Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series Special - Chapter 4

Copyrights © 2012. All Rights Reserved.

HINDI na dapat ako sumama pa dito. Papatayin ata ako ng lalaking ito eh. Pawis na pawis na si Ayca at hinihingal pa. Pinapatakbo kasi siya at kung anu-ano pang pinapagawa sa kanya para daw lumakas ang resistensya niya. Hindi niya alam kung paano siyang napa-Oo ng lalaking ito at tumatakbo-takbo siya ngayon dahil she never like exercise, para kasi sa kanya ay okay lang ang medyo bilugan niyang figure. Kahit naman kasi bilugan ang figure niya ay matangkad siyang kaya naman bumagay pa rin sa kanya ang figure niya.

May masamang hangin yata ang dumaan sa kanya kaya siya andito ngayon sa cavite instead of planning something for the next semester dahil nga summer vacation ngayon. Well, salamat na rin naman kay Ezekiel sa pagligtas sa kanya and she knew na gusto lang siya nitong tulungan kaya siya nito tinuturuan ngayon. Hindi lang naman kasi siya ang tumatakbo dahil tumatakbo ito kasama niya.

“Okay, that should be enough running for today. Pahinga ka na muna and then tatawagin kita once I finished cooking breakfast,” yun lang at lumakad na ito papunta sa pintuan ng mansion ng lolo nito. She’s staying in para na rin hindi daw siya mahirapang mag-commute at mas maganda daw kasing mag-training dito dahil walang ibang tao kundi sila at ang mga maids na ini-hire nito. Nagtataka man siya kung bakit nag-iisa lang ito dito but she didn’t ask, nakapagtataka nga rin na pinayagan ito ni Chloe na mawala for a month para i-train siya. If she were Chloe, she would definitely not let go of him even for a whole day.

She followed him to the kitchen. Ayaw naman niyang nakatanga lang siya sa bahay na iyon na walang itinutulong dito so she stood next to him na ikinagulat ng binata.

“I told you to relax and rest then kakain na tayo once I am finish here,” malumanay na turan nito sa kanya.

“Ayaw kong wala akong ginagawa so let me help you. Mamaya-maya na ako maliligo kasi baka pasmahin pa ako and I don’t want just a quick shower, I want my own time washing,” pagpapaliwanag niya. “So let me help you,” pagdagdag niya pa.

Ezekiel sighed and move a bit to say na pinapayagan na siya nitong magluto. “ Look inside the fridge and cook whatever you want. I’ll just cook the usual breakfast,” yun lang at naglabas na ito ng itlog and hotdogs.

“May kanin pa ba na natira kagabi?”

“Yes, tignan mo sa rice cooker.”

And she did, tinignan niya ang rice cooker and saw na meron pang kanin for both of them. She looked towards the wall cabinet at tinignan kung merong canned sweet corn. She will make a fried rice with corn na favorite niya. Kinuha niya iyon and opened the can at nagsimula na silang dalawa na mag-luto. Somehow, being like this felt like they are newly wed na nagtutulungan para mapakain ang isa’t-isa. It was a nice feeling na hindi na dapat niya ini-entertain so she shook it off her mind and continue cooking. Hindi naman nagtagal at natapos na silang magluto.

She walked towards the cupboard kung saan nakalagay ang mga plato and was about to get one ng hindi niya alam na iyon din pala ang plano ni Ezekiel. Both of them bump with each other’s side at nagkatitigan. She can see in Ezekiel’s eyes that he’s amuse at what is happening to both of them, she wanted to be amuse pero hindi pwede.

Tama na ang day dreaming, Ayca! Hindi siya para sa iyo dahil para kay Chloe na siya! Stop in the name of love!

Parang napapasong lumayo siya sa binata at kumuha na lang ng malaking lalagyanan para sa sinangag na kanin at naglakad na papunta sa lamesa. Narinig naman niyang lumakad na rin ang binata papunta doon so she went and sit down at ito naman ang naglagay ng mga ulam, plato at kubyertos nila sa hapagkainan. Kahit kasi may mga maids ito, ang trabaho lang ng mga ito ay to maintain the cleanliness of the house at pati na rin ang garden dito, which is really huge.

“Bon apettit, Ayca,” yun lang at nagsimula na silang kumain. Ang mga kubyertos lang na lumalapag sa plato ang maririnig sa hapagkainan hanggang sa magsalita ulit ito. “Ayca, I know we started on a wrong foot but can we atleast have at truce and be friends?”

“Hindi ako ang nagsimula sa wrong foot, Zeke, ikaw ang humila sa akin so we started on a wrong foot,” sabi niya dito na hindi man lang tumitingin sa binata. Kapag kasi tumingin siya ay baka nga mapatawad niya ito. She doesn’t want to forgive him until he say sorry.

“Look at me, Ayca,” sabi nito at kahit na napipilitan siya ay tumingin siya dito. She can see sincerity in his eyes. “I am sorry about those past events that happened because of me so can we at least be friends?”

Napabuntong hininga siya. Now that she heard sorry at mukha namang sincere ito ay napangiting tumungo na ito. “Okay, fine. Kung hindi lang kita crush, ay naku, malamang matagal na kitang ipinapatay.”

“So umaamin ka ng crush mo ako?”

“Sinabi na nga ng nanay ko na crush ko nga si Ezekiel Aquino, so malamang crush nga kita pwera na lang kung hindi ka ikaw,” pagkasabing pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay napaubo ito. Doon naman siya napatayo, kumuha ng tubig at ipinainom dito habang hinihimas niya ang likuran nito. “Okay ka lang ba?”

“Y-yeah, salamat sa pag-aalala. Okay na ako so let’s continue to eat,” yun lang at ngumiti na ulit ito sa kanya to assure her na okay na ito. She nodded and sat down next ot him at kumain na habang nakikipag kwentuhan. Somehow, parang nag-iiba na naman ang tingin niya dito. Ezekiel was actually fun to talk to and he seems so carefree.



DAHIL sa boredom ng iwanan siya ni Ezekiel sa bahay ng lolo nito dahil meron itong pupuntahang importante sa Maynila ay wala siyang ibang magawa kundi at tumingin sa mga pictures at picture album nito. Isa-isa niyang pinakatitigan at pinagmasdan ang ka-cute-tan ng batang si Ezekiel. Nakakatuwa lang dahil magkamukhang-magkamukha ang anak nito at si Ezekiel noong maliit pa ito.

Ang ikinapagtataka niya lang, alam niyang buhay pa ang nanay at tatay ni Ezekiel dahil na rin sa na-feature ang kasal nito sa lahat ng magazine at newspaper kasama mismo ang mga magulang nito and she knows na close ang mga ito but in the photos in this house ay puro mga litrato ni Ezekiel nung bata pa ito hanggang sa paglaki at ang tanging kasama lang nito sa litrato ay ang lolo at lola nito, which she knows who they are kasi may malaking portrait ang dalawa sa grand staircase ng mansion na ito. Lahat kasi nakita na niya sa photo album but she haven’t seen the picture of him and his parents together.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya ng makita niya ang matandang babae na lumabas sa kusina, ito si Manang Carolina, ang mayordoma sa mansyon at matagal na daw ito dito simula pa daw nung binata pa daw ang lolo ni Ezekiel.

“Manang Carolina, may itatanong lang po ako,” sabi niya dito at tumayo para puntahan ito.

“Ano iyon, ineng?”

“Nagtataka lang po ako dahil wala pong family picture si Ezekiel dito kasama ang mga magulang nito.”

“Hindi naman kasi nadalaw ang mga magulang ng batang iyan dito. Pasensya na, ineng at ito lang ang pwede kong sabihin sa iyo dahil wala akong karapatan para magkuwento ng buhay ng may buhay.”

“Ai naku, wala po iyon, ako nga po ang manghihingi ng sorry kasi medyo naging nosy lang ako. Nakapagtataka lang po dahil nakita ko po sa diyaryo na masayang magkasama po ang mga ito sa kasal ni Ezekiel kay Chloe.”

“Eh hin—,” naputol pa ang sasabihin nito dahil may nagsalita sa likuran niya.

“Manang Carolina! Kamusta po kayo? Andito po ba si Martin?” masayang bati ng dalagang dire-diretso papunta sa kanila. Isang petite na babae ang nakita niya na may magandang ngiting naka-plaster sa mukha nito. Morena, mahaba ang itim na itim na buhok nito at binagayan ng full bangs nito ang maliit na mukha nito, kumbaga para itong doll sa mata niya.

Martin? Ahhh! Oo nga pala! Ezekiel Martin nga pala ang buong pangalan ni Zeke, pero bakit Martin at hindi Zeke ang itinatawag nito dito?

“Oh, Rika, napadalaw ka yata dito. Hindi mo naabutan si Sir eh.”

“Ai ganon po ba Manang Carolina? Sayang naman at yayayain ko sana siya sa bagong bukas na starbucks sa mall diyan sa Bacoor,” sabi nito na may halong pagkadismaya sa boses. Doon lang yata siya nito nakita at nginitian siya.

Sa ganda kong ito ngayon mo lang ako napansin? Wow ha!
Ngumiti siya dito para na rin sa paggalang. “Hi! Pasensya na ha at hindi kita napansin, mas nagfocus kasi ako sa paghanap kay Martin eh. Ako nga pala si Richael Gabuya.”

“Ako naman si Ayca short for Danica,” sabi niya dito at inilahad niya ang kanang kamay na kinuha naman nito.

“At mukhang bored ka na rin naman dito sa mansyon na ito, why don’t you come with me instead of Martin? Don’t worry at ibabalik kita ng buo at buhay kundi ako ang lagot kay Martin,” sabi pa nito habang hindi pa nito pinapakawalan ang mga kamay.

“Sige na, ineng, at alam kong naiinip ka na nga dito. Ako na bahalang magsabi kay Sir,” paggatong pa ni Manag Carolina kay Rika.

“Sige po, magbihis lang ako saglit,” yun lang at tumaas na siya papunta sa kwarto niya. Narinig niyang nag-uusap ang mga ito but she just shrugged it off. Wala rin naman siyang plano ngayon dahil nga ang ‘trainer’ niya ay nasa Maynila. Nagbihis na siya ng plain white shirt na tinernuhan ng faded jeans niya at nagsuot na rin siya ng flat shoes.

“Oh, ayan na pala siya. Umuwi kayo bago maghapunan, sure akong darating na si Sir ng mga ganoong oras,” sabi pa ni Manang Carolina na ikinatungo nilang dalawa ni Rika.

“Halika na, Ayca!” yun lang at masayang hinila siya nito. Lumabas na sila at sumakay na ito sa sasakyan nito. Masaya at kwela kausap ang babae at hindi niya nga namalayan na nakarating na sila sa naturang mall. Dumiretso na sila sa Starbucks at doon ay um-order siya ng Café au lait at ito naman ay nag-order ng cappuccino.

“So…bakit ka nga pala nasa bahay ka nila Martin?”

“Ha?” na caught off guard siya sa tanong nito matapos silang maka-upo. “Ahhh, to help me learn self defense kasi he helped me nung na-corner ako ng mga lasinggero sa amin. Now that it’s summer vacation, hinila niya ako dito.”

“He is a really good guy and I hope he finds happiness,” biglang sabi nito at tumingin sa malayo.

As far as I know, masaya na siya sa family niya, right?

“Uhmmm…is it okay to ask something personal?”

“It depends sa itatanong mo. I can either answer it or not, shoot mo lang,” nakangiti na nitong sabi sa kanya.

“Sino ka sa buhay ni…Martin?” Martin na kasi ang pangalang ginagamit nito kay Ezekiel kaya naman iyon na lang ang pangalang ginamit niya.

Napabuntong hininga muna ito at tahimik na itinuon ulit ang mga mata sa labas at pinanood ang mga sasakyang nag-uunahan sa pag-uwi sa kani-kanilang mga bahay. Akala niya ay hindi na siya nito sasagutin dahil natahimik na ito. She just shrugged it off and sipped her coffee ng bigla ulit itong magsalita.

“I am his ex-girlfriend who broke his heart and trust because of one stupid words. Kaya nga I wanted to make him happy kahit as a friend na lang para mawala na ang guilt sa puso ko,” she said still not looking at her na ngayon ay nasamid dahil sa nalaman. Hindi pala siya ang dapat bantayan ni Chloe dahil hindi naman siya importante sa binata. Si Rika ang isa sa mga taong naging bahagi ng buhay at puso nito.

“Ano bang word iyon na naging dahilan ng paghihiwalay niyo and to the point na hanggang ngayon ay nagui-guilty ka pa rin?”

“Comparison.”

Kung ako rin naman i-compare ako sa isang tao or sa kung kanino, malamang na hindi ako matutuwa but to the point na maghiwalay sila? Grabeeeeee naman! “To the point na maghiwalay kayo?”
“He hated the fact na ikinu-compare siya. Sabi niya noon he was sick and tired of being compared to him since they were young.”

“Him?”

Nakita niyang namutla ang mukha ni Rika and didn’t make eye contact to her. “I am not in any position to tell you anything that concerns his family. Martin will hate me more and I don’t want to risk it.”

She just nodded kahit na nga ba gusto niyang malaman kung sino ang ‘him’ na tinutukoy nito. Last thing she knew walang kapatid si Ezekiel. Public figure ito so she should know kasi lagi itong featured sa Magazine, even the story of their childhood ay nailathala because of Theodore and Ara’s love story and she should know because she’s one of the avid fans but wala siyang mahalukay sa baul ng karunungan niya when it comes to Ezekiel.

“Ayaw ko rin namang ako ang maging dahilan para magalit lalo sa iyo si Martin mo. Na-curious lang naman ako,” sabi niya at ngumiti na lang. ipinagpatuloy na nila ang kanilang pag-inom sa starbucks hanggang sa magyaya siyang pumuntang National Bookstore. She wanted to atleast buy her favourite ‘books’ incase na maiwan ulit siya at ma-bored.



ITUTULOY...

2 comments:

Anonymous said...

Ang gandaaa ng entrance ko ditoooooooooooooooooooooo........I so love it! XD


thank you so much tita chii :*

~Rika

Chiichoi/Sophia Victoria said...

Maganda ba? hahahahah! Pero di ko sure kung madami kang appearances dito, pamangkin. Forgive your tita if ever konti lang appearance mo ha? Alam mo namang tumatanda na ang braincells ko. bwahahahhaha