Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 8: The Make-Over

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Hindi pala ganoong ka-weird ang mga tao sa mansion. Ma-kwela pala si Sean at yung Nanny naman nito ay napakabait. Mali pala ang unang expression niya sa dalawa. She was having fun with Sean.

Itinuro niya ang basic ng pagsasalita ng lenggwahe. Ang Abakada. Natatawa pa nga siya dahil kahit na ABAKADA ang sinasabi nito ay may accent parin. She found it cute tuwing parang maaasar ito pagtumatawa siya. 

Nung isang araw naman ay mga madadaling words lang ang itinuro niya dito like: Aso, pusa, nanay at tatay. Para siyang nagtuturo ng bata. Nakakaintindi ito ng konting tagalog pero walang ka-clue-clue kung paano magsalita ito. 


“So how do i pronounce this?” Takang tanong nito at itinuro ang word na: Nakanganga. 


“Na.Ka.Nga.Nga. Nakanganga,” sabi niya dito at ipinakita pa kung paano ang lagay ng dila sa loob ng bunganga. 


“Na.ka.na.na. Nakanana,” sabi nitong nakakunot noo. “That wasn’t right. How come it’s hard to pronounce this part,” sabi nito at itinuro ‘Nga’ na part. Napatawa tuloy siya dito. 


Napatingin tuloy ito sa kanya at pinipigilan ang matawa na rin. 


“It is indeed a hard one, Sean. Don’t worry practise more and you will be an expert,” sabi niya naman dito at inaalo ang lalake. “I’m just gonna get you a juice,” sabi niya at patayo na. Hinila naman siya nito kaya nawalan siya ng balanse at napatumba siya palapit sa lalake. Natatawang inayos niya ang buhok na medyo nagulo at tumingala sa lalake. 


Hindi niya akalaing sobrang lapit pala ng mga mukha nila sa isat-isa. Nawala tuloy ang tawa niya at lunok siya ng lunok. Naaamoy niya kasi ang amoy ng toothbrush na mint nito at ang aftershave nito plus pa ang nakatitig na mga mata nito sa kanya. 


Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa ilong niya pababa sa mga labi niya. Medyo tumagal nga ang pagkakatitig nito at nakita niyang gumalaw ang adams apple nito. 


Gumalaw ang kamay nito para ilagay ang ilang hibla ng buhok niyang nakatabing sa kalahati ng mukha niya sa likuran ng tenga niya. Napapikit tuloy siya sa masarap na kiliti ng munting kuryenteng dumaloy na nagmumula sa mga daliri nito padaloy sa likuran ng tengga niya pababa sa spinal niya. It was indeed a sweet sensation. Hindi niya namalayang inihilig niya ang ulo para makadantay pa lalo sa tumigil yatang mga kamay nito sa tenga niya. 


Naramdaman niya ang hininga nito sa ilong niya at bumaba iyon sa tapat ng labi niya. Napatingin tuloy uli siya at napatingin sa lalake. Sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya. She felt her air left her lungs. Nahigit niya yata ang paghinga at titig na titig lang sa mga nangungusap na mata nito. 


She didn’t even move when his lips landed on hers. Saglit lang siyang napamulagat tapos ay napapikit ulit siya. Naramdaman niyang gumalaw ang kamay nitong nasa likuran parin ng tenga niya patungo sa batok niya. She felt a soft massages that Sean was giving her. It relaxes her more. 


Gumalaw ang dalawang kamay niya ng kusa at inilapat iyon sa matipunong dibdib ng lalaking may accent. Umakyat iyon patungong balikat nito at naikawit niya ang dalawang kamay niya doon. 


Ang simpleng halik ay naging mapusok dahil na rin sa pagkapit niya sa leeg nito. Iniawang niya ang kanyang mga labi para papasukin ang mapanuksong gustong pumasok doon. Kahit na ayaw nilang itigil ay hindi pupwede. 


Hingal na hingal na kasi ang dalawa. Nagmulat na ang mga mata niya at nakita niyang parang shock ang nasa mukha nito. Tinulak niya palayo ang sarili at tumayo na. 


“S-sige. Magtitimpla lang ako ng juice,” sabi niya at tumayo na siya. Hindi na siya pinigilan nito. 


“Pwede naman us call Nanny. Why do you like to do the job?” Natawa siya. Taglish na ang pagkakasabi nito pero ang cute talaga ng accent nito. 


“Well kung kaya ko namang gawin bakit ko pa ipapagawa sa iba? Diba?” Sabi niya at lumabas na lang. Bumaba na lang siya sa hagdan patungo sa kusina. Medyo okay na siya sa mansion. Hindi na siya naliligaw katulad ng dati. 


Binuksan niya ang fridge at kumuha siya ng malamig na tubig at kinuha ang dinala niyang orange juice na Tang. Hindi niya gusto ang lasa ng juice nila dito. Naka-karton ito at hindi niya talaga trip ang lasa. 


Nagtimpla na siya ng juice at lumakad na ulit pabalik. 


“Here’s your juice,” sabi niya dito at iniabot ang juice na tinimpla. 


“Wait. This isn’t the usual juice I always drink. This taste more masarap,” sabi nito at kinalahati na agad ang juice na ginawa niyan. 


“Eventhough, you have a brittish look, your tastebud is off a true Filipino. This is a juice we used to drink here.” 


“Nice..,” sabi nito at inilagok ulit na parang uhaw na uhaw. Nagtataka man ay uminom na rin. 


Hindi niya napigilan ang hindi sumilip sa lalake pero nahuli niya itong nakatitig pala sa kanya. Bumawi siya ng paninginat tumalikod. Inilapag na niya ang basa sa mesa at tumingin ulit sa lalake. Iniabot niya ang kamay para makuha ang baso. 


Iniabot naman nito iyon at medyo nagkahawak ang mga daliri nila. Muntik na niyang mabitawan ang baso kung hindi niya iyon binawi agad ng mahawakan ang baso. 


“So shall we continue?” Sabi na lang niya at umupo na sa harapan ni Sean. Mas mabuti na ang medyo lumayo muna sa lalake dahil sa nangyari kanina. 


Inaamin niya, sobrang attracted ang lalake para sa kanya. It was the first time na ma-attract siya ng ganon sa isang lalake. Si Gareth kasi, niligawan siya nito hanggang sa mapaibig siya nito. Kahit na gwapo si Gareth ay hindi siya naging ganoon ka-attracted sa panlabas na anyo nito. 


Gwapo na cute pa, matalino, matiyaga, mabait at sobrang kwela ni Sean so she knew why her attraction’s getting worst. Dati ay manaka-nakang pagsulyap lang ang ginagawa niya ngayon ay napapanaginipan na rin niya ito. Magkahawak daw sila ng kamay, mahigpit iyon at parang ayaw magkahiwalay pero may humihila sa kanya palayo at biglang may sumulpot sa daliri niya. Engagement ring.Weird nga ang panaginip na iyon dahil wala sa plano niya ang mag-asawa. Not right now, at least. 


“Oh yeah. Before ko makalimutan... Meron na party na dadaluhan ko and I really need a partner to that party.” 


“Oh.. So walang lesson sa gabing iyon?” Sabi niya at very disappointed ang feeling. Hindi naman niya pinahalata iyon dahil wala naman siyang pakialam. Teacher lamang siya nito sa Tagalog. 


“Yes, we won’t have a lesson because you’re going with me,” sabi nito sa kanya at ngumiti sa kanya. 


“Ako? Sigurado ka?” Sabi niya at itinuro ang sarili at tinignan pa niya ang sarili. She’s not confident para maging partner ng isang Sean McConnel. Hindi kasi siya karapat-dapat na maging partner nito dahil hindi naman siya kasing ganda ng mga model na nalilink sa lalake. 


“Positive. It will be tomorrow night. I’ll call some make-up and wardrobe artist here para ayusan ka nila,” sabi nito sa kanya. 


Napa-mulagat na lang siya sa sinabi nito. Isa sa mga sinabi nito ay ayaw nito ng salitang ‘no’. So wala na nga siyang magagawa. 


“Well, ikaw ang bahala. Bast I’ve warned you about this matter.” 


“No worries. You’re beautiful to my eyes naman e,” sabi nito at kinindatan pa siya. 






Twelve palang ng hapon ay dumating na ang sinasabi ni Sean na mag-aayos sa kanya. It was 1 van full of dresses at isang normal car na may nakasakay na 2 babae. Isa may dala ng 2 malalaking kahon. 


“Well, I will leave Heather to your hands, guys. I will just go to my meeting with the brods,” sabi nito sa kanya at ngumiti. May iaanunsiyo daw kasi si Ezekiel sa kanila. Biglaang meeting tuloy ang nangyari. 


“Don’t worry, Sean. We will take care of your damsel,” sabi nito at hinawakan siya sa balikat. 


“You won’t even recognize her when you come back.” 


“Well, we will see that later. Heather, just relax. That people are Aphrodite Aragonez’s. You know, the only daughter of the Field Marshall, Arthuro Aragonez and Super Model, Deborah Aragonez. They are one of the best.” 


“Naku, Sean ha. Sobrang bola na yan. Sige kami na bahala dito. Go to your meeting,” sabi nito at sumakay na ang lalake. 


“I’ll see you later, Heather,” sabi pa nito bago pinasibad ang sasakayan. 


“Ai naloka ako dun ahhh. Bakit parang gumagwapo yata si Sean. Is it because of you? Blooming ang lolo.” Maya-maya ay sabi ni Tins sa kanya, habang naglalakad na sila patungo sa isang empty room. Ito daw ang pipili ng damit niya. Ito yung designer ng mga damit sa van. 


Ayaw na ayaw ni Tins ng kulay blue sa kabaliktaran. Blue bag, blue blouse and pants, blue ang necklace, blue ang van nito. Saan ka pa. Ayaw talaga ni tins ng blue, diba? 


“Agree ako diyan kay Tins. Mas guma-gwapo si Sean ha. Halatang happy and in love,” sabi naman ni Charmz ang make-up artist. Naka-angkla naman ito sa braso niya habang palakad patungo sa silid. 


Merong ilang tao pang sumusunod sa kanila at hindi magkanda-ugaga sa pagdala ng mga gamit ng dalawa. 


“Ai naku. Happy lang talaga iyong si, Sean. Natutupad na kasi ang pangarap niya. Ang makapag-salita ng tagalog,” sabi naman niya dito pero kinikilig siya. Mukhang sobrang galing mang-asar ng mga ito pero feel na feel naman niya. 


“O siya sige, relax ka lang muna diyan, Heather. We will tell you kung tapos na ang make-over.” 






Kahit naman hindi sabihin ng dalawa ang ang ginagawa ay alam niya. Kahit na nga ba may nakaharang sa mata niya. Pipino ito na tinakpan ng pangtakip ng mata. Para daw ma-excite at magulat daw siya sa magiging look niya. 


Kinakabahan siya. Hindi pa kasi siya nakakapag-make over. Yung ayos ng buhok niya nung college hanggang ngayon ay magkapareho. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga sinasabi ng mga tao sa itsura niya. Basta siya okay sa kanya ang ayos niya. 


Naramdaman niyang inilublob ang paa niya para i-footspa. Tapos ay pinagdiskitanahan naman ang kuko niya sa kamay. 


Hindi nagtagal at natapos na rin ang make-over niya. Natanggal na matagal na ang takip sa mata niya pero wag daw muna siyang sisilip hanggang hindi pa tapos lahat. Dinala siya sa kabilang kwarto na puro damit. Yung mga salamin naman ay nakatakip kaya wala rin siyang alam kung ano ang itsura niya. 


Pinag-model siya ng dalawa sa harap ng mga ito. Laging no ang mga sagto nito hanggang sa ma-speechless sa last na damit na isinuot niya. Isang gold tube dress na lagpas sa tuhod niya na merong black na makapal na parang belt sa na humapit lalo sa hubog ng katawan niya. 


“Oh My! Bagay na bagay sa iyo! I am so sure na maglalaway si Sean sa itsura mo. Tara na at ako na ang susunod na magtratrabaho,” sabi ni Charmz at excited itong dinala ulit siya sa kabilang kwarto at pinaupo sa upuan habang nakatalikod sa salaman. 


Na-curious tuloy siya sa itsura niya pero minabuti na lang niyang maghintay sa hudyat ng mga ito para sa pagharap niya sa salamin. 


“Perfect! Naku, Heather. Kung sobrang ganda ako katulad mo ay mag-aayos ako lagi. Ayaw mo kasing mag-ayos masyado e. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako maganda. Marunong talaga akong maka-appreciate ng mga magagandang tao. Magkaibang-magkaiba kayo ni Aphrodite,” sabi pa ni Charms ng matapos na ang make-over nila. 


Pinasuot na lang siya ni Tins ng 3 inch na golden stilleto shoes na may malaking rose na pinakacover ng paa niya. Napaka-ganda nito. 


“O sige na. Tumingin ka na sa salamin,” sabi ni Tins sa kanya at tumalikod na ito sa mga babae at hinarap ang salamin. 


She gasp. Hindi niya nakilala ang sarili. Para kasing artista ang nasa harap ng salamin. Lumakad tuloy siya ng dahan-dahan sa harap ng salamin. Hindi pa rin makapaniwala. Doon naman umeksena ang kadarating lang na si Sean. Kumatok muna ito bago nito buksan ang pintuan. 


“Hey Ladies! So how’s the make-over? Where is He—.” Napatigil ito sa pagsasalita ng mapatingin ito sa kanya. Napatulala ito at medyo naka-awang ang bibig nito. Lumapit na ang dalawa sa lalake na bumubungisngis. 


“You better close this. Sayang ang ka-gwapuhan mo,” sabi ni Charmz at lumabas na kasama ang ngingisi-ngising si Tins na kasunod nito. 


“I hope you like the make-over but I think you don’t just like it..,” sabi naman ni Tins bago ito lumabas ng pintuan. 


“You’re... Beautiful,” sabi ni Sean sa kanya na amaze parin sa nakita.




ITUTULOY...

No comments: