Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, January 17, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 10: Now Moved on


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Nakalabas na siya ng ospital. Sabi ng doktor ay okay na siya. Kailangan lang ng pahinga at wag masyadong ma-stress. Hindi daw kasi makakabuti ito sa dinadala niya sa sinapupunan. Nalaman na rin ng mga magulang niya na nabuntis siya laking tuwa nga ng mga ito ng sabihin niyang si Ezekiel ang tatay.
“Nay. Tay...” Mahinang tawag niya ng pansin ng mga ito.
“Hindi po ako magpapakasal kay Ezekiel.”
“ANO?!” Nanggagalaiting turan ng inay niya at tumayo sa kinauupuan nito. Nilapitan siya nito at dinuro pa siya sa mukha.
“Nahihibang ka na ba?! Buntis ka! Siya ang ama! Dapat lang na magpakasal kayo dahil kawawa naman ang magiging apo ko. Namin ng papa mo!” Litanya pa nito sa kanya.
“Hindi po ako magpapakasal. Period.” Sabi naman niya ng mahinahon sa nagagalit na ina niya. Alam niyang ang tatay niya ay nagulat din pero mukhang kalmado lang itong tinitigan siya sa mga mata. Magaling ang tatay niya. Para kasi siyang open book pagdating dito. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso sa mga mata ng tatay niya.
Bumuntong hininga ito at tumayo na para lapitan ang naghehesteryang asawa.
“Tama na, Kathrine.” Mahinahong sabi ng tatay niya sa nanay niya at hinawakan sa balikat.
“Paanong tama na? Ano yan? Lalake ang apo natin na hindi kilala ang tatay niya at magiging putok siya sa buho?! Hindi ako papayag.”
“Pakinggan muna natin kung bakit ayaw  niyang makasal kay Ezekiel.”
“Naku! Ikaw bata ka! Pag yan hindi matino ang sasabihin mo ay malilintikan ka talaga sa akin!” Sabi nito at umupo na.
“Sige anak. Magsalita ka na. Makikinig kami.” Sabi naman ng tatay niyang si Conrado na nakaupo na sa tabi ng nanay.
“Hindi po talaga ako magpapakasal sa kanya. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal. May oras na hindi mo mapipilit ang isang tao pag ayaw talaga nila sa isang tao o sa isang bagay. Hindi niyo po ako tinuruang maging madamot.” Pag-uumpisa niya. Huminahon naman ang nanay niya at medyo naiiyak na. Mukhang naiintindihan na nito ang mga sasabihin niya.
“Ezekiel’s gonna be a dad. Not with this child but with another one. Kabuwanan na rin ang babae katulad ni Pinsan. Matagal na rin kaming nagkakalabuan at ayaw ko naman na ipilit ang sarili ko sa kanya kung ayaw naman talaga niya sa akin. Nakipag-break na po ako sa kanya bago ko pa man malaman na buntis na ako. I don’t want to be selfish at sabihin kay Ezekiel na buntis din ako at dapat niya akong panagutan. Ginusto ko naman ang mga ito inay.”
“Nandito lang kami ng nanay mo, anak.” Sabi nito sa kanya at niyakap na siya. Nakita niya ang nanay niya na tahimik lang at pinagmamasdan sila ng tatay niya. “Susuportahan natin si Chloe sa lahat ng plano niya sa buhay. Matanda na siya at may pag-iisip na. Hayaan mo lang siya ang dumiskarte sa buhay niya. Pinalaki naman natin siyang matinong bata.” Sabi naman nito sa nanay niya na napaluha na ng tuluyan. Hindi siguro maisip ng nanay niya na magiging disgrasyada siya at magiging putok sa buho ang apo nito. Wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao. For her, only her family and soon-to-be another member of that family matters.

“Honey! Slow down!” Natatawang hinabol ni Chloe ang batang lalakeng 4 and half years old. Kuhang-kuha nito ang mga feature ng tatay nito pero nakuha naman nito ang mga mata niya at pilikmata. Bibo rin ito katulad ng magulang. Naabutan ni Chloe ang anak natumatakbo papuntang parke kung saan ay nakakita ito ng nagsisiliparang paru-paro.
“Gotcha! You made me run early morning, honey.” Sabi ni Chloe at pinunasan ang pawis sa noo ng gwapong anak. Almost 5 years had passed and yet, she still cannot love any other man other than Ezekiel. Mas lumala nga kasi sobrang kamukha ng anak ang ama nito.
“Mommy, butterflies!” Sabi nito at tinuro. Gustong magpumiglas nito at habulin ang paru-paro.
“Yes, honey. It’s butterflies. Aren’t they pretty?” Her life was indeed miserable. She never told her cousin about what happened unless KC delivered her son. Nagalit pa nga ito sa kanya at nagtampo ng ilang linggo. Alam niyang lilipas din iyon kasi hindi din siya matitiis ng pinsan. She and her are best friends for life. Naalala niya tuloy nung dumating sa bahay ng mga magulang niya ang pinsan.
“Ikaw kasi e!” Maya-maya ay banat ng lumuluhang si KC. Nasa tabi nito ang asawa pero niyaya ni James ang mga magulang niya para lumabas at magkasarilinan sila.
“Sayang-saya ako sa buhay ko at sobrang thankful ako sa  lovelife ko pero hindi ko man lang nalaman na nagdudusa ka na pala dahil sa herodes na iyon! Galit na galit kami kay Ezekiel. Kami ng asawa ko. How can he did this to you?!” Sabi pa nito sa kanya.
Niyakap na lang siya nito ng magsimula siyang maiyak. Akala niya ay kaya na niyang mag-isa ng wala si Ezekiel. Naghihintay lang pala siya ng crying shoulder a.k.a KC.
“Ayokong balitaan ka ng ganito. Manganganak ka pa naman nung mga oras na iyon. Ayaw kong dahil sa akin kaya nanganib ang buhay niyong dalawa.”
“Ikaw talaga! Ganyan ka lagi e. Mas inuuna mo ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mo. Hindi ko tuloy napa-upak si Ezekiel sa asawa ko.” Sabi nito na umiiyak na rin sa nangyari sa kanya.
“No. I knew everything already. I just cannot let the other child be fatherless. Okay lang naman ako. Ako ng bahala sa magiging anak ko. Ezekiel didn’t really do anything wrong. It was a mistake from the past. Yung Cecil ay mas nauna pa sa akin.”
“But it was all an accident! A one night stand! You and Ezekiel loved eaxh other.”
“That... I don’t know.”
“What do you mean?”
“Alam mo naman ako, sis, diba? I never really like cheesy lines and such but Ezekiel really didn’t tell me any ‘I love you’s’. I never asked though because actions can speak louder than words right? But I really doubt he loved me.”
“No. James can prove that Ezekiel loves you. I can prove too. I knew Ezekiel! Everytime he talks about you, his eyes were all dreamy and twinkle-like! I am sure that girl told him something to make him stay”
“Mommy, lemme go! Butterflies!” Yun na ang hudyat para mahinto siya sa pag-alala ng nakaraan. Kahit ngayon ay hindi niya alam kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit hindi nagpakita sa kanya ang lalake at kung bakit hindi ito ang nagpaliwanag sa kanya kundi si Elliot.
Everything actually happened so fast. Lumaki lalo ang Hearts Connected niya at nagkaroon na siya ng mga branch sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Nagkaroon na rin siya ng isang bahay sa village kung saan nakatira ngayon ang pinsan. Napakalaki na rin ng anak nilang panganay na si Kiel Andrew may twin na rin itong anak na kapapanganak lang last December. Natutupad na ang mga pangarap ni KC ng unti-unti. Gusto kasi nito ang magkaroon ng malaking pamilya at magkaroon ng twins.
“Okay, just be careful honey.” Sabi niya at hinayaan na rin niyang magtatakbo ng magtatakbo ang batang lalake. Hindi naman niya hinihiwalay ang mata sa bata.
“Ang kulit na ng inaanak ko ahh!” Biglang sabi ng sumulpot na si Elliot. Elliot was more handsome and more mature than ever. Naka pagmove on na rin ito sa ‘pambabasted’ niya dito. Yes, napalapit kasi sila ng loob at lagi kasi itong nasa tabi niya tuwing kailangan niya dapat si Ezekiel. It was very helpful of him at dahil doon ay lalo pang naging mas special ang loob niya sa lalake, bilang kaibigan nga lang.
“Oo nga e. Tinuturuan mo yata ng kakulitan e.” Natatawa niyang siniko ng mahina ang braso ng lalake.
“Well, I think it’s in the genes. Kung meron man akong maituturo sa iyo ay yun ang aking pagiging gwapings at bilang machong lalake!”
“Well well well? Natuturo ba yon? Ang alam ko gwapo na ang anak ko at ang pagiging macho ay na-earn balang araw.” Sabi naman niya dito na ikinatawa ng lalake.
“So how’s DK?” Maya-maya ay tanong niya habang sinusundan nila ang makulit na anak niyang si Aaron Mitchell.
“She’s still lovely and stubborn.” Sabi and gently smiles as the guy remembered the girl Elliot dating. Sa wakas ay nakapag-date na din sa wakas ang dalawa.
“Well, I hope na maging happy ending ang mangyari sa inyong dalawa. Wag kayong tutulad sa akin.” Sabi niya at nagjoke. Nakakapag-joke na siya ngayon tungkol sa kanila ni Ezekiel.
“But don’t get me wrong ha. Happy ako because of Aaron, his my one and only reason to live now.” Sabi niya pa dito.
“I know. Kamukhang-kamukha niya si Brod.”
“Have you heard anything about him?”
“Yes. I got news came from James. You better go and asked him yourself.” Sabi nito and sighs. Mukhang meron na namang seryosong ibabalita ang mga kabrod niya. Tumungo-tungo siya dito at hinanap na ng mga mata niya si Aaron.
“Aaron...?” Tawag niya sa anak at medyo nagpapanic na.
“He was there earlier.” Maya-maya ay sabi na rin ni Elliot at luminga-linga na rin. “Let’s split. I’ll go to this way.”
Tumungo siya ulit at tumakbo na kung saan last niyang nakita ang anak. Malawak kasi ang parke ng executive village na ito. Kinakabahan siyang baka nawawala na ang anak at umiiyak na. Not Aaron aswell. She might as well just die right now kung pati si Aaron ay mawala sa kanya.
“Aaron! Aaron!” Hysterical ng tawag niya sa anak. Tumatakbo siya papuntang playground kung saan ay konektado ito sa parkeng kanina lang ay nandoon sila.
“Mommy!”
Marahas na napalingon si Chloe sa pinanggalingan ng boses. Tumakbo siya sa tabi ng anak at niyakap ng mahigpit.
“Where have you been? I thought I lost you aswell.” Sabi niya at napaluha na. Hinagod-hagod niya ang likuran ng anak niya at naramdamang basa na ang likuran nito. Kinuha niya ang panyo niya at inilagay sa likuran ng bata.
“I just went to catch the butterfly but I was lost.” Tinitigan niya ang anak. Bakas sa marungis nitong mukha ang dinaanan ng mga luha nito.
“Nakita ko siyang umiiyak.” Doon niya lang napagtantong nakahawak pa pala ang anak niya sa isang kamay ng lalake. Tumingala siya para lang mapasinghap. It was Ezekiel.
“E-ezekiel...”
“Your Ezekiel, Mr? That was the name of my dad too!” Madaldal na sabi ng bata. Halatang may pinagmanahan. Ang nanay nito at ang tatay.
“Ezekiel?” Na-save siya ngayon sa nagtatanong nitong mga mata. Dumating kasi si Elliot
“Uncle!” Bumitaw agad si Aaron sa kamay ni Ezekiel at tumakbo patungo sa tito nito. Nakita niyang kumuyom ang mga kamay ni Ezekiel at tumingin lang sa batang lalake. Hindi niya mabasa ang mga emosyon na nasa mga mata nito.
“Chloe...” Tinawag siya nito at na dahilan para mapatingin ulit siya sa lalake. Oh how she misses that voice calling her. Gusto niya ngang mapaluha ulit e. Kasi iniisip ulit niya ang eksena kanina. Kung saan magkahawak ang kamay ng mag-ama niya. Parang isang angel si Aaron na inihahatid sa kanya ang kanyang one true love. Pero kahit saan mo pa ibaling ang paningin mo ay pamilyadong tao si Ezekiel.
“H-how are you? Hindi na tayo nagkausap ng sobrang tagal. 5 years na yata.” Maya-maya ay sabi niya at lumakad na papalapit sa upuan sa parke.
“I was okay but I was never really happy or fine. Don’t get me wrong. I love my daughter but I was never happy because I’ve lost you.”
Wala siyang nasabi sa last words na binigkas ni Ezekiel bagkus ay napatitig na lang siya sa mga mata ng binata. She can see regret and loneliness in his eyes pero may happiness ito. Gusto niyang yakapin ang lalake at aluhin pero para kasing napaka-awkward para sa kanilang dalawa iyon. Pero tumigil ang pagmumuni-muni niya ng yakapin siya ng mahigpit ni Ezekiel.


ITUTULOY...

No comments: