Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 6: Job, job...job?

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.


Ilang buwan na siyang naghahanap ng trabaho pero hirap na hirap siya. Expected na naman niyang mahihirapan siyang makakuha ng ibang trabaho lalo na at alam niyang kulang siya ng experience beside teaching pero hindi niya talaga ine-expect na sobrang hirap nito. Napabuntong hininga siya at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi nmana niya talaga akalain na hahantong ang lahat sa pagreresign niya. Matigas kasi ang ulo niya kapag nakapag-desisyon na siya ay sarado na ang isip niya sa any suggestion. Basta siya stick to the plan at may isang salita siya. 

Napabuntong hininga ulit siya. Maaga siyang umalis ngayon ng bahay para maghanap ng trabaho tapos saka na niya iisipin ang paghahanap ng bahay kapag may nakita na siya ng trabaho. 

Hindi niya alam kung bakit pero biglang lumitaw sa isip niya ang mukha ng bestfriend niya mula highschool at college. Si Chloe. 

Napangiti siya ng bahagya. “Wala na akong balita sa kanya at sa pinsan niya... Paano ko kaya sila makokontak?” Naibulong niya sa sarili at tumingin sa kalangitan. Nagiging hobby na niya ang tumingin doon. Sa pagtingin sa kalangitan siya nagkakaroon ng peace of mind eh. 

Bumaba na ang paningin niya ng may mahagip ang gilid ng mata niya. Isang hindi kalakihang billboard ang nasa taas ng isang maliit na opisina. “Hearts Connected” Ang nakalagay na pangalan na iyon. 

Sa hindi maintindihang dahilan ay nacurious siya at lumapit sa harap ng maliit na opisina. Nakakatuwang isipin na ang nagmamay-ari ng opisinang iyon ay ang kaibigan niya! Si Chloe! 

“Kung susuwertehin ka nga naman!” Ngiting-ngiti niyang sabi at pumasok na sa loob. 

“Welcom po, Mam! Ano pong maitutulong ng HC sa inyo? Gusto niyo po bang maging member nito?” Makangiting lumapit ang babaeng may name-plate na “Krizzy”. 

“Naku, hindi! Okay lang ako, wala pa naman sa isip ko ang bagong lovelife e. Kaka-break pa lang kasi namin ng boyfriend ko e,” sabi niya at ngumiti. Yes, moving on na talaga siya pero hindi maiiwasang hindi malungkot dahil sa kung papaano siya nakipaghiwalay. Iniinda na lang niya ang sakit sa puso niya. 

“Krissy... Can I call you that, right?” Tumungo naman ito at ngumiti. “... Nasaan nga pala si Chloe, yung may-ari nitong Heart’s Connacted?” 

“Ai, si Mam Chloe? Wala pa e. Meron kasi siyang pinuntahang kasalan kahapon. Kaano-ano ka ba ni Mam Chloe?” Takang tanong nito sa kanya. 

“Best Friend niya, Heather.” Pakilala niya at nakipagkamay sa mabait na babae. 

“Ai, sige po Mam Heather, dadalhin ko na lang kayo sa opisina ni Mam at doon mag-antay,” sabi nito at nagpatiuna na sa pagpunta sa pinaka loob ng HC. Sa pinakaloob ng HC ay may pintuan. Heather knew that it will be the room of Chloe. Binuksan iyon ng babae at pumasok na ito sa loob. Ang cute ng disenyo ng opisina ni Chloe. Pinaupo siya ni Krissy sa harapan ng lamesa. 

“So, Mam Heat—.” 

“Heather na lang.” At nginitian niya si Krissy. Kung highschool ito at tinuturuan niya ang babae ay pwede ang Mam pero hindi e at magkasing edad naman sila. 

“O siya sige, Heather na lang. So Heather, gusto mo ng kape, tsaa, juice o tubig na lang?” Napahagikhik si Krissy sa sinuhestiyun niya sa huli. 

Medyo napangiti na rin siya. “Kape na lang. Medyo nagmadali kasi akong makaalis ng bahay at wala na akong time magkape. Black lang. Hindi ako mahilig sa asukal e,” sabi niya dito at nagtimpla na si Krissy ng kape niya. 

“O siya. Sige, aalis na ako. Enjoy the coffee, Heather. Sasabihan ko kaagad si Mam Chloe na andito ka,” sabi nito at lumabas na. 

Hindi nagtagal at dumating na si Chloe. Narinig niyang bumati ito sa mga katrabaho. Narinig niya ring sinabi na ni Krissy na andito siya at may sumaling mga tauhan galing kay Boss James at Boss Ezekiel. 

Why do I get this feeling na narinig ko na iyon somewhere? Nagtatakang isip niya. Narinig niyang papalapit na ang mga yabag. 

“I’m sorry kung late ang dating ko. Well, what can I do for you Ms...?” Sabi ni Chloe at lumapit na agad sa lamesa nito. Inilagay ang bag sa lamesa sa gilid at tumingin na sa kanya. Nakakunot ang noo nito. Parang inaalala kung sino siya. Napangiti tuloy siya dito. 

“Chloe! It’s me, Heather!” sabi ng babaeng tumayo na at niyakap si Chloe. 

“Oh my GOD! Heather?! Ikaw na ba yan? Gumaganda at sumesexy ka ahh. Mukhang sucessful ka na,” sabi ni Chloe na gumanti ng yakap sa kanya. Chloe and Heather are friends when they were in Highschool and College. Super Friends. 

“Sus. Eto bolero pa rin. Ganito pa rin naman ako noon ahh. Mas naging losyang na nga lang,” sabi naman niya na tumatawa-tawa pa. “Mukhang succesful lang. May problema nga ako e. I resigned from teaching.” 

“I thought you like teaching? Kaya nga hindi mo pinursue ang Business Management mo diba?” Takang tanong ni Chloe sa kanya. 

“Maraming problema ang nangyari last few months of my life, Chloe. At kinailangan kong magsakripisyo ng kaunti. Now, I am starting again from the scratch. I’ve decided to leave my parents house and I decided to get a new job before leaving there,” sabi niya at napabuntong hininga. Tumingin sa sa kaibigan ng may pagmamakaawa. “Meron ka bang kilalang nagha-hire ngayon?” 

“Wait, isip lang ako. Tawagan ko na rin si Sis at ang asawa nito,” sabi ni Chloe at nag-simula ng magdial. 

“Kinasal na si KC? Kanino? Kailan?” Gulat na tanong niya dito.. Wala nga itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa dalawa. Nawala na rin kasi sila ng komunikasyon ng mga kaibigan. 

“Yes, kahapon lang. Dapat nagpakita ka sa akin the day before yesterday. Edi sana naimbitahan ka namin ni Sis. Anyways, you have to guess who she married. Her long time crush!” Sabi ni Chloe at na bakas parin ang saya para sa pinsan. 

“Long time crush? Yung laging nasa magazine nung College tayo? Yung mga batang business man? Sino nga ba yun?” Sabi ni niya na hindi masyadong mahilig sa mga magazine. Medyo naimpluwensiyahan lang siya ni Chloe dati nung college days. 

“Si Mr. James Cristobal,” sabi ni Chloe at naiikot tuloy ang mata sa pagka-clueless niya. “Sis. Nandito si Heather. Yup. Yung Heather na kaibigan nating nung college. Naghahanap ng trabaho,” sabi ni Chloe pero nakatitig kay Heather at si Heather ay nakatitig sa kanya. 

“Teacher siya. Filipino at English. Pwede rin siyang translator,” sabi nito sa pinsan nito. “Really? Okay. Give me his number. Yup. Thanks James at Sis,” sabi ni Chloe at ibinaba na ang telepono. 

“Well. I guess you're in luck. Merong gustong humanap ng teacher para matutong magsalita ng tagalog. Here’s the number. That’s Mr. McConnel. Kaibigan ni James at hindi pa rin marunong magtagalog. His half filipino, Half British. Wala daw kasing oras para humanap ng taong magtuturo sa kanya. So Sean asked his friends na maghanap for him at sakto ka naman,” sabi ng kaibigan sa kanya. Napangiti siya ng maluwag. Sobrang Swerte yata niya ngayon. 

“Maraming salamat sa inyo,” sabi ni Heather na medyo naluluha pero kinuha na rin ang numero ni Sean McConnel. “ 

I better go. Medyo naabala na yata kita,” sabi pa niya dito niyakap ulit ang kaibigan. “Salamat talaga sa tulong. Now, I can have a decent job at makakapagturo rin ako at the same time. Eventhough it’s not a permanent job ay okay lang sa akin. I really need a job.” 

“No worries, Heat. Nandito lang kami for you. You can visit me anytime soon,” sabi nito at tumayo na rin at niyakap siya. “Well are you still lonely with your lovelife? Eto ang card ko. At bibigyan na rin kita ng form. I will help you to find your partner in life,” sabi ni Chloe na kinindatan pa ang kaibigan. 

“I’ll sign this up pero it doesn’t mean na I needed a love life. You see, I just broke up with my boyfriend for three years. May babae siya around my back and it was... Nevermind. Thank you for helping me. Sa ganitong paraan ko lang pwedeng mabalik ang favour or tulong na naibigay mo.” 

“Ingat ka ha!” Nasa mukha nito ang gustong mang-usisa sa nangyari sa kanya since they last saw each other. Ngumiti na lang siya at isinulat ang number niya sa isang papel.
“I know it’s not the right time para pag-usapan ang mga nangyari sa akin. Just call me in that number and I will definitely answer you. Right now, I know you’re busy. Dami mong paper works e. Goodluck sa iyo and I will see you soon. Again, Thank you.” Iyon lang at lumabas na siyang nakangiti. 

Did I said how I lucky I am today? Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanya. Inaalala lang niya kanina ang kaibigang si Chloe at ayun nakita niya. Inaalala niya rin ang trabaho at ayun nakakita rin siya though hindi pa siya kumpirmado na makukuha nga siya bilang teacher nito sa tagalog. 

She just hope na kunin siya ni ‘Sean Micheal McConnel’ bilang tutor. She really needed the money so badly. Naubos na kasi ang separation pay na ibinigay ng eskwelahan na pinagtabahuhan niya for few years. Wala na rin siyang sweldo for two months kaya gustong gusto na niyang makakuha ng trabaho. Ginamit ang separation pay niya sa mga bayarin sa bahay at sa ospital bill ng tatay niya. 

Kalalabas lang ng tatay niya kahapon. Nanatili itong nasa hospital dahil na rin sa kanya. Nasabi niya lahat ang nangyari two months ago sa tatay niya na ikinasanhi ng isa na namang atake. Buti na lang at nasa ospital pa sila noon at napadali ang pag-check sa tatay. 



Nasa kalagitnaan sila ng meeting kung saan ay ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa pagpapaganda at pagpapahi-tech pa ng Airports ng McConnels. Narinig niyang may nagbukas ng pinto kaya napatingin siya doon. It’s his secretary. Lumakad ito patungo sa kanya at binulungan siya. Tumungo-tungo siya dito at lumabas na ang sekretarya niya sa meeting room. 

Lumipas ang ilang minuto ay nagsilabasan na ang mga ka-meeting niya at pati na rin siya. Dire-diretso siya sa kwarto niya. Sa wakas ay nakapagdesisyon na silang gamitin ang iisang project. Nagkahiwalay kasi ang boto pero naliwanagan na ang iba at pumanig na rin sa gusto niyang mangyari. 

Dumiretso siya sa upuan niya at unhook the phone. Sean dialled James’ number immediately. Sabi ng sekretarya niya ay may good news daw ang kaibigan niya sa kanya. 

“Hey, James!” Masayang bati niya dito. “My secretary told me that you have some good news for me. Is it about the ‘faceless woman’? Did you find her by miracles?” Natatawang biro niya sa kaibigan na natawa na rin sa kabilang linya. 

Sean gave up on looking for his ‘faceless woman’ for a month now. Sobrang hanap siya sa babae noon kahit na nga pinagtawanan lang siya ng mga ka-brod niya. Not that they are mocking him pero they were telling him the truth. Useless daw ang hanapin ang babaeng ayaw yatang magpakita sa kanya plus tha fact na hindi niya alam ang itsura at pangalan nito. Ayaw niya mang tumigil sa paghahanap ng faceless woman niya ay napagisip-isip niyang wala ngang patutunguhan ang paghahanap niya dahil hindi naman niya alam kung saan mag-uumpisa. Hindi rin siguro siya handa na makita pa ang babae. Ano naman ba ang sasabihin niya? “Hey! You’re my faceless woman! Wow! You have a face! Shocking!” Ganon? 

“Nope, Brod.” Boses ng kaibigan ang nakapagpatapos ng pagmumuni-muni niya. “It’s not about your little fantasies of yours, Mr. McConnel. It’s about what Chloe asked us.” 

“Told us about what?” 

“Chloe was asking for a job but not for her. It’s for KC and Chloe’s friend, Heather.” 

Hindi niya alam kung bakit pero biglang sumirko na naman ang puso niya. Hindi niya iyon naramdaman for the last couple of months. Napaangat tuloy siya ng paningin sa paligid trying to see if someone’s inside pero wala. 

“KC said that this Heather was a Cum laude and a teacher in a private school. Looks like we had found you a very suitable person for being your tutor at mas pa. She’s also a Filipino and English teacher. Right now, that Heather needed a job right now.” 

“That is indeed a very good news. I was just thinking of asking you guys again about finding me a tagalog teacher. I better wait for that call then. Thanks for telling me, Brod. I needed to end this call now, I am in the middle of signing a loads of paper today,” sabi niya and sighs. Napasipol naman si James at tumawa na parang nang-aasar. Nasa honeymoon stage kasi ang mag-asawa kahit na ba buntis na si KC. 

“Damn! I am lucky then. Good luck to your paper works. It’s always a pleasure to help a brod! Bye~” Sabi nito at ibinaba na ang telepono.




ITUTULOY...

No comments: