Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, March 20, 2015

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 13)

CHAPTER 13:


“I’ll handle this, Aann,” sabi naman ni Sam. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang bestfriend-cum-secretary niya. She nodded at tumakbo na siya palabas ng conference room. Nagtataka man ang mga reporter ay wala nang nagawa ang mga ito dahil nagsalita na si Sam.

“Due to personal reasons, Louise Margaret needed to go but I am sure I can answer all your questions as I am Samantha Cruz, Louise Margaret’s secretary. We can now proceed to question and answer,” narinig pa nitong sabi. She was really thankful na andoon ang kaibigan niya para ipagpatuloy ang hindi na niya kayang ituloy. As soon as she went out of the conference hall sa mall na pinagdarausan ng Press conference niya ay iginala na kaagad niya ang tingin niya sa paligid.

Ngayon nagsisisi siya kung bakit sa malaking Mall pa siya nagpa-press conference pero mabuti na rin at alam ng puso niya kung saan makikita si Kiel. She run towards him as fast as she can pero halatang nagmamadaling umalis ang binata kaya nahirapan siyang habulin ito kaya naman minabuti niyang tawagin na lang ito.

“Kiel Andrew Cristobal! Kiel!” sabi niya at nakita niyang napahinto ito pero saglit lang iyon at nagpatuloy ulit umalis. Ni hindi nga ito lumingon sa kanya kaya naman she desperately called him again while running. “Kiel, please! Talk to me! Shout at me! Kahit ano basta huwag mo lang akong dedmahin...please!” sabi niya and to her surprise he stopped and walked towards her. Napangiti siya at akmang yayakapin ito ng bigla siya nitong hilain sa fire exit kung saan walang masyadong tao. As soon as they arrived at the fire exit ay lumayo ito sa kanya at tumalikod.

“What do you want?” malamig na tanong nito sa kanya. “Ano pa ba ang gusto mong sabihin sa akin? Na ang tanga-tanga ko dahil nagpauto ako sa iyo at ni hindi ko man lang naisip na ikaw at si Louise Margaret ay iisa?”

“I’m sorry, Kiel, it’s just that I don’t know how to tell you that I am Louise Margaret,” hinging paumanhin niya at humakbang siya palapit dito. She lifted her hand and was about to touch Kiel ng lumingon ito. Natigil siya sa tangkang paghawak dito and backed away hindi dahil sa natakot siya dito para sa safety niya kundi natatakot siyang baka kapag hinawakan niya ito ay mas madagdagan ang sakit na nakikita niya sa mga mata nito.

“Ilang araw tayong magkasama, Aann? Isang buwang at kalahati iyon! How can you tell me that you don’t know how to freaking tell me that you are Louise Margaret? Pinagtatawanan mo ba ako nung nagmakaawa ako sa iyong huwag sabihin kay Louise Margaret ang mga nangyari sa iyo sa Hotel namin?” sabi nito. Sa sobrang dami ng nararamdaman nito ay marahas na lang nitong inihilamos ang kamay sa mukha nito. “I begged you because you know how important Louise Margaret to me! You lied to me and laughed at me sa sarili ko pang tahanan! Iniharap kita sa mga magulang at kapatid ko at pati na rin sa mga kababata ko! I was so happy telling them about you when all you did was laugh at me behind my back!” sabi nito at hindi na nito napigilan ang suntukin ang pader.

She just cried silently watching him. Natatakot kasi siyang dagdagan pa ang hinanakit ni Kiel. Umiling-iling siya at dahan-dahang nilapitan ito. She needed to stop making him suffer. “I never laughed at you, Kiel, iyon ang totoo. I may have been Louise Margaret but I am still Aann. Yung Aann na nakilala mo. Louise Margaret’s not even a real human being. It was just my nickname sa trabahong ito dahil alam kong papasok ako sa napakadelikadong propesyon. I will be hated by powerful and rich people if ever I said something bad about their business but I want to be an honest journalist,” pagpapaliwanag niya.

“I was really mad sa mga nangyari sa akin and my emotion was too much that time nung naisulat ko ang nailathala ngayon ng dating kompanyang pinapasukan ko.Ni hindi ko nga iyon ipinasa sa Editor ko. I just gave it to my secretary and told her to keep it incase hindi magbado ang hotel ng pamilya mo,” she continued as she slowly step next to him. “Kiel, hanga ako sa iyo dahil pinakinggan mo ako as Aann na hindi Hotel Critique but just a mere pain-in-the-ass guest in your hotel. That time, I thought maybe may pag-asa pa ang hotel nito. Maybe it was my gut feeling na huwag ipasa sa Editor ko ang mga isinulat ko out of my emotions. At sa hinaba ng panahong magkasama tayo sa iisang bubong, you being as a gentle and loving Kiel...hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin kita na dahil sa nalulunod ako sa kaligayahan I forgot to tell Sam to delete what I wrote about you.”

“Mahal na mahal kita kaya nga lumayo ako para ayusin ang gulo na ako rin naman ang nagsimula. I came to my old work place and gave them my resignation and resigned as Louise Margaret for good. I did this press conference to tell them that that piece of work under my name wasn’t supposed to be out. Ninakaw ng editor ko ang article ko about you. I was on vacation, Kiel! Dapat wala akong article na lumabas until I said so at dapat hindi na inilabas pa ang article ko about you,” sabi niya and took Kiel’s hand. Nararamdaman niyang nanginginig pa ito sa sobrang emosyon. Ininspeksyon niya ang sugat na nanggaling sa pagsuntok nito sa pader. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya and tied it in his knuckles.

“Sa hinaba-haba ng sinabi ko...all I wanted to say is I am sorry, Kiel, because I lied to you about being Louise Margaret,” mahinahon na niyang turan. She was still holding onto Kiel’s hands hanggang sa ilayo nito iyon.

“Since gagawin mo ang lahat para malinis ang pangalan ng JAC Hotel, then I should go. Thank you, Miss Louise Margaret. Once again, you saved my Hotel but I can’t do anything to repay your kindness so I should just go,” idiniin pa nito ang isang salita na mas nakapagdagdag ng sakit sa puso niya. The way he talked to her was way too formal na akala mo ay wala silang naging relasyon, na estranghero lang sila para sa isa’t-isa.

Ginawa niya ang lahat para itama ang pagkakamali niya at expected na niya na ganito ang kalalabasan ng relasyon nila pero ang maranasan iyon and hindi niya napaghandaan. Mas masakit pa pala ito kaysa sa pagiisip lang na wala na talagang pag-asa ang pagmamahalan nila. Pinanood na lang niya ang papalayong bulto ni Kiel hanggang sa lumabas na rin siya at bumalik sa conference room.



“THANK God, natapos na rin ang ka-artehan nitong si Aaron at si Kizza. Nangingilo na kasi ako sa ka-cheesy-han ni Aaron eh. Hindi bagay talaga,” nakakalokong kantiyaw ni Vicky sa ngayon ay magkasintahan nang sila Kizza at Aaron.

He slightly smiled at them dahil na rin sa kalokohan nila. It’s been three months since the last time he saw her in Beverly Center and he never heard of anything about her either. Mas gusto na niya ang ganoon dahil hanggang sa ngayon ay hindi niya inakalang makakapagsinungaling si Aann sa kanya. She was too precious for him that it hurts a lot when he knew that she lied about Louise Margaret.

“Hey! All fair in Love and war! Walang pakialamanan kung naging cheesy man ako or hindi. Inggit lang kayo dahil kayo hindi pa naiinlove! Buti pa kami ni Kiel alam ang true lo—Aray! Bakit mo na naman ako binatukan Art?” naasar na turan ni Aaron sa half-sister nito.

“Just go back on being a pathetic love sick guy than spouting insensible words. Hindi ko talaga alam kung paanong naging magkadugo tayo,” sabi pa nito at hindi pa nakuntento ng batukan nito si Aaron dahil piningot pa nito ito.

“Kizza babes, si Art sinasaktan na naman ako,” paglalambing na turan ni Aaron sa kasintahan.

“I’m okay, Art, masaya ang kapatid mo so let him be,” sabi naman niya at itinaas pa ang bote ng beer na iniinom niya, telling them to havea good night.

“Pero seriously, Kuya Kiel, I think you should talk to her again,” sabi naman ni Ericka.

“And I think, Ericka, you should just shut up and drink your beer,” sabi naman ni Noel at ipinasa dito ang kalalapag lang na beer bottle ni Ericka.

“Pwede ba, Noel, hindi na ako bata so don’t treat me like I am a foolish child spouting nonsense. I know what I am saying. Kayo nga ang hindi ko maintindihan eh, alam niyo naman na mahal ni Aann si Kuya Kiel and vice versa and yet you just said nothing and even healed his wounded ego,” asar na turan ni Ericka at ngayon lang niya nakitang naasar ito ng ganoon. Siguro nga ay napuno na ito sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

“Nasaktan ako dahil nagsinungaling siya sa akin, Ericka. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko matanggap na nagsinungaling siya sa akin. Of all people, siya pa ang nagsinungaling sa akin. I’m sick and tired of people lying to me,” sabi niya in a cold way. Kapag kasi napag-uusapan nila, verbally, si Aann ay nawawala ang composure niya.

“At nasaktan din siya. Ikaw dapat ang nakakaalam sa aming lahat kung totoo ba ang damdaming nararamdaman mo sa kanya. Sa mata pa lang niya makikita mo na kung nasasaktan siya or masaya diba? Even I saw it in her that she was sincere with her feelings for you. Ikaw pa naman ang tinitingala ko pagdating sa good decisions in life pero dito ako na-disappoint sa iyo,” sabi nito at hinablot ang beer sa kamay ni Noel at inisang tunggaan ito. As soon as she was finished tumayo na ito dala ang bag nito at pinuntahan si Kizza. “Congratulations sa inyong dalawa dahil nagkaintindihan at nagkapatawaran kayo. May you live happily together and forever. Aalis na ako, nawala na ang good mood ko,” sabi pa nito at walang lingon-likod na umalis.

All of them was speechless for a while until Art said something.

“Alam mo, siya ang pinakabata pero siya ang pinakamatapang sa ating lahat dito. She’s right Kiel. I liked her because she was so sincere about her feelings for you. I saw it and believe me as one of your most trusted and full of sense friend at babae din ako. I know how she felt back then.”

“We never listened to Ericka when she thought that it was strange how Aann can be so good at checking the details that a normal guest wouldn’t think off. She was right na hindi na siya bata and that we should take her seriously,” sabi naman ni Noel at tumayo na rin. “I’ll just go and fetch her. She’s a bit drunk kaya masyado siyang emotional,” sabi pa nito at hinabol na si Ericka sa labas.

“Alam mo kahit baliw-baliwan akong doctor, kung pagbabasehan sa ikinikilos ng tao, I think she does really love you and you are one heck of a stupid jerk kapag hinayaan mong mawala siya kahit na nga ba nagmakaawa siyang huwag mo siyang iwan,” sabi naman ni Autumn.

“She didn’t tell me that. She told me she was sorry,” sabi niya. Pero deep inside he knew he was wrong. Na dapat ay pinatawad na niya ang dalaga noon pa. Eh di sana masaya na rin siya katulad ni Aaron.

“She told you she was sorry because she doesn’t want you to leave her pero you did,” sabi ni Maurice. “I would do the same, Kiel, I would tell you the truth and say sorry kung ako nasakalagayan niya.”

Natahimik na siya. It seems na for the first time, ito ang pinakamaling desisyon na nagawa niya sa buhay niya. He needed Aann and he was a fool for letting go of that perfect woman.

“Matagal na panahon na ang lumipas at di ko rin alam kung nasaan na siya ngayon. I don’t know what to do next kahit na nga ba alam ko na na dapat ko siyang puntahan,” sabi niya helplessly.

“Actually, we knew where she was,” sabi naman ni Isaac. “Maurice told us that she’s back in the country two weeks ago. Hindi lang namin sinasabi sa iyo dahil alam naming may galit ka pa sa puso mo. We wanted you to realize that you have a fault too pero masyado na yatang nainip si Ericka and just blurted everything out.”

“How did you know Maurice?” Bumangon ang pag-asa niya na magkikita pa sila ni Aann at hindi na siya makapaghintay na makita ulit ang dalaga.

“I saw her personally in our airport. I was doing some random rounds and saw her. Sabi niya she went back because she was having threats. Pinauwi na siya ng mga magulang niya dito. She also said na she’s gonna stay with her Aunty,” sabi nito. Tumayo na siya at patakbong kumuha ng taxi. So she’s in Quezon City.


Aann, you just wait for me! I’ll do anything to protect you!



TO BE CONTINUED...

No comments: