Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 29, 2013

At Your Service : Miss Matulungin

Copyright © 2010. All Rights Reserved.

═══════════════════════

Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Dati siya hindi but right now ay naniniwala na siya.

═══════════════════════

Keiji was sitting down while holding his cheeks. Mukhang magkakapasa ito dahil sa medyo malakas ang pagkakasapak sa kanya ni Cain. If only he can punch that guy back pero magagalit ang pinsan niya kapag ginawa niya iyon but still he would love to punch back. Now, nanonood siya sa mala-pelikulang drama ng pinsan at ngayong nobyo nang si Cain. Matatawa sana siya kung hindi lang siya nasapak.

Great. Nasabi na lang niya sa isip. His day started hellish already and plus the fact that he got punched at hindi siya pwedeng gumanti dahil isang misunderstanding at magagalit sa kanya ang pinsan. Nawalan ng gas ang sinasakyan niya kanina at kinailangan pang maghanap ng gasolinahan ang driver niya at iwan siya sa gitna ng daan. Itinirik kasi siya ng sasakyan sa lugar kung saan malayo ang siyudad kaya nga medyo natagalan ang pagsundo niya sa pinsan. Kanina pa tumawag ang Uncle niya at may sasabihin daw sa kanila.

“Okay ka lang ba, Sir? Sorry ha at nasaktan ka pa dahil sa misunderstanding nila Cain. Halika muna sa loob at bibigyan kita ng cold compress,” sabi nito at inilahad ang kamay para tulungan siyang makatayo. Well kaya naman niyang tumayo but he just wanted to stay there for a while and continue watching the kadramahan ng pinsan kahit naman kasi nasuntok siya, from the buttom of his heart, he was happy for his cousin.

“Thank..,” sabi niya at napatitig sa mga mata ng dalaga. “...you.” Hindi parin niya maialis ang mga singkit na mata niya na nakatitig sa babae.

“Okay lang yon, Sir. Halika na,” sabi nito at inalalayan pa siyang makapasok. Dire-diretso sila sa staff room ng café. Pinaupo siya nito at lumabas ito para kumuha ng ice pack.

“Ito lang ang nakita ko, Sir, dadalhan sana kita ng cold compress at idikit na lang sa mukha niyo eh,” sabi nito at umupo na rin sa harapan niya at nginitian siya.

“It’s fine as long as merong ice pack. Thank you,” he said and still looking at her beautiful face trying to memories it.

“So pinsan po pala kayo ni Mam Clementine.”

“Yup, first cousin sa father side niya. Kapatid ng ama niya ang ama ko,” sabi niya dito at ngumiti. “Keiji Takehiko Zenon. And you are?”

“Jayne Isabelle Callejo. Ikaw ba yung song writer na si Keiji Zenon?” nagulat na tanong sa kanya ng dalaga. Her eyes was as big as an owl dahil sa pagkagulat and he can see amazement in her eyes. It was cute of her.

“Well, kung meron ka pang kakilalang Zenon sa buhay mo with the name Keiji, then maybe he was the one but I think I an that song writer Keiji Zenon you were talking about,” he smiled gently to her habang hawak hawak pa rin ang ice pack. “So Jayne...do you have a boyfriend?”

“Bakit niyo naman naitanong yan?” tanong nito na medyo napakunot ang noo pero mapapansing namumula ang magkabilang pisngi nito.

“Just answer it, please?” pakikiusap niya. He really wanted to know it dahil kung meron man it means it was really a hellish day for him.

“W-wala,” sabi nito at tumayo na, this time ang buong mukha nito ay pulang pula na. He wanted to pinch her cheeks pero he stopped, he already asked her personal things tapos kukurutin pa niya ang pisngi nito. He doesn’t want her to think that his a pervert. “Ah! Nakalimutan kong magpaalam kay boss,” yun lang at lumakad na ang dalaga papuntang pintuan.

“Glad to hear you are single, Jayne. Is it alright if I start courting you?” Kalmadong tanong niya. Yes, kaya nga niya tinanong kung meron ba o wala itong boyfriend dahil he really wanted to court her. “I don’t know if you will believe me but I think I had fallen in love with you at first sight. It sounded so untrue and silly but I am determine to court you and make you fall in love with me aswell so please be prepared, Jayne,” tumayo na rin siya at lumapit sa babae.

“W-wa…uhmm…ha,” napangiti siya dahil sa nagging speechless si Jayne sa mga sinabi niya. Inilagay niya ang ice pack sa kamay nito at ginawaran niya ng halik sa pisngi.

“That is my thank you kiss for helping me earlier. I will see you later then,” sabi niya at lumabas na ng tuluyan at naiwan ang nakatulala at pulang-pula ang mukhang si Jayne.



Hindi niya inaasahan iyon. Ang tinulungan niya pala ay si Keiji Zenon, ang writer ng favorite songs na naririnig niya sa radio. Yes, super fan siya nito dahil tama sa puso ang lyrics ng kantang sinusulat nito. Hindi niya akalain na pinsan pala ito ni Mam Clementine ang binatang idol. Kung sinusuwerte nga naman siya.

“I had fallen inlove with you at first sight. I am determine to court you and make you fall in love with me.” Huh? Tama ba ang naririnig niya? Napahinto kasi siya sa paglalakad palabas ng dahil sa sinabi ng idol niya.

“W-wa…uhmm…ha,” di niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin or kung ano ang sinasabi niya. Her mind was blank by the sudden confession at sa idol niya pa galing. Napakahaba talaga ng hair niya. All of a sudden, biglang nakaramdam siya ng malamig na bagay sa kamay niya then a light kiss on her cheeks. She looked at him blankly at hindi na niya naintindihan ang iba pa nitong sinabi sa kanya. Pagkalabas na pagkalabas ni Keiji sa pinto ay nanghihinang napaupo siya  sa sahig at tinitigan ang ice pack na ngayon ay nakalapag na rin sa sahig sa harap niya.

Si Jayne ay galing sa pamilyang may kaya. Nakatapos rin siya ng Associate Course na HRM. Matagal na niyang pangarap ang makapagtrabaho at makatulong sa tao. Ayaw niya nga lang ng dugo kaya hindi siya nag-nurse at hindi niya rin naman nila afford ang matrikula. Kahit kailan ay hindi naghangad si Jayne ng labis ngunit ng marinig niya ang isang kanta na tumatak sa isip at puso niya ay nagresearch siya kung sino ang nagsulat niyon. It was Keiji Zenon at dahil doon ay pinangarap niyang makita ang idol pero no luck. Lagi na lang niyang pinapatugtog ang music na gawa nito sa CD player na nabili niya. Medyo tumatalbog na nga iyo dahil sa pagpapaulit niya ng kanta.

Nang matauhan sa pagkabigla ay lumabas na si Jayne at nakita niyang kinakausap ni Keiji si Blu pero hindi rin nagtagal at umalis na ang lalaki. Jayne cannot help but wonder kung ano ang pinag-usapan ng dalawa but she has no right na magtanong. Malay ba niya kung personal iyon. Inabala na lang niya ang sarili niya sa pag-serve at pagpapasaya ng tao. Nakalimutan na rin niya ang kani-kanina lang na confession sa kanya ng idol niya. Nagpupunas na siya ng lamesa at humuhuni ng awiting gusto niya. Gawain na niya iyon pag-uwian na. Malapit na kasi niyang pakinggan ang favorite music niya.

Nagulat na lang siya ng may maglagay ng isang bouquet ng white roses sa lamesang pinupunasan niya. Napatingin tuloy siya sa gilid niya at nagulat siya dahil nakita na naman niya ang idol niya di niya kasi narinig na magpupunta pala ulit ito dito.

“Sir K-keiji para po saan at kanino po yan?” tanong niya pero alam na niya kung para saan at para kanino ang mga bulaklak, she just wanted to hear it from him at talaga namang kinikilig siya ngayon.

“It’s for you at di ko na kailangan pa ng okasyon just to give you flowers diba I promise you that I will make you fall in love with me,” sabi nito at binigyan siya ng nakakatunaw-tuhod na ngiti nito. Nagpasalamat na rin siya at may nakahulog ng kutsara sa sahig upang makuha ang atensiyon niya. Nagmamadali siyang lumapit at kinuha ito.

“Sandali lang po at papalitan ko ito,” sabi niya bago tumungo at ngumiti bago umalis para kumuha ng bagong kutsara, binalikan naman niya ito kaagad. May isa namang guest na tumawag ng pansin niya. Nilapitan niya ito, nag-order ulit ito ng inumin at inilagay na lang iyon sa  order sheet at ibinigay sa bar. Doon naman nag-umpisa si Cain na gawin ang drinks ng customer.

“Jayne, tama na yang pagtulong. Hinihintay ka na ng manliligaw mo,” sabi naman ni Cain at inginuso si Keiji.

“A-ahh. Oo nga pala. Sige. Sign-out lang ako,” sabi niya at tumingin kay Keiji. Narinig iyon ng lalaki at tumungo ito sa kanya. Lumakad na siya papasok ng locker room at doon na nagtanggal ng apron at nagpalit ng damit. Doon na rin siya ng time out at kakaba-kabang lumabas siya.

“Sorry sa paghihintay,” sabi niya ng makita niya itong nakaupo sa harap ng bar at nakikipagkuwentuhan sa BF ng pinsan.

“No worries. May time ako para makilala ng masinsinan si Cain,” sabi niya dito at tumayo na.

“Flowers for you,” sabi nito sa kanya at ibinigay ang white roses.

“Salamat,” tipid na sabi niya pero parang aatakihin na siya sa puso.

“Ihahatid na kita,” sabi nito at inakay na siya nito palabas at diretso sa kotse nito. Naging ganito ang kanilang routine sa pag-uwi niya at dahil doon ay naging mas close sila kaysa dati. Hindi maiwasan ni Jayne ang laging kiligin sa mga simpleng gesture at pagtulong sa kanya ng binata.

Isang araw, niyaya niya munang mamasyal si Keiji bago siya nito ihatid sa bahay nila na agad namang sinang-ayunan ng binata. It was a fun night for both of them at mas nakikita niya kung gaano ka-sweet si Keiji at kamaasikaso sa kanya.

“Maraming salamat sa lahat ha,” sabi niya dito just to be caught unguarded dahil napatingin kaagad siya sa kamay niya na hinahawakan na ni Keiji. She didn’t mind at all, mas okay nga ito sa kanya dahil mas nafe-feel niya na secure siya kapag kasama ito. It’s just that na-tense siya dahil lumakas ang kabog ng dibdib niya.

“You don’t need to say thanks, Jayne, dahil masaya ako sa ginagawa ko and I will keep doing this things just to let you know how sincere I am in courting you. I will make you feel that what I said about loving you is true,” sabi nito at kumuha ng isang bulaklak at inilagay sa tenga niya. It was a white rose. “It really suits you. I mean the white roses,” sabi nito sa kanya at tumitig. Tumitibok tibok tuloy ang kanyang heart ng sobra. Napatitig na rin tuloy siya sa mata nito at kitang kita niya ang sinseredad sa mga mata nito. Luma-lapit na ang mukha ni Keiji sa kanya ay may biglang tricycle ang dumaan.

“Uuyy si Jayne, nagdadalaga na!” sabi ng mga mokong na laging nang-aasar sa kanya pero okay lang sa kanya kasi masaya naman ang mga ito kausap.

Natawa na lang siya dito, thankful na rin at hindi natuloy ang balak ni Keiji. Ewan niya ba pero she’s not ready yet.

“So baby ka pala ng village na ito?” Natatawang sabi ni Keiji. Mukhang amuse na amuse sa nalaman.

“Hindi naman. Alam lang kasi nilang hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya nasabi nilang nagdadalaga na ako.” Natatawang paliwanag niya dito. Lumakad na ulit sila.

“So kung sasagutin mo ako ay ako ang first boyfriend mo? Dapat ako na rin ang last,” sabi nito at ngumiti ng malapad. “Jayne, Susunduin kita bukas ha? May pupuntahan tayo,” sabi nito at huminto na sa gate nila. Bigla naman itong yumuko to give her a kiss on the forehead and cheeks. Nagpaalam na ito at sinundan na lang niya ng tingin ang sasakyan nitong umalis na.

Masaya siya sa mga nangyayari na sa buhay niya. She’s always waiting for her to go out of work dahil alam niyang may naghihintay sa kanyang si Keiji. Pareho parin naman ang nakakapagpasaya sa kanya. Dati ay hindi siya makapaghintay na makauwi dahil papatugtugin niya ang favorite songs na sinulat ni Keiji but now mismong si Keiji na ang nakakapagpasaya sa kanya. She knew that she’s falling in love with her idol. Keiji always makes her feel beautiful and feel loved.


Jayne definitely forgot that it was her birthday today. Natapos na ang shift niya na parang ordinaryong araw lang. Medyo nagulat lang siya na isasara ng Boss Blu nila ang cafe ng maaga.

“Sige Boss, may lakad pa kami ni Keiji e,” sabi niya at pumasok na siya sa locker.

Nagpalit na siya ng damit sa locker. Medyo nagtataka siya kasi siya lang mag-isa.
She just shrugged it off at lumabas na para maghintay kay keiji. Madilim na ang cafe ng makalabas siya ng locker room.

“Hindi na sila nagpalit?” naibilong na lang niya sa sarili. She was about to leave the building at maghintay na lang sa labas kay Keiji when suddenly she heard someone strumming the guitar. Napalingon siya only to be shock and be happy. Nasa stage si Keiji alone and staring at her. Kinilig tuloy siya ng wala  sa oras.

Best thing about tonight’s that we’re not fighting
Could it be that we have been this way before.
I know you don’t think that I am trying……
I know you’re wearing thin down to the core..

 Feel na feel ni Keiji ang pagkanta. Hindi niya alam na naglalakad na siya hanggang sa makarating siya sa harapan ni Keiji. Tuloy-tuloy parin si Keiji sa pagkanta.

But hold your breath
Because tonight will be the night that

I will fall for you

Over again
Don’t make me change my mind
Or I won’t live to see another day
I swear its true
because a girl like you is impossible to find.
You’re impossible to find.

Tinanggal nito ang gitara sa katawan at inilapag sa gilid ng upuan. Tumayo na rin ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay at nakangiting tumingin ito sa kanya. Napangiti na rin siyang tumitig dito. Happiness and contentment can see in each other’s eyes.

“I’ve told you when we saw each other for the first time that I love you at hindi nag-iba iyon hanggang ngayon. Everyday na magkasama tayo ay lalo pang nahuhulog ang loob ko sa iyo. Your kindness, yung pagkamatulungin mo, yung ngiti mo at yung mga banat mong nakakapagpatawa sa akin ng sobra. I love everything in you and I really really love you so much.”

Nakita niyang naglalakad si Blu parating sa kanila na may dalang long stemmed white roses at ibinigay kay Keiji. “You will make me the happiest guy on earth if you say yes to my proposal. Jayne Isabelle Castro, will you be my girlfriend?” Sabi nito at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Jayne can see the uncertainty in his eyes. It was the first time Jayne saw that in Keiji’s eyes. Pano nga naman ba e super confident ang lalaki sa lahat ng bagay. Ngayon lang ata ito naging hindi sigurado sa isang bagay and she’s actually happy about it.

“Well, eto lang naman ang inaabangan ko sa panliligaw mo e. Ang kantahan mo ako.” Pangunang sabi nya dito. Nakita niyang nagliwanag na ang mga mata nito at ngumiti na ang mga mata nito. “Yes. I want you to be mine too,” sabi niya at niyakap na niya ang binata. Gumanti ito ng yakap. Maghahalikan na sana sila ngunit bumukas na ang buong ilaw sa loob ng café. Mga sunod-sunod na putok mula sa firecrackers ang narinig niya at naghihiyawang mga staff members ang naandoon.

“Happy Birthday and Congatulation sayo, Jayne! We are so happy for you!” Sabi ng lahat at yumakap na sa kanya. She cannot believe na nakalimutan niya ang sarili niyang birthday. Natawa tuloy siya sa sarili.

Nagsibigayan na ng gift ang mga empleyado at ibang mga close friends ng kaibigan niya. Kaya pala reserve ang meeting room. Para pala sa kainan ng staff. Inayos nitong lahat ni Keiji at kanyang mga co-worker slash friends.

Nakayakap sa kanya ang boyfriend niya. Nasa isang gilid sila at pinapanood ang nagsasayawan at nagkakasiyahang mga guest. Humarap siya kay keiji at nakita niyang nakatitig pala sa kanya ang binata. Lumapit ang mukha nito at hinalikan siya sa labi.

Hai sa wakas natuloy na rin ang kanilang nabinbing halikan.

“I love you.”

“And I love you more.”


~♥~
Next Story: Miss Inosente

No comments: