Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Wednesday, January 30, 2013

At Your Service: Miss Inosente [Part 1]

Copyright © 2010. All Rights Reserved.

═══════════════════════

Sabi ng nanay ko don’t talk to stranger pero pano kung ang stranger ay kamukha ni Ian Somerhalder pero nagtatagalog ito.

═══════════════════════


Mala-late na ako! Hindi niya kasi narinig ang alarm clock niya at nakatulog siya ng mas matagal. Kung mamalas-malasin ka nga rin ay traffic pa papuntang pagtratrabahuhan mo at hindi lang iyon dahil nasira ang bag niya dahil na rin sa pagkakasabit nito sa bakal ng jeep kaya naman hawak-hawak niya ang pantali ng buhok niya, ng namebadge niya, at ng cellphone niya. Tumakbo na siya paliko sa kanto ng Proso̱pikóti̱ta Café ng may mabangga siyang lalaki at dahil doon ay nahulog niya lahat ng gamit na hawak niya.

“Sorry. Medyo nagmamadali lang talaga ako,” sabi niya at pinulot na niya ang mga gamit na nakita niya. Tumayo na siya agad at tumakbo papasok sa café. Hindi niya namalayan na hindi pala niya nakuha ang name bagde niya.

“Hey, you…forgot your namebadge, Eloisa,” ang tanging nasabi ng binata pero hindi na nito iyon narinig. Rumehistro sa gwapong mukha ng binate ang pagkalito dahil nagmamadali na rin kasi ito sa appointment nito but the guy ended up putting the namebadge in his pocket and walked away. “I’m sorry, Eloisa kung hindi ko ito maibibigay sayo ngayon,” mahinang pagkakasabi nito at tumawid na sa tapat ng hospital kung saan ito nagtratrabaho bilang doctor.

“Hello, everybody, sorry medyo late ako!” sigaw niyang sabi sa nag-uumpisa nang mga kasamahan niya.

“Bilisan mo, loka, bawas yan sa sweldo mo. Mag-sign in ka na,” sabi ni Lilly sa kanya na nagpupunas na ng lamesa.

“Ai! Oo nga,” sabi niya at mabilis na pumasok na sa locker room kung saan sila nag-sign in. Nagpalit na rin siya ng damit at nag-ipit na ng buhok. Ipapasok na sana niya ang mga gamit sa loob ng may mapansin siyang nawawala. Ang name badge ko! Lagot siya kay Boss Blu nito. Lumabas na siyang nakasimangot.

“Oi bruha, kaaga-aga nakasimangot ka. Nasaan ang name badge mo?” sabi ulit ni Lilly sa kanya ng marinig siyang lumabas na ng locker room.

“Yun na nga eh. Kaya ako nakasimangot dahil na rin doon. Nawawala ang bagde ko. Nasira kasi yung bag ko pag baba ko sa jeepney,” sabi niya dito at sumimangot.

“Ai naku, Eloi. Ipaliwanag mo na lang kay boss Blu. Mauunawaan ka noon,” sabi naman nito sa kanya at tinapik tapik ang balikat niya.

“Anong ipapaliwanag sa akin?” Nagulat na napalingon silang dalawa sa boss nilang si Blu. “Name badge mo Eloisa?” Napansing tanong ng boss niya.

“Yun na nga po, Boss Kuya,” sabi niya dito ng makalapit siya dito. Nakayuko siya at handa na ang mga luha once na mapagalitan siya ng boss. “Nawala ko po. Nasira po kasi ang bag ko sa jeep sa kakamadali kong bumaba.”

Bumuntong hininga si Blu. Ayaw na ayaw nitong walang pangalan ang mga member of staff nito. Eto kasi ang way para malaman ng mga customer ang pangalan ng nag-se-serve sa kanila. Sabi rin kasi ni Blu sa kanila na ang name-badge ay isang conversation starter. Yung ibang guest kasi ay mas gustong tinatawag ang nagse-serve sa kanila sa pangalan.

“Sige. Papatawarin kita ngayon dahil first offense mo pa lang ito pero kailangan mong mahanap ang name-badge or else gagawa ako ulit ng bago at mag-fine ako sayo ng pagpapagawa. Sige na balik na kayo sa trabaho,” sabi nito at nginitian siya ng tumungo-tungo ito. Ngayon ay may isa na siyang misyon at yun ay once na matapos ang shift niya. Ang halug-hugin at I-backtrack ang dinaanan niya kanina kahit pa nga mukhang imposible ng mahanap ang namebadge niya at mukhang ‘fine’ na lang ang huling option niya.

Hindi naman naging hadlang ang pagkawala ng badge niya sa pag-seserve ng guest dahil ipinakilala na lang niya ang sarili niya pag mag-seserve siya ng table.

Dumating na ang hapon at malapit na siyang makauwi ng may dumating na matangkad na lalaki na sobrang hawig ng super-crush niyang Hollywood actor na si Ian Somerhalder. Tumingin ito sa buong café at ngumiti. Nagustuhan ata nito ang Café nila. Luminga-linga tuloy ito na parang may hinahanap. Medyo busy ang iba sa pag-eentertain ng guest kaya siya na ang lumapit kahit na hirap na hirap siyang magpigil na titigan at maglaway dahil sa hot na binata.

“Hello. Good afternoon, Sir, are you looking for someone? Nag-book po ba kayo?” Matulungin niyang tanong sa lalaking sinalo yata lahat ang kagwapuhan nung magsaboy si lord ng kagwapuhan sa mundo. Don’t get her wrong, gwapo ang lahat ng mga katrabaho niya pati na rin ang boss niyang si Blu pero na mesmerize kasi siya sa gwapong lalaki. Kung hindi nga lang black ang mata nito at medyo moreno ito kaysa sa artistang hinahangaan ay mapagkakamalan talaga niyang andito si Ian Somerhalder sa Pilipinas.

“Hello, hinahanap ko si Eloisa dito kasi siya nagtratrabaho eh,” sabi nito sa kanya while flashing his perfect white teeth na nakapagpatameme sa kanya

“Uyy! Pinsan!” Sumulpot na sabi ni Blu sa lalaki. Nilapitan ito ng boss niya at niyakap. “Buti naman at nagkaroon ka ng time para makarating sa Café ko. Busy ka kasi sa pagiging doctor e,” sabi pa nito bago siya napansin nitong nakatulala pa rin sa kausap nito. “Ako ng bahala dito, Eloisa, tignan mo na ang ibang mga guest,” sabi pa nito sa kanya.

Dahil na rin san aka-offense na siya ngayong araw ay hindi na siya nagdahilan pa at akmang aalis na siya sa harap nito, nakalimutan rin kasi niya na hinahanap pala siya ng pinsan ng Kuya boss niya. Medyo nadismaya nga siya dahil umeksena pa ang boss niyang gwapo pero fulfilled na rin si Eloisa dahil para kasing nakausap na niya ang kanyang long-time crush na si Ian Somerhalder dahil sa pinsan ni boss Blu.

“Eloisa?” tawag ng Ian Somerhalder look-alike na binata sa kanya. Napakunot-noo tuloy na nagpalipat-lipat ng tingin si Blu sa kanilang dalawa.

“Wait, Patrick, kilala mo si Eloisa?” Tanong nito sa pinsan pero mas nakatingin ang boss niya sa kanya. Umiling naman siya para masagot ang tanong ng boss.

“Naku, Boss. Wala po akong kilalang artista. Sa larawan po kilala ko siya. Hindi niyo naman sinabi na pinsan niyo pala si Ian Somerhalder. Edi sana nakapagpa-autograph ako.” Walang kaabog-abog na sabi nito sa naggwa-gwapuhang lalaki.

Bigla-bigla ay natawa ng malakas si Patrick at hindi napigilan ni Blu na matawa na rin. Hinila siya ng Boss niya at pati na rin ang pinsan papasok sa loob ng opisina nito dahil nakakaagaw pansin kasi ang pagtawa nila. She just let herself got dragged by her boss at pinakatitigan na lang ang dalawang nagtatangkarang binata.

“Boss Kuya, may nasabi po ba akong masama? Promise po hahanapin ko po ang namebadge ko para hindi na po ako magka-fine kahi na nga po alam kong imposible ko ng makita iyon, I will try my best po,” sabi niya pa sa boss niya. Halatang pinipigilan ng Boss niya ang kung anumang emosyon ang nararamdaman nito. “Atsaka boss Kuya, hindi ko po talaga kilala yung pinsan niyong si Ian Somerhalder pero supero crush ko po talaga siya,” dagdag niya ulit na ikinatawa ulit ni Patrick. Hindi na rin napigilan ni Blu ang matawa na ikinataka ni Eloisa.

“Boss Kuya?” Takang tanong niya. Pinipigilan ni Blu ang tawa nito just to explain to her..

“No…no, Eloisa, wala kang kasalanan. Hindi siya si Ian Somerhalder o kung sino mang artista yoon. Pinsan ko siya and his Ian Patrick Galvez. Pinsan ko sa mother side and promise hindi siya Hollywood actor,” pagpapakilala ni Blu sa pinsang si Patrick.

“Naku sorry po, Sir Ian, kamukha niyo kasi talaga yung super idol/crush kong si Ian Somerhalder,” sabi niya habang pulang-pula ang kanyang magkabilang pisngi sa pagkapahiya. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso sa mga mata ng dalawang binata. “…pero Sir Ian, Paano niyo po ako nakilala?” dugtong na tanong niya sa binata na buong-buo parin ang ngisi sa labi nito na lalong nagpapula sa magkabilang pisngi niya.

“Yun din ang gusto kong malaman, Pat. Paano mo nakilala itong si Eloisa?” Takang tanong din ng Boss niya sa pinsan.

“Oh that? I really didn’t know Eloisa in person, couz,” maya-maya ay sabi nito sa kanila bago ito umupo sa pinakamalapit na upuan. “I got bumped by a mysterious lady kaninang umaga and because I was in a hurry too, hindi na ako pumasok sa café mo and went to the hospital dahil na rin ipinatawag ako ni Papa,” mahabang paliwanag nito bago nito inilabas ang namebadge na napulot.

As soon as Makita niya ang namebadge na hawak ng binata ay napatakbong pinuntahan niya ito at hinawakang mabuti ang mga kamay nitong may hawak ng namebadge at napapaluhang tinignan niya si Ian. She’s so thankful dahil hindi na siya mahihirapan pang hanapin ang namebadge niya, wala pa siyang fine. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa binata. “Maraming salamat sa pagkuha ng badge ko, Sir Ian. Malaki po ang utang ng loob ko sa inyo,” sabi niya dito at nginitian ang lalaki.

The guy was caught unguarded kaya naman hindi ito nakapagreact kaagad and was saved by his cousin.

“Ikaw pala ang nakapulot niyan, Pat. It’s a good thing na ikaw ang nakakita and it was lucky for Eloisa dahil balak niyang hanapin ang namebadge niya eh,” sabi ni Blu and smiles. “O siya sige, maiwan ko muna kayo dahil I need to change the till money,” sabi pa nito sa kanilang dalawa. Little did she know na Ian gave Blu a wink para iwan silang dalawa.

Now, it was her and Ian alone in his boss kuya’s office. She was still holding Ian’s hand habang sinusundan ng mga mata niya ang pag-alis ng mabait niyang boss. All of a sudden, naramdaman niya ang kamay nito sa baba niya and made her look at him instead. Ian’s next moved wasn’t expected dahil pagkalingon niya sa binata ay bigla siya nitong hinalikan. Sa lips! No boyfriend since birth ang drama niya dahil never been kiss and never been touch pa siya. She doesn’t know what to do kaya naman napaiyak siya at ginamit niya ang lahat ng lakas niya just to pushed Ian away from her.

Ian laughed at her as he brushed his hands on his hair at pinakatitigan lang siya. “I was just getting the payment for helping you,” sabi pa nito sa kanya.

“Payment?! Bakit halik pa? First kiss ko yun e!” galit na turan niya dito. She was sitting far away from him habang pinupunasan ang luha na naglalandas sa mga pisngi niya. Nasayang ang first kiss niya dahil sa kagagawan ni Ian! Gusto niyang ang first kiss niya ay ibibigay niya sa unang lalaking mamahalin niya.

“My poor innocent, Eloisa, huwag kang mag-alala. Hindi naman sayang ang first kiss mo because I like you, Eloisa. You’re fun!” as soon as he said it ay tumayo na ito and walked towards her. In an instant, nakulong na siya sa matipunong bisig ng binata.

“Fun? Nek-nek mo! Umasa ka magdamag,” sabi niya at itinulak niya ulit papalayo ang binata. She stood up, grabbed her namebadge and put it at tumakbo papalabas ng opisina ng boss niya. Iniwan niya ang baliw na lalaking nanghalik sa kanya. Akala pa naman niya ay matitinong tao ang nasa pamilya ni boss Kuya niya kaya kampante siya sa lalaki iyon pala ay nanakawan lang siya ng halik nito. Gwapo pa man din pero mukhang may sayad. Nasayang ang aking first kiss!



Hindi mapigilan ni Ian ang mapangiti as soon as the door closed loudly sa pag-alis ng napaka-inoccent na babaeng si Eloisa. Hindi rin niya alam kung anong sumapi sa kanya at hinalikan niya ito but he just can’t help but to kiss her. Maraming tao na ang napagkakamalan siyang si Ian Somerhalder pero si Eloisa lang ang nakapagpatawa sa kanya ng ganoon because of her cute innocence.

“What did you do to my employee, Ian Patrick? Namumula ang matang lumabas sa café si Eloisa. Did you do something to her na ikakaiyak niya? Not her nor any of my employees. Ayaw kong may isang babae na paiiyakin mo na naman, Mr. playboy,” sabi ng pinsan niya na pumasok sa loob.

“I cannot help it, couz, she’s just too cute and innocent that I actually needed to tease her a little.” A little? More like a LOT. Medyo napahawak pa nga siya sa labi ng maalala ang tense na tense na malambot na mga labi ng dalaga. “Tell me more about her. I’m interested.”

“You better stop kung hindi ka seryoso and I won’t allow you to make one of the ladies here cry. Nasa pangangalaga ko sila at isa siya sa pinaka-masipag at pinaka-inosente dito sa café and knowing you, Pat, you will make her cry,” sabi nito sa kanya and refuses to tell him everything about the lady.

“C’mon, Blu, I won’t play with her! I just wanted to know her more because I’m curious.”

“Aren’t you stalling? Baka kailangan ka na sa hospital,” pag-iiba nito ng topic.

“I am off, couz, dapat nga ay wala ako dito ngayon at nagpapahinga na lang sa bahay but I needed to help them in the hospital, nag-code red kasi ang isa sa mga hawak kong pasyente,” sabi niya dito at umupo nang maayos. “Now don’t change the topic and tell me all about her.”

Blu just sighed dahil alam nitong mangungulit siya hanggat di nito sinasabi ang gusting malaman. He then started to tell him more about Eloisa. Nalaman niyang breadwinner pala ang ito at may lima pang nakababatang kapatid. Labandera ang nanay at wala ng tatay dahil noong bata pa lang si Eloisa ay iniwan na sila ng ama nito. Hindi na rin ito nakapagtapos ng pag-aaral pero nag-self study ito at nakikisabay gumawa ng assignment ng kapatid na nasa highschool na. Tinuruan naman ni Blu ang dalaga sa english kaya nga tinatawag nito si Blu na Boss kuya.

Because of everything na nalaman niya, imbes na layuan niya ito dahil masyadong hassle ang buhay ng dalaga ay mas lalo pang gusto niyang makilala ito. Somehow, mas ini-admire niya pa ang dalaga dahil kahit na inosente ito ay maaasahan ito sa buhay.



Naglalakad na siya pauwi but she cannot help but to remember what just happened to her earlier. Indeed, crush niya nga talaga si Ian Somerhalder pero alam niyang hanggang crush lang dapat iyon, period. Alam niyang galaxy apart ang layo nila sa isa’t-isa sa estado pa lang at sa pinag-aralan. Kahit na alam niyang may itsura siya dahil kamukha niya ang nanay niya ay alam naman niya ang limitasyon ng pangangarap ng gising.

“Andito na ako, Nay.” sabi niya at pumasok na sa maliit nilang bahay.

“Oh ayan na pala ang hinihintay mo e,” sabi ng nanay niyang si Eliza sa bisita nito. She then search around their little house at nagulat siya sa ‘bisita’ ng ina. Hindi ito bisita kundi bwisita dahil ang nasa sala nila ay walang iba kundi si Ian.

“Ikaw?! Bakit andito siya inay?!” sabi niya at lumapit pa sa harap ng lalaki at dinuro niya pa ito sa mukha. Hinawakan nito ang kamay na malapit sa mukha nito at ibinaba.

“Eloisa naman. I am here to say sorry sa nangyari sa atin kanina,” sabi nito at ngumiti.

“Sorry-sorry ka diyan! Natapos na e, nawala na yung first k—mpphh!” Nahila na kasi siya nito at natakpan na ang bibig.

“Manang Eliza, pwede po bang makausap po muna ng sarilinan si Eloisa?”

“O siya sige mag-usap na kayo at magbati. Kayo talagang mga kabataan,” sabi nito at dumiretso na sa kusina at nagluto.

“I know we started in a wrong foot but I am here to say sorry and I am sincere. Patawarin mo na ako, Eloisa. Kaya nga andito ako para magbigay ng prutas at bulaklak sayo Peace na tayo, please?” sabi nito at hiniwalayan na siya. Itinaas pa nga nito ang mga prutas at bulaklak na dala nito.

Pinakatitigan niyang mabuti ang mga mata nito para malaman kung sinsero talaga ang paghingi nito ng tawad. She then sighed ng malamang sincere talaga ito at ngumiti na dito. “Sige peace na tayo. Iisipin ko na lang na hindi counted ang kiss na iyon dahil nadapa lang ako at nakahalikan ko lang ang sahig,” she said and watch Ian’s reaction. Napatawa ito ng malakas dahil sa sinabi but made a peace sign para sabihing bati na sila officially.

Dahil na rin siguro sa lakas ng tawa ng binata ay napalabas ng kusina ang nanay niya. “Buti naman at bati na kayo. Ian, kumain ka na dito ha?”

“Oo nga, Sir Ian, masarap magluto si nay,” pagbibida pa niya sa luto ng nanay niya. “Dito ka lang muna at tulungan ko na si nay para mas mapabilis ang pagluluto.”

“Hindi na, Eloisa, i-entertain mo na lang si Ian,” yun lang at iniwan na ulit sila ng nanay niya para magluto. Both of them looked at each other and smiles.



ITUTULOY...

No comments: