Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Monday, January 21, 2013

JESTER Series Special - Chapter 7

Copyrights © 2013. All Rights Reserved.

Why the hell did I have to get revenge again and lie to Ayca?” naasar na turan ni Evzen sa sarili. Yes, he wasn’t the Ezekiel Ayca keeps calling habang kaharap siya. He thought it will be fun being ‘Ezekiel’ na kinababaliwan ng lahat but it wasn’t. It was just like a turtore to him instead lalo na kapag tinatawag siya ni Ayca ng ibang pangalan. 

He was in the middle of driving at pupuntahan niya ang lalaking simula noon pa man ay naging problema niya. He will meet Ezekiel face to face just to tell him everything at bisitahin ang mga magulang na hindi man lang siya pinuntahan habang nasa poder siya ng Lolo niya. Everything he said to Ayca were all true, kahit ang tunay na personalidad niya ay totoo, except sa pangalan niya. 

He wasn’t Ezekiel Martin Aquino and he will never be him dahil magkaiba sila ng kambal niya. He never liked him dahil ‘mas’ daw ito sa kanya sabi ng lahat ng tao na alam na kambal sila, even their parents. Masyado rin siyang prinessured ng mga ito dahil mas matada siya ng ilang segundo sa kambal. Being compared and being stress about being the Eldest Aquino took its toll on him and he left them. Akala niya ay malulungkot ang mga magulang niya and will someday come to his Lolo’s house to fetch him pero hindi nangyari yun. He kept waiting and waiting for them hanggang sa magsawa na siyang maghintay ng pagmamahal at atensyon ng mga ito. 

He lived with his Lolo Elizario happily pero hindi niya maitatanggi na namimiss niya ang parents niya but his too prideful to even visit lalo na at ipinaramdam ng mga ito na hindi naman siya importante. He was living happily with his Lolo and even got a fiancée dahil kontento na siya sa buhay niya but every happiness has its own end at natapos ang kaligayahan niya when his own girlfrien told him na ‘mas’ ito sa kanya before he even propose to her. 



“Babe, ano na namang pinagkakaabalahan mo diyan?” nagtatakang tanong niya sa girlfriend niya for four years na si Rika. Mamayang gabi kasi ay balak niyang i-surprise ito sa dinner date nila. He wanted to propose to her tonight and it was all planned. Never in his life na may isang plano na nag-failed kapag siya ang nag-iisip and he was indeed excited. 

“Nanonood ng news ng kambal mo!” excited na sagot nito sa kanya which irked him a bit. Alam naman kasi ni Rika na ayaw niyang naririnig na words na ‘Kambal or Ezekiel or Zeke’ man lang. Ganon siya kagalit at kamuhi sa kambal niya. His peaceful life was again ruined by his twin. 

Noon kasi ay napagkakamalan siyang si Ezekeil and everyone will asked him for a picture or kiss man lang, kaya nga wala rin siyang naging steady girlfriend kasi nagseselos or iniisip ng mga ito na pinagsasabay niya ang mga babae which was absurd kasi one-woman-man siya. Kaya bago siya nakipagrelasyon kay Rika ay he said everything to her at natuwa siya dahil nagkaroon siya ng steady girlfriend for 4 years na hindi man lang siya ikinumpara nito kaya lang minsan nakakalimutan nito na galit siya sa kambal niya. 

“I’m sure he got caught again two-timing or maybe dating one of a celeb or models. Wala namang pinagbago diyan sa babaerong yan and babe, stop making me think na related ako sa kanya,” sabi niya pero umupo sa tabi nito and even hugged her and kissed on her on top of her head. 

“Paano mo naman nasabi yan, Martin?” may pagkagulat na nakarehistro sa mukha nito ng lumingon ito sa kanya. “Magkamukha kayo and definitely you are an Aquino by blood kasi ang gwapo niyong dalawa kaya lang mas siya sa iyo,” natatawa pa ito habang sinasabi ang mga katagang ayaw na ayaw niyang marinig na lumalabas sa bibig nito. He was well pissed off. 

“Mas ano?” tanong niya in a very cold voice pero mukhang wala naman itong napansin na wala na siya sa mood or more like nasa pangit na ang mood niya. 

“Well, mas well-known siya at mas mukhang successful plus ang gwapo ng mga kaibigan niya ha kaya nga I a—,” 

“Enough. Get out,” sabi niya dito and even stood up kasi asar na asar siya. So dahil wala siya sa limelight at wala siyang sariling kompanya katulad ng kapatid niya ay mas na ito sa kanya? Mas marami siyang kaibigan na gwapo at mayayaman? Ano ang susunod niyang maririnig sa bibig ng kasintahan niya? Na sana ay si Ezekeil na lang ang boyfriend nito kasi mas di hamak naman na gentleman ito at may magandang kinabukasan na maibibigay? HE had enough! 

Akala niya ay mas tatahimik ang buhay niya kapag nakalayo na siya sa kambal niya but it wasn’t that easy dahil he was overshadowed by his brother’s fame and fortune at masakit na ang babaeng minamahal niya ay iyon din ang nakikita. He gritted his teeth and turn around. 

“Martin, I didn’t me—,” 

“I told you to get out, Now!” may pagsigaw pang sabi niya dito at narinig niyang suminghap ito dahil siguro sa gulat. He didn’t turn around hanggang sa marinig niyang magbukas ang main door ng bahay niya. “Just so you know…I am breaking up with you. Goodbye,” yun lang at narinig niyang nagsara ang pinto pero di nakaligtas sa pandinig niya ang paghikbi ng babaeng minamahal niya. He was just so hurt at that point na wala na siyang pakialam pa. 



Damn! He stopped his car on the side of the road at sinuntok ang manibela. That was one of the hurtful memories that he buried in his memories next to his Lolo’s last day on earth. He almost got hit dahil hindi siya maka-concentrate sa pag-drive. He was emotional: galit, kaba, takot, pag-aalala, at kalituhan ang namamayani sa kanya and it was his first time na hindi niya alam ang tamang gagawin. He used to be so confident of himself dahil alam niya lagi ang ginagawa niya and he took pride of his plans pero ngayon, he wasn’t confident of his old plan: ang gawing miserable ang buhay ng kambal by being him. That day nung mag-break sila ni Rika ay iyon na rin ang unang araw na naging confident siya sa mga plano niya dahil his last plan failed, miserably, pero he wanted to make his twin’s life as miserable as he was so he insisted on going with the plain. 

It was the last time na nagseryoso siya sa relasyon. Everything to him was play and he even told some of his flings na siya si Ezekiel, just to get revenge on his brother. Sabi nga nila, if you can’t beat them, then join them. Kung ayaw siyang patahimikin ni Ezekiel then he might do that as well. For him, trusting is for weak person at hindi siya katulad ng mga iyon kaya naman he distant himself from people, especially women, dahil alam niyang pare-pareho lang silang lahat. Yun ang pinaniwalaan niya until he met Ayca…Ayca who’s innocent, cute, madaldal, feisty and very loveable. Okay naman sana lahat eh pero somehow, deep inside him may nag-iba at hindi niya alam kung ang nag-iba ay sa kanya mismo or sa tingin niya sa plano niya. 

Tinatanggap na niya na attracted talaga siya dalaga at habang nagkakalapit silang dalawa ay mas tumitindi ang attraction niya dito which lead him to confusion and fear. Confused siya kung itutuloy pa ba niya ang plano niya at pagmukhaing tanga pa rin si Ayca na nag-iisip na siya nga talaga si Ezekeil and the fear that he will be hated by Ayca to the point of not accepting the real him. 

Somehow, hindi niya namalayan that his heart was already trusting her to the point na naging duwag na siya masiyado kaya naman imbes na matakot siya ng matakot everyday, he decided to have a truce with his family especially Ezekiel. Habang iniisip ang mga ito ay bumalik ang determinasyon niya so he continues his travel towards his parent’s house. 



Pabaling-baling si Ayca sa higaan niya. It was indeed early in the morning at alam niyang di siya nakatulog. Paano ba naman siya makakatulog e andaming nangyari sa kanya kahapon. Una, tinuruan siya ng nakakalokong taekwondo kick ni Ezekiel, then tinapon siya nito sa swimming pool at akala niya ay hahalikan siya nito it’s thanks to her self-control kaya di rin nangyari iyon, then sinamahan siya nitong magliwaliw sa labas and even tour her sa Imus. Hinalikan siya nito dahil she took his warning for granted dahil alam niyang kasal na ito at di nito iyon gagawin sa harap ng maraming tao, then she got almost stabbed by a snatcher kung hindi lang sa flawless skills ni Ezekiel pero ang dahilan niya kung bakit di siya makatulog ay hindi sa isa sa mga iyon. 

Weh? Pati yung pag-kiss sa iyo ni Ezekiel? Tukso ng isang bahagi ng isip niya which she definitely ignored dahil mas nasa isip niya ang mga katagang sinabi ni Ezekiel sa kanya bago nating totally mute ito sa kanya. 

“Stop calling me that.” 

“Ha? Bakit naman? Diba yan ang pangalan mo kaya malamang tatawagin kitang Ezekiel. Bakit gusto mong tawagin na lang kitang ‘hoy!’ o kaya ‘ikaw’? Akala ko ba okay na tayo kaya nga naka-name basis na tayo diba?” 

Natahimik ito ng ilang minuto and started to walk away from their spot. “Nevermind,” ang narinig niyang sinabi nito bago ito tuluyang makalayo sa kanya. 

“Anong nevermind? So pwede na ulit kitang tawaging Zeke?” 

“Call me whatever names you want pwede ring yung: hoy or ikaw,” sabi nito and continue to walk hanggang sa makarating silang dalawa sa harapan ng sasakyan nito. 

“I can call you whatever I want? Talaga? Talaga?” nakangising turan niya dito habang pinapanood niya na buksan nito ang pintuan ng sasakyan for her. She went in and sitted at hinintay niyang umupo rin ito next to her bago siya ulit magsalita. “So pwede rin kitang tawaging Martin?” 

Doon ito napatingin sa kanya at kumunot ang noo. “Did you met Rika?” 

Tumungo siya. “Or ayaw mong tawagin kitang Martin kasi it’s for Rika’s use only?” 

“Don’t call me that name at may naaalala akong di kanais-nais.” 

“I thought friends na kayo?” 

“We are kaya lang memories still in my mind.” 

“Oh… sige balik Zeke na lang ulit ang tawagin ko sa iyo,” medyo malungkot na sabi niya dito. It means meron pa ring puwang sa puso nito si Rika that no one can call him Martin except her. 

“No don’t call me that as well.” 

“So ano na nga lang? Akala ko pa naman kahit anong pwede kong itawag sa iyo pero may dalawang names na hindi ko pwedeng itawag sa iyo.” 

“Call me Zen.” 

“Zen…” 


“Zen. Bakit Zen? Wala namang N doon sa Ezekiel bakit trip niyang tawagin ko siyang ganon? Though may Z at E rin naman sa Ezekiel so it should be fine. At least ako lang ang tatawag sa kanyang Zen and the rest of the world and his wife can call him Zeke,” napabungisngis siya at kinilig. Maybe it was a name just for her dahil binigyan niya ito ng keychain. 

Sabi ko na nga ba eh, kaya ka lang naman di nakatulog dahil kinikilig ang baby bangs mo! Hala bad yan! May asawang tao si Ezekeil! Sabi ulit ng isang bahagi ng isip niya and this time she didn’t ignore it. 

“Bakit porke ba kinikilig ako dahil sa ibang name ang ipinatatawag niya sa akin ay aagawin ko na kaagad siya sa asawa niya?” Kahit siya ay di alam ang sagot sa itinanong niya sa sarili. She sighs, mahirap maging Mistress. “Tignan mo na lang ang character ni Bea Alonso. Tsk! Tsk!” sabi ulit niya sa sarili. “Ahhh! Ewan! Makatayo na nga at nag-self monologue na naman ako,” at tumayo na siya at dumiretso sa banyo para mag-mumog at mag-hugas ng mukha. 

As soon as matapos siya ay sinilip niya kung anong oras niya and she was shocked. Hindi niya alam na malapit na palang magtanghali. She then heard an arriving car. “Mukhang dumating na si Zen ah, an gaga kasing umalis,” yun lang at lumabas na siya ng kwarto and went straight to the door to welcome him home. 

“Welcome home, Zen! Mabuti at du—. Mrs. Aquino,” nagulat siya dahil hindi nag-iisa si Ezekiel na dumating. Here he was standing with his wife and two kids. 

“Hello again, Miss Danica, small world isn’t it?” nakangiting sabi nito sa kanya. 

Anong small world eh ito nga ang nagpatira sa kanya sa bahay ng Lolo nito?



ITUTULOY...

No comments: