Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 13, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 3: The Wedding


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.
Tama nga ang hinala ni Chloe na may mga dadalong reporters dahil halos lahat ng business tycons na kilala ng parents nila James at si James mismo ay dumalo. Hindi rin nila masyadong napaghandaan ito dahil na rin sa kulang ang oras nila para pagprepare. The only thing the Chloe hope was to make this wedding a success.
Kadarating lang nila at sila na lang ang hinihintay, Hindi naman sila late dahil maaga silang umalis ng hotel kung saan naka-check in sila. Suggestion ito ng mama ni James dahil na rin sa malayo ang pansol sa Sacred Heart Parish.
Bumaba na si Chloe at ang mga magulang ni KC at pumunta na sa nag-oorganize ng attendance ng Entourage. Matapos makausap ni Chloe ang Organizer, in-announce na nito na magsisimula na ang kasalan. Pumasok na ang lahat at pumwesto na. Ang Groom at ang Best Man ay nakatayo na malapit sa aisle at hinihintay nang magsimula ang martsa. “Runaway by The Corrs” ang Wedding March na pinaganda ng blending ng mga boses ng Choir at pianista.
Para kay Chloe ay siya ang kinakasal dahil titig na titig si Ezekiel sa kanya habang nagmamartsa na siya papuntang upuan niya. It made her held her breath because of the intense gaze of a lovely guy that is wearing a white and pick tuxedo. Ang akala ni Chloe ay hindi babagay ang pink sa lalake dahil feminine masyado ang kulay but it was a huge mistake because Ezekiel just take her breath away.
Muntik na ngang lumagpas si Chloe kung hindi niya lang nakita ang upuang dapat niyang puwestuhan. Mula noon ay hindi na tumingin pa si Chloe sa Bestman dahil baka kung anong kapalpakan pa ang magawa niya.

Ezekiel was stunned at the sight of the Chief Bridesmaid. Chloe was like a goddess in Ezekiel’s eyes and the guy cannot even take his eyes away from here. Feel na feel niyang parang siya at si Chloe ang ikakasal na ikinapagtaka ng lalake. Never in his mind na maiisip niyang magpakasal sa babaeng ni ayaw nga siyang kausapin at nagmumukha na nga siyang stalker nito. Kahit ano pang panunudyo ng Bride at Groom na mag-date sila, at okay lang sa kanya, ay tinatanggihan naman ito ng dalaga. Chloe wanted his very existence disappear in her life at napipilitan itong pakisamahan siya dahil na rin sa Maid of Honor ito at siya naman ang best man. Ezekiel almost sighs but stopped it because its a superstition that something will happen and that is the least thing Ezekiel wanted.
Nag-umpisa na ang kasal at hindi mapigilan ng binata na hindi tignan ang gawi ng Maid of Honor. Ni hindi na nga siya makapag-concentrate dahil gusto nitong makita ang bawat reaksiyong ng dalagang sobrang sungit. Kung hindi nga lang siya sinita ng ka-brod niya ay hindi ito titingin sa altar.
The wedding was a success. Opisyal nang mag-asawa ang dalawa at nakapag-sign na sila ng wedding documents. Magkahawak kamay si Ezekiel at si Chloe ng pumunta sila sa registrar sa simbahan. It was only to show na magkabati ang dalawa sa harap ng simbahan.
Kung dati ay mahihimatay muna si Chloe dahil pangarap nitong magkaroon ng picture kasama ang kanyang super crush na si Ezekiel, ngayon ay hindi na masyado. May kilig pero hindi halata. Dapat ay cold siya sa lalake at hindi halatang may crush pa rin siya dito. Yes for a couple of months na magkasama ang dalawa ay nakikita naman niya ang good side nito. Hindi nga lang alam ni Chloe kung sinsero ito o nagpapakabait lang dahil may atraso ito sa kanya. Inakbayan ni Ezekiel ang dalaga at ngumiti na ito sa harap ng camera.
“Miss Maid of Honor, look at the camera and smile.”Sabi ng photographer na nagpatanggal ng titig niya sa mukha ng binata na may shock na nakarehistro sa mukha ng dalaga. Tumingin si Chloe sa photographer at ngumiti na rin sa wakas. It was a picture of just the two of them. Hindi alam ni Chloe kung binulungan nito ang photographer kasi magkausap ito kanina.

Ngiting ngiti si Ezekiel ng makita niya ang picture nilang dalawa ni Chloe. Para silang ‘Perfect couple’ kung sa larawan lang.
“Bagay na bagay kayo, Sir.” Sabi ng photographer na na-hire para sa kasal. It was one of the photographer in a known magazine. “Nililigawan niyo, Sir? Kung ako sa inyo ligawan niyo na. Kanina ko pa kasi nakikitang andaming tumitinging lalake doon. Cute pa naman niya.”
Dahil sa papuri mula sa makilatis na mata ng photographer ay hindi maiwasan ni Ezekiel ang titigan at ispekulahin ang dalagang busy sa pakikipag-usap sa pinsan nito. Sa tantiya ni Ezekiel, si Chloe ay 5’7” medyo matangkad ito sa karaniwang filipina height. Maganda ang kulay ng dalaga; hindi masyadong kaitiman ito. Ang mukha naman nito ay hugis puso. Ang pilikmata nito ay parang sa manika na sobrang haba na bumagay sa abuhin nitong mata. Mga labing kay nipis at sarap halikan at matangos nitong ilong na baka mapagkamalan pang taga-ibang bansa ang babae. Napalunok si Ezekiel sa pagkakatitig sa mukha ng babae. Ezekiel had the urge to run towards the girl and kissed her senseless.
Weird. Napatanga na lang na sabi ni Ezekiel sa sarili at lumapit na ulit sa Entourage ng Kasal at nagpatuloy sa pag-picture. It only took 30 mins at nagsimula nang lumabas na pinangungunahan ng Bride at Groom. Pumapangalawa sila na ini-angkla ni Ezekiel ang kamay ng dalaga sa kanyang braso. Naghagis ng mga confetti ang tao nang papaalis na ang dalawa papuntang reception.

Lulan ng kotse sina Ezekiel , sa driver seat, at si Chloe, sa passenger seat, ngunit hindi pa nag-uusap ang dalawa. As soon as pumasok ang dalawasa kotse ay nag-iba ang mood nila. Kailangan lang kasi nilang sundan ang bride at groom papunta sa Reception and to make sure na ayos ang lahat.
For Ezekiel, it was the longest hours traveling towards James house. Love na love ni Ezekiel mag-drive lalo na kung may kasama itong mag-eentertain sa kanya. Ezekiel cannot help but sighs for a million times.
“Look. If you really don’t want me to be hear, then it’s fine.” Walang sabi sabi ni Chloe at nayayamot na tumingin dito.
“Kanina ka pa kasi buntong hininga ng buntong hininga e. Just stop the car if you don’t really want me here.” Sabi pa nito at akmang tatanggalin na ang seatbelt.
Naalarma naman si Ezekiel at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Chloe. “I am sorry for sighing. Its just that theres a traffic and I have no one to talk to. Let’s talk or why not sing for me?” Sabi ni Ezekiel at medyo nahihiya pa ang ngiti na tumingin kay Chloe.
Hindi inaasahan ni Chloe ang kamay ni Ezekiel na nakapatong sa kamay nito. May kung anong kuryente kasi ang dumaloy mula sa kamay ni Ezekiel papunta sa kamay nito. Napatingin at napatitig tuloy si Chloe sa binata pero mukhang hindi naapektohan ang binata. Napasimangot tuloy si Chloe. Tinanggal nito ang kamay na napababawan ng kamay ni Ezekiel. Inabot ni Chloe ang pushed button ng CD player ni Ezekiel sa loob ng kotse.
“O ayan. May kumakanta na para sayo.” Sabi ng dalaga at ngumiti ng nakaloloko kay Ezekiel.
“If you don’t want to sing for me then I might as well sing for you.” Sabi ni Ezekiel at ngumiti. Umandar na ang sasakyan kaya hindi na ito nakatingin sa dalaga pero nagsimula parin itong kumanta.
You're just too good to be true. Can't take my eyes off you.
You'd be like Heaven to touch. I wanna hold you so much.
At long last love has arrived. And I thank God I'm alive.
You're just too good to be true. Can't take my eyes off you.
Napangiti ang dalaga habang nakanta pa ang medyo sintunadong lalake. Maganda at buo naman ang boses nito pero wala nga yata itong talento sa pagkanta. Hindi tuloy namalayan ni Chloe na napapatawa na siya nito.
“Yes. Just laugh at my golden voice. I don’t mind it at all. Your the first person who heard my voice.” Sabi nito na medyo natawa na rin.
“So, should I feel flattered?” Sabi naman ni Chloe sa lalake.
It was like the first time na nagkakilala sila. They automatically clicked together and Ezekiel never knew any girl na naging click kaagad sa kanya. “Let’s just say na yes. You should be flattered. Kahit mga brod ko hindi ako narining kumanta.” Sabi nito at hindi pa rin itinigil ang pagkanta at ipinagpatuloy pa ito.
Pardon the way that I stare. There's nothing else to compare.
The sight of you leaves me weak. There are no words left to speak,
But if you feel like I feel, Please let me know that it's real.
You're just too good to be true. Can't take my eyes off you.
Sinabayan na ito ni Chloe na ikinatingin at ikinagulat ni Ezekiel. Napatitig tuloy ang lalake kay Chloe at buti na lang ay nakatigil sila sa traffic. Ezekiel was being hypnotised by the lovely voice of the match-maker, Chloe. Unti-unting hindi na kumanta si Ezekiel at ipinagpasalamat na medyo traffic ngayon. Nakangiti na kasi ang dalaga at kumakanta pa rin.
Naramdaman naman ni Chloe na may nakatitig sa kanya. Still singing, Chloe looked towards the handsome driver and slowly stop from singing. Parang hindi na makahinga ang dalaga sa paraan ng pagkakatitig ng lalake sa kanya. Its like sucking her life force. Tumikhim ang dalaga at dumiretso ulit ng tingin sa kalsada.
“G-go na.” Sabi ni Chloe na medyo nagkandabuhol ang dila nito. Chloe just prayed na sana ay dumating na sila sa reception ng kasal.
“I am sorry for the way I stare. I was actually smitten by your voice. Its sexy and lovely.” Sabi nito na nagumpisa ng magmaneho.
“T-thanks. Nag-choir kasi ako nung highschool.” Sabi ni Chloe na hindi pa rin humaharap sa lalake.
Yun na rin ang huling sinabi ng dalawa. Both of them fell from a deep thinking. Soon, they arrived at the reception place. Nagmamadali na ang organizer/emcee sa pag-aayos ng mga lines na ito. Ang catering ay nag-uumpisa na ring maghanda. Takbo dito at takbo doon. But its a perfect timing na natapos ang lahat bago pa dumating ang mga tao. Hiniwalayan na rin at hindi na nilapitan ni Chloe ang binata na kahit anong lapit nito ay siyang iwas ni Chloe.
“Chloe...” Tawag ni Ezekiel kay Chloe.
Napalingon ang dalaga pero nagsimula itong lumakad papalayo. Ngunit napigilan ni Ezekiel ang dalaga dahil nahawakan nito ang braso ng dalaga. A sudden jolt struck the hands towards the whole body of Ezekiel that made him flinch for a second.
What was that? Takang tanong ni Ezekiel sa sarili pero hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakakapit sa dalaga.
“What?” Malamig na tanong ni Chloe sa lalake. So she didn’t feel that? Takang tanong ulit ni Ezekiel sa sarili. “Look. Take your hands off me. Wala naman tayong pag-uusapan ahh.” Sabi ng naaasar ng dalaga at pinagpag ang kamay ng natitigilang si Ezekiel.
“Okay! Attention! All the ladies gather up sa harap ng bride. Mag-hahagis na ito ng bouquet!” Sabi ng Emcee ng party at nakangiting umalis na si Chloe dito at nakigulo sa pagsalo ng bulaklak. Tumalikod ang pinsan ni Chloe at naghagis na ng bulaklak at saktong nasalo ng nagulat pang si Chloe! “You’re the next bride!” Sabi ng lahat at natatawang lumapit si KC dito.
“Well, I hope na ikaw na nga. I love you, Chloe~” Sabi nito at yumakap sa pinsan.
Nakangiti lang na minamasdan ni Ezekiel ang dalagang nakasalo ng boquet ng lapitan ito ng tropa.
“Well, looks like you have found your next target Ez.” Sabi ni Sean na naka tuxedo rin katulad ng kaibigan.
“Target? I was just having fun watching this event.” Palusot na sabi ni Ezekiel pero nakatutok pa rin ang mga mata nito sa dalaga.
“Watching the event o watching one gorgeous lady. Tol, Kanina ka pa namin nakikitang nakatitig or nilalapitan si Chloe. Pinapaamo mo pa rin ba siya?” Sabi naman ng Ex-Military man na si Theodore.
“Hindi naman siya some kind of animal na dapat paamuhin no. I just wanted to be friends with her.” Sabi ni Ezekiel na inilipat na ang paningin sa mga ka-brod.
“Friends? E narinig ko mismo kay James that you were almost Chloe’s stalker.” Sabi naman Elliot dito na napatawa ang mga ka-brod nito.
“Look. All of you told me to always check on her kasi siya lang ang means of news natin kay James.”
“Well, We did tell you that but we kinda thinking that you will send some men to go gather some news but you went there yourself.” Sabi naman ni Ran na nakangisi sa niloloko nilang si Ezekiel.
“Wipe off that grin, mate. Best friend ko si James so I should personally do the job.”
“Whatever you say brod.” Sabi ni Ran pero hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mukha.

                                                                                     ITUTULOY...

No comments: