Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 5: Was it all just a dream?

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.



It was funny but when they did the first round, the guy suggested to go to his room at um-oo siya as long na kukunin niya lahat ng gamit niya. Natawa nga ang lalake and she remember commenting how nice his laughter was. Just remembering it made Heather flushed so much. 

Erase. Erase. Erase. It will be just a dream. A one night strand. An Accident. A Misunderstanding. Basta to her, it never happened. Yun na ang napagdesisyunan niya. The guy never gave his name and the guy never knew his name so it should be fine. 

She took all her things, put it on and her eyeglass at lumarga na. Hindi na niya kaya pang isipin ang hygiene niya. She needed to get out of the guy’s house right now at sumasakit na rin ang mata niya. She’s wearing a contacts at hindi siya sanay doon. Pwede naman siyang maligo pagdating sa bahay. BAHAY! Isa pang problema ang haharapin niya. Si Amanda at si Gareth. 

Naalala niya lang ay napapaiyak na siya. Kung may makakakita sa kanya ngayon ay malamang na mapagkakamalan siyang baliw. Kanina ay tumatawa siya, tapos ay mag-blush siya at aaktong nahihiya tapos ngayon ay naluha na siya. Malamang nga ay nababaliw na nga siya. 

She just wanted one thing. Sana nga ay magka-amnesia siya at hindi na maalala pa ang lahat. Lahat lahat ng masasakit na nangyari sa kanya sa isang araw. First, ang hindi natuloy na confession niya tungkol sa propesyon niya. Pangalawa, ang pagkakabunyag niya ng secret relationship ng pinsan at ang boyfriend niya ng 3yrs. Pangatlo, giving her virginity to a total stranger. 

ARRGGGGG! Lord bakit niyo ako pinaparusahan ng ganito?! Nasabi niya sa sarili at tumingin sa langit. Hinayaan niyang tumulo ang luha niya. Buti na lang at mukhang uulan nga. Naalala niya sa news na uulan daw ngayon sa buong Luzon. Good. Kailangan niya ito ngayon. 

Hindi nagtagal ay tumulo na ang ulan. She smiled and starts walking. Para siyang nasa taping. Ang brokenhearted scene na kung saan ang bidang babae ay nakakaranas ng heartache at saktong nakikidalamhati ang langit. Yun nga lang ay wala siya sa isang teleserye. Totoong nangyayari ito sa tunay na buhay at siya ang kawawang bida na napagsakluban yata ng langit at lupa. Kung nasa teleserye man siya ay may pag-asa pang may happy ending ang lahat ng ito. 

Nakasakay na siya ng jeepney and all the people are looking at her. Basang-basa kasi siya at mugto ang mata. Wala ring maglakas ng loob na tumabi sa kanya dahil lahat ng mga tao ay bihis na bihis at papasok na ng trabaho at eskwelahan. She just didn’t care. She had so many problem para isipin pa ang nasa isip ng mga ito. Bumaba na siya ng nakarating na siya sa babaan niya. 

Wala siyang pakialam kung basang-basa siya. She slowly walked towards the place she didn’t even want to go back. Doon kasi nagsimula ang lahat ng problema, heartaches and heartbreak. Gusto man niyang hindi bumalik ay inaalala niya ang nanay at ang tatay niya. 

Matagal din siyang nakatayo sa tapat ng bahay nila. She can hear her mother asking her cousin kung dumating na ba siya. Doon siya pumasok. Ayaw niyang nag-aalala sa kanya ang magulang. 

“Anak! Anong nangyari sa iyo? Bakit hindi ka umuwi? Bakit basang basa ka? Nasaan ang salamin mo? Naka-contacts ka?” Tarantang tanong nito sa kanya at kumuha ng pinaka malapit na tuwalya dito at ibinalabal sa kanya. 

“Ma. Maliligo muna ako bago ko sagutin ang lahat. Amanda, hindi ka pwedeng umalis hanggat hindi ako nakakatapos maligo. You better call my ex-boyfriend,” sabi niya at tinitigan ng sobrang lamig ang pinsan. Eto lang naman ang kaya niyang gawin e. Ang defence mechanism niya: The cold attitude. 

“Sige anak. Nagtitimpla rin ako ng mainit na tsokolate para sa paglabas mo.” Nag-aalala paring sabi ng nanay niya. 

Narinig niyang napaiyak na si Amanda. Ngayon naman ay narinig naman niyang inaalo ng nanay niya ang pinsan. Pumasok na siya sa banyo. 



Nag-inat na siya. Kakagising lang niya. Sean looked at the clock. 1 pm na. Tanghali na siya nagising. Konting galaw niya lang ay nahilo na agad siya at ramdam niya ang sobrang sakit ng ulo niya. 

“I won’t ever drink that much again.” Naasar na sabi niya sa sarili but he knows himself too much. Lagi naman ganon ang arte niya everytime na lasing na lasing siya. Actually ay ngayon lang siya tinanghali ng ganoon ang gising. Lagi siyang nalalasing nang kagaya kagabi pero maaga parin siyang nagigising. Hindi niya alam pero napasarap ang tulog niya dahil sa nangyari kagabi. Ang faceless woman niya. Bumaling siya sa tabi niya but it was empty. 

Huh? He was definitely sure na meron siyang kasamang babae ng madaling-araw. Napabangon siya at ininda ang sakit ng ulo. Dumiretso siya sa banyo ng kwarto niya. Tuyo iyon at halatang hindi nagamit. Kinuha niya ang bathrobe niya at bumaba sa sala. Doon, naaalala niya. Doon niya kinuha ng pagka-birhen ng ‘faceless woman’ niya. Hinanap niya ang bakas ng dugo sa carpet. 

Napangiti siya. Andoon pa. So hindi iyon isang panaginip lang. Nahanap na niya ang babaeng nasa panaginip niya. Maybe that was why he had a nice sleep. Kasi nakita na niya ang hinahanap niya. Siya ay walang iba kundi si... Sino nga ba siya? 

Shit! I didn’t asked for her name! You’re stupid SEAN! Naasar na naihilamos niya ang kamay sa mukha niya. 

“Nanny Cassie!” Tawag niya sa matandang dalagang nagpalaki sa kanya at humahangos na dumating ito. Medyo napatigil ito sa paglapit sa kanya. 

“Naku namang batang ito. Wear something, Sean,” sabi ng matanda sa kanya. Hindi niya ito pinansin at umupo. 

“Have you seen a girl walking out of the door?” 

“Ahhh. Yung dalagang nagmamadaling umalis? Of course I saw her, Sean but she left without telling me her name. If that was the one you wanted to asked.” 

“Have you seen her face?” 

Nagtakang napa-iling ang matandang babae. “Hindi, Hijo. Nagulat nga siya ng tinawag ko at tumakbo ng mabilis. Alam mo namang matanda na ako para sa habulan.” Litanyang sabi ni Manang Cassy. 

Napabuntong-hininga tuloy siya. How can he start looking for him kung hindi niya alam ang itsura nito at ang pangalan nito. 

“Why Sean? Is something wrong?” Nag-aalalang tanong ng matangdang babae sa kanya. 

“No, Nanny. Nothing... I just messed something up.” 

“No worries, alaga. I am sure na malalagpasan mo rin at masusolusyonan mo yan,” sabi nito at tinapik-tapik na siya. “Siya at maligo ka na at mag-ayos. Tinanghali ka ng gising. Lasing na lasing ka daw sabi ni Kenny. Iyon ang pangalan ng driver niya. 

Nagliwanag ang mukha niya. His sure na nakita ito ng driver niya. Tinulungan pa nga siya nitong pumasok sa bahay e! 

Tumayo na siya at tumakbo pataas sa kwarto niya. It never was a dream! His not hallucinating too! His so sure na ito na ang babaeng laging gumagambala sa gabi niya. Ang Faceless woman niya. 

Sean went to take a bath and reminisce what happened last night. Hindi niya mpigilang mapangiti. It was indeed an amazing night for him. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa naaalala. 

Natapos na siyang maligo at nagmadaling magbihis. Wala man siyang pasok ngayon ay nagmamadali pa rin siya. He needed to talk to Mister Kenny. Gusto niyang itanong kung naalala niya ang mukha ng babaeng iniuwi sa bahay niya. 



Seryoso ang lahat nang nasa sala. Gareth and Amanda cannot even look at her eyes straight. Naguguluhan naman ang nanay niya sa nangyayari. Napabuntong hininga siya. 

“Wag ka ngang umiyak. Baka isipin ni nanay na binu-bully kita,” sabi niya sa pinsan. Medyo namamaga ang pisngi nito. Malakas yata ang pagkakasampal niya sa pinsan. Medyo na guilty tuloy siya. Hindi siya marunong magalit pero iba ang ginawa sa kanya ng dalawa. 

“Gareth... You better take care of my cousin or else ay ibabaon kita sa lupa ng buhay. Tama nang isang Cruz na lang ang paiyakin mo,” sabi niya sa lalake at medyo nagulat pa. Ang nanay naman niya ay napakunot noo. Parang nage-gets na ang mga nangyayari pero hindi ito nagsalita. 

Tumungo naman ang lalake at napangiti. “Wag kang ngumiti dahil may isusunod pa akong sasabihin.” Napalis naman ang ngiti sa mga labi nito at sumeryoso ulit. 

“Amanda, alam mo ba kung gaano ka kaharot at kung gaano ka kalandi? Pero ni minsan hindi ko maiisip na aagawin mo ang Boyfriend ko sa akin.” Panimula niya at medyo naiiyak na. She just didn’t want to look pathetic sa harap ng nang-gago sa kanya 

“Hindi ko papayagang manligaw or magharutan kayo sa bahay na ito. Ayaw ko rin na malalaman ito ng tatay ko. Ayaw kong ma-stress si papa ngayon. Delikado pa ang kalagayan niya. So hanggat hindi pa ako nakakahanap ng malilipatan ay hindi ko kayo kayang makitang masaya,” sabi niya at tumingin sa nagulat niyang nanay. 

“Aalis ka ng bahay?” 

“Opo, Nay. Matagal ng naglalaro sa isipan ko iyan. Gusto ko na rin kasing bumukod dahil hirap akong magtago ng sikreto tungkol sa trabaho ko kay itay. Don’t worry. Magre-resign ako bilang teacher para hindi na tayo kakaba-kaba na baka malaman pa ni itay. I will find a job kahit na mahirapan ako ay ayos lang.” 

“Pero pangarap mo ang maging titser anak ahh. Bakit kailangang pati yun ay i-give up mo rin?” 

“Oks lang yun, nay. Nakapag-desisyon na rin ako. Mas gusto kong makapagtrabaho ng maayos ng wala akong iniisip na itago ang sikreto sa isang taong bahagi na ng buhay ko. Sige, magsusulat lang ako ng resignation letter.” Yun lang ang sinabi niya at umalis na siya sa harapan nang mga ito. Hindi rin niya kayang pigilan pa ang pagpatak ng luha niya. 

Sean sighed. Hindi rin daw masyadong nakita ang mukha ng babae. Nakatago daw kasi ang mukha ng babae sa leeg niya. Nagulo na naman tuloy niya ang buhok niya at napahiga sa sofang hinigaan nila kahapon. 

Kung mamalas-malasin ka nga naman. Nasa saiyo na ay nawala pa. Hindi mo mang lang nakuha ang pangalan or nakita ang pagmumukha nung babae. Bumangon na lang ulit siya at lumakad sa may bintana. Malakas pa rin ang ulan ngayon. Sean then sighed again. 

I think it’s not really meant for me to see your face or to even know who you really are... Nasabi na lang niya sa sarili at napabuntong hininga ulit. Mukhang walang katapusan ngayon ang pagbuntong hininga niya.



ITUTULOY...

No comments: