Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 11: Moving On

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

5 years Later... 


Madami na ang nangyari sa buhay niya. Bumalik ulit siya sa bahay ng magulang niya at tinanggap siya ng mga iyon ng buong-buo. Ang alam lang ng mga magulang ay natapos na ang pagtuturo niya sa amo niya. Hindi na rin niya sinabi ang totoong dahilan, hindi na nila dapat malaman pa at problemahin pa ang mga nangyayari sa kanya. 

Mas gusto niyang siya na lang ang masaktan kaysa sa mga magulang niya. She just cannot stand watching them getting hurt. Marami na rin kasing sakripisyo ang mga ito sa kanya. Ang mahirap nga lang na gawin ay ang magpanggap na masaya ka kahit na hindi at kahit na nadudurog ang puso mo. 

Pero wala nga yatang sikreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay kinompronta siya ng magulang niya at pinilit siyang magsalita kunga ano ang nangyari sa bahay ng amo niya. Wala na naman siyang nagawa kundi ang sabihin na minahal niya ang amo pero hindi talaga sila meant to be kaya umalis na lang siya at nakipag-break. Dahil na rin sa pag-oopen up ay mas gumaan na ang nararamdaman niya. Hindi masyadong magaan pero atleat nabawasan ang bigat na nararamdaman niya. 

Bumalik din siya sa pagtuturo sa isa namang pribadong eskwelahan. Doon niya nakilala ang lalakeng sobra ang kulit sa panliligaw. Si Roger. Katulad niya itong teacher pero anak ito ng may-ari ng paaralan. He was sweet, gentleman, at sobrang mahal siya. Andaming beses niyang ni-reject ang lalake dahil na rin sa hindi pa niya kayang magmahal ulit at mahal pa rin kasi niya si Sean but the guy said na let him be, gusto lang naman daw kasi nung lalake na iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito. 

She was moved by the guys pure love kaya sinabi niya friends muna sila and get to know each other. She was shock ng malaman niyang muntik na iton maging pari pero mukhang hindi daw iyon ang gusto ng diyos para sa kanya. Sobrang tagal nitong nanligaw ulit sa kanya. It took the guy 2 and half years bago niya sinagot ito. 

Happy na siya at feel na feel niya na mahal siya ng lalake kahit na nga ba hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal nito sa kanya. For her, Roger is the perfect man for her. Yung lalakeng hindi siya iiwan at papalitan. Na alam niyang siya lang sa buhay nito at iibigin siya kahit na hindi ganoon katindi ang pagmamahal niya dito. So when the guy proposed to her ng tumagal ang pagiging mag-boyfriend nila for 2 and half years ay nag-say na siya ng ‘Yes’. 

Ikakasal na siya next year. Pinagpla-plano-han nila itong mabuti ang magaganap na kasal. Meron nga silang usapan ni Roger na susunduin siya ngayon para pumili ng bulaklak para sa kasal. 

Hinihintay na lang niya ito ng may kumatok na sa pintuan. She’s expecting no one but Roger. Binuksan niya ang pintuan at smiled. Si Roger nga ito. She gave him a quick kiss on the lips and a big hugged na ginantihan naman ng lalake. 

“Merong messenger na pumunta dito. Pinapabigay ito. Naka-address sa iyo e,” sabi ni Roger sa kanya iniabot na nito ang card na ibinigay. Nakakunot noo naman niyang binuksan ito at binasa. 

“Galing sa bestfriend kong si Chloe. Remember yung ikinuwento ko about my bestfriend from Highschool and College? Gusto niyang pumunta ako for a meeting bukas. Mukhang urgent e. Hindi naman kasi nagbibigay ng card ang loka na iyon kung hindi urgent at private,” sabi niya dito at kibit balikat na tumingin sa lalake. 

“Honey, you don’t really need to asked permission kung pwede ka bang umalis mag-isa. Hindi pa naman tayo kasal ay feeling ko na sinasakal na agad kita. Kung urgent ang meeting na iyan ay wala akong magagawa. Ako na lang ang mag-book sa simbahan na napagkasunduan natin. Tsaka sabi mo hindi mo na rin nakita ng matagal ang best friend mo,” sabi nito at ngumiti. 

Eto ang gusto niya dito e. Sobrang maunawain at sobrang bait nito sa kanya. Napangiti tuloy siya at hindi napigilang bigyan ng halik ang pisngi ng lalake. 

“Thanks, hon. Hayaan mo at tatawagan agad kita once na tapos na ang meeting na iyon and then we will go on a date!” Sabi niya dito at ngumisi. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya at hinalikan iyon. 

“Bribe ba ito, hon? Kasi susunggaban ko talaga ito,” sabi nito na nakapagpatawa sa kanila. Hindi nagtagal at nagpaalam na sila sa magulang niya para gawin na ang mga dapat gawin nila sa araw na iyon. 



Dumating siya sa bahay nila Chloe ng maaga. Well, lagi naman kasi siyang maaga when it comes to meeting and parties. Sinalubong siya ng napaka-cute na anak ng kanyang best friend na si Aaron. 

“Hi, tita! I’ve never seen you for a very looooong time. I missed you!” Sabi ng sweet na inaanak at binigyan siya ng yakap at halik sa pisngi. Nanggigil naman siyang hinalikan ang bata sa magkabilang pisngi. 

“I missed you too, sweetheart! That is why I am here as early as I can,” sabi niya dito at binuhat na ito papasok sa bahay ng kaibigan. 

“Long time no see, friend! Miss ka na ng inaanak mo. Hindi mo na daw dinalaw simula nung 3rd birthday niya. Ang natatanggap na lang kasi ng inaanak mo ay ang mga regalo mo.” 

“Sorry, friend, medyo naging busy ako last year e kasi may hawak akong graduating students tapos ngayong taon naman e nagpropose na sa akin si Roger. Ikakasal na kami next year,” sabi niya at pinakita niya ang engagement ring sa kaibigan ng mababa na niya ang inaanak. 

“Oh my God! I am so happy for you friend! I thought hindi ka na makakapagmahal ulit dahil sa masakit na nangyari sa iyo noon,” sabi nito at ngumiti. 

“Matagal na iyon. I have moved on,” sabi niya at ngumiti. “...and I am happy with Roger. He loves me so much.” 

“That’s good to here. I am wishing you all the happiness and love,” sabi nito at iginaya na siya sa malaking lamesa. Hindi nagtagal ay sunud-sunod nang nagsidatingan ang mga kasama. Akala niya ay girls lang ang dadating pero dumating din ang mga partner ng mga girls. Ang Jester. Kinabahan siya ng may mag-doorbell ulit. James, Elliot and Theodore was already here. So isa na lang ang hinihintay ang ayaw niyang makita sa magkakaibigan. 

Kung alam lang niya na darating ang mga lalakeng ito ay hindi na siya pumunta pa. Takot kasi siyang makita ito at ang partner nito. Lahat kasi ng dumating ay may partner. Kahit pala ilang taon na ang nakalipas ay hindi niya parin matanggal sa puso niya ang lalake. 

“Hey there, zombie!” Nang-aasar na naman na sita ni Theodore sa bagong dating. Hindi siya tumitingin sa pinasukan nilang lahat. Alam niya kasing doon dadaan ang lalake. Pero nung tawagin ni Theodore na Zombie ang lalake ay napatingin sa dito. 

It was still the old Sean except for the beard, mustache and longer hair. Hindi naman ganoon ka-untidy ang lalake e. Ang pagkakakilala niya sa lalake ay isa itong malinis sa katawan na lalake at nag-aahit ito. 

Nakita niyang nakatitig ito sa kanya at ngumiti. Nagliwanag rin ang mukha nito. Hindi na nga nito pinansin ang lalakeng nang-asar at tumabi na sa kanya. Hindi sila nag-hi o hello man lang at ni hindi nga sila nagkadikit man lang pero sa simpleng malapit lang sila sa isa’t-isa ay feel na feel niyang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa kanyang balat na nanggagaling sa side niya kung saan naka-upo ang lalake. 

Mas malala yata ang epekto nito sa kanya kaysa noo. Nag-inhale siya bago inilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. She needed to show the guy na nakapag-move on na siya sa nangyari sa kanila. Na ikakasal na siya. 

Nagsimula naman nang magsalita si Chloe at ang pagdating ni Ezekiel sa meeting. Nagulat siya. Magpapakasal na pala ang dalawa. For all those years ay sila parin pala ang magkakatuluyan. Mga pinagtagpo talaga ng tadhana. Napabuntong hininga siya. Hindi naman na kasi mangyayari iyon sa kanila ng katabing lalake. She’s getting married to the most lovable guy she had known. 

Hindi niya mapigilang hindi tumingin sa mga magkakaibigan ng magtayuan ang lahat at magkamustahan. Matagal na niyang ipinanalangin na sana ay mabuo ang magkakaibigan at masaya siya dahil nabuo na nga ang mga ito. 

Biglang siyang nagbawi ng tingin dahil nakita niyang lumingon sa kanya ang lalake. 

“Girls. I’m just going to the toilet,” sabi niya sa mga naging kaibigan na rin niyang mga partner ng JESTER. Kumbaga sila ang female version ng JESTER. 

Napahinto siya sa paglabas ng makita niyang nakatayo si Sean sa labas. Nakatitig ito sa kanya na para bang minememorize nito ang mukha niya. Hindi na lang niya ito pinansin at planong lagpasan ito pero hindi siya nagtagumpay. Muntikan pa nga niyang mabitawan ang kanyang dalang bag sa sensasyon na nanulay sa kanya. Mas malakas kaysa sa dati. Kinilabutan siya na ewan. 

“Heather...” Tawag nito sa kanya. Pati ang boses nito ay iba ang epekto sa kanya. Tumatagos sa kanya puso. 

“I missed you so much.” Iyon lang at hinila na siya payakap sa lalake. Matagal na niyang hinahanap-hanap ang ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na ‘welcome home’ or yung ‘you only belong here’. Pero kailangan ng tapusin ang kahibangan niya. Itinulak niya ang lalake papalayo sa kanya. 

“Ikakasal na ako,” sabi niya at pinakita niya ang singsing dito. Gulat ang rumehistro sa mukha nito at napangiti. 

“Nakita na rin kita sa wakas...” 

“huh?!” 

“Ang aking faceless woman.” 

Ano ba ang pinagsasabi nito? Nagdedeliryo ata ito e o baka lasing ito o baka nababaliw na ito. Ang tagal mo ng nakita ang babae sa panaginip mo diba? That was why we broke up, remember?

“You’re crazy!”Sabi niya na lang at tinanggal nya ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso niya at lumakad na paalis. 

“I need to go guys. May mga lakad pa kasi kami ni Roger. Naghahanda na kami para sa kasal.” Paalam niya sa mga ito. She needed to run away from Sean right now. Hindi parin siya makapaniwalang ganoon parin ang nararamdaman niya para dito. Mahal pa rin niya ang lalake at mas tumindi pa ito. Ayaw niyang saktan si Roger. Ang lalakeng nagmahal sa kanya kahit na hindi siguradong matutugunan. 

Na-text na niya ang boyfriend niya ng nasa loob siya ng CR. Malapit lang naman daw siya sa bahay ni Chloe kaya mga 10 minutes lang daw ay andiyan na ang nobyo. 

“Sige. Gusto mo bang magpahatid?” Nagtanong si Chloe sa kanya at niyakap na siya nito. 

“Naku, nevermind me. Susunduin ako ni future husband e,” sabi niya at ngumisi sa lahat. 

“Ai andyan na yata,” sabi niya ng marinig ang busina sa labas. 

“Chloe, just give me the invitation at what date mo ako kailangan. I am always here to help with whenever you need,” sabi niya at nakipag-beso na sa lahat. Lumabas na siya at nagmamadaling lumapit sa sasakyan. 

“Hi, Hon. Ang bilis yatang matapos ng meeting niyo.” Nagtatakang tanong nito at binuksan na ang pintuan ng sasakyan para sa kanya. 

“Well, sinabi ko sa kanila na may lalakarin pa tayo e.” 

“Oh. Buti naman at makakapunta na tayo sa gumagawa ng mga invitations.” 

Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay napatingin ulit siya sa bahay ni Chloe at nagulat. There it is, Sean staring at her at her boyfriend. Nagbawi tuloy siya ng tingin at minadali si Roger na umalis na. 



Chloe and Ezekiel’s wedding is the most sweetest one she ever saw. Napakasaya niya at naka-witness siya ng isang wedding of the year. Sobrang ganda ni Chloe sa pangkasal na damit nito at halata mong sobrang saya nito kapiling ang one true love ng babae. 

Sana ay maging masaya rin siya sa piling ni Roger. Mahal niya ito pero hindi kasing laki ng pagmamahal niya kay Sean. 

Speaking of Sean, hindi siya lumalapit at nakikipag-usap man dito. Lagi siyang nakadikit sa fiance niya. Ayaw na rin kasi niya ng gulo. Magpapakasal na siya at tahimik na ang buhay niya. Kaya nga kahit na andito na siya sa reception area ay nakasukbit parin ang kamay niya sa braso ng fiance. 

“Bakit kasi pinakawalan mo pa? Yan tuloy engage na sa damuhong iyon.” Narinig niya si Theodore na nang-aasar na naman sa Kaibigang si Sean. Hobby ata nito ang asarin ang lalake kahit nga noon. Eto nga yung nagpaselos sa lalake kaya naging sila noon. 

“Hon, punta lang ako sa banyo ha,” sabi nito at iniwan siya. Gusto man niyang sumama ay baka magtaka na ang lalake sa kanya. She was not the clingy type e. 

“Okay, hon.” Sagot niya at kumaway na lang. 

“Heather, Namiss kita... Can we talk? In private?” Nagmamakaawa na kasi ang boses nito kaya umoo na lang siya dito. Dinala siya nito sa Garden ng reception ng kasal ni Chloe.




ITUTULOY...

No comments: