Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 10: The Faceless Woman

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Hindi niya namalayan na lumipas na pala ang two months ng ganun-ganon na lang. Not like the other two months of her life ng makipagbreak siya kay Gareth at magresign siya dati sa trabaho. That 2 months was hellish for her pero this last 2 months na kasama niya si Sean ay sobrang saya siya at very loved. 

Ngayon nga ay may usapan sila na may date sila. Kakain ng lunch and then maglalakad daw sila in the city hand-in-hand. Just thinking of it made Heather super excited. Hindi na nga siya mapakali habang naghahanda na siya sa date nila. Magkita na lang daw sila sa Eastwood. 

Ang aga-aga niyang umalis sa bahay para hindi siya ma-late sa lunch date nila ng kanyang boyfriend. Medyo napa-aga yata siya. Wala pa kasi si Sean sa pinag-usapang lugar nila. She decided to walk around the Eastwood first. First time lang kasi siya nakapunta dito e. It was amazingly beautiful at nakita niya rin yung sinasabi nilang walk of fame doon. 

Naglalakad na siya pabalik ng may makita siya sa malayo. She wanted to just ignore the loving couple pero nakita na kasi siya ni Gareth. Masaya ang dalawa at nagtatawanan pero nung makita siya nung lalake ay biglang sumeryoso ito at mukhang na-guilty rin, mag-isa nga naman siya diba? 

Lumapit ang dalawa sa kanya kahit na walang ngiti sa mga labi ng dalawa ay hindi niya mapigilang ngumiti. She’s happy now e dapat ay maging masaya na rin ang dalawa. 

“Oi! Dito pala kayo.” Masayang bati niya. “Ang sweet sweet niyong dalawa ahh. I’m happy for both of you.” 

“Heather...” Tawag sa kanya ni Gareth at nakatingin sa kanya. Sa tingin niya ay akala nito na nagpapanggap lang siya. 

“Let’s talk for a while?” Nagmamakaawa ang boses nito. 

“Sige.” Nakita niyang nag give way ang kanyang pinsan at lumayo sa kanila pero alam niyang pinagmamasdan parin sila nito. Nakangiting tumingin siya sa lalake. 

“How should I start? I don’t even want to let you see my face because I am very embarrased and guilty.” 

“You do—.” Hindi siya nito pinatapos dahil inilagay nito ang daliri sa mga labi niya. Nagkibit-balikat na lang siya at tumahimik. 

“I am sorry for what I had done for you in the past 2 and half year. I never meant to hurt you in anyways and I did loved you it’s just that I really love your cousin. I really want you to forgive me.” 

Tinanggal niya ang daliri nito sa labi niya at ngumiti na. “Ano ka ba naman? Sasabihin ko sana na okay na ang lahat. I moved on and very happy. Nakita ko na rin kasi ang lalakeng mamahalin ko habang buhay e,” sabi niya dito at ngumisi. 

“So Mr. Guilty, You don’t really have to be guilty anymore. I actually wish you happiness with my sister.” 

Napangiti na rin sa wakas ang lalake at niyakap siya ng bigla bigla. “Thank you very much. Gumaan ang pakiramdam ko doon ahh,” sabi nito at tumawa pa ng malakas. Wala naman siyang magawa kundi yumakap na rin. 

“Ikaw e, iniistress mo parin ang sarili mo sa mga bagay e. Ikaw talaga.” 

“Heather.” Alam na alam na niya kung sino ang tumawag sa kanya. Humiwalay siya sa kayakap at tumingin sa lalakeng mahal niya. 

“Sean!” Excited na sabi niya at yumakap agad sa lalake. “Medyo nahuli ka. Busy ba sa opisina mo?” sabi niya at tiningala ang kasintahan. Napakunot ang noo niya ng makitang masama ang tingin niya sa Ex. 

“Gareth, this is Sean, my boyfriend. Sean, my cousin’s boyfriend and my cousin, Amanda.” Buti na lang talaga at lumapit na si Amanda sa kanila at kumapit sa balikat ni Gareth. Nagsusukatan kasi ang mga lalake e. 

“Nice meeting you, Sean,” sabi naman ni Gareth at naglahad ng kamay. Akala niya ay hindi nito tatanggapin ang kamay ng lalake pero nagkamali siya. 

Napipilitan mang ngumiti ay tinanggap naman ng gwapo niyang boyfriend ang kamay ng Ex. “Nice meeting you too, Gareth. Alam mo, I got this weird feeling na narinig ko na ang pangalan mo somewhere.” 

Bigla siyang kinabahan. Was it the time na naglasing siya at may nangyari sa kanila ni Sean. She just hope na hindi niya binanggit ang pangalan ni Gareth para wala na masyadong maalala ang lalake. 

“Masyado nang common ang pangalan ko sa mundo, Sean, but I just wanted to tell you that nice meeting you again. We still have a date so we better go,” sabi ni Gareth sa kanila at niyakag na ang pinsan niya. 

“Bye, pinsan. Pakisabi kay nanay at tatay na dadalaw ako soon,” sabi niya sa pinsan at kumaway na. “Lets go?” 

“Lets.” Maikling sabi nito at lumakad na paalis at hindi pa siya nito inakay. Mukhang nasa bad mood ito. 

“Wait... Sean, do you by any chance jealous?” 

“What should I feel then when I saw my girlfriend hugging someone in the publics eye,” sabi nito sa kanya at nakikita mong asar parin ang itsura nito. Hindi niya napigilan ang tumawa at ipahinto ang lalake. 

Hinila niya ito at pinaharap sa kanya. “It’s just a friendly hug. If your jealous kasi nag-PDA kami edi paano pa kaya ito?” Tanong niya at hinila niya ang lalake sa batok and tip toe para maabot ang matangkad na lalake to gave him a torrid kiss. 

“Mas PDA ito no.” Bulong niya ng maghiwalay sila. “Now, let’s go and have fun,” sabi niya at nakipag-holding hands na sa lalake. 

Hindi na bumalik pa si Sean sa opisina nito. The guy said that he cancelled all his meeting para sa date nila and just stay with her for a day. It was the happiest day of her life. Sana, kung hindi lang niya ito iniwan muna para mag-CR. 

Naramdaman niyang may nag-iba sa lalake. Parang shock ito at confused. Kahit ilang tanong niya yata ay wala itong sinabi kundi ‘I am fine’ at ‘Nothings wrong’ kahit na alam niyang he is indeed not fine and somethings wrong. 


It was indeed a very happiest day of his life. Kumain sila, naglakad sa buong Eastwood and drove to Corinthian’s Garden at decided to go home pero nag-request muna ito na mag-CR muna bago ang medyo mahabang biyahe. 

Sean was waiting near the ladies toilet patiently when someone walked out of the toilet. The same feeling he felt for a very long time came back. Saktong-sakto sa paglabas ng babae. Pareho ang bulto nito katulad ng naaalala niya. Tumingin siya sa mga daliri nito and there it is. The same ring of the Faceless woman in his dream. His heart beat really fast at napatanga siya sa babae. Nakita niyang yumakap ito sa lalake at umalis na. Sean didn’t knew na magkasunod lang na lumabas si Heather at ang babae. 

“Hey...! Are... You alright?” Tanong ni Heather sa kanya ng makalapit na. His heart was still beating fast at nakatingin pa rin siya sa papalayong babae. It’s definitely her! The faceless woman on his dreams! 

“Hey?” Untag ulit ng kasintahan at medyo nag-aalala. Tumingin muna siya dito saglit at ibinalik ang tingin nito sa papalayong bulto ng babae. 

“I am...fine. Just a little tired of this fun day. Let’s go,” sabi na lang niya at lumakad na papaalis. Nakalimutan na niyang hawakan na ang kamay ng kasintahan dahil hinahanap parin niya ang nawala na sa paningin niyang bulto ng faceless woman niya. 

Atleast ngayon ay meron na siyang lead. Sean saw her face. Madali na lang para sa kanya ang mahanap ang babae. Kailangan niyang mahanap ang babaeing iyon! 




Hindi na naging katulad ng dati ang pakikitungo ni Sean sa kanya simula nung gabing umuwi sila galing sa Garden. It is still a mystery to Heather kung ano ang nangyari or nakita ni Sean na nagpabago ng pakikitungo nito sa kanya just overnight. 

Napapabayaan na rin nito ang pag-aaral ng tagalog dahil busy daw ito at may hinahanap na importanteng tao. Ang alam niya ay si Thoedore at Aphrodite ang mga iyon pero hindi. Paano niya nalaman? Well, sabihin mo nang masama ang ginawa niya pero Heather looked into Sean’s confidential files called “The Faceless Woman”. 

Kinabahan siya. Sabi ni Sean dati ay hindi na nito kailangan pang malaman kung sino talaga ang faceless girl nito. That the guy was already happy with her by his side pero mukhang nagkamali yata siya. Binuksan niya ang mga iyon at binasa. Merong mga note ang lalake sa mga picture na naandoon. Ang sing sing; yun daw ang singsing na nakita nito sa panaginip. Ang papalayong bulto ng babae; eto daw ang naaalala ni Sean na bulto sa kanyang panaginip. Ang buhok; nakalugay daw kasi ang buhok ng babae at medyo maikli iyon. 

Nagulat at nabitawan niya ang folder na naglalaman ng mga files tungkol sa babae at sa mga picture nito. Bigla kasing bumukas ang pintuan ng study at iniluwa ang lalake. Napakunot ang noo nito at napatingin sa kanya then sa nahulog niya. 

Nakita niyang nagdilim ang paningin nito. “What the hell are you doing here? Why are you touching my things?” 

“Tinignan ko lang kung bakit sobrang busy ka lately. Curious lang ako at gusto ko sanang mag-help.” 

“I don’t need your help. I’ve already done my research already. Alam ko na alam mo na,” sabi nito at pinulot ang mga nahulog na files and pictures. 

“S-Sean, you do love me right?” Ayaw niyang ilagay ang ‘still’ sa sentence niya because she was hoping that he will say the word ‘always and forever’. 

“I don’t actually know..,” sabi nito na nakatalikod na sa kanya. “...I thought I never believe in Destiny or fate or whatever you call it when I met you but...” 

“But when you saw this lady and the ring it all change. Is that what you wanted to say?” Naluha na siya. Ilang beses na na ba siyang magpapaloko sa isang lalake? Noon ay si Gareth then Sean pero mas malala ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya. Mas minahal niya kasi si Sean kahit na nga ba ilang buwan lang silang nagsama. Ito pa nga ang pinag-alayan niya ng virginity niya e. Yung virginity na hindi nakuha ni Gareth na boyfriend niya for 3 years. 

“I am...sorry,” sabi nito at hindi pa rin makatingin sa kanya. 

“I bet you do...” Pumipiyok na ang boses niya at nag-sstummer na siya. “You cannot escape your destiny, Sean. Hindi rin naman ako mananalo doon sa faceless woman of your dreams mo e. So I guess... it’s time for a break up,” sabi niya dito at yumakap na sa likuran ng lalake. 

“Ang malas ko talaga pagdating sa pagpili ng mamahalin,” sabi niya at tumawa siya ng pagak. Iniharap niya ang lalake at nakita niya ang mga emosyon sa mata nito. Nasasaktan rin ito at parang hirap na hirap at litung-lito. Lumuluha rin pala ito. 

“Ano ka ba naman? Diba dapat maging masaya ka? Nakita mo na ang matagal mo nang hinahanap no. Hayaan mo pagdating ng panahon ay magiging masaya na rin ako para sa iyo. I love you so much..,” sabi niya dito at pinahid ang mga luha. Hinila niya uli ang ulo nito pababa sa kanya at bigyan ng masuyo, matamis at puno ng pagmamahal na halik. 

“...and goodbye,” sabi niya dito at tumalikod na. Hindi naman niya narinig or naramdamang sumunod or tawagin siya ng lalake. Dire-diretso siya sa kwarto niya at nag-empake. Hindi na nga niya makita pa ang ini-empake dahil sa sobrang pagluha niya. Pinipigilan niyang humagulgol sa pag-iyak. Ayaw niyang marinig pa ng ibang kasambahay. 

Nung nalaman niya dati ang ‘faceless woman’ nito ay naipanalangin niya na sana ay huwag ng magkita pa si Sean at ang babae. Yes, you can call her selfish pero minsan lang naman siya maging selfish e pero mukhang hindi ito pinayagan ng panginoon. Pinahid niya ang luha kahit na nga ba useless iyon dahil umaagos pa rin ang luha niya. Mas madami nga yata siyang iniluha ngayon kaysa nung malaman niyang nagtataksil si Gareth sa kanya for so long. 

Pumunta siya sa drawer to get her other things ng makita niya ang choker na ginamit niya noon. Regalo sa kanya ng lalake. Niyakap niya iyon at doon na napahagulgol. Gusto man niyang kunin ay hindi na niya kinuha. Pagmakita niya kasi ulit iyon ay maalala niya lang si Sean. 

Matapos i-impake ang mga gamit ay bumaba na siya at sumakay sa naghihintay na taxi. Bago pa man paandarin ng driver ang sasakyan ay tumingin na muna siya sa bahay niya for the last 6 months. It was the best 6 months of her life. 



Gusto man niyang habulin na ang nakasakay na dalaga sa taxi ay hindi niya magawa. He caused a lot of pain to the woman he loves. Gusto niyang pigilan ito at sabihin wala na siyang pakialam sa ‘faceless woman’ na iyon pero magsisinungaling siya dito. All his 3 years of life or almost 4, hindi siya pinatahimik ng ‘faceless woman’ na iyon. 

Hindi niya alam na naapektohan na nito ang buhay niya. Sabihin nang baliw siya but he had the urge to look for that woman. Natigil lang iyon nung naging sila ni Heather pero nung makita niya ang babae ay bumalik na naman ang urge niyang makita at makilala ang babae. 

He needed to do this kahit na nga sobrang sakit at parang pinipiga ang puso niya. It wasn’t the first time na na-inlove siya pero hindi ganoon katindi katulad ng pag-ibig niya kay Heather. 

Pero nakapagpasya na siya. He needed to talk and to see of what will happen between him and the faceless woman.




ITUTULOY...

No comments: