Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 13, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 1: Broken Friendship


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.
------------------------------------------------------------------------------------------
Isang araw na ang nakalipas ng mangyari ang nangyari sa JESTER’s Annual Party. Mixed emotion pa rin ang naghahari sa dibdib niya. Galit, poot, asar at inis kay Ezekiel habang kaba, pag-aalala, at pang-uunawa sa pinsan at sa ex-boyfriend nito. Buong buhay ni Chloe, ngayon lang siya sobrang galit at sobra sa pag-aalala. Nung isang buwan lang sobrang ganda ng mood niya at ng pinsan niyang si KC.
“Kahit kailan hindi ko na iisipin at papansinin pa ang mokong na iyon. Napakasama ng ugali nun. Hindi ko alam kung bakit ko naging crush yung mokong na iyon.” Asar na sabi niya sa sarili at bumuntong hininga ng malalim. Masyado siyang nag-aalala sa pinsan. Hindi tuloy niya napigilang isipin ang lahat last few weeks.

Hindi mawaglit ang mga mata ni Chloe sa picture ni Ezekiel na nakuha ng pinsan niya nung farewell party nung dating secretarya ni James. Ini-edit ni Chloe ang pictures na iyon kung saan sama-sama ang mga JESTER at ang pinsan niya.
“Hay... Kailan kaya kita makikita at makikilala?” Nagmumuni-muni pa niyang sabi nang may kumatok sa labas ng opisina niya sa Hearts Connected Company. Sekretarya niya ito si Krissy.
“O baket ka napasugod dito?” Nakakunot-noong tanong ni Chloe sa sekretarya niya. Medyo hingal kasi ang babae at namumula ang mukha.
“M-mam! May lalake ang gwapo kasama ng pinsan niyo mam!” Sabi nito na natataranta at hindi makatingin ng diretso sa kanya dahil sa kakalingon nito.
“Ows? Grabe ang pinsan ha. Bumili lang ng meryenda e may nabingwit na lalake na.” Sabi pa niya ng tumayo na sa upuan at lumabas sa maliit niyang opisina. Napasinghap si Chloe dahil hindi nito inaasahan na ang kasama pala nito ay ang super crush ng pinsan niya.
 “A—.” Napanganga siya nang makita nito ang kasama nito. Lumapit ito sa kanya para itaas nito ang bibig niya.
“Nakikita ang tonsils mo, Sis.” Sabi nito na napapangiti habang binubulong nito ang mga kataga. “James, Meet my one and only cousin, Chloe Braganza. Siya ang nagmamay-ari nitong negosyong ito at siya rin yung pinagbigyan ko nag mga picture ninyo.” Pagpapakilala ni KC sa kanya. “And Sis, si James Cristobal, ang boss ko. Im sure na alam na alam mo na siya.” Panunudyo pa nito sa kanya.
“Well, Nice meeting you Chloe.” Sabi ni James na inilahad ang kamay para makipag-shake hands kay Chloe.
Tumikhim si KC para lang maibalik sa mundo ang pag-iisip niya. “Earth calling Chloe.” Sabi pa nito na ikina-tawa nang mga staff ni Chloe at pati na rin si James.
“Ahhh. Ehhh.” Sabi nito nang manumbalik sa earth ang isip niya. “Sobrang sosyal naman nag pangalan ko pag ikaw ang tumatawag sa akin.” Nahihiyang banat niya dito. “Pasensiya ka na sa reaksiyon ko ha. Ngayon lang kasi ako nakakita nang Adonis-este ng matinong lalake.” Pagpapatawa pa niya sa lalake.
“Upo ka dito. Crissy, kuha ka nga nang mga baso. Andito na pala ang meryenda natin e. Si James. Ahh. Ehhh, Yung ensaymada pala.”
“Chloe talaga.” Sayaw nang pinsan  sa kalokohan niya. “Pagpasensiyahan mo na James ha. Medyo, alam mo na, may pagka-aning yan. Full moon na naman kasi e.” Sabi naman nito na gumaganti ng banat.
“No. No. Thats okay. Its entertaining.” Sabi nito. Ngayon lang ata niya nakitang hindi maalis ang ngiti sa labi nito. “So Chloe, your doing some Match-Making. Very interesting business you’ve got here.”
“Interesting ba kamo? Baka nakakabaliw. Pero I really like this job, Mr. Cristobal. Not as big as your company pero on the way na ang paglaki.”
“Well, I bet marami kayong mga member dito. If you like, I can help you get more members. Kailangan na ata kasi nang mga partner ang mga staff ko para naman sumaya-saya sila.” Ganting biro ni James sa pinsan.
“Naku. Sobrang laking tulong nang suggestion mo. Wait kukuha lang ako nang calling card.” Pagkasabi noon ay sumibad na siya patakbong opisina niya. Hindi nagtagal at nakabalik na ulit siya sa harap ng mga tao.
“Here. I hope more members will sign in. At pag maraming members maraming kita. Pwede na rin siguro akong mag-hire nang isa pang secretary ko pag nagkataon.”

Naputol ang pagmumuni-muni ni Chloe nang humangos na naman ang secretarya niya. De Javu? Ang nasa isip ni Chloe na medyo nagpangiti sa kanya. Right now, wala siyang ineexpect na bisita at lalong hindi talaga pwede ang de javu kasi ayaw lumabas ng lungga ni KC at si James naman ay sure siyang hindi pupunta dito.
“O. Baket napasugod ka, Krissy?” Takang tanong ni Chloe sa sekretarya at medyo nakakusot ang noo nito.
“M-mam! May gwapong lalake sa labas!” Sabi nito na naghehesterya na ata. “Nung dumating lang dito si Mr. James, ayan dumadagsa na yata ang mga adonis dito!” Sabi pa nito na hindi nakatingin sa kanya pero sa lalake sa labas. Nasa pintuan pa kasi ang dalaga at nakasilip sa labas.
De Javu nga? “Sino daw?” Takang tanong ni Chloe na ayaw munang magtrabaho sana ngayon kung hindi lang talaga kailangan. Kailangan kasi siya ng pinsan niya.
“Ezekiel daw po mam at hinahanap ka!” Sabi ni Krissy na kinilig-kilig pa.
Hindi naman pareho ang nararamdaman ni Chloe. Hindi siya kinikilig o na sisiyahan. Naasar siya at parang gusto niyang hatakin ang paperweight at ibato sa lalake. “Sabihin mo wala ako dito. Sabihin mo patay na at walang Chloe’ng nagtratrabaho dito.” Sabi ni Chloe sa sobrang lamig na tono.
Nagulat ang sekretarya at tumayo ng tuwid. “Yes po, Mam.” Sabi nito at umalis na ulit papuntang labas. Ang akala ni Chloe ay tapos na pero maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng maliit ng silid at iniluwa ang nagpupumiglas na si Ezekiel sa kamay ng sekretarya niya.
“Mam. Sorry po. Ang lakas kasi ni fa— este ni Mr. Ezekiel e.” Sabi nito at tinanggal na ang kamay na nakahawak sa malaking braso ni Ezekiel.
“That’s fine. Go for your break. Lahat kayo. Wag muna kayong babalik pagkalipas ng 15 minutes.” Sabi ni Chloe na nakatingin lang sa mga mata ni Ezekiel. Lumabas na ang sekretarya niya at narinig pa ni Chloe ng sabihan ni Krissy ang iba pang nasa labas na umalis muna ng 15 mins.
“I’m So—“ Hindi natapos ni Ezekiel ang sasabihin dahil tumayo si Chloe at nag-stop sign.
“I don’t need your sorry. Ni hindi nga ako yung nasaktan ng sobra e. Bakit nandito ka pa? I don’t wanna see your face. At all.” Sabi ni Chloe sa napaka-lamig na tono.
“Look. I needed to state my point  after all.” Sabi ni Ezekiel na naisuklay ang kamay sa buhok nitong hindi yata nito sinusuklay.
“Speak then go. I don’t have time to listen to your whimsical side.” Sabi ni Chloe na humalukipkip sa harap ng matangkad na lalake.
“Well, first things first. Hindi ako ang nanguna sa bet. I just love bet kaya nakisali ako. Its my fault na sumali ako at hindi itinigil ang bet. Alam mo kasi, yung si James, sobrang tanga pagdating sa feelings niya. Randolf made a bet and we thought that it is a way to encourage James na lumapit kay KC. We never meant any harm at lalong ayaw namin na magkahiwalay sila.” Sabi nito na medyo nakatungo bago ito huminga ng malalim.
Dahil sa mga sinabi ni Ezekiel, napaisip ng malalim ang dalaga. Tama nga naman sila. Sa tipo ng trabaho ni Chloe, malalaman ni Chloe kung ano ka sa galaw at sa mga mata nila. Si James nga ay tanga sa pag-ibig. Ito yung tipo ng tao na pagnapamahal na sa isang tao ay hahanapin nito ang presensya nito at hindi pa alam na mahal na niya ang babae.
“Pinadala ako dito ng mga ka-brod namin para magpaliwanag. Alam kasi nila na close tayo at magkaibigan..” Sabi ni Ezekiel ns mukhang hindi pa sigurado sa last words na ginamit nito.
“Point taken, Mr. Aquino pero don’t get me wrong. I don’t have friends who bet on someone just to have fun. Gagawin ko ang makakaya ko para makatulong but please don’t ever come back o magpakita man lang sa harap ko.” Sabi ni Chloe at lumakad papuntang pintuan at binuksan na ang pintuan.
“We never are friends nor close. I hope this will be the last day na magkikita tayo.” Sabi pa ni Chloe bago nito ginalaw ang kamay para sabihing makakaalis na si Ezekiel.
Mababa ang balikat na lumapit ito sa pintuan at akmang aalis na pero huminto ito sa tapat ni Chloe na ikinagulat ng dalaga.
“I know you haven’t forgiven me pero I hope someday you will... And the brod will appreciate your help. We don’t want to see James miserable.” Sabi pa nito bago lumabas ng office. Medyo na-guilty si Chloe sa pakikipag-usap na ginawa sa binata pero ayaw niyang baluktutin ang prinsipyo niya dahil lang sa awa dito. Lumakad na ito papuntang upuan at pinag-isipan ang mga gagawing mga hakbang para sa pagbabalikan ng pinsan at kaibigan niyang si James.

Ezekiel sighs as the guy walked out of the Hearts Connect Company. Ezekiel failed to be friends again with Chloe. Nag-ring ang phone ni Ezekiel at sinagot niya ito. It was Elliot.
“Hey man!” Bati ni Ezekiel sa kaibigan.
“So what happened? I bet that girl said yes na pinatatawad ka na. Ikaw pa, e mukhang may gusto sayo yung babaeng yun.” Sabi nito na medyo natawa pa.
Bumuntong hininga muna si Ezekiel bago sumagot sa kaibigan. “Nope. I failed. Lalo pang nagalit sa akin but she said that she’s gonna help make those two back together.” Sabi nito saka binuksan ang bagong kotse na nabili niya dahil sa pagkakapanalo sa bet. “And I think...” Sabi ni Ezekiel at bumuntong hininga ulit.
“You think what?” Medyo excited na di mo malaman ang tono ni Elliot.
“That, I should sell this car. Eto kasi yung dahilan kung bakit ayaw na nung babaeng maging magkaibigan kami.” Sabi nito at nag-start na ng kotse.
“Seriously, Tol? Di nga? Diba ultimate love mo ang kotse more than girls? Don’t tell me susuko ka dahil lang sa babaeng yun? You can be friends with anyone who is very willing to be one. Wag mo na lang ipilit ang sarili mo dun.” Litanya ng kaibigan sa kanya.
“Well, I can buy a new car without this betted money. I need to sell it. Para na rin kay James. Dahil din naman sa akin kaya sila nagkahiwalay no. Me and my big mouth. Well, I will talk to you soon pare.” Sabi ni Ezekiel at pinatay na ang cellphone nito. Ezekiel loves cars more than girls. Yes, very true ang sinabi ng kaibigan na ipagpapalit ni Ezekiel ang lahat pwera lang ang kotse but right now, Ezekiel felt really guilty. Kung hindi siguro siya nag-ungkat e hindi na sana narinig pa ng magpinsan. Dahil doon ay nagpasya si Ezekiel na pumunta na sa companya nila para ipagbili na ang sasakyan.

“Sir? Are you sure? Kakabili lang ninyo itong sasakyan. It didn’t even last for week sir.” Sabi ng empleyado ni Ezekiel sa kanya.
“Yes. I am very sure. This car isn’t the car I wanted and it only gave me some bad luck so I better sell it again.” Ezekiel said pero hindi nito mabitawan ang car keys. Ezekiel loved the car kaya nga binili niya ito. Hindi nagbebenta ng sasakyan si Ezekiel at lalong hindi siya panget pumili ng sasakyan. He needed to do this para na rin sa ikaliligaya ng lahat.
“Well, Please sell this car as fast as you can so I can move on and buy a new one.” Sabi ni Ezekiel at lumakad na ito sa elevator papuntang opisina nito. Ang opisina ni Ezekiel ay nakatayo sa pinaka taas na palapag ng ZCC or aka Zeke’s Car Company na itinayo ni Ezekiel sa pamana ng lola nito. It was his dream company at nakilala agad ito dahil na rin sa mga bago at cool na design ng sasakyan. Ang tema ng opisina nang binata ay hango sa loob ng kotse. Kung makakapasok ka ay aakalain mo na nasa loob ka ng isang sobrang laking kotse. Even the toilet has a different car theme. Lahat ay automatic na rin.
Umupo na si Ezekiel sa harapan ng lamesa nito at pinag-aralan na ang mga new design ng cars na ipinasa ng mga batikan niyang empleyado. This should ease the negative power within him. Cars was his saving glory. Eto lang kasi ang nagpapa-relax sa kanya at nagpapasaya.

                                                                                     ITUTULOY...

No comments: