Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, January 17, 2013

JESTER Series 2: Chapter 9 - Now it's over


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Ilang beses na niyang tinatawagan ang cellphone number ng lalake. Tumatawag na rin siya sa bachelors pad ng binata. Alam niyang may caller-i.d ang telepono ng lalake doon so alam dapat ng lalake na siya ang tumatawag dito.
Bakit do mo sinasagot? Nag-aalalang tanong ni Chloe sa sarili. Matagal na kasi niyang tinatawagan ang binata. Matagal-tagal na ring hindi niya nakikita at nakakausap ang binata. Tumatawag din siya sa opisina nito pero lagi itong un-available or merong ka-meeting or nasa labas at may dinner/lunch meeting. Puro palusot at puro dahilan.
Hindi siya tanga para hindi niya iyon maintindihan. Iniiwasan siya ng binata. Alam niya iyon at ramdam niya iyon. Mag-dadalawang linggo ng hindi ito nagpapakita sa kanya. Kung ayaw na nito sa kanya ay hindi naman niya mapipilit ang binata. Hindi naman siya ganon ka-selfish. Kahit na masasaktan siya ng tuluyan ay hindi niya maaatim na magdusa ang lalakeng pinakamamahal sa piling niya.
Nakapagdesisyon na siya. Pupuntahan niya ang lalake sa mga lugar na alam niyang tinutuluyan nito. Una niyang pinuntahan ang opisina nito. Off daw ngayon ang binata. Kataka-taka dahil hindi naman ito nag-off ng ganitong araw. Umalis na siya at pinuntahan ang kasunod. Ang bahay ng magulang nito. Hindi naman daw  umuuwi yung binata sa bahay simula nung huling dalaw nito kasama siya.
“Ai, ganon po ba aling marta? Maraming salamat po.” Sabi naman niya sa matandang mayordoma.
“Kung gusto mo ay tulungan kita. Kontakin ko lang ang bachelor’s pad ng binata.”Sabi ni Aling Marta sa kanya at pinapasok na muna siya sa mansion ng mga magulang ni Ezekiel. Wala parin ang mga magulang nito dahil nasa around-the-world cruise ng mga ito.
Minasdan ni Chloe ang matandang babaeng nag-dial ng numero. She’s actually praying na hindi iyon sagutin ng binata para hindi niya masabing hindi siya tinataguan ng lalake.
“Diyaske kang bata ka. Sumagot ka rin.” Panimula ni Aling Marta sa kausap. Naluluha na siya. Alam na kasi niyang pinagtataguan siya ng lalake. Lumapit siya sa matanda ng senyasan siya nitong lumapit.
“What is it nanny? Did mom and dad called?” Takang tanong ng binata sa matanda.
“Hindi. Nasaan ka bang bata ka?” Tanong ulit ni Aling Marta pero binigay agad nito sa kanya ang telepono para siya ang makarinig ng sagot ng binata. Kinakabahang inilagay niya ang telepono sa tenga niya. Her heart is beating wildly in anticipation and fear. Anticipating of hearing the love of her life’s voice and Fear for hearing his excuse of him disappearing.
“Just the usual, Nanny. Nagpapalipas ng pagkabaliw. I took my day off earlier that usual.” Sabi nito at bumuntong hininga.
“Z-Zeke?” Tanong niya sa kausap. Narinig niyang napamura ang binata ng mahina. Alam na alam niyang bababaan siya ng telepono ng lalake.
“Wait! I need to tell you something.” Desperate na pagpapahinto niya ng pagbaba ng telepono.
“What?” Alam niyang parang asar ang boses nito.
“Kamusta ka na?”
“Look, Chloe. I am busy preparing something. Let’s stop asking of how are we. Just state what you really wanted to say.”
“I am fine without you. Parang bumalik lang ulit ang buhay ko sa pagiging single at busy ulit ako sa HC. I just wanted to tell you na...”
“Na?”
“That I am setting you free. The way you talk to me right now and the way you always ignore my calls, I knew that you wanted to make me realize that you really don’t wanna see me.” Wala siyang narinig na tugon mula rito kaya minabuti na lang niyang ipagpatuloy ang sasabihin.
“Hindi mo na dapat pang pinasalo si Elliot sa ‘date’ natin. Sana sinabi mo na lang sa akin dati pa na ayaw mo na. Maiintindihan ko naman no. Hindi naman ako selfish e. And I am not dumb. Kung hindi ka na masaya sa akin, anong magagawa ko diba? Alangan namang ipilit ko ang sarili ko sayo. Maraming salamat na lang at pinasaya mo ako kahit sandali. Bye.” Sabi niya at ibinaba na ang telepono. Hindi na niya kayang itago ang pag-iyak niya. Ngumiti siya sa matandang babaeng nakatingin lang sa kanya at ang mga mata nito ay nababakasan ng awa. Umiling siya dito para sabihing wag itong maawa sa kanya. Lalo rin lang kasi niyang mararamdaman kung gaano siya ka-pathetic na isiping mahal din siya ng lalake kung hindi naman nito sinasabi na ‘I love you’ sa kanya.
Hindi naman nagsalita ang matanda at tumungo. Humihingi ito ng dispensa para sa inalagaang lalake. Ngumiti lang siya pero nabura itong bigla dahil napahagulgol siya. Hinimas-himas ng matanda ang likod niya hanggang sa mahimatay siya.

“Congratulations!” Masayang bati sa kanya ng pinsan niyang si KC. Malapit na rin itong manganak pero maganda pa rin ito at halatang masaya sa buhay nito ngayon. Kasama nito ang mga JESTER without the other E. Ngumiti siya ng matamlay.
“Congratulations?” Takang tanong na lang niya. Nakita niyang hindi makatingin ng mabuti ang mga lalake sa kanya. Alam nitong mga ito na may problema silang dalawa ni Ezekiel.
“Loka! Buntis ka kaya! Magkakapinsan na ang aking anak!” Sabi naman nito at napatawa.
“B-buntis ako?”
“Yes! And your 5 weeks pregnant! Nahimatay ka kasi sa bahay nila Ezekiel. Tinawagan ni Aling Marta ang telepono sa bahay namin at isinugod ka nga daw. Stress at pagod ka daw kaya ka nahimatay. Na-check naman ng doctor na preggy ka rin.”
Hindi niya namalayang lumuhuha na siya. Nagulat ang pinsan at napahangos papunta sa kanya. Ngumiti ito sa kanya.
“Tears of joy?” Tumungo na lang siya sa pinsan. Mukhang hindi pa nito alam ang nangyayari sa kanila ni Ezekiel. Nakita niyang nagtiim-bagang ang lalake pero umiling siya. Alam na alam na niya ang gagawin nito. Ayaw na lang niya ng gulo.
“Don’t worry. Everything is gonna be alright, Sis~” Sabi pa nito at tumayo na.
“Sige. Aalis na kami. Dapat nga nagpapahinga na rin ako. Nagulat kasi ako sa nabalitaan ko at napasugod dito. Tara na hubby.” Yaya nito sa asawa. Tumungo si James pero sinabihan ni James si KC na may sasabihin lang. Nagtataka man ay maghihintay na lang daw ito sa labas.
“Please. Wag niyong sabihin ito kay Ezekiel.” Maya-maya ay basag niya sa katahimikan sa loob. Masaya dapat siya ngayon dahil napapalibutan siya ng nag-gwagwapuhang lalake at buntis siya pero it was much worst that she had expected she had felt. Buntis siya at break na sila ng ama ng nasa sinapupunan niya.
“That bastard should get a punch.” Nakatiim-bagang parin na sabi ni James. Naguguluhan siya. Bakit yung ibang lalake ay napapailing at hindi rin makatingin sa mata ni James at siya.
“Asus. Wag na. Okay naman kami e. Nagkausap na kaya kami. Naghiwalay kaming ayos kami. Everything went fast at ng tumapak kami sa break ay pareho kaming nagulat at natauhan sa ginawa namin. Okay lang ako.” Pampakalma namam niya kay James.
“But...”
“No Buts, James. Ako kaya ang nakipag-break. Sa ganda kong ito, ako ang dapat makipag-break no. Siya. Umalis ka na at siguradong nalulorkey na ang pinsan ko sa labas. You better take care of that girl or else, Im gonna give you a punch instead of Ezekiel.” Nagbibirong sabi niya. Natatungo-tungo ang binata at nagpaalam na.
Nang makalabas na si James ay parang nakahinga ng mabuti ang apat na lalake. “So care to explain. I knew somethings wrong. Sa reaksyon niyo ay may hindi alam ang mag-asawa sa talagang problema.”
“Si Elliot na ang magpapaliwanag. Elliot was the one who sabi to us about this mess.” Sabi ng hirap magtagalog na si Sean. Halatang nagiging succesful ang kaibigan sa pagtuturo ng pagtatagalog dito.
“Salamat sa pagbibigay ng mahirap na trabaho sa akin pare.” Napa-roll eye na sabi ni Elliot.
“Ano ba naman tong nangyayari kay Ezekiel!” Naasar na sabi ni Theodore ang napaupong ginulo ang buhok. Mukhang may something na napasukan ang lalake.
“Wag naman kayong ganyan. Natatakot na ako sa sasabihin ni Elliot e.” Maya maya ay sabi niya. Depressed kasi ang mga ito at mukhang naaasar sa sitwasyon ni Ezekiel at siya.
“I told him not to be with that bitch!” Maya-maya ay gatong ni Ran at napabuntong hininga. “Girls and there love for money.”
“Shhhhhh, you guys. Okay, okay, I will start telling you guys what’s going on.” Sabi naman ni Elliot na mukhang napressure sa mga sinasabi ng kaibigan.
Parang ayaw niyang marinig ang sasabihin ni Elliot sa kanya. Naawa siya dito dahil ito pa dapat ang magdeliver sa kanya ng bad news pero she really wanted to know what really is wrong.
“It happened long time ago. It was the time when James was drinking all night dahil sa pagkakalabuan ng mag-asawa. Siyempre naman kami si tiga-alo at tiga-sama sa kanya sa paglabas-labas at pag-inom.” Pag-uumpisa nito. So matagal na pala ito.
“Well, nagkakainuman kami at nagkasiyahan. Hindi na nga namin namalayan na nakaalis na yung inaalo namin at yung binabantayan e. Lasing na rin kasi kami then suddenly theres a girl na lumapit sa amin. Nilapitan kaagad si Ezekiel. Ran did warn the guy pero lasing na rin kasi si Ezekiel noon.”
“S-stop. I think, I don’t wanna hear more.”
“No. You need to hear the whole part.” Maya-maya ay sabi ni Ran at tumitig sa kanya.
“So ayun, nagsiuwian na kami pero si Ezekiel daw ay ihahatid nung babaeng yun na nagngangalang si Cecil Mendez. Naikwento sa amin ni Ezekiel na hindi daw nito alam ang mga nangyari. Sobrang sakit na daw ng ulo niya ng magising pero naabutan niyang may babae sa tabi nito. Pareho silang hubo’t-hubad and may nangyari daw sa kanila. Yun ang sabi ng babae nung magising.”
Umagos ulit ang luha niya na kanina ay tumigil na. Tama na please! Hindi ko na kayang marinig pa ito! Pagmamakaawa niya pero hindi niya ito maisatinig. Parang nawawalan na siya ng boses.
“Binayaran ito ni Ezekiel ng mataas na halaga at hindi na nagpakita sa kanya until the time na sinundo kita. Tinawagan ako ni Ezekiel at sinabi na ginugulo daw siya ni Cecil. Saluhin ko daw muna ikaw at nang maayos niya ang kalokohan ni Cecil. Binigyan na niya ito ng milyon pero tinanggihan daw ito ni Cecil at gusto daw silang mag-usap ng harapan.”
“So you wanted to tell me na hindi siya nakalusot sa gulong ginawa ni Cecil sa kanya?” Pero bakit iba ang pakikitungo sa akin ni Ezekiel sa telepono? Tumungo-tungo si Elliot para sumang-ayon.
“Just let Elliot finish. Will yah?” Medyo nakakunot noong angil ni Ran. Mukhang may dinadanas din itong ikinaaasar at ikina gagalit din nito. Tumungo na lang siya at tumahimik na lang para ipahiwatig kay Elliot na magpatuloy na lang.
Bumuntong hininga si Elliot at tumingin sa mga ka-brod. Tumungo lang ang mga ito at tumingin na ulit si Elliot sa kanya.
“When Ezekiel made a meeting with the girl. Ezekiel was shocked. Yung babaeng nakita niya kasi ay ibang-iba na.” Pag-uumpisa ulit ni Elliot sa pagkwe-kwento. Gusto niyang magcomment pero hindi na muna niya pinagalaw ang madaldal niyang labi.
“She’s Pregnant.”
Napasinghap siya. Parang ayaw ng gumana ng utak niya. So, yun pala ang problema ni Ezekiel. Hindi ba dapat ay nagpaliwanag ito ng mabuti pero siguro ay alam nito kung ano ang magiging reaksyon niya kaya hindi na lang ito nagpaliwanag at minabuti pang maging masama sa paningin niya.
“...So, ganon pala yun.” Sabi niya dito at tumawa ng pagak pero ang mga mata niya ay basang basa na ng luha. She’s sure na matatapos din ang mga luha niya. Once na natanggap na niyang magiging fatherless ang magiging anak niya dahil meron din itong naunang naanakan.
“I told him to stay away from that girl. I will make sure to make that child undergo DNA test once the child was born.” Sabi naman ni Ran sa kanya, ngayon ay medyo naging gentle na ang look nito. Ngumiti na lang siya dito. Pinaalis na din niya ang mga lalake dahil alam niyang busy din ang mga ito. Hindi naman kasi masyadong malala e. Kayang-kaya niya itong lagpasan. Sana nga.


ITUTULOY...

No comments: