Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 13, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 2: Everything Went Back to Normal?


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.
 “Gago kang lalake ka!” Sigaw ni Mang Castro kay James ng makita ito ng ama ni KC. Ito ang mga nakitang eksena ni Chloe nang papunta siya at makikibalita sana kung okay lang ba si KC sa probinsya ng matandang lalake. Wala na kasing oras si Chloe na makibalita dahil naging busy din ang kompanya niya. Tinupad ng binatang si James ang tulungan siyang magkaroon ng clients.
“I need to talk to KC, Mang Castro.” James pleaded and was ready to get punched by the older male. “I needed to tell her that it was a misunderstanding at mahal na mahal ko po siya. Please lang po. I really need to talk to her badly.”
“Wala siya dito! Lumayo siya para hindi na makita ang mukha mong gago ka. Sinabi ko sayong ako ang makakaharap mo pagpinaiyak mo ang anak ko!” Sigaw ni Mang Castro na aakmang sasapakin ang binata pero hindi iyon hinayaan ni Chloe. The man needs a second chance.
“Tito... Ako po ang kakausap.” Sabi ni Chloe na mahinahon na. Siya naman talaga ang nakarinig ng lahat at alam niyang walang kasalanan si James. Ang may kasalanan ay yung si Ezekiel.
“Chloe...” Tawag ni James na medyo relieved na. “Where’s KC?”
“Wala siya dito. Pumunta sa probinsya ni tito. Nag-iisip isip at gustong matahimik ang isip. Hindi mo maitatanging meron ka ring pagkakamali. You never asked your friend to stop betting. It even gave you the encouragement na paibigin ang pinsan ko pero dahil na rin sa masama mong intensyon ay nahulog ka rin sa bitag mo. KC suffered so much and I knew that you too. Tignan mo ang itsura mo.” Chloe said na gusto sanang tumawa pero wala namang dapat tawanan. “I will give you the address. Puntahan mo sya.” Kumuha ng papel at ballpen sa bag si Chloe at isinulat ang address ng bahay ng tito nila sa Cebu.
Chloe done what she should do. Ginawa na niya ang lahat ng makakaya niya. All left was to James do his moves and swept away KC’s feet again. Papasok na sana si Chloe sa loob ng bahay nila KC dahil nakaalis na si James kanina pa para puntahan ang pinsan ngunit a brand new car caught her eyes. At tama nga ang hinala ng dalaga dahil iniluwa doon ang matangkad at laging magulo ang buhok na si Ezekiel. Bumusangot tuloy ang magandang mukha ni Chloe.
“Well. You’ve seen it right? I’ve done what I can d—.” Hindi na natapos ni Chloe ang sasabihin dahil nayakap na siya ng lalake. Warmth covered Chloe’s cold heart. Chloe actually needed the hugged. Busy siya sa trabaho pero busy din ang utak nito sa pag-iisip kung okay lang ang pinsan. Hindi namalayang niyakap na rin ni Chloe ang binata at nakapikit na ito.
“Thank you. I am sure James will do anything para magkabalikan ulit sila. I am sorry ulit sa mga bagay na nangyari. It was entirely my fault.” Nagsusumamong sabi ni Ezekiel na natauhan ang dalaga. In the first place, ang lalakeng ito ang dahilan kung baket over stressed siya. Naitulak ng dalaga ang binata papalayo kahit na ayaw ng katawan niya dahil comportable siya.
“Pinapatawad na kita Mr. Ezekiel pero sana wag nang mag-krus pa ang landas natin. I will gladly appreciate it kung you will leave me alone. I don’t want to be in the same mess again, because of you, not that I am blaming you from everything but, right now, I needed space and peaceful mind.” Sabi ni Chloe at nilayasan na ang binata.­
Nakapasok na ang dalaga sa loob bago pa nito nilingon ang binatang nakatanaw sa bahay nila KC. Chloe used to be in the same circle of the guy’s fans but right now, Chloe needed space and time. Kasi nung unang magkita sila ay nagulo na ang sobrang sayang buhay niya. Chloe doesn’t want to be involve with a very very wild guy. Nakita na lang ni Chloe na umalis na ang lalake at pinaharurot na ang sasakyan.
“It’s better this way.... Right?” Sabi ni Chloe at lumingon na sa mga magulang ng pinsan at ikinuwento na ang mga nangyari at ang side ni James. Its all for the sake of her cousin’s happiness. Masyado na kasing martyr ang pinsan ni Chloe kaya ang dalaga na ang gumagawa ng paraan.

Isang linggo rin ang nakalipas bago dumating ang lovebirds. Akala ni Chloe ay hindi nagtagumpay ang lalake sa pang-susuyo sa pinsan. Medyo matagal kasi ang hinintay ng mag-anak kaysa sa inaasahan. Napangiti siya ng makitang blooming na ulit ang pinsan at sobrang saya na ang makikita sa mga mata nito. Hindi katulad ng dati ng iwanan ni KC ang lalake.
“Nay, Tay at Sis....” Tawag ni KC sa kanila na dahilan para mapatingin silang lahat sa pinsan niya at medyo excited na siya. Alam na kasi ni Chloe kung ano ang sasabihin nito. And she’s very happy for her cousin.
“I’m getting married at magkaka-apo na kayo.” Sabi ni KC na nakapagpaawang ng labi nilang tatlo. Alam niyang ikakasal na ang pinsan kaya siya excited hindi niya alam na magiging tita na rin pala siya. Napaiyak siya sa tuwa at lumapit na sa pinsan at yakapin ito.
“Congratulations! Grabe na-shock ako dun ha. Wala akong kaalam-alam na magkakaanak ka na. Ang sinabi mo lang kasi sa akin ay ang pagpapakasal mo! Bruha ka! Magiging tita na ako.” Sabi ni Chloe at lumipat naman sa lalakeng gusto yatang mapaluha rin kahit na alam na nito ang mga mangyayari.
“Well, Congratulations. Mukhang magiging cousin-in-law na tayo!” Sabi ni Chloe na natawa na rin si James at binigyan ito ng mahigpit na hug.
“Thank you so much, Chloe! Your the one who helped a lot.” Sabi ni James na pinipigilan ang maiyak kahit na medyo pumiyok ito sa pagta-thank you.
“Hindi lang naman kasi ako ang tumulong no. Mga ka-brod mo rin at lalo na ang bestfriend mo. I suggest na tawagan mo na siya or else magiging stalker ko siya for life.” Sabi ni Chloe na nakabusangot na ang mukha. Aba naman at lagi yatang pinupuntahan ang bahay niya para lang itanong kung nasaan na ang love birds. Kulang na lang talaga na isipin ni Chloe na masokista ito dahil kahit ilang beses niya itaboy ay bumabalik pa rin ito.
“Anak! Congratulations. Narinig namin lahat kay Chloe. Kung saan ka masaya, KC, susuportahan ka namin.” Sabi ni Aling Kriselda na umiiyak na rin dahil sa tuwa. Habang si Mang Castro naman ay nanginiglid na ang luha na tumayo at lapitan si James.
“Wag mo na uling papaiyakin si KC ha. Ilang linggo rin yang nagmukmok sa kwarto niya. Akala ko nga ay hihimatayin na. Hindi  namin alam na buntis pala. Hindi pa naman kumain ng masyado. Wag na rin ang bet bet na yan at nakakasakit lang kayo ng damdamin.” Sabi ni Mang Castro at niyakap na rin ang magiging anak nito sooner or later.
“Wag po kayong mag-alala. That will be the last time you will see KC cry because of me. I will make her happy and full of love. Nay, Tay. Maraming salamat po sa pagtitiwala ninyong ulit sa akin at sa pagbibigay ng kamay ng anak niyo. I will cherish her forever.” Sabi ni James na nakangiti na ng sobra. Tapos na unos sa buhay ng pinsan niya and Chloe’s very happy because of it. Nag-excuse na rin si James na tatawagan ang mga kaibigan at magulang para sa masayang ibabalita. Mamamanhikan rin daw ito kahit na opisyal na ang pagiging engage nila.
Hindi kumulang ng isang oras ay dumating na ang mga magulang ni James na may dalang pagkain at bulaklak. Namanhikan na ang pamilya ni James ngayon din. Masayang nagsalo ng pagkain ang dalawang pamilya at nagplano na kung anong gagawin sa kasal. Two months from now daw ang kasal para hindi pa masyadong halata ang tiyan ng pinsan niya. Simple lang daw na church wedding ang gusto ng pinsan na ikinalungkot ng nanay ni James, dahil gusto daw nito ng engrande at published ang kasal ng anak sa lahat ng diyaryo. Hindi pa rin pumayag ang dalawa pero bumawi ito ng sabihin ng dalawa na bahala na si Mam Margarita sa reception. Doon din sinabi na ni Mrs. Cristobal ang plano nito. Sa Mansion na lang ng mga Cristobal at magpapa-catering na lang sila. Si Mrs. Cristobal na daw ang gagawa ng lahat para hindi na rin isipin pa ng love birds ang reception. It was funny how Mrs. Cristobal was very excited about this all. Gusto na raw kasi nitong ipakasal ang lalake sa babaeng mahal nito at ng makita na rin niya ang apo sa mga susunod na buwan.

“Chloe...” Tawag ng pinsan niya ng nakaupo si Chloe sa labas ng bahay nila KC at nagmumuni-muni.
“O, baket ka andito? Nagplaplano pa kayo dun ahh.” Sabi ni Chloe ng maupo rin ang pinsan sa tabi niya.
“Gagawin kitang Maid of Honor.” Sabi ni KC at ngumiti. Hindi na talaga ito nagtanong pa sa kanya dahil sasangayon naman siya. “And the best man will be Ezekiel.”
“As I thought...” Sabi ni Chloe na kalmado pa rin. Expected na niya iyon dahil walang kapatid si James at ang pinakamalapit na lalake kay James ay si Ezekiel.
“Hindi ka nagulat? Magpair kayo?” Sabi ni KC na mas nagulat pa sa reaksyon niya.
“Hindi na kailangan magulat dahil alam ko namang mag-bestfriend ang dalawang iyon. Wag mo lang akong tuksuhin at ipagkanulo doon sa lalake. Dati, hibang na  hibang ako doon pero everything changed. Hindi mo ako mapipilit na gustuhin ulit siya. Hindi mo rin ako masasabihang pansinin ang lalake. Okay?” And All I need to do is to stay away from him para wala ng mangyari pa sa aking dear heart. Napagpasyahang iyon ni Chloe.
Tumungo-tungo ang pinsan niyang si KC at bumuntong-hininga. “I am so sorry, pinsan.” Sabi na lang nito na ikina-kunot ng noo ni Chloe.
“What for? Talagang to si Sis, super emotional. Okay lang yun. Kahit mas matanda ako ay ikaw ang unang ikinasal. Wala pa naman sa plano ko ang magpakasal. Busy pa ako sa trabaho ko sa Hearts Connected no. Dumami ang aking cliente. Basta be happy na lang.” Sabi ni Chloe na iginaya na ang pinsan saloob dahil napansin niyang hinahanap na ni James si KC sa loob.
“Hinahanap ka na ni hubby mo.” Sabi pa ni Chloe at lumakad na sila sa loob ng bahay.

Grabe ang mga nakalipas na isa’t kalahating buwan para kay Chloe. Dahil two months lang ang preparation nila ay sobrang hectic ng schedule ni Chloe na sampung minuto na lang ang inilalagi niya sa business niya para magsabi ng mga gagawin sa mga empleyado niya. Busy rin kasi sila doon pero she really needed to be beside her cousin right now. Medyo nagiging emotional kasi si KC every time na lumilipas ang oras. Kabado, takot, excited, happy, sad at kung ano ano pa ang mababanaag mo sa mukha ni KC sa mga nakalipas na araw. Hindi rin naman masisisi ni Chloe ang pinsan dahil kahit ito ay mixed emotion din.

Pinlano ni Chloe ang hen party at isang dinner iyon ng mga bridesmaid at mother ng both bride at groom. Hindi ordinaryong party iyon dahil dinner lang ito. Hectic kasi talaga ang schedule nila. White and pink ang motif ng kasal ng pinsan niya. Favorite color kasi ng pinsan niya. Puti ang wedding gown at baby pink ang bridesmaid gown. Syempre dahil Maid of honour, ibang iba ang design nito kaysa sa ibang bridesmaid.
“Sis, one week more at kasal mo na. Kailangan nating pumunta sa rehersal ng kasal mo. James said that they are all ready na din.” Buong brod kasi at mga pinsan ni James ang nasa bridal party. Tinawagan na rin nilang lahat ang mga babae sa bridal party ng pinsan.
“Yung iba nasa way na daw papuntang Kamuning sa Sacred Heart Parish.” Sabi ni Chloe na hinihintay na ang pamilya niya at ni KC. Medyo malayp-layo rin ang simbahan na natipuhan ng mag-fiance kaya kailangan na nilang magmadali.
“Oo nga pala, Sis. Si Ezekiel na lang daw ang magsusundo sa atin. Si James daw ay busy pa pagaasikaso sa mga kasama sa entourage.” Sabi ni KC na nag-aayos na at nakaharap sa salamin. Napanganga naman si Chloe at akmang magagalit ng may bumusina sa harap ng bahay ni KC. Bigla namang tumibok ang puso ni Chloe pero di halatang medyo kinabahan siya.
“Yan na yata siya.” Sabi ni KC na tumingin sa kanya at ngumiti ng makahulugan. Matagal nang nirereto ni KC si Chloe sa lalake pero keber niya ba sa lalake at hindi ito pinapansin.
Bumuntong hininga si Chloe at tumungo-tungo. “Fine. Pupuntahan ko na.” Sabi na lang ni Chloe at lumabas ng kwarto at pumuntang gate para kausapin/papasukin ang lalake. Pagdating sa tapat ng Honda CR-V ay bumukas ang bintana nito at iniluwal ang nakatanaw at nakangiting si Ezekiel.
“Hindi pa kami ready. Baba ka muna at nang hindi ka mainip diyan.” Sabi lang nito at tatalikod na sana.
“Ngiti ka naman diyan. Remember this will be the last week after the wedding at magkapartner tayo. Let’s get along.” Sabi nito at bumaba na. Narinig na lang ni Chloe ang tunog na nagsasabing lock na ang kotse. Pumasok na rin ang dalawa pero ni hindi sinagot ni Chloe ang lalake at inirapan na lang ito. Naghintay pa sila ng ilang minuto bago nakarating sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Kahit na simple ito ay sobrang laki ng simbahan at halatang mahal ang renta nito. Hindi na lang nagsalita si Chloe dito dahil ikakasal naman ang pinsan sa isa sa mga mayayamang tao dito at sure siya na dadagsain ito ng reporter but Chloe hope it won’t . It will just ruin the sacred place and the sacred ceremony.

                                                                                                                                                          ITUTULOY...

No comments: