Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 11: Hello and Goodbye

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


ANG gwa-gwapo talaga ng mga nakuha mong i-fefeature sa February issue ng BACHELORS. Galing mo.” Kinikilig na sambit ni Edna sa kanya. They are in the middle of a break at nirereview na nila ang mga magagandang kuha nang tatlong lalakeng present na sa photoshoot, sila James, Ezekiel at Elliot. 

“Mga highschool friend ko yan wag ka. Tayo lang ang makakakuha ng full interview ng JESTER.” 

“Wagi ka talaga, sisterette! I like! Paano mo nga pala nakumbinsi si Mr. Archuetta for an interview?” 

“Secret walang clue.” Nagloloko niyang sabi sa bakla na napahampas sa kanyang balikat, di naman iyon kalakasan kaya naman nagkatawanan sila. 

“Sorry we’re late.” Nalingon niya ang mga dumating. Napanganga siya dahil naka-white suit si Ran-ran. Ang gwapo talaga ng lalake. 

“Ang bibig, sisterette. May laway na nalabas.” Nabulong ni Edna sa kanya na napabungisngis ng isinara niya. 

“Chever!” Natatawa niyang siniko ang bading na kaibigan at tumayo na sa kinauupuan. “Buti nga at nakarating kayo kahit na nga ba medyo busy kayo sa kanya-kanya niyong trabaho.” Sabi niya ng lumapit na ito sa tatlong lalake pang dumating. Binesohan niya ang tatlo at lumakad na sila Sean at Theodore patungo sa iba pang mga ka-brod at nagpaiwan si Ran sa harapan niya. 

“Kumain ka na?” Nakangiting tanong nito sa kanya. Ai hindi pa! Pero ang ngiti mo parang ulam na! Edna!!! Ang kanin, ilabas mo na! Nakakalokang isip niya. Napa-iling siya dito na ikinakunot ng noo nito. 

“Let’s go then.” Hawak nito sa kamay niya. Medyo nakuryente pa nga siya sa pagdaupang palad nilang dalawa. 

“Ai hindi pwede! Mag-photoshoot pa kayo. Mamaya na tayo kumain.” 

“Don’t you remember? Nahimatay ka dahil sa pagod at hindi kumakain. Pinag-aalala mo ako e, sana kung sa condo ka na nakatira para alam kong kumakain ka.” 

“Meron naman akong inuupahan no at kumakain ako. Itanong mo pa kay Edna. Hindi na po ako baby...” 

“Kahit konti lang. Meron namang malapit na kainan dito diba?” 

“No way.. ayaw kong kumain hangga’t di pa natatapos ang photoshoot.” Nakapameywang niyang tugon dito. 

“If you don’t wanna go out and eat then I will call for a food delivery.” Sabi nito at naglabas na nang cellphone at tumawag na ng take out food. Hindi talaga ito papatalo sa kanya. 

“Kulit nito. Halika na at aayusan ka na ng make-up artist.” Sabi nito at hinawakan na ang lalake sa pupulsuhan at hinila ito. Maglalakad na sana siya ng tanggalin ng lalake ang pagkakahawak niya sa pulso nito. She was kinda hurt and wanted to walked out but Ran stopped her from leaving at hinawakan ito sa kamay at nakipag-holding hands. Napatingin tuloy siya dito at itinaas ang magkasalikop na kamay nila. 

Nagkibit-balikat lang ito at siya na ang hinila nito palapit sa mga ka-brod. “Nag-order ako ng pagkain. May isang babae kasi dito na ayaw lumabas para kumain hanggat di pa tapos ang photoshoot e. So I made a food delivery for everyone.” Sabi nito ng makalapit at humila pa ng isang upuan. Umupo ito at pinaupo rin siya sa kabila. Nakangisi lang ang mga ka-brod nito habang titing na titig ang mga ito sa magkasalikop na kamay nila. 

“So... care to tell us your relationship status?” 

“Ano ito FB? Nasa Hot seat ba ako ng The Buzz ngayon? Grabe kayo makatanong ha. Friends lang kami.” Mabilis na sagot niya sa nakakalokong tanong ni Ezekiel. Natawa naman ang mga ito. 

“Ikaw ang ma-showbiz e. We agreed for an interview... so you better answer our question sincerely.” Sabi naman ni Elliot sa kanya na ngising-ngisi. 

“Pero I never agreed to be interviewed. Tsaka friends lang kami. Diba Ran? Magsalita ka kaya.” Sinisiko na niya ang katabing lalake pero nakangiti lang itong tikom ang bibig. 

“Kapag andito ang asawa ko, sure na sure akong kilig na kilig siya sa inyong dalaw.” Natatawa namang turan ni James sa kanila. 

“Bakit naman siya kikiligin? Friends nga lang kami ni Ran-ran.” 

“Friends daw... Look at your hands. Hindi ganyan ang magkaibigan e. Ganito.” Sabi naman ni Theo at hinawakan ang kamay ni Ezekiel at ipinakita ang friendly holding hands. 

“E si Ran kasi e... Akin na nga ang kamay ko...” 

“No way.” Maikling sagot ni Ran at inilagay pa ang kamay nilang dalawa sa bulsa nito. 

“Edna! Tawagin mo na ang make-up artist. Make-up-an mo na ang tatlong late.” Namumulang baling naman niya sa kinikilig ding baklita na nakamasid sa kanila. 

“Ai sisterette, nafrozen na ang mga girlalu sa likuran ko. Di na daw sila makagalaw e.” 

“Loka! Paano tayo matatapos nito?” 

“Ai kahit di na tayo matapos. I-lock niyo na ang pintuan! Kahit dito na lang kami forever with them!” Kinikilig na naman ang lokaret na bakla na kaibigan. Tumungo-tungo nman ang mga make-up artist na nasa loob rin ng kwarto. 

“Tse! May lakad pa itong mga ito!” 

“I’ve cleared my schedule... Kaya nga ako nalate e.” Maya-maya ay sabi ni Ran sa kanya. Na tumungo naman ang dalawa pang late. 

“I am still on honey moon stage... for 2 months.” Nakangising sagot ni James. 

“Off ko ngayon.” Sabi naman ni Elliot at tumungo rin si Ezekiel na nagsasabing off din ito. 

“Free sila oh! Weeeeeeeeeee! Overnight ang photoshoot na ito!” 

“Lokaret! Darating si Mama Ja—...si Mama sa bahay no! Kailangan kong ipagluto siya ng makakain.” 

“O sige, Vega. Ikaw na lang ang umalis. Ako na lang ang bahala sa mga fafables na ito.” Malanding sabi na naman ni Edna. 

“We better start the photoshoot. I don’t want Vega to be tired.” 

“Woooooooo! Mga banat mo, brod!” Natatawang sita ni Theo sa kaibigan na ikinatawa ng iba. 

“Ai sige. Lapit na mga girls. Molestiyahin niyo na ang mga mukha ng mga iyan.” Utos ng hitad niyang kaibigan sa mga stylist na nagsimula na ring gumalaw. 

“Thanks, Ran-ran.” Nasabi na lang niya na pulang-pula pa rin ang mukha. Nakakaloka pala kapag sobrang sweet ni Ran-ran sa kanya. Di kakayanin ng powers niya. Nag-umpisa ng make-up-an ang mga ito pero hindi pa rin iniaalis ni Ran-ran ang pagkakahawak nito sa kamay niy buti na lang at dumating na ang delivery ng Pizza Hut. 

“Ran-ran andyan na ang delivery... Ako na ang mag-aasikaso.” Sabi niya. 

“Take the wallet. Here..” sabi nito sa kanya at ipinakapa nito ang pitaka sa kamay niyang nasa bulsa nito. 

“Ok. May cash ka ba dito?” 

“Yeah... Just some. Pero kasya na siguro yan.” Sabi nito at tinanggal na ang nakakapit na kamay nito. Iyon na ang hudyat na kukunin na niya ang pitaka nito at babayaran na niya ang delivery. Tumayo na siya at lumakad na patungo sa delivery boy. Sumunod na sa kanya si Edna para tulungan siyang magdala ng pagkain. Kumuha siya ng cash ni Ran-ran na ‘just some’ lang para sa lalake. Iba na talaga kapag mayaman. 

Hindi na nagtagal at nag-umpisa muna silang kumain lahat bago nagpicture taking. Proud na proud siya sa mga kaibigan. She’s sure na papatok itong February issue na gagawin niya. Nang si Ran na ang pinapose ni Edna ay sa kanya talaga nakatingin ang lalake na para bang tinutunaw siya nito. Sanay na siyang tinititigan lang lagi nito, kahit nga noon pang sinusungitan siya nito ay alam niyang tinitignan siya nito. Palihim man, masama ang tingin or talagang nakatingin lang ito sa kanya pero iba ang tingin nito sa kanya at natatakot siya sa nababasa niya sa mga mata nito. Hind kasi pwede ang ganon. 

Natapos na din sa wakas at sinabi ni Edna na ito na ang bahala para pumili ng solong mga picture ng mga lalake at ang pang-front page picture ng mga ito. Nagsi-alisan na rin ang iba pang mga kaibigan dahil may kanya-kanyang mga lakad ulit ang mga ito. Si Ran-ran na lang talaga ang nagpaiwan para ihatid daw siya. Ayaw niya nga pero pinilit na siya nito. Para daw alam na nito kung saan na siya naninirahan para daw makadalaw or puntahan siya nito kapag trip lang nito. Hindi naman ito nagtagal ng maihatid siya. May gagawin pa daw kasi ito at tatapusin pa daw nito ang mga naiwan nitong paper works. Naglaan lang daw talaga ito ng time para sa kanya. 



ILANG araw na rin hindi nagkikita si Ran at si Vega dahil nga ni-rurush na rin kasi niya ang pagtitipa at pag-eedit ng mga ininterview niya sa mga JESTER. Hindi man nagkikita ay hindi naman nakakalimot si Ran na kamustahin siya at tanungin kung nakakakain na ba ito sa oras. Minsan ay nagsinungaling na siya dito para lang hindi na ulit ito magbigay ng surprise visit sa opisina niya sa Bachelors. Hindi niya tuloy matanggal sa isip ang mga nangyari nung nakaraang araw. 

Busy sa pagsusulat si Vega habang pinapakinggan niya ang recorder kung saan nakalagay ang mga nirecord niyang sagutan nila ng mga JESTER. Medyo natatawa pa nga siya dahil na rin sa ibang kalokohang sagot ng mga ito ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Inistop niya tuloy ang kanyang recorder at nagtatakang kinuha ang cell. Nagulat tuloy siya ng ang ‘Ran-ran’ na pangalan ang nakalagay sa screen ng cellphone niya. 

“Ran-ran! Napatawag ka?” Sinagot niya agad ang telelpono niya dahil nga miss na miss na niya ang binata. 

“Nothing... Gusto ko lang tanungin kung okay ka lang.” Sabi nito. Maririnig mo ang busina ng mga sasakyan sa paligid so alam niyang nagmamaneho si Ran-ran. 

“Ok naman. Dito na naman ako sa opisina matutulog, pinaglalamayan ko kasi itong mga interview niyo. Buti na lang talaga ang ang kukulit ng ibang mga sagot niyo at naapatawa ako para na rin mapigilan kong makatulog.” Mahabang litanya niya sa lalake. 

“Pinapagod mo yata ang sarili mo eh.” Maririnig mo ang sinserong pag-aalala ng lalake sa kabilang linya. Her heart felt a warm embrace to her heart. 

“Ok lang ako, Ran-ran. Konting tiis lang naman ito para sa ikagaganda ng mga interview niyo. I want to make them my reader happier at kayo naman ay maging mas patok pa sa mga babae well except ofcourse kay James dahil nga may asawa na ito.” 

“I don’t need any other woman... Only you is enough... I mean, you are already too much to handle.” 

“Ai ganon? Too much to handle? Aba aba!” Kunwari ay naaasar siya per deep down inside ay kinikilig talaga siya. Only her daw is enough na e. Hindi na niya iisipin pa masyado ang too much to handle na sinabi nito. Basta enough na siya! 

“Ganon talaga... So Vega, kumain ka na ba? Mag-aalas-siete na ah.” 

“Hindi pa nga e. Mamaya siguro lalabas ako punta akong Jollibee para mag-take out. E ikaw?” 

“Wait for me.. I’ll be there in a sec.” Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Napakunot noo naman siya dahil di na nito hinintay pa ang sagot niya. Inabala na lang niya ang sarili niya at nagpatuloy sa ginagawa. Nagulat na lang siya ng may maglapag ng take-out na jollibee sa harapan niya. 

“I won’t go and order in that place again..” Nakakunot noong sabi ni Ran-ran sa kanya. 

“Hala! Naghire na ba ang jollibee ng gwapong delivery boy?” Nakakalokong turan naman niya dito at humarap na sa lalakeng nakaupo na sa likuran niya. 

“Nope. I only did this kasi nga may isang babae dyan na magpapalipas pa yata ng gutom. Saktong nung sinabi mong mag-jollibee ka ay may malapit na jollibee so I ordered there. Di ko alam na ganoon pala katao doon. Everybody’s staring at me. Bakit bawal na ba akong pumunta at bumili sa fastfood restaurant?” 

Natawa siya na nakapagpakunot lalo ng noo nito. “I think iba ang iniisip nila ng pumasok ka sa Jollibee branch na iyon.” 

“What?” 

“Bakit may artistang dumalaw dito? Hala! Magpapa-autograph kaya ako?” habng sinasabi niya at titig na titig siya dito at umaktong parang isang fangirl ng lalake. 

“Mag-papa-autograph ka?” Nakisakay namang ganti ng lalake. “Give me a pad.” Sabi ulit nito at binigyan niya ito ng papel. Nag-sulat ito doon at pumirma. “Here.” 

Kinuha niya ang papel at binasa iyon. Nag-blush tuloy siya dahil na rin sa mensaheng nakalagay dito:” To the only lady that made me went to Jollibee. –Ran-ran.” Tapos ay may pirma ito sa itaas ng pangalan nito. 

Naputol ang pagrereminisce niya ng may tumapik sa balikat niya. Napalingon tuloy siya. Alas-nuebe na ng hapon at alam niyang siya na lang at ang mga guwardia sa ibaba ang nasa Bachelors. “S-sir T-tan.” 

“Hi! Paalis na kasi ako sa opisina when I saw a distant light coming to this office. Ikaw pala yun, Vega.” 

“Matatapos na kasi ako e. Pasahan na kasi bukas. I really needed to check everything para naman presentable at ok na ok para sa promotion.” 

“Gusto mo ng tulong?” 

“Ai naku, Sir Tan.. Wag na. Nakakahiya naman e. Pauwi na kaya kayo.” 

“Nah. It’s fine. I am used to it already so helping you for a couple more minutes won’t change anything.” 

“Sige, Sir Tan, kung ipipilit niyo... Ipapakita ko lang ito sa iyo to tell me kung meron pa ba dapat akong baguhin or ilagay.” 

“Sure. Give it to me.” Sabi naman nito at ibinigay na niya ang ibang ginagawa. Both of them didn’t know that theirs a pair of jealous eyes watching them from a far. Napabuntong hininga na lang ito at umalis na sa pintuan. Doon naman nag-ring ang cellphone ni Vega. Napalingon tuloy ang dalawa na busy na sa mga ginagawa. 

“Ai si Mama Janine.” Agad na sabi ni Vega ng makuha ang telepono at makita ang pangalan ng nakaregister doon. “Wait lang, Sir Tan ha. Kausapin ko lang si Mama Janine.” 

“Sure. Go ahead, busy ako sa pagchecheck e.” Pagkasabi ng boss ay tumayo na siya at medyo lumayo sa lalake. 

“Hello, Mama?” 

“Anak, kararating ko lang sa inuupahan mo. Wala kasing katao-tao e. Nasaan ka ba?” 

“Ai Mama, Nasa opisina pa ako ng Bachelors. Tinatapos ko na lang. Last editing na ito, Ma. Yung susi, nasa ilalim ng paso sa gilid ng pintuan.” 

“Ahhh. Ok. Sige, ingat ka sa pag-uwi ha.” 

“Opo, Ma. Miss na kita. Kita-kits tayo mamaya. I love you, Ma.” Sabi niya dito at medyo gusto ng mapaluha. Malapit na pala niyang isagawa ang plano niya. Napabuntong hininga siya at napabalik na sa tabi ng Boss. 

“Why the long and heavy sigh?” Nakakunot-noong tanong naman ni Tan. “Sorry for being nosy, pero nakakapalingon kasi ang pagbuntong hininga mo e. Kung may problema sabihin mo lang sa akin. Kahit man lang mapagaan ang pakiramdam mo ay gagawin ko.” Napangiti siya dito. Napaka-bait talaga ng lalake sa kanya. Napaka-swerte niya at naging magkaibigan sila. 

“Will you keep a secret?” Pag-uumpisa niya at tumungo naman ito. 



IT’s the day that Vega and Arjellyn is waiting for. Ang review ng mga Article na gawa nila tungkol sa FEB Issue. Si Mr. Sebastain, si Sir Rodney, at si Sir Tan ang nag-rereview ng kanilang gawa. Pinalabas muna ang dalawang babae para makapag-desisyon ang mga lalakeng boss nila. Tahimik lang sila ni Arjellyn na magkahawak ang kamay. 

“Congrats, Mars...” Walang anu-anong basag niya sa katahimikang bumabalot sa magkaibigan. 

“Bakit Mars? Paano mo nalamang ako na ang makakakuha ng Promotion? Nagtatakang tanong ni Arjellyn sa kanya. 

“Basta lang.” Makahulugang ngumiti siya dito. 

“Walang basta lang. Basta kung sino sa atin ang makakakuha ay walang sama ng loob ha.” 

“Oo naman no! Kino-congrats na nga kita diba?” Natatawang sabi niya dito at niyakap ang kaibigang halatang kinakabahan. Kinakabahan siya pero mas ang pagkalungkot kaysa ang saya. Kahit naman kasi anong mangyari sa promotion ay iisa lang ang magiging desisyon niya. 

Biglang bumukas ang pintuan at ang seryosong mukha na ni Sir Rodney nila ang iniluwa non. “Nakapagdesisyon na kami. Pumasok na kayo...” 

Nagkatinginan sila at nagkangitian. Napahigpit din ang hawak sa kamay ng isa’t-isa bago pumasok sa loob. Nakatayo na ang tatlong lalake sa harapan nila at nasa gitna ang pinaka-Big Boss nila. Si Sir Nigel Sebastian, tatay ni Tan. 

“Well, both of you had a very promising article at nahirapan talaga kami. Arjellyn, dahil na rin sa mas maraming experience bilang isang Editorial assistant ay napaka-ganda ng gawa mo but I must say na hindi papahuli si Vega because hindi lang iisa ang kanyang ininterview kundi anim na lalake. Ang JESTER ang isa sa mga pinaka-mahirap na makuhanan ng interview dahil na rin sa hindi mabuo-buong interview ng mga ito. I must admit, I was surprised when I saw Mr. Randolph Archuetta’s interview here. Alam kasi ng lahat nga mga taga-Magazine industry kung paano naging mailap ang batang Archuetta pagdating sa interview.” Mahabang litanya ni Mr. Sebastian sa kanila. Alam na nilang pareho ni Arjellyn ang magiging resulta. “We, the three of us, decided to promote Vega Sandoval for Editor-in-chief Position. Congratulations, Vega.” Nagpalakpakan na ang mga nasa loob kasama na rin si Arjellyn na niyakap pa siya ng mahigpit. 

“I am so proud of you Vega! Grabe ka! Di ko alam na kaya mong makuha ang buong interview ng JESTER!” Masayang bati sa kanya ni Arjellyn. 

“Congrats, Vega! Both of you deserved it pero iisa lang ang pwedeng maging editor-in-chief e.” Sabi naman ni Sir Rodney sa kanya. 

“Good Job, Miss Sandoval!” Nakangising sabi naman ni Tan sa kanya. Niyakap niya at kinamayan ang lahat ng nasa opisina ni Sir Nigel. Masaya siya at nakuha niya ang promotion but she needed to say it. Ang plano niya. 

“I’m sorry...” 

“Ha?” Nagtatakang sabi ng mga tao sa loob pwera lang si Sir Tan. Alam na kasi nito ang plano niya. 

“Why, Miss Sandoval?” Tanong ni Mr. Nigel sa kanya. 

“Don’t get me wrong, Mr. Sebastian. Sobrang masaya ako dahil na rin sa promotion ko. Nakuha ko na kasi ang promotion na ipinapangako ko sa Nanay ko but I need to refuse my promotion. Gusto ko na po kasing mag-resign. Babalikan ko po kasi ang first love ko: Ang Photography at dahil na rin po sa personal reason kaya ako mag-reresign.” 

Napabuntong hininga si Mr. Nigel Sebastian at pinakatitigan siya. Hindi naman niya ibinaba ang tingin niya at nakipagtitigan sa boss. “I will accept your resignation and give the promotion to Arjellyn. I am sure you will suggest that.” 

Napatungo siya dito at napatingin kay Arjellyn na nananahimik na. “Maraming maraming salamat po pero meron pa po akong isang favor... Please, hindi po makakalabas sa lahat na tinaggihan ko ang promotion ko. I wanted to celebrate it with everyone. Last na po ito.” 

“Sure...” Si Sir Tan na ang nagsabi. “Let’s just give it as a farewell gift for Miss Sandoval. Naging one of the best writer siya dito sa BACHELORS at maliit na favor lang naman hinihingi nito. Can’t we just agreed to this little favor?” 

“Well then... I agree. Kung wala na kayong violent reaction ay magsibalik na muna kayo sa trabaho niyo.” Sabi naman ni Mr. Nigel at tumungo na ang lahat. Napatingin siya kay Tan at napangiti. Sabay na silang lumabas at inihatid na siya nito sa pintuan ng opisina nila. 

“Salamat ha.” 

“It’s fine. As long as I can help. Yung sina-suggest ko sa iyo, think about it and call me. Tawagan mo rin ako sa paparty mo ha.” Natatawang sabi pa nito bago lumakad paalis. 

“Sure! Talagang invited ka no!” Sabi pa niya bago pumasok sa loob. Nagulat na lang siya ng may magputukan sa loob ng opisina. 

“Congratulations, Sisterete! Narinig ko na nakuha mo ang promotion para sa pagiging Editor-in-Chief! Havey na havey ka!” Sabi ni Edna na nauna ng yumakap sa kanya. Naandoon ang mga ka-trabaho niya sa departamento nila. 

“Congrats, Vega! Super proud ako sa iyo! Nice one!” Sabi naman ni Ate Mercy sa kanya at yumakap na rin. Nagsiyakapan na rin ang iba pa niyang katrabaho. She will definitely miss this bonding. Di niya tuloy naiwasang mapaluha. 

“Hala! Dramahan ba ito sa tanghali? Kaloka!” Sabi naman ni Edna na nagbigay na agad ng panyo sa kanya. 

“Syempre no! Minsan lang mapromote! Kaloka! Ang hirap kaya nun! Ilang araw ko ring pinaglamayan yang article na yun ha.” 

“At dahil promoted ka na, Partey-partey na!” Masiglang sabi ni Edna na sumayaw-sayaw pa. Nakisayaw na rin ang mga ito at nag-cheer. 

“Oo naman! Sasabihan ko rin ang mga JESTER.” Nakangiti pero maluha-luha pa ring sabi niya. Andaming naghiyawan at kinikilig pagkasabi pa lang niya at isa na doon si Edna. 

“Naku! Mamimiss ko ito!” Walang anu-anong sabi niya sa mga ito. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya. 

“Ngek! Isang elevator lang naman ang layo ng opisina ng Editor in chief ahh. Don’t worry kung kailangan mo ng kalokohan, welcome ka pa rin dito. Right guys?!” Sabi naman ni Ate Mercy at naghiyawan na ulit ang mga ito. 

“O tama na ang hiyawan.” Sumulpot na dating naman ni Sir Rodney. “Isasabay na rin ang party na yan ang pag-alis ko. So dapat ay tapos na lahat ng trabaho niyo bago pa man tayo mag-party.” 

“Yes, Sir!” Nagsalute pa ang mga ito at nagsibalikan na sa kanya-kanyang lamesa. 

“Thank you, Sir Rodney.” Sabi niya ng lumapit dito. 

“Walang anuman. I resigned because of the same reason. Personal thing din.” Nakangising sabi nito at niyakap siya. “Mukhang mahihirapan ang Bachelors kasi may mawawala na katulad natin.” Natatawa pang bulong ni Sir Rodney sa kanya. 

“Ai tumpak yan, Sir! O sige sir, liligpitin ko na ang gamit ko.” Sabi naman niya. Umalis na rin ang lalake dahil nga marami pa itong gagawin bago ang release ng FEB issue. Nag-hakot na rin siya ng mga gamit at inilagay sa box. 

Nang matapos ang pagliligpit ng gamit ay akmang tatawagan na niya si Ran-ran para masabi na ang good news pero tumawag ito bago pa man niya matawagan. 

“Hi, Ran-ran!” Masayang bati niya. 

“Wow! Looks like I don’t even need to ask what happened to the promotion meeting.” 

“Yup! Nakuha ko! Weeeeeeeeeeeeeee! Happy ako!” Sabi niya dito. Masaya talaga siya dahil nakuha niya. Atleast bago man lang mangyari ang lahat ay natupad niya ang promise niya sa Mama Janine niya. “Imbitahan ko sana kayo e. Magpapa-party ako at isasabay na rin ang pag-alis ni Sir Rodney sa Bachelors.” 

“I’ll be there. I will make sure na makakarating ang iba. See you then.” Masayang sabi naman nito. 

“Yes.. See you soon, Ran-ran.” Sabi naman niya bago niya ibinaba.





ITUTULOY...

No comments: