Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 7: The Reunion?

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.


Tay... Nay...” Tawag niya sa pansin ng sweet paring mga magulang. “Nakahanap na ako ng trabaho. Pansamantala nga lang.” 

Nagliwanag agad ang mukha ng magulang. Medyo nag-aaalala na kasi ang mga magulang sa kanya. Bakit daw kasi nag-resign pa siya sa trabaho. 

“Mabuti naman iyan anak!” Masayang bati ng tatay niya, si Henry. 

“Anong trabaho naman iyan?” Naiintrigang taong naman ng nanay niya, si Eliza, sa kanya. 

“Hindi po malayo sa iniwan kong propesyon.” Panimula niya. Nakita niyang nag-straight face ang magulang. Lalo tuloy niyang hindi mabasa ang emosyon ng mga ito. “Magiging teacher ako ng kaibigan ng asawa ng kaibigan ko. The guy named ‘Sean’ needed a tagalog teacher. Gusto daw kasing matutong magtagalog. I’ll be the guys teacher for 3-6 months pero kung hindi po natuwa ang magiging amo ko ay magtatagal lang ako ng 3 months or less.” 

Tahimik parin ang mga ito hanggang sa matapos niya ang mahabang paliwanag sa magiging trabaho niya. 

Una ng nagbasag ng katahimikan ang nanay niya. “Natutuwa naman ako para sa iyo. Parang hindi mo iniwan ang trabaho mo sa eskwelahan. Pag-igihan mo para tumagal ka ha. Mahirap talagang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon.” 

“Tama ang nanay mo.” Maya-maya ay sabat ng tatay niya. “ Good luck sa magiging trabaho mo. Sorry sa lahat ng pagpipigil ko sayong maging teacher. Ngayon, hindi ko na pipigilan pa ang pagiging teacher mo o kung ano ang gusto mong propesyon. Naunawaan ko na ang lahat. Matanda ka na at kailangan mo nang isipin ang iyong kinabukasan. Huwag mo na kaming alalahanin ng nanay mo. Masyado ka na naming nakulong at nasakal sa pagpapalakad namin ng buhay mo. Masyado ka naring naging sakripisyo sa pamilyang ito. You deserve to be happy, anak,” sabi ng tatay niya sa kanya na nakapagpa-iyak sa kanya. 

Nilapitan niya tuloy ang magulang at niyakap ang dalawa ng sobrang higpit. Masayang-masaya na siya pero medyo guilty rin ng kaunti. Nagsinungaling kasi siya sa magulang. Hindi pa nga niya natatawagan ang lalakeng nagngangalang ‘Sean’ para tanungin kung pwede siyang maging teacher nito sa tagalog at lalong hindi niya alam kung matatanggap nga siya sa trabaho. She only wish that the guy will hire him. 

“Sige Tay... Nay... Mag-eempake na ako ng mga gamit ko. Nakahanap na rin po kasi ako ng malilipatan na malapit sa papasukan ko e.” Yun lang at umakyat na siya patungo sa kwarto niya. Kailangan na kasi niyang kausapin ang lalake. 



Hindi siya mapakali. Tatawagan niya ba o hindi ang lalake? AHHH! Bahala na si Batman at kahit isama pa niya si Robin. Nasabi niya sa kanyang isipan ang just dialled the phone with Sean’s number. 

Hindi naman siya pinaghintay nito. “Hello?” Baritono ang boses ng sumagot sa telepono. May British accent din ito na nakapagpa-amaze sa kanya. Buong-buo ang boses at lalakeng lalake ang dating nito sa tenga niya. Hindi nga agad siya nakapag-salita dahil sa shock na nararamdaman niya ngayon. Shock na biglang bumilis ang tibok ng puso niya at medyo feel niya na parang nawalan siya ng hininga. Just a listening to his voice has an effect on her. Paano pa kaya kung magkita na sila? 

“Hello? Who’s this?” Naiiritang sabi na ng lalake sa kabilang linya dahil sa hindi niya agad pagsagot dito. 

“Ahhh.... H-hi! S-sorry for not answering back. I am Heather, I wanted to asked if you are Mr. McConnel...?” She’s so proud of herself for stopping her stummer. Nakakahiya naman kila Chloe at KC kung hindi siya makuha ng lalake dahil sa pag-stummer niya. 

“I am Sean McConnel. So are you the tutor that Chloe, my brod and his wife told me?” 

“Yes, Mr. McConnel. I am sorry for stummering and not answering you right away... I was kinda taken a back but you don’t have to sweat it. I am cool now.” Arrrg! Ang kadaldalan niya. 

“Well, that’s good to hear. I was thinking that they are praising you too much. Well, You can come by on this address tomorrow.” 

Nagmamadaling maghanap ng ballpen at papel ang babae para isulat ang address na sinabi ng kausap. Napakunot noo siya ng parang naalala niya ang lugar na sinabi nito. She just shrugged off the idea and listen to what the guy wanted to say. 

“Come here at 10 am. We will talk about the job details here. I’m kind of busy right now. Bye,” sabi nito na hindi man lang hinintay na masabihan niya ito ng goodbye man lang. 

Sinabi na ni Chloe sa kanya na sobrang busy ng lalake kaya hindi ito nakakahanap ng teacher na magtuturo ditong makapag-salita ng tagalong. Kaya nga daw nagpatulong na ito sa mga ka-brod nito noon pa man pero nadelay daw iyon ng matagal dahil sa nangyari sa mag-asawa na ngayong sila James at KC. Hindi nga lang alam ni Heather na sobrang busy nito na pati ang non-working hour ay nagtratrabaho parin ito. 

Napatitig na lang siya sa cellphone niya at parang nanghihinang napaupo sa kama niya. Hindi rin niya sigurado kung makakapagsalita pa siya kung pagsalitain nga siya ng lalake. Sa simpleng hello nga lang na-speechless siya e. Paano pa kaya sa litany nitong sinabi sa kanya. Para nga siyang nababaliw na. Hindi niya alam kung bakit parang kay sarap pakinggan ng boses ng lalake. 



Binaba na niya ang telepono pero nakakunot pa rin ang noo niya. Two months nang hindi niya nararamdaman ang mahiwagang ‘sakit’ si dibdib niya. Nang mag-ring ang cellphone niya ay nasa kalagitnaan siya ng pagtapos ng mga pipirmahan niyang mga papeles para kinabukasan ay relax na lang siya sa bahay. It was his off, No, actually his supposed to be on holiday but he was needed in the office earlier. 

Naasar nga siya sa tumawag dahil sa hindi nito agad pagsagot sa tanong niya. Muntikan na tuloy niyang isiping prank call ito ng biglang naramdaman niya ang weird na feeling na iyon. Iniangat niya nga ulit at tingin niya sa study room, kung saan siya nagtratrabaho, pero nag-iisa lamang siya doon. Ayaw niya rin kasing maistorbo while his working. 

Tuwing naririnig niya yata ang pangalang ‘Heather’ ay nagkakaganon siya. Kanina ay sinabi ni James ang Heather at naramdaman niya rin ulit iyon. 

Could it be? No… I don’t think that the faceless woman does exist. Nasabi niya sa sarili. Ayaw niyang ma-hook na naman siya sa faceless woman fever. Dahil tuloy sa sudden attack ng damdamin ay nagfailed siya sa attempt of keeping his cool. Sumobra ang daldal niya na hindi niya napagsalita ang babae ulit. 

He sighed. Now, his feelings were distracted yet again and it’s because of Heather girl. Na-eexcite siya na ewan. He finished the last paper to sign then walked out of the study room. 



Nakanganga at nakatitig siya sa bahay kung saan siya tinuturo ng address na sinabi ni Mr.McConnel sa telepono kahapon. Pumikit-pikit pa siya ng ilang beses at kinusot niya pa nga ang mga mata. Baka nagkamali lang siya ng pinuntahan. Sabi na nga niya at parang alam niya ang address na sinasabi ng lalake kagabi. It was the place ng lalakeng nakakuha ng virginity niya! 

Pinaparusahan mo ba talaga ako, Lord? Impit na tanong niya sa panginoon habang nakasalikop pa ang magkabilang kamay niya at nakatingin sa langit. 

Humakbang na siya papalayo ng may marinig siyang lumabas sa gate. Nagmamadaling lumakad siya papalayo. 

“Wait!” Narinig niyang tawag ng may accent na lalake. Patay! Si Sean pa yata ang nakakita sa kanya. Nagmadali ulit siyang naglakad pero nahawakan na nito ang braso niya. 

Oh My God! Bakit may spark iyon? Ano to line ng Meralco na sira para magka-spark? I need to stay away from this guy! Delikado ako dito! Sigaw iyon ng inner voice niya pero nakapagtatakang hindi niya magets kung bakit nga siya delikado sa lalake. 

“You’re Heather, right? Why are you walking away then?” May pagtataka siyang narinig sa boses nitong may accent. 

Wala na siyang kawala. Slow motion siyang humarap sa lalake at ngumiti ng parang nahihiya. 

“Sorry, Mr. McConnel, I thought I’ve got the wrong house and was about to go to the next house to doorbell.” Palusot na lang niyang sabi sa lalake. “...But I am Heather, Mr. McConnel. It’s nice to see you and sorry for being late. You know the traffic in this city,” sabi pa niya dito at ngumiti na siya. Yung professional smile. 

“Call me Sean, Heather. Everytime you call me by my last name, it felt like your calling my dad. I am not that old, yah know?” Nakakaloko ang ngiti nito at tumalikod na pero hawak-hawak pa rin nito ang braso niya. “Let’s go in and discuss about your job details,” sabi pa nito bako siya tuluyang hinila nito papasok. Mukhang alam nito na pagbinitawan siya nito ay aalis siya. 





Nagtataka siya. Kanina pa sila nag-uusap ng lalake pero wala man lang itong nasabi tungkol sa gabing pinagsaluhan nila. Hindi kasi siya makatingin ng diretso sa lalake para lang itago ang buong mukha niya. Kinakabahan kasi siya na baka maalala nitong siya yung babaeng nakaniig niya noon. Kung alam lang nito kung gaano kahirap ang hindi mapatitig sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nakakaasar. Sobrang lakas ng appeal ng lalake sa kanya. 

Mukhang hindi ako natatandaan ng loko ahh. Bakit parang may bitterness akong naaamoy sa sinabi mo? Inner voice na naman niya iyon. 

“So... Do you agree with your job description?” Tanong nito sa kanya na nakapagpabalik ng isip niya sa realidad. Hindi niya tuloy maiwasang tignan ang lalake. Ayun nakita na naman niya ang nakakunot-noong lalake. Mas gwapo pa ito kanina nung sinabi nitong wag niya itong tawaging Mr. McConnel dahil ngumisi ito. 

“Yes, Mr. McCo– Sean.” Sagot niya dito at tumayo na at nakipag-hand shake. 

“Good then. You just wait here until my men’s here. They will help you get your things and come back. You’re staying here in the house.” 

What?! Kelan nila ito napag-usapan? Siguro ay nung nag-mumuni-muni siya. Nakatanga na lang siya dito dahil wala siyang masabi. 

May dumating na isang matandang babae at may dalang juice. Nakita niyang nakatingin din sa kanya ang babae pero nakakunot rin ang noo nito. 

Bakit ba parang fashion trend na ang pagkunot ng noo sa bahay na ito? Sana sa pamamalagi niya dito ay hindi rin siya maging ganoon. Nakaka-wrinkles kaya iyon. Ngumiti siya sa matanda at napangiti na rin iyon sa kanya. At least eto ay marunong ngumiti. 

“Nanny, call the guys. I need them to help this beautiful lady to get her things.” 

“Wait, Mr.— Sean. Is it supposed to be today?” Ilang minuto palang silang magkasama ng lalake ay nahawa na siya sa trend ng bahay na iyon. Napakunot noo kasi siyang tumingin dito. 

Na-grant na ang wish niya. Ngumiti na nga ang lalake at tumungo. “Yes. Starting today, you will be my Tagalog Teacher.” 

Hindi niya alam kung gaganti rin ng ngiti dito. Napatungo nalang tuloy siya at nagkibit-balikat. Magpapatianod na lang siya sa agos ng mga pangyayari. 

Napatingin ulit siya sa matandang babae na nakatingin pa rin sa kanya. Hind niya alam kung bakit siya nito tinitignan. 

Naiiling na lang na umalis ang matanda. 

Weird! Weird lahat ng tao sa bahay na ito. Kaya pala feeling ko kanina na delikado dito! Kalorkey! 

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga lalakeng tinawag nung Nanny ni Sean. Malalaki ang katawan noon at malalaking tao rin. Parang bouncer sa mga bar. Umalis na sila ng Mansion ni Sean at dumiretso na sa bahay nila. 

Nagulat nga ang mga magulang niya ng may kasama na siyang 4 na lalakeng malalaki ang muscles sa katawan. Ipinaliwanag na lang niya sa magulang ang mga nangyayari. Hindi na rin nakatiis ang mga magulang at tinulungan na rin siyang mag-empake ng mga gamit. 

Dalawang bag ang nakinuha niya at ilang mga mahahalagang bagay na hinding-hindi niya iiwan. It was her family picture. Iniwan naman niya lahat ng bagay na ibinigay ni Gareth sa kanya. Finally ay makaka-move on na siya ng tuluyan. Hirap kasi siya lalo na at naandoon sa bahay ang may kagagawan kung bakit sila nagkahiwalay ni Gareth.





ITUTULOY...

No comments: