Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 13, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 5: The Hiring


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Good Morning, guys.” Maganang bati ni Chloe sa mga empleyado nito sa maliit na business nitong HC.
“Mam. Meron pong naghihintay na babae sa opisina niyo po.” Sabi ni Krissy. “Andami na rin pong sumasali sa HC, Mam! Meron pong galing kila Boss James at Boss Ezekiel.” Sabi pa ng sekretarya niya.
“Ok. Pupuntahan ko na.” Sabi ni Chloe na medyo nabulunan dahil sa pangalan na binanggit ng sekretarya niya buti na lang at wala siyang iniinom. “Good news lahat ng binanggit mo. I’m liking this day.” Sabi pa ni Chloe sa sekretarya.
“Sige. Bumalik ka na sa puwesto mo at marami tayong gagawing match.” Sabi ni Chloe at dumeretso na sa opisina nito. Pagkabukas ng pintuan ni Chloe ay hindi niya nakilala ang babaeng nakatalikod sa kanya.
“I’m sorry kung late ang dating ko. Well, what can I do for you Ms.?” Sabi ni Chloe at lumapit na agad sa lamesa niya at naupo na.
“Chloe! It’s me, Heather!” sabi ng babaeng tumayo na at  niyakap si Chloe.
“Oh my God! Heather?! Ikaw na ba yan? Gumaganda at sumesexy ka ahh. Mukhang sucessful ka na.” Sabi ni Chloe na gumanti ng yakap sa kaibigan nila ni KC. Chloe and Heather are friends when they were in Highschool and College.
“Sus. Eto bolero pa rin. Ganito pa rin naman ako noon ahh. Mas naging losyang na nga lang.” Sabi ni Heather na tumawa tawa pa. “Mukhang sucessful lang. Tapos na kasi ang contract ko sa isang private school. Hindi ko na rin pinapaextend pa. Ngayon jobless na ako.” Sabi nito at nalungkot.
“I thought you like teaching? Kaya nga hindi mo pinursue ang Business Management mo diba?” Takang tanong ni Chloe sa kaibigan.
“Nalaman ni tay na teacher ang propesyon ko. So I am looking for a job. Meron ka bang kilalang naghire ngayon?” Sabi ni Heather at tumingin kay Chloe na nagmamakaawa ang mga mata nito.
“Wait. I’ll try to think. Tawagan ko na rin si Sis at ang asawa nito.” Sabi ni Chloe at nag-simula ng magdial.
“Kinasal na si KC? Kanino?” Gulat na tanong ni Heather dito. Wala nga itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanila. Nawala na rin kasi sila ng komunikasyon ng kaibigan.
“Yes. And you have to guess who she married. Her long time crush!” Sabi ni Chloe at na bakas parin ang saya para sa pinsan.
“Long time crush? Yung laging nasa magazine nung College tayo? Yung mga batang business man? Sino nga ba yun?” Sabi ni Heather na hindi masyadong  mahilig sa mga magazine. Medyo naimpluwensiyahan niya lang ito nung college days.
“Si Mr. James Cristobal.” Sabi ni Chloe at naiikot tuloy ang mata sa pagka-clueless ng kaibigan. “Sis. Nandito si Heather. Yup. Yung Heather na kaibigan natin nung college. Naghahanap ng trabaho.” Sabi ni Chloe pero nakatitig kay Heather at si Heather ay nakatitig sa kanya.
 “Teacher siya. Filipino at English. Pwede rin siyang translator.” Sabi ni Chloe sa pinsan. “Really? Okay. Give me his number. Yup. Thanks James at Sis.” Sabi ni Chloe at ibinaba na ang telepono.
“Well. I guess your in luck. Merong gustong humanap ng translator.. este. Teacher para matutong magsalita ng tagalog. Here’s the number. That’s Mr. McConnel. Kaibigan ni James at hindi pa rin marunong magtagalog. His half filipino, Half Brittish. Wala daw kasing oras para humanap ng taong magtuturo sa kanya. So Sean asked his friends na maghanap for him at sakto ka naman.” Sabi ni Chloe dito sa kaibigan.
“Maraming salamat sa inyo.” Sabi ni Heather na medyo naluluha pero kinuha na rin ang numero ni Sean McConnel. “I better go. Medyo naabala na yata kita.” Sabi ni Heather at tumayo ulit at niyakap ang kaibigan. “Salamat talaga sa tulong. Now, I can be at a decent job at nakakpagturo rin ako at the same time.” Sabi ni Heather dito.
“No worries, Heat. Nandito lang kami for you. You can visit me anytime soon.” Sabi nito at tumayo na rin at niyakap sa kaibigan. “Well, if your still lonely about your love life. Eto ang card ko. At bibigyan na rin kita ng form. I will help you to find your partner in life.” Sabi ni Chloe na kinindatan pa ang kaibigan.
“S-sige. P-pero.. I am happy with being single pa e.” Sabi ni Heather na medyo may pagkamanang ito. “But I will take the form. Tutulungan kita because tinulungan mo ako.” Sabi pa nito saka lumabas na ng tuluyan.
“Ingat ka ha!” sabi pa ni Chloe at kumaway habang papaalis na palabas ang dalaga. The next few hours became very busy with the whole staff of HC. Matagal kasing hindi nakapagtrabaho ng maayos si Chloe because of the Wedding of KC. Nag-match na siya ng mga possible partners sa pagbabasa ng form ng isa’t-isa. Medyo sumasakit na ang ulo at mata ni Chloe sa pagbabasa at kailangan ng magpahinga pero masyadong maraming trabaho so back to work ulit siya at mukhang mag-over time.

Nakalimutan na ni Chloe ang lunch nito at merienda. Lagi siyang niyayaya ng mga katrabaho pero pass siya. For a boss, kailangan niyang magawa lahat ang nabinbing trabaho niya for 2 months. Wala na rin si KC dahil balik trabaho ito bilang sekretarya ng asawa. Kailangan na rin sigurong maghanap ng co-partner ko.
Biglang may pumasok sa opisina niya. Ang akala niya ay si Krissy lang kaya hindi na nag-angat pa ng tingin si Chloe.
“Kung tapos na kayo. It’s fine kung umalis na kayo. I will stay here until later. Kailangan ko pa kasing tapusin ito. Tatawagan ko na lang si Nay para hindi na rin sila mag-alala. Krissy baka magalit pa ang boyfriend mo sa akin. Mabugbog pa ako.” Sabi pa ni Chloe na napapangiti sa joke niya.
Biglang may nagpatong ng isang cup of coffee sa harap niya. “Salamat. I really need this.” Sabi ni Chloe at tumingin na sa nagbigay ng kape.
“Sana okay lang yung timpla ko. First time ko yan e.” Sabi pa ni Ezekiel na medyo nahihiyang ngumiti.
Sa pagkagulat ay hindi nakaimik si Chloe at ang mga labi nito,.
Lumapit at yumuko si Ezekiel sa tapat ni Chloe at sabay nakaw ng halik sa bibig ng dalaga. “I am not a ghost. You don’t need to be that surprised.” Sabi nito at ngumiti na ng maayos.
Doon lang nagising si Chloe sa pagkagulat. “What are you doing here?” Sabi ni Chloe at hinigop na ang kape. Chloe loves her coffee black with two cubes of sugar and the coffee was just perfect. Napatingin si Chloe kay Ezekiel with amazement.
“Sigurado ka bang hindi mo tinanong si Krissy sa timpla ng kape ko?” Tanong ni Chloe pero nakataas parin ang kilay nito sa lalake.
“Well. That’s the type of coffee I drink. Black with 2 sugar. Hindi ko nga sure kung lalagyan ko ng milk yan e.” Sabi ni Ezekiel na nakatayo pa rin sa harapan ni Chloe.
“No. I don’t take milk.” Sabi na lang ni Chloe at nag-umpisa na ulit na magbasa. Kumuha naman si Ezekiel ng isang form at binasa ito.
“You’ve been doing this the whole day? Sabi ng mga tauhan mo e hindi ka daw nag-lunch at merienda man lang. I am impress of how dedicated you are but you have to eat properly.” Sabi ni Ezekiel na may pag-aalala sa tono nito.
“Yes. I’ve been doing it the whole day. Kaya hindi ako nag-break because I don’t ne—.” Hindi na natapos ni Chloe ang sasabihin dahil kumalam na ang sikmura niya. Hindi tuloy napigilan ni Chloe ang mag-blush.
“Well. I think, hindi nagkatugma ang sasabihin mo sana at ang nararamdaman ng tiyan mo. Let’s go.” Sabi ni Ezekiel at lumakad na sa tabi ni Chloe at pinatayo na siya.
“Wait. Where do you think were going? Madami pa akong trabaho.” Sabi ni Chloe na medyo kinaladkad na ni Ezekiel paalis ng puwesto nito.
“To eat. And I don’t take no for an answer.” Sabi ni Ezekiel at hinawakan na ang kamay ni Chloe at lumakad na sila palabas ng opisina.
“Oh. Andito pa kayo? You can all go na. Naghihintay na ang mga pamilya niyo.” Sabi ni Chloe sa mga trabahador niya. “We can continue this work next time. Hey! Ano ba? Wag mo nga akong hilain.” Sabi ni Chloe sa lalake at medyo pinalo pa ni Chloe ang kamay ng binata. Ang mga tauhan ng dalaga ay nagtitinginan at nakangiting makahulugan sa isa’t isa.
Ininda ni Ezekiel ang palo at hinila ito papalapit sa dibdib at ikinulong ang dalaga. “We’re going. Just leave the door close. I am sure na may susi naman si Krissy dito. We have a little date before we go back to work.” Sabi ni Ezekiel at nginitian at kinindatan ang mga tauhan ni Chloe. Natawa at kinilig naman ang mga ito.
“Sige. Mauna na kami.” Sabi pa ni Ezekiel at lumabas na at sumakay na sa sa bago na naman yatang sasakyan ng lalake.
“My new car. I just bought it last week. Toyota FT-HS.” Sabi ng lalake ng mamangha si Chloe sa ganda at kinis ng bago nitong sasakyan. “Actually matagal ko na itong na purchase pero last week ko lang nakuha kasi madami pang mga papeles ang kailangan para magamit dito sa bansa.” Sabi pa nito bago ito nagsimulang magmaneho at pumunta sa isa sa mga kilalang restaurant sa Makati. Cyma Greek Taverna. It’s a greek restaurant and one of a kind in the country.
“This is my first time coming here. Well, I heard that the place was nice and so was the food.” Sabi ni Ezekiel at ginaya na siya papasok sa loob ng restaurant.

It was an amazing dinner. They ordered Saganakior Flaming Cheese at Moussaka which is there national food in Greece. They had some Roka Salata and chicken gyros. It was a perfect meal para kay Chloe at Ezekiel.Inihatid ni Ezekiel ang babae sa HC dahil kailangan pa daw nitong tapusin ang nabinbin nitong trabaho.
“I had a great meal. Salamat.” Sabi ni Chloe ng makababa na ito sa kotse. Tumalikod na ang dalaga at binuksan na ang pintuan ng opisina niya. Hindi alam ni Chloe na nakasunod pa rin ang lalake sa kanya. Pumasok na ito sa loob at dumiretso sa opisina nito. Nagulat na lang si Chloe ng may umupo ulit sa harapan niya.
“I thought your away.” Sabi ni Chloe at nag-umpisa ng magtrabaho ulit. “I’ve got so many things to do right now kaya hindi kita makakausap or mapagbabalingan. I suggest na umuwi ka na lang. Alam ko namang you easily get bored.” Sabi ni Chloe dito pero hindi na ito natingin sa lalake.
Kinuha lahat ni Ezekiel ang mga unfinished paper nito at dinala sa mas malaking lamesa sa kwarto.
“What are you doing?! Mas matatagalan pa akong matapos ito kung gagambalain mo lang ako.” Sabi nito at tumayo sa puwesto at akmang kukunin nito ang mga papel ng hilain ito ni Ezekiel at mapaupo sa tabi nito.
“I am helping you. I will read the females and you’ll read the males. We will match them together so it will be more fun and quick.” Sabi ni Ezekiel at kumuha na ng isang form na babae ang nagsulat.
Napangiti naman si Chloe dito. “Are you sure you are doing this? Well..Maraming salamat. I owe you a lot.” Sabi pa nito sa napaka-gentle nitong tono.
“You don’t owe me anything. I am here para maging friends na tayo.” Sabi nito at tumingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.
Everytime na tinititigan siya ni Ezekiel ay pakiramdam ni Chloe na nababasa nitong lahat ang emosyon at ang lahat ng mga iniisip niya. And Chloe’s afraid of it. Afraid na baka mabasa nito ang damdamin niya for him. Tumungo si Chloe at nagsimula nang magbasa.
“We are friends already. Matagal na kitang napatawad. Tsaka hindi naman ako yung pinagpustahan niyo no. I am no special girl para gawin nyo iyon diba” Sabi pa ni Chloe at tumingin sa hawak ni Ezekiel na form. “I think this two are perfect match.” Sabi pa ni Chloe at ngumiting lumingon sa lalake. Ang hindi lang napaghandaan ni Chloe ay ang closeness nilang dalawa. Hindi namalayan ni Chloe na napalapit na pala ang ulo nito nung silipin ni Chloe ang hawak ni Ezekiel. Napalunok tuloy si Chloe.
“A-ah... Sorry.” Sabi ni Chloe at lumayo na. Sinumulan muli nitong maghanap ng pair. Pero hindi na ito makapag-concentrate. Her heart beating like crazy at hinihiling ni Chloe na sana hindi marinig ni Ezekiel iyon. Masyado na nga siyang distracted at nabibingi sa tunog ng puso niya.
“Here. I think this one will like that guy.” Sabi Ezekiel ng ito naman ang lumapit para silipin ang form na hawak niya. Dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa ay amoy na amoy ni Chloe ang panglalaking cologne ng binata. This masculine scent is killing me!
“I’ve decided. Hire me.” Maya mayang sabi ni Ezekiel sa kanya.
“Huh?” Na-shock na sagot ni Chloe dito na nagpatingin sa lalake.

                                                                                      ITUTULOY..

No comments: