Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, March 20, 2015

KALMIA Series - Kiel's Story: Hotelier of Mine (FINALE)

FINALE (CHAPTER 14)



ANG akala niya na magigng ayos na ang lahat once the conference was finish. She said her sorry to Kiel, they seperated for good and the press conference was finish but she was so wrong. The next day ay may mga nagpadala ng mga threats sa kanya and she knew well kung kanino nanggaling ang mga iyon: mga hotel owners na binigyan niya ng hindi kagandahang comment dahil hindi naman talaga maganda ang pakikitungo ng mga ito sa mga guest nila. Kahit na nga ba wala siyang sabihin ay alam niyang sooner or later ay babagsak din ang hotel na iyon.

She thought that she can manage those threats until pati ang mga magulang niya ay naha-harrass na rin. It was too much too handle at nakikita iyon ng mga magulang sa kanya. Wala pa nga siyang time para umiyak ulit dahil sa heartbreak na nararamdaman niya ay ito na ang gagawin ng mga tao sa kanya. She didn’t do anything bad...she was actually just being honest about what she writes. Kaya naman napagpasyahan ng pamilya niya na umalis na siya sa L.A and live in the Philippines for good. Ang mga ito na lang daw ang dadalaw sa kanya. She refuse too many times dahil maaalala niya lang si Kiel at mas mapapalapit pa ang distansya nila sa isa’t-isa. She’s trying to move on dahil alam niyang wala ng mangyayari kaya nga this is the last place na gusto niyang puntahan.

Kaya lang his brother got an accident at hindi pa nila alam kung aksidente nga ba iyon o hindi kaya naman umuwi silang magkapatid sa Pilipinas. Gusto rin naman niyang maging safe ang kapatid niya. Ngayong nasa Pilipinas na siya nagkaroon din siya ng time para iyakan ang naging heartbreak niya.

“Mabuti naman at lumabas na rin ang crying lady ng pamilya,” turan ng tita niya ng lumabas siya sa kwarto niya para kumain. Nauna na ang mga ito sa pagkain dahil wala pa siyang gana kanina at nagpapasalamat naman ang mga ito at hinahayaan lang siyang mag-senti.

“Naku, Aann, kapag nakita ko yung lalaki na iyon ay baka mabanatan ko pa siya”, sabi naman ng Kuya niya kahit pa nga ba may benda pa ito sa kamay at may nakikita pang galos sa mukha nito.

“Naku, Kuya, gusto mo pa bang madagdagan ang galos mo sa katawan? Hindi pa nga magaling yang mga sugat mo naghahanap ka na naman ng sakit ng katawan. I’m okay and I think I won’t ever see him again,” sabi niya na muntik pa siyang pumiyok sa last sentence niya. “Makakain na nga,” sabi na lang niya at ininit ang mga pagkain sa microwave.

“Aann, anak, sa tingin ko kailangan mo ng...ano nga ba iyon? Discartion?” sabi ng tita niya na di niya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Naglabas ito ng plato at kubyertos at iniayos iyon sa hapag-kainan.

Natawa siya bago niya itinama ang tiyahin. “Distraction po, tita.”

“Ayun, Distraction. Wala ka bang natitipuhan sa mga lalaking tambay sa labas?”

“Tita naman! Bakit tambay pa ang inirereto niyo sa akin? Tambay din po ako remember? Wala na po akong trabaho,” sabi niya pa dito.

“Aba, yung sa isang matinong mayaman nga nagkaganyan ka sa tingin ko ang oposit ng ganoong tipo ang dapat mong maging distraction para malayo sa hart-ek.” Matigas na turan ng tita niya sa mga English na salita. “Si Tonio, aba nung unang beses kang makita na pumunta dito, na lab-at-first-sayt siya sa iyo! Gwapo ang lalaking iyon at infairness, macho. Naghahanap na din ng trabaho. Sabi niya kung gusto daw niyang magkaroon ng pag-asa sa iyo ay dapat magsipag na siya,” sabi pa nito na ibinibida si Tonio.

“Pag-iisipan ko po, Tita,” sabi na lang niya dito at inilabas na ang pagkain sa microwave.

“Aann, makipag-date ka lang kahit isang beses lang. Nakilala ko yung Tonio na iyon at mukhang gusto na talagang tumino,” sabi pa ng Kuya niya. “Ayaw kong lagi ka na lang na ngumangawa sa kwarto mo. I just want you to smile again, like you used to do kahit na nga ba andami mong problemang pinagdadaanan,” sabi pa nito.

Tama naman ito, hindi na siya pala-ngiti nung huling pagkikita nila ni Kiel, she’s way too sad to even fake a smile pero alam din niyang hindi na dapat magpatuloy iyon dahil ang nakikita niyang nag-aalala na ang pamilya niya. “Tita, pakisabi kay Tonio na pwede na kaming mag-date pero isang beses lang po,” sabi niya at nakita niyang napangiti ang tita at kuya niya. Tumakbo naman ang tita niya palabas at narinig pa niyang tinawag nito si Tonio.

“Salamat, Aann.”

“Para saan kuya?”

“I know na ginagawa mo ito para di na kami mag-alala pa sa iyo.”

“Hindi mo kailangan mag-thank you, Kuya. Pagod na rin ako ngumawa eh. Sakit sa golden vocal chords ko. Di pa bagay sa kagandah-ANN ko!” pagbibiro niya dito na mas lalong ikinangiti ng kuya niya at naramdaman na lang niyang ginugulo na nito ang buhok niya like he used to do when they were still living in the Philippines, all of them.



TINIGNAN niya ulit ang sarili sa salamin. She’s a pink Sunday dress that she bought before going to L.A. She actually wanted to wear it on her first date with Kiel pero dahil alam niyang imposible na na magkita sila ay isinuot na rin nito iyon. Art helped her picked up some dresses too at alam niyang magagalit ito if ever malaman nitong binuburo niya ang mga damit na ibinigay sa kanya. Naglagay siya ng pearl earrings para bagayan ang damit na iyon. She wanted to give justice to the dress para na rin kay Art.

Once done, naglagay siya ng powder at lipstick. Sakto namang kumatok ang tita niya. “Anak, andito na si Tonio,” sabi nito at napangiti ng makitang maganda ang ayos niya. “Mas bagay sa iyo ang ganito. Hindi yung laging namumugto ang mga mata mo,” sabi pa nito at kinuha sa ibabaw ng kabinet ang hairpin na may pearl na design.

“Salamat sa compliment, tita”, sabi niya at niyakap ito. “Sabay na po tayong bumaba. Tapos na rin naman ako eh,” sabi nito sa kanya. Mag-a-alas tres na ng hapon at iyon ang oras ng date nila. Gusto daw kasing pumunta ni Tonio sa Trinoma dahil sawa na daw ito sa kapitbahay nilag SM Fairview. Kailangan nilang lumarga bago pa magsikip ang traffic at makaabot sa sineng gusto niyang panoorin.

Nakita niyang napatayo sa kinauupuan nito si Tonio ng makita siya nitong pababa. Hindi naman nagsinungaling ang tiyahin niya dahil may itsura nga ito. Hindi na nailayo ni Tonio ang tingin sa kanya at napangiti siya. Namiss niyang titigan siya ng ganyan ng ibang lalaki katulad ng bago pa niya makilala si Kiel. Nung nakilala kasi niya ito, wala siyang nakikitang ibang lalaki kundi ito.

Ano ka ba Aann? Akala ko ba move on? Bakit inaalala mo pa si Kiel?

Eh siya kasi ang mahal niya. Niloloko na naman niya ang sarili niya.

Exactly!

Hindi niya alam kung may kakampi pa ba siya sa dalawang bahagi ng isip niya. She just sighed at ngumiti sa binata.

“Pasensiya na at medyo natagalan ha?”

“H-hindi naman matagal,” he said and cleared his throat. “Ang ibig kong sabihin ay medyo napaaga lang ako. Hindi pa nga alas-tres eh,” sabi nito at nakita niyang namulag ang mga tenga nito.

“Mabuti naman kung ganoon. Halika na?” sabi niya at mabilis pa sa alas-kwatrong nakarating ito sa tabi niya. Bago sila umalis ay magalang na nagpaalam ito sa tiyahin at kapatid niya. Nakikita niyang mabait na lalaki si Tonio at hindi ito bad choice.

Tawanan at kwentuhan ang ginawa nila bago sila makarating ng Trinoma. Hindi niya akalain na kahit na nga weekdays ay marami pa ring tao doon dahil na rin siguro uwian na ng mga estudyante at ibang mga trabahante. Minabuti na nilang dumiretso sa sinehan at bumili na lang ng popcorn para may kukukutin sa loob ng sinehan. Starting Over Again ang napili niyang panoorin dahil deep inside, she wanted to start over again...with Kiel kung bibigyan lang ulit siya ng pagkakataon. Alam niyang unfair ito kay Tonio pero alam din naman ng mga kapamilya niya na hindi natuturuan ang puso.

Tawa siya ng tawa at minsan ay umiiyak kapag nakakalungkot ang mga eksena. Talagang damang-dama niya ang mga eksena dahil parang nakikita niya ang sarili niya Kay Toni Gonzaga ang pagkakaiba lang nila, wala sa tabi niya ngayon si Kiel.

Matapos ang panonood ng pelikula ay kumain na muna sila sa Shakeys. Katulad ng ginawa nila sa biyahe ay mahabang pagkukwentuhan na naman ang ginawa nila hanggang sa magpasya silang umuwi na dahil na rin sa masyado ng late at malapit na ang curfew na ibinigay ng kuya niya kay Tonio.

Inihatid pa siya ni Tonio sa tapat ng bahay nila. It was nice of him pero hindi na rin naman niya pwedeng paasahin pa ito. She knew she can’t love him like Kiel.
“Salamat sa araw na ito, Tonio. I realy enjoyed it a lot!” sabi niya dito ng buksan niya ang gate at harapin ito.

“Ako man, nag-enjoy din naman ako sa date natin. Actually, gusto ko nga sanang yayain ka ulit sa isang date eh,” sabi pa nito.

Malungkot na napangiti siya dito. “I’m sorry Tonio, pero ayaw na kitang paasahin pa. I am in love with someone already kaya lang nag-break na kami  at gusto ng pamilya ko na magkaroon ng distraction dahil iyak na daw ako ng iyak. Pasensya na kung ikaw ang napili ko bilang distraction. Mabuti kang tao and you deserve someone better. Yung babaeng mas mamahalin ka,” sabi niya. Nakita niyang lumungkot ang mga mata nito at nawala ang ningning ng mga mata nito. “...but we can still be friends. Actually, I want to be friends, Tonio, kung okay lang sa iyo?”

Nakita niyang nabuhay muli ang sayang nakita niya sa mga mata nito at tumungo sa kanya. “Alam ko namang distraction lang ako at alam ko rin na hanggang unang date lang ito. Sinabi sa akin ng klaro ng tita mo kaya lang nagbaka-sakali pa rin ako. Gusto kong mapalapit sa iyo at kung ang pagiging magkaibigan ang magiging daan para magkalapit tayo, edi gusto ko ring maging kaibigan ka,” sabi pa nito. She can’t help but to smile widely and hug the guy. She hoped and prayed na sana makita na nito ang babaeng magmamahal ng totoo dito at hindi lang para makadistract ito.

“Aann,” natigilan siya ng marinig ang pamilyar na boses ng taong pinaka-gusto niyang makita simula ng dumating silang magkapatid sa Pilipinas.

Napalayo siya bigla kay Tonio ng makitang nakatayo si Kiel sa tapat ng bahay nila. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ito papunta sa kanya. Napakunot-noong pinuntahan niya ito.

“Kiel? Bakit ka andito? Bakit pawis na pawis ka?”

“Ahh...Aann, aalis na ako. Kita na lang ulit tayo bukas?” sabi naman ni Tonio. Wala na talaga siyang masabi sa lakas ng distraction ni Kiel sa kanya. Nakalimutan na nga niya agad si Tonio ng makita niya ito. Nahihiyang tumingin siya dito at tumungo.

“Sige, kita na lang tayo bukas. Mag-meryenda tayo,” sabi pa niya bago siya kumaway dito. Sinundan muna niya ng tingin ang papalayong bulto ni Tonio bago niya tignan ulit si Kiel. “At bakit di mo pa sinasagot ang tanong ko?”

“Well, you were talking to that bastard,” sabi nito na mapariringan mong parang nagseselos ito.

“Hindi bastard si Tonio. He’s a very nice guy,” sabi pa niya dito which is totoo naman. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nagiging takbo ng usapan nila pero alam niyang ito na ang sagot sa hiniling niyang second chance.

“At pinagtatanggol mo pa,” sabi nito na hindi maitatago ang iritasyon sa mukha nito.

“Pwede ba, Kiel, sagutin mo na lang ang tinatanong ko,” may ultimatum sa pagsasalita niya. She knew she’s tired from all the travelling going to Trinoma back home pero hindi lang naman pagod ang nararamdaman niya dahil napakalakas na naman ng tibok ng puso niya. Naiinis siya dahil nabubuhayan siya ng pag-asa pero mukhang hindi naman ang pagbabalikan nila ang gusto nitong pag-usapan. Natahimik ito sandali bago ito nagsalitang muli.

“Am I already too late, Aann?
“Oo, late na late ka na. Anong oras na ba? Mag-a-alas dose na ng madaling araw at pagod pa ako sa date namin ni Tonio so just speak up, Kiel. Bakit ka ba andito at bakit parang tumakbo ka pa? Ang alam ko marami kang sasakyan.”

“Everybody was celebrating because Kizza and Aaron was now in a relationship and I had a few drinks so I took a taxi from Evergreen to here. Nakalimutan ko ang exact location so I decided to look for it pero nasa kabilang phase pala ako nakapunta and ran all the way from here. May humabol pa nga sa aking aso buti na lang at napatigil ito ng amo nito,” sagot nito sa isang tanong niya. Gusto na sana niyang matawa at maawa sa nangyari dito but she just looked at him seriously.

“Why did you have to do all that, Kiel?”

“Because I am still crazy in love with you, Aann.”

There he said it! Mahal pa din siya nito at hindi lang mahal! Dahil crazy in love daw ito sa kanya! Oh yeah! Haba ng hair ko!

“I know I was such a jerk when I didn’t listen to everything you said back in L.A. I was really hurt that time. Hindi ko kasi matanggap na nagsinungaling ka sa akin...na sa pangalawang pagkakataon ay nagsinungaling ang taong pinakamamahal ko. What was worst was you are my true love. Mas masakit ang naramdaman ko ngayon kaysa noon sa ex ko. Hindi ko naalala ang mga nakita ko sa mga mata mo. Yung pagmamahal na sa akin lang naka-sentro,” sabi nito at humakbang palapit sa kanya. She watched him as he moved his hand to wipe her tears away. Hindi niya namalayan na umiiyak na naman siya but she knew this time na tears of joys ito.

“Kung hindi pa ako sinigawan ng bunso sa kababata ko ay di pa ako matatauhan. Iniumpog din ako ng lahat ng babae doon sa Evergreen. They told me I was a jerk for leaving you behind and giving up on loving you,” mukhang may naalala ito dahil napangiti ito sa kanya. “Even the quiet Maurice scolded me for being a stupid idiot,” sabi pa nito and laughed a little.

“Hindi ko alam kung kelan nagsimula at naging baliw na baliw ako sa pagmamahal sa iyo, it might be the first time we met or the first time you smiled at me. I guess I was an easy target for you dahil nakuha mo ang puso ko na akala ko ay matagal ng patay dahil sa ginawa sa akin ng Ex ko but you proved it wrong. Because,” sabi nito at kinuha ang kanang kamay niya at inilapat iyon sa dibdib nito. “my hearts been beating this fast since that day. Mabilis iyan hindi dahil sa tumakbo ako ng ilang oras, maybe kasama na iyon sa dahilan but this is the first time na tumakbo ako ng ganito para lang puntahan ka and I still get this fast beating heart.”

“Wooo, bolero,” sabi niya pero nakangiti na siya dito. She can’t even clearly see him dahil na rin sa kadiliman ng paligid at sa mga luha niya. Kahit na nga ba hindi pa rin tumitigil ang isang kamay nito na tanggalin ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.

“I am a very serious person, Aann, and you know that. Kaya nga kailangan ko ng isang katulad mo...na magpapasaya sa boring at masyadong serious na mundo ko,” sabi nito and hinalikan nito ang mga mata niyang di matigil sa pag-iyak, “Iyon ay kung hindi pa ako huli,” sabi nito.

“Hinihintay lang kitang puntahan ako! Paano kita papalitan kung baliw na baliw din ako sa pagmamahal sa iyo. Mind you, ikaw lang ang sineduce ko to get your attention and I never flirted first pero kapag ikaw na ang kaharap ko nagiging isang napakalaking flirt ko so paanong mahuhuli ka? I love you so much, Kiel, na namumugto ang mga mata ko gabi gabi sa pag-aakalang wala na tayong second chance! Sira-ulo ka! Yung kagandahANN ko nabawasan ng dahil sa pag-iyak ko sa iyo!”

“You didn’t need to seduce me to get my attention dahil nung naglalakad ka pa lang papasok ng restaurant ay nakuha mo na agad ang attention ko and I love the way you flirted at me. It boost my manly ego and you made me feel like I was the most handsome man on earth,” sabi nito and sweetly embraced her. “I love you, Aann, and I promised that this will be the last time you will cry because of me. I will make you the happiest lady on earth as long as you won’t do this again,” sabi nito sa kanya.

“Anong 'won’t do this again'?” napakunot-noong turan niya dito.

“Dating somebody elses except me. I am a very jealous mam, Aann, and my heart couldn’t take it when I thought I was too late and that I had lost you forever.”

“You never lost me, Kiel, kasi ikaw lang naman ang minahal ng pihikang puso ko,” sabi niya dito.

“I needed proof, Aann.”

“Then kiss me already! Ang kupa—hmmm,” sabi na lang niya at ikinawit na ang mga kamay sa leeg nito. It was one of the sweetest kisses she had ever tasted. The way he kissed her made her felt so much love. She knew she found the right man and that it will be her forever. Magrereklamo nga dapat siya ng putulin nito ang paghahalikan nila pero di siya nito binigyan ng pagkakataon.

“Actually, when I went to L.A. I was actually going to propose to you. I knew it was too quick pero nung mawala ka sa paningin ko the first time , I thought, I don’t want to lose you forever kaya nga I was so mad that you lied to me but that was all in the past,” sabi nito and gave her a quick kiss on the lips. “Now, I wanted to ask you if you would like to be my wife and to be with me forever? By the way, I won’t take a ‘No’ for an answer,” sabi pa nito and gave her another quick kiss but this time it was a little bit longer.

“Ano pa nga ba nag pwede kong isagot? Oo na. No choice eh,” pagbibiro niya dito na ikinakunot ng noo nito.

“I didn’t like your answer, Aann,” sabi nito in a very serious way.

“Silly,” sabi niya and this time kissed Kiel deeply. Di naman nagtagal at hinalikan din siya nito pabalik. Kissed her the same amount of love she put on that kiss. Humihingal silang dalawa bago niya hinalikan ito sa ilon. “I love you, Kiel, and I want to be your wife and to be with you forever.”


“Much better,” sabi nito and gave her another breathtaking kiss.




THE END

No comments: