Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Seires 3 - Chapter 9: I Don't Care

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.


Shall we go?” Magalang na tanong ng lalake sa kanya ng inilahad nito ang kamay sa tapat niya. Kinuha niya iyon at may nanulay na kuryente na naman sa kanya. Napatingin tuloy siya sa lalake just to check kung naramdaman din nito iyon. 

Nagulat na lang siya ng nakakunot-noong nakatingin din siya sa kanya. Mukha ngang naramdaman nito iyon pero hindi nito binawi ang kamay at lalo pa nga nitong pinagsalikop ang kanilang mga kamay. 

Bumaba na sila ng hagdanan at thankful siyang nakaalalay sa kanya ang lalake. Medyo hindi kasi siya sanay na maglakad sa highheels. 

“Salamat ha.” 

“Para saan?” Takang tanong ng lalake at napatingin sa kanya. 

“E kasi naka-make over na ako tapos inaalalayan mo pa akong makababa.” Natatawa niyang sabi dito. 

“You don’t have to thank me. I am doing this because I wanted to.” 

“Pero kahit na no! Basta Thank you,” sabi na lang niya at pumasok na sila sa sasakyan at dumiretso na sa patutunguhan nila. 

Nagbihis lang saglit si Sean kanina at bumalik na ulit sa kwarto kung saan siya nito nakita. Lumapit ito sa kanya at biglang tumaas ang kamay nito. Napapikit tuloy siya dahil akala niya ay may gagawin ito sa mukha niya pero may naramdaman siyang malamig na dumantay sa leeg niya. It was a golden choker na bagay na bagay sa kulay ng damit at make-up niya. 

Present daw ito para sa kanya. Buti na nga lang daw at bumagay sa binili nitong necklace sa Jeweler nitong kaibigan na si Ran. Ayaw man niyang tanggapin ay hindi rin daw ito tatanggapin pa ulit ng lalake. It’s either itago niya daw o itapon na lang. Mga mayayaman nga naman. 

Nasa likuran sila ng sasakyan nito at magkatabing nakaupo. Hindi pa rin mabitawan ni Sean ang kamay niya. She’s more than happy naman. Ayaw niya kayang mawala ito sa tabi niya sa buong gabi no. Wala naman din siyang kilala sa salu-salo e. 



Just stay close to me...” Maya-maya ay sabi nito nung makarating na sila sa harapan na sila kung saan gaganapin ang nasabing party. Nakasabit ang kamay niya sa braso nito at pumila na sila papasok sa loob. Doon pa lang sa labas ay naririnig na niya ang bulong-bulungan at bungisbgisan ng mga babae. Gwapong-gwapo kasi si Sean sa White nitong tuxedo. Feeling niya tuloy na napakaswerte niya at siya ang naging partner ng lalake ngayong gabi. 

Hindi nga siya iniwan ng lalake kahit saan ito pumunta. Akay-akay siya nito at lagi rin siyang ipinapakilala sa mga kakilala at business partner nito. 

“Hey, Brod! This is Heather Cruz,” sabi ni Sean sa isang gwapong lalake rin. Medyo nakabusangot nga lang ang mukha nito pero gwapo talaga at macho ang dating. 

“Heather, this is one of my Brod, Theodore.” Ipinakilala siya nito sa kanya. “I never thought your gonna be here. You didn’t get dragged out, aye?” Sabi pa nito sa nakabusangot na gwapong lalake. 

“Shut up, Sean, but Hi Heather. So you are indeed a killer. So now I know why Sean’s so—.” Hindi na natapos pa ng lalake ang sasabihin dahil natakpan na ni Sean ang bibig na kaibigan. Itinaas na lang nito ang dalawang kamay telling both of them that the guy surrendering. 

“Fine. I won’t tell,” sabi nito na natawa na. Mas gwapo tuloy ito sa paningin niya. 

“Don’t mind this guy, Heather. His talking nonsense when his annoyed,” sabi naman ni Sean at ngumisi. Hindi naman ito tumagal na kasama sila ni Theodore. Sean got dragged somewhere para ipakilala yata sa mga anak ng mga kakilala. Hinayaan na lang siya ni Sean na kasama si Theodore. Iba kasi talaga ang bond ng mga ito. 

“Nahila ka rin ba dito?” Maya-maya ay tanong niya habang unti-unting iniinom ang cocktail na hawak niya. 

“Hindi naman. Sa tingin mo ba ay may makakahila sa akin dito?” Sabi nito at tinignan ang magkabilang braso nito at ngumisi. 

“I just need to pay some favor back. Kailangan kong i-escort yung babaeng iyon. Anak siya ng kaibigan ko sa army dati,” sabi nito at inginuso ang isang babae. Napalingon tuloy siya sa nginusuan at nakita niya ang babaeng mala-goddess ang dating nito. Nakalugay ang buhoy nito, ang hindi lang niya alam ay kung natural na kulot ang buhok o pinakulot lang nito iyon para maging fit ang buhok nito sa goddess dress niya. 

“She’s very beautiful.” Nasaad niya dito at napangiti. 

“...brat and very capricious and really hard-headed!” Naasar na sabi nito at inisang lagok ang iniinom nitong scotch. 

“Dapat nagtanong nalang ako ng ibang favor e. Kung hindi ko lang naisip na baka may makita akong pwedeng i-date na babae dito.” Nasabi nito at minasahe ang bahagi ng mukha na nasa pagitan ng mata. 

Natawa siya dito. Mukhang ang swabeng si Theodore ay ngayon lang nagalit sa isang babae. Maganda pa naman yung babae. “Wait lang punta muna akong restroom,” sabi niya at nag-excuse na papuntang CR. 

Umihi siya at lumabas na sa cubicle ng mamataan niya ang ininguso kanina ni Theodore. Mas napasinghap siya sa ganda ng babae sa malapitan. 

Natawa ito dahil silang dalawa lang naman ang nasa loob. “I’ll take that as a compliment,” sabi nito at tinapos na ang paglalagay ng lipstick. 

“I am Aphrodite Aragonez, daughter of Field Marshall Aragonez. Kaibigan ako ni Sean, yung kausap mong si Theodore at ang iba pa,” sabi nito at inihayag ang kamay. 

“Oh! Ikaw pala ang sinasabi ng mga make-up artist na nag-ayos sa akin. Nice meeting you. I am Heather Cruz. Tutor ni Sean,” sabi niya at kinamayan si Heather. 

“You’re too beautiful just to be a tutor of Sean. That guy has a huge admiration on you. I can tell. That guy cannot even take his eyes off of you. I think you’re better to be Sean’s wife,” sabi nito at kinindatan siya. 

“Salamat sa bola mo, Miss Aragonez but...” 

“A.A, Dite, Ara but not Miss Aragonez,” sabi nito sa kanya and roll her eyes. 

“Ara then. Salamat sa bola mo pero sa tingin ko ay binabantayan lang ako ni Sean. I told him not to get too far from me anyways,” sabi niya dito at ngumiti. 

“Trust me. I knew a love sick guy when I saw one. Just think of it, Heather. Try looking at a different side. You will know what I am talking about,” sabi nito at hinalikan na siya sa pisngi. “I’ll see you outside, Heather.” 

Tumungo siya at nag-retouch muna ng make up bago lumabas. Nakita niyang nag-uusap na ulit ang dalawang lalake at palapit na rin si Ara sa mga ito. It was actually breathtakingly beautiful to look at those guys from afar. Gwapo, mayaman at sobrang babait na tao. Parang intimidating lumapit sa mga ito pero ito pa lang ang kilala niya sa loob ng party. Sa sobrang dami kasing pinakilala ni Sean sa kanya ay hindi na niya iyon maalala pa. 

“H-Hi!” bati niya sa mga ito at lumapit na sa tabi niya. Naririnig niyang nakikipagtalo na si Theodore at Ara sa isa’t-isa. 

“You’re my escort! You should dance with me,” sabi ng babae at iniangkla na ang kamay kay Theodore pero tinanggal iyon ng lalake. 

“I better dance with her,” sabi nito at lumapit na ito sa kanya at hinila siya sa dancefloor. Hindi niya iyon inaasahan kaya nahila siya nito ng wala sa oras. Napatingin siya dalawa at nanghihingi ng tulong dito. Pero nakita niyang madilim ang mukha ni Sean. Nakita niyang tumingin ito sa katabing naaasar din sa ginawa ng escort nito. Nakita niyang nag-usap ang dalawa at napatungo ang dalaga na umangkla na sa braso nito. 

Nakita niyang naglalakad na ito patungong dancefloor. 

“I’m sorry for kidnapping you a bit. I just wanted to get away from that crazy brat. She’s killing me,” sabi ni Theodore sa kanya and roll his eyes. Mukhang asar na asar nga ito sa babae. Nakita naman nitong manaka-nakang tumitingin siya sa dalawa na nasa dancefloor na rin. 

“You’re jealous. I can read you like an open book.” Natatawang sabi ni Theodore sa kanya. 

“Huh?” Natanong niya. “No. No. Hindi iyon. Nakita ko kasing nagdilim ang paningin ni Sean e. I am just worried.” 

“Worried and jealous. Don’t worry, your more lovely than Sean’s partner. Inside out!” Sabi nito and even gritted his teeth. 

“I am not jealous.” Tangi niya kahit na alam niya sa sarili na nagseselos nga siya. Bagay kasi ang dalawa sa isat-isa. Hindi niya tuloy napigilang tumingin sa boss niya. Nagulat siya at nakatitig ito sa kanya. 

“God! Looks like I am gonna get punched by the guy tomorrow. Tignan mo ang tingin sa ating dalawa. If looks can kill baka namatay na agad ako ng walang kalaban laban. This is entertaining.” Natatawang sabi ni Theodore sa kanya. 

Bigla namang hinawakan siya nito sa may ibaba ng tenga at iniharap ang mukha nito patingin sa lalake. “Well then, let’s make that guy more Jealous,” sabi nito at ibinulong sa kanyang tenga. 

Heather blushed real hard. Sensitive spot niya kasi ang tenga niya e. “What do you mean?” 

Hindi na nito kailangan pang sumagot dahil nahawakan na ni Sean ang kamay niya at hinila siya paalis sa dancefloor. 

“Hey. Hey!” Naasar na si Heather sa mga nangyayari. Lagi na lang siyang hinihila ng mga ito ngayong gabi. Hindi naman ito tumigil na hilain siya hanggang sa makalabas sila ng reception. 

Nakita niyang naihilamos nito ang kamay sa mukha. At parang asar na asar ito. 

“Akala ko matatanggal na ang kamay ko sa balikat ko e. What’s happening? Why the hell are people dragging me around?” Naasar na sabi niya dito. 

“What’s happening?! I should be the one who’s asking you that.” 

“What? Hindi kita maintindihan!” Nakakunot noong lumakad siya palapit dito. “What did I do wrong?!” 

“I saw Theodore whispering to you and you blushed.” 

“Ano namang problema doon? He was just telling me something.” Wala na siyang pakialam kung ma misunderstand ni Sean ang lahat. Wala na siyang pakialam kasi naaasar siya sa inaasal nito. “At bakit ka ba nagtatanong? It’s not even your business!” Sabi niya dito at lumakad na siya palayo dito. Narinig niyang napamura ito ng marami bago ito sumunod sa kanyang wait.
“I said WAIT!” Narinig niya ito pero naglakad parin siya. Tumigil lang ito siya ng hawakan na siya nito ng mahigpit sa kamay. 

“Ouch! You’re hurting me! Tak—.” Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil nasibasib na siya ng halik ng lalake. It was a punishment kiss. Pakiramdam nya’y puputok ang labi nya sa diin ng halik nito. Pinagbababayo niya ang dibdib nito trying to make the guy stop. Pero mukhang mas lalo lang nitong nilaliman ang paghalik sa kanya at ikinulong sa matitikas na braso nito. He sip every part of her tongue. 

Nag-iba naman ang uri ng paghalik nito. Naging mas gentle ito pero may pag-aangkin sa uri ng halik na ibinibigay nito sa kanya. Napaungol tuloy siya at napakapit na sa balikat nito. Nanghihina ang tuhod niya. This guy is giving me knee-melting sensation. Kung hindi pa siya kumapit sa balikat nito ay mabuwal siya at mapaluhod sa sahig. Tinapos na nito ang paghalik sa kanya at humihingal silang dalawa. Titig na titig sa isa’t isa. 

“I don’t care about that faceless woman anymore... I am in love with you, Heather!” Sabi nito sa kanya at niyakap siya. She’s having mixed emotion. Overwhelm, very happy at parang hindi siya makapaniwala sa narinig. 

“What did you say...?” 

“I love you.” Binulong nito sa tenga niya na nagpakilig lalo sa kanya. 

“I love you too,” sabi niya dito at nauwi na naman sa isang maalab na halikan ng dalawa. Nang matapos ay dumiretso na silang sasakyan. 

“Who’s that faceless woman you’re talking about earlier?” 

“Oh that? It was just my dream started 3 and half years ago,” sabi niya dito at ngumiti. “But it stopped two months ago before I hired you. It was like 5 months na ang nakakalipas, if I calculated it right. Let’s not talk about it. It makes me look funny. I actually looked for that woman for years.” 

“What if that faceless woman was your destined one?” 

“I never believe in that word and besides I have you. I am already happy with my love life right now,” sabi nito at tumingin sa kanya bago pinaandar ang sasakyan.




ITUTULOY...

No comments: