sa kanya. Hand written lahat nang sulat nito at alam niyang ginawa iyon nang lalake para sa kanya at kung kopya man ay wala siyang pakialam. She’s happy dahil na rin sa pag-eeffort nitong mapatawad niya ang lalake. 

Matagal na rin niyang sinabi kay Zach na magkaibigan lang talaga ang pwede sa kanilang dalawa. Ayaw niyang magsinungaling sa lalake dahil napakabait nito. Naintindihan naman nito ang sinabi niya and they become close friend. Lalo pa silang naging mas close nito kaysa dati. She can talk about anything sa kanya at kay DK. 



Isang araw ay nag-ayang kumain si Zach sa labas and she said yes. Papalabas na silang dalawa sa botique niya nang lumabas sa isang sasakyan si Theo babes niya. May dala na naman itong Dahlias para sa kanya. Mukhang aayain rin yata siyang mag-lunch nito. Nakataas ang kilay niyang tinignan si Theo. 

“Ara babes... For you..” Sabi nito sa kanya pero nakatingin ito kay Zach at seryoso ang mukha nito. 

“Pare! Musta?” sabi naman nang walang clue na si Zach sa lalake. 

“Okay lang naman. Magyayaya sana akong kumain e.” 

“Sakto! Kakain rin kami ni Darling sa labas e.” Hindi na kasi itinigil ni Zach ang pagtawag sa kanya nang darling kahit na nga ba magkaibigan na lang sila. “Sumama ka na lang sa amin. I’ll call DK para apat tayo.” Masaya pang sabi nito and dialled the phone. Napapatawa siya sa isip niya. Kung sinuswerte ka nga naman, wala na siyang kailangang gawing effort para mahirapan ang Theo babes niya. 

“Hey, DK! Let’s go to our favorite restaurant. Yup. It will be me, Ara darling, you and Theo. Yes. It will be fun. We will see you there.” Sabi pa nito at tumawa pa. 

“Susunod daw si DK papunta sa restaurant kung saan ko kayo dadalhin.” Sabi nito at iniangkla na ang kamay niya sa braso nito. Ganoon kasi ito ka-sweet sa kanya e. Ganon na rin kasi ang routine nila lagi kapag nakain sa labas. Nakita niyang nagdilim ang mukha nang lalake at nakatitig sa magkahawak nilang kamay ni Zach. 

“Thank you, Zach. You’re the best.” Sabi niya at bumulong pa sa tenga nang lalake. Nagtataka man ay tumungo ito at nginitian siya. 

“No worries, darling. Anything for you.” Sabi pa nito at ipinagbukas siya ng pintuan nag sasakyan. Doon silang dalawa nakaupo sa likuran while Theo was in front. Nakikita niyang pasilip-silip ito sa salamin at tumitingin sa kamay niya kung nakahawak ba si Zach or hindi sa kanya. Natatawa tuloy siya. Inihilig niya ang ulo sa balikat nang lalake para lang lalong pagselosin si Theo babes niya. Mukha namang gusto nang manapak nang lalake pero hindi naman nito pwedeng sapakin si Zach dahil inosente ito at wala naman itong ginagawang masama sa kanya. 

They arrived in the restaurant. Nakita niyang andoon na si DK. Kumaway siya dito at ginantihan siya nito nang kaway. Nakita niyang nakakaloko ang ngiti nito. Kinukwento kasi niya ang mga ginagawang effort ni Theo babes niya at kung paano niya ito pinapahirapan. 

“Hi, DK! I missed you! Kamusta na?” masayang bati niya sa Doktora at nakipagbeso pa siya dito. 

“Sit. Sit! Okay lang ako no! Buti nga at niyaya ako nung mokong kong pinsan e. Ikaw na lang nang ikaw ang niyayaya niyan. Nakakatampo kayo.” Kunwari ay nagtatampong turan nito. Umupo siya sa tapat nang dalaga at tumabi sa kanya si Zach. Nagkatinginan sila ni DK at napangisi silang dalawa. Akma kasing tatabihan siya ni Theo Babes niya. 

“Nakakasawa na kaya ang mukha mo, Cousin. So I wanted to be with my darling alone no.” Nakangisi namang turan ni Zach sa pinsan. 

Super kulitan nilang tatlo except sa medyo tahimik na si Theo babes. Lagi na lang itong nakatitig sa kanya the whole time na nagkwekwentuhan sila and such. Minsan lang itong magsalita tuwing isasali nang magpinsan si Theo babes or kung tanungin ito. 

“Zach! Samahan mo nga ako. Tulungan mo ako, may kukunin tayo.” Sabi nito sa pinsan at mabilis nitong hinila ang pinsan papaalis para iwanan sila. Walang nagsalita sa kanila. Awkward na kung awkward. 

“Is it really too late for me?” Maya-maya ay basag nito sa awkwardness nila sa isa’t-isa. Nakikita sa mga mata nito ang pain and frustrations. 

“What do you expect? I told you that you can try to court me but you won’t be successful. I’ve given up to the word ‘US’ 3 years ago.” Sabi niya dito habang nakataas ang kilay niyang tinititigan ito. 

The guy sighed and stood up. “Pakisabi na lang kay DK at sa... Sa darling mo na aalis na ako.” Sabi nito sa kanya at akmang aalis na ito. 

“You’re giving up?” Tanong niya bago pa man ito makalayo sa kanya. Andali naman nitong mag-give up. Siya nga 15 years na niyang minamahal ang lalake e. Matagal na rin niyang niligawan ito but she didn’t give up. Well, she almost gave up nung ipagtabuyan siya nang lalake. 

“I’m not giving up on loving you. I just wanted you to be happy and I think Zach is your happiness. I was your happiness pero pinakawalan pa kita. Ayaw kong malungkot ka or umiyak no. Pero kung saktan ka ni Zach ay sabihin mo kaagad sa akin. I’ll make sure to make the guy live in hell once he make you cry. I can still be your hero, right? I remembered why I became a soldier. I wanted to be the strongest guy ever para sa iyo. Para maipagtanggol kita. Wala kasi akong nagawa nung bata pa tayo e. I always just lay down on the floor at panoorin kang pinapahirapan at pinapaiyak nang mga humahabol sa iyo dati. Ngayong naging malakas na ako at pwede ka nang ipagtanggol, I want you to call me when you needed help. I will be there as soon as I can. Well, aalis na ako. I’ll see you soon, Ara babes.” Tumalikod na ito at lumakad na papalabas. 

Doon naman dumating ang magpinsan. Mukhang pinanood sila sa malayo. “I think it’s time na tapusin mo na ang pagpapahirap kay GT.” 

“I didn’t know that you two are like this.” Sabi naman ni Zach at ipinaglingkis ang dalawang hintuturo nito. “Kung alam ko lang ay hindi na sana kita tinawag na darling or naging sweet sa harapan niya.” 

“Gago talaga yang si Theo babes!” Naasar niyang sabi pero naiiyak na siya. Ngayon lang niya nalaman na kaya pala ito nag-army ay para maipagtanggol siya nito. 

“Hindi man lang ako pinagsalita muna bago siya umalis.” Sabi niya pa at tumayo na siya sa kinauupuan. Kailangan na niyang habulin ang Theo babes niya kundi iiwanan na naman siya nito. 

“Go, darling! Habulin mo na ang knight in shinning army suit mo!” Sabi naman ulit ni Zach. Tumakbo na siya papalabas. Nakasakay na ito sa sasasakyan at papalabas na ito nang parking lot! 

“Theo babes!” Sigaw niya at hinabol ito. Wala na siyang pakialam kung pagtinginan siya nang tao or anything! Happiness at love life na niya ang nakasalalay dito no!. 

“Theo Babes!!!!!” Sigaw niya ulit habang hinahabol ang sasakyan nang lalake. Naka-heels siya kaya hindi siya masyadong makatakbo. She took it off at itinapon sa gilid. Tumakbo siyang naka-stockings lang. Maybe ay tinulungan na rin siya sa wakas ni Lord at huminto ang sasakyan sa gilid. Humihingal siyang napahinto sa kinakatayuan niya. Pawisan na rin siya at wala na ang poise niya! Keber niya ba! 

Lumabas si Theo babes niya sa sasakyan nito at tinitigan siya. Lumakad ito sa kanya. Malalaki ang hakbang nito. Bakit hindi ka tumakbo? Talagang pinapasabik mo ako? Natanong nang makulit na isip niya. Dahil nga medyo malayo pa sila sa isa’t-isa ay naiinip na siya sa paghihintay dito. Tinakbo niya ulit ang lalake pasalubong dito. 

Nakita niyang mapupula ang mata nito. Mukhang nag-eemo ito sa loob nang sasakyan nito kaya hindi siya kaagad nito nakita sa salamin nang sasakyan. Tumalon siya pakapit sa lalake na sinalo naman siya at ikinulong siya nito sa muscular and strong arms ni fafa Theo. 

Matagal sila sa ganoon posing. “Ara... I love you.” Madamdaming sabi nito sa kanya at hinalik-halikan ang kanyang buhok habang mahigit pa rin siya nitong niyakap. 

“I know... Me too!” Sabi niya dito at inamoy amoy ang leeg nang lalake. 

“Anong ‘Me too’?” Alam niyang napakunot ang noo nang lalake sa tinuran niya. Natawa siya. 

“Me too rin sa sinabi mo. Kung hindi pa kita hinabol iiwanan mo na naman ako e. Ikaw talaga!” Sabi nito sa kanya at pinagdiskitahan niyang kagat-kagatin ng mahina ang tenga nito. 

“What about Zach?” 

“Zach? Best friend ko yon. Magkaibigan lang kami non. Masyado lang clingy ang lalake at ayaw na niyang tawagin akong Ara. He wanted to call me darling and wala naman akong nakikitang masama doon. So I let him do what he wanted.” 

“Well, hindi na pupwede iyon ngayon. I don’t want any guy to be so touchy-feeling sa iyo! Akin ka lang. I will talk to Zach. I am the only one who can call you, Darling.” 

“Aba! Nang-aangkin ka na e wala pa naman akong sinasabi na tayo na or okay lang na angkinin mo ako.” 

“Whether you gave me permission or not, Your mine! I love you so much, Boss!” 

“Tsk! Sige na nga. Wala na akong kawala sa iyo e. Alam mo naman ikaw lang ang iniirog ko noong bata pa tayo. I love you so much too, Theo babes!” 

“I miss that nickname, Darling.” Sabi nito at pinakawalan na siya. Hindi naman nagtagal ang paghihiwalay nang katawan nila dahil hinapit na ulit siya nito and gave her the mind shattering kiss. Narinig na rin nilang nagpalakpakan ang mga tao. Ai! I like this! She’s so sure na nasa front page na sila nang mga fashion magazine! Mabuti iyon para malaman na rin nang iba na akin lang si Theo babes!



-END-

Abangan niyo po ang next JESTER Series: Elliot – I will be waiting. Kulitan po at kadramahan naman ni Elliot at DK ang makikita niyo!

No comments: