“Well, do you like it?” tanong ni James sa namamangha pa ring babae.
Pumunta kasi silang amusement park, a surprise date just for her. “I actually
wanted to reserve this whole place but then again, I remember it will be boring
if it’s only the two of us here,”
“I-I
don’t know what to say? Thank you so much!” sabi ni KC sa kanya. Nabigla pa
siya nang niyakap pa siya nito sa likod niya. “Na-surprise talaga ako ng sobra
at pinasaya mo ako ngayon. Maraming maraming salamat talaga,” sabi pa nito.
“No
need to thank me, Cassandra, I just wanted to fulfill one of your wish. Now, ang kulang na lang ay ang ka-date mo that is
why I am here too,” Yun lang at iniangkla na niya ang kamay ni KC sa braso niya.
“Shall we, Honey?”
Tumungo
na lang si KC. Yun na ang hudyat nang kanilang ‘date’. Pumunta muna sila sa
shooting range at napanalunan nila ang grand prize. He plays target shooting
with his brod so hindi na kailangang magtaka pa kung makuha man niya iyon. “Here’s your prize, honey,” Nag-eenjoy siya
nang sobra. Alam niyang pambata lamang ito at lagi silang andito nang mga
magulang niya nung bata siya, dapat ay nagsasawa na siya at wala nang gana pero
ang makita lang na masaya si KC ay nag-eenjoy siya. Ngiti lang nito ay
nakakpagbigay sa kanya nang kasiyahan, feeling niya tuloy ay si Santa siya.
“Thank
you! Yun lang yata muna ang masasabi ko ngayong araw na ito. Mukhang magiging
bobo muna ako at yung lang ang sasabihin ko. You don’t know how happy, I am.”
“Don’t
worry about it, honey. I told you that we are on a ‘date’ so no need to thank
me. After all, I’m enjoying it too,” A
lot...
“Punta
tayo dun!” sabi ni KC na parang bata kung makaasta, it was a proof that she was
really enjoying this ‘date’. Hinila siya nito papuntang bump car, space
shuttle, anchor’s away at sa kung anu-ano pang mga ride. He even got wet from
one of it. Hindi nila namalayang gabi na pala gutumin na silang pareho.
“Oops!
Nag-skip na pala tayo nang lunch, ngayon ko lang nakalimutan ang oras. Let’s go
grab something for dinner on the way home,” sabi niya habang nagpapahinga sila
sa labas nang sasakyan. “Thank you, Cassandra,” Walang anu-anong sabi niya.
Nagtataka
pero naka-ngiti paring natumingin ito sa kanya. “For what? Ikaw nga itong
nagpasaya sa akin e. Tignan mo at nakuha ko pa itong si Baby Anthony diba?” Ipinangalan
kasi ni KC ang teddy bear na napanalunan niya from his second name, siya daw
kasi ang nakakuha kaya dedicated ito para sa kanya.
Natatawa
pa rin siya kapag tinatawag ni KC ang teddy bear na Anthony. “I don’t want to
sound cheesy but thanks for everything today. Siguro kung ibang babae ang
kasama ko ay hindi ako mag-eenjoy. I mean, pagkasama kita lagi akong happy mood.”
“So,
personal clown na ako ngayon?” kunwari ay nagtatampong saad ni KC.
“Unfortunately,
yeah and a very beautiful one indeed,” sabi niya na dinugtungan niya pa. “I’m
just seriously happy that you enjoyed our little ‘date’.”
Gusto niyang kurutin ngayon ang sarili. Hindi niya kasi alam kung
nagda-day dream ba siya ngayon o naghahalucinate. Kasi palapit na nang palapit
at mukha ni James. Hindi rin naman kasi niya gustong lumayo bagkos ay lumalapit
pa ang mukha niya sa mukha nito na para bang may sarili itong isip. Tumigil
muna ang mukha nito sa tapat niya. Tumingin siya sa mapupungay nitong mga mata
pababa sa matatangos nitong ilong at pababa sa mga labi nitong sobrang tagal na
niyang pinapangarap na mahalikan. Hindi nagtagal ay tinupad na naman ni James
ang isa sa mga pangarap niya. Hindi alam ni KC kung pano ang tumugon. Napansin
iyon ni James at medyo napangiti. Mukhang pinanggigilan pa siya dahil kinagat pa
nito nang mahina ang ibabang labi niya bago nito inilayo ang mukha sa kanya.
“Your
first kiss?” tanong pa nito sa kanya na sanhi nang pamumula niya.
Tumungo
na lang siya sa pagsang-ayon. “I’m sorry. Did I disappoint you?”
“No,
I think it’s kind of cute. I’m willing to be your teacher, honey, as long as
you like it and I seriously wanted to continue our lesson but were already
having a public display and I don’t want you to think that I am taking
advantage of you,” sabi nito at ngayon niya lang narealize that they are indeed
in a public place. Maybe if James continued she’ll be a willing prey buti nga
at may self-control ang lalake.
“T-tama.
Kumain na tayo. Medyo nagugutom na nga ako e,” Yun lang ang sinabi niya at
pinasibad na ni James ang sasakyan.
Bilib na bilib si James sa sarili niya. Hindi niya akalain na may
matindi siyang self-control na naitatago, he can’t believe how those lips made him feel.
Kung wala nga lang sila sa Amusement park ay matagal na niyang nakain ang
dalaga. He can’t believe how delicate yet dangerous the lady is. It’s her first
time pero parang siya ang nakakaramdam nang first time not even Isabel can make
him feel what he had felt earlier. Buti na lang at hindi na muna nagtanong o
nagsalita man lang si KC dahil kung magtanong ang dalaga kung bakit niya nagawa
iyon ay wala siyang maisasagot. Kasi nung mga oras na iyon ang unang pumasok sa
kanyang isip ay ang halikan ito. It’s like, it’s the right time, like it’s
suppose to happen. Okay lang naman sana ang lahat e. Ang hindi niya lang talaga
maintindihan ay ang reaksiyon nang katawan niya. Nag-init kasi siya, na kahit
na basa pa rin siya dahil sa isa sa mga rides ay yun parin ang naramdaman niya.
Huminto muna sila sa malapit na restaurant at kumain. Kahit hanggang sa natapos
na silang kumain ay wala parin silang imikan na parang may hidden agreement
sila na wag munang magsalita hanggang sa magbiyahe ulit sila pabalik sa bahay
ni KC.
“Well,
we are here Honey..,” ibinaling niya ang tingin niya dito. Natutulog na naman
ito. De Javu? Naitanong tuloy niya sa
sarili. Like what happened to the farewell party, He can’t help but to plant
little kisses to the lips that made him feel hot. Pero ang pagkakaiba nga lang
ay gusto niyang magising ang dalaga habang binibigyan niya ito ang mumunting
mga halik. Mukhang napakagalante ngayon ni Lord at pinagbigyan siya. Nagising
nga ang dalaga. Mukhang nagkaintindihan muli sila at tinuloy na ang kanilang
‘lesson’ na naudlot.
Nung
unang maglapat ang mga labi nila, hindi niya iyon matatawag na halik. It’s like
sampling her soft lips, yun lang. Pangalawa, yung nasa amusement park sila, is
to make his move. He decided to start his plan today and now, he just wanted to
tease her at first. Alam kasi niyang may gusto yung babae sa kanya. He start
nipping her lips softly and slowly. Nakita pa nga niyang sumara ulit ang mga
mata ni KC. Ninanamnam nito ang mga halik niya.
Dinala
niya ang kanyang kamay sa bewang nang dalaga. He drew her close to him. Kasabay
ng paglapat ng kanilang katawan ay ang paglalim nang halik niya. He sucked her
lips and thrust his tongue inside her
mouth. He heard her gasped. He knew that it’s her first time kissing for real
but it made him quite happy because she tried to kissed him back. She encircled
her arms onto his neck.
Doon
naman siya natauhan. Unti-unti siyang humiwalay dito. Nakita niya na medyo
hinahabol nito ang paghinga. Same like him. Her eyes were all dreamy. Her lips
were all red because of what he done just now. She looks so darn hot. Ibinaling
niya ang kanyang mga mata sa harapan nang sasakyan. Tahimik muli sila.
“AHH! S-salamat ulit, James. Bababa na ako,” nilakasan na niya ang
loob niya at binasag ang nakakabinging katahimikan sa kanilang dalawa. She was
staring at him for a minute now. He looks kind of confused and angry at the
same time. Hindi naman niya alam kung bakit but she think it’s the best kung
makakapag-isip mag-isa ang lalaki so she decided to speak. “Good night, James, ingat sa pagmamaneho ha,”
sabi niya at binuksan na niya ang pintuan. Nanghihina pa ang tuhod niya sa dahil
sa naganap kani-kanina lang. Hindi parin siya makapaniwala. It’s her first time
getting a real kiss. Her first love was her first real kiss! Sobrang sarap
isipin nun.
“S-sige.
I told you, you don’t have to thank me,” sabi nito na lumabas na rin. Lumakad
ito papunta sa kanya. “Nasiyahan ako sa munti nating pagpapanggap. I’ll see you
tomorrow then,” sabi nito na hindi na nababakas ang confusion at galit sa mukha.
“Aalis na ako,” sabi pa nito at kumaway pa bago nito pinasibad ang sasakyan.
Nakatayo parin siya sa labas nang bahay nila kahit na matagal nang nakaalis ang
sasakyan. Doon lang niya nagawang tumukod sa pader. Hinang-hina talaga siya sa
mga nangyari. Ni hindi niya nga rin alam kung bakit ginawa iyon ni James at
hindi naman niya matanong.
Mga
ilang minuto pa ang nakakalipas bago nagpasyang pumasok na siya sa kanila.
“Andito na ako..,” sabi niya sa mga kasama niya sa bahay.
“Oh,
andito ka na pala anak. Kamusta yung lakad niyo? Kumain ka na ba? Ipaghahain
kita kung gusto mong kumain,” sabi nang nanay niya na naghuhugas nang mga
pinagkainan na nila.
“Hindi
na po, nay, kumain na kasi kami at medyo pagod po ako. Nagpunta kasi kami sa
E.Kingdom e,” sabi niya na dire-diretso na papunta sa taas. Hindi siya
tumitingin sa mga magulang dahil alam niyang magtatanong ang mga ito kapag
nakita ang mukha niya. Alam kasi niyang medyo namumula pa ang mukha niya.
Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya para lang magulat.
“KC!!!!”
angal nito. “Hindi mo na naman ako napakilala diyan sa prince charming mo.
Naghintay pa naman ako dito kasi akala ko ay papapasukin mo siya pagkahatid
niya sa iyo,” Tuluy-tuloy na sabi nito.
Bumuntong-hininga
lang siya at umupo sa tabi nito. “Sis... Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit
ka inaya nang boss mo sa isang date at sabihin sayo na isipin na lang na
mag-dyowa kayo pagkatapos pagkahatid sa iyo ay ha-..,” tumigil muna siya sa
pagkukwento at tumingin sa pinsan. Nasa mga mata nito ang pagkasabik sa mga
sasabihin pa niya.
“Ha?
Anong kasunod ng ha mo?” takang tanong ng pinsan niya sa kanya.
“...hinalikan
ka niya,” bulong niya pero alam niyang narinig siya nang pinsan niya. Tumili
ito ng sobrang lakas, medyo narindi pa nga siya dito. “Grabe ka namang
maka-tili. Sa tenga ko pa talaga,”
“SIS!
Eto na ang pangarap mo! Mukhang may tama na ang boss mo sayo! Gosh!” sabi pa
nito habang niyu-yugyog siya. “Ang swerte mo!” sabi pa nito.
“Sigurado
ka ba diyan? Ni wala pa nga siyang sinasabi sa akin e.”
“Ai
sis, akala ko ba magna cum laude ka? E bat parang ang tanga-tanga mo naman,” sabi
nito na medyo binatukan siya nang mahina. “Sis! Siyempre hindi yun marunong
manligaw kasi si Prince James ang nililigawan buti nga at nag-effort siya na
dalhin ka sa kung saan e,”
“Sa
Enchanted Kingdom kasi tinanong niya ako nung nakaraang linggo kung saan ko daw
ba gustong pumunta pag-date. Ang sinabi ko sa mga amusement park.”
“Gaga
ka talaga! Ikaw na nga ang nagsabi na nagpapalipad hangin na siya sayo. Dinala
ka na sa date na pinapangarap mo tapos andaming mga bulaklak na galing din sa
kanya,” Akala kasi niya ay isang beses lang siyang bibigyan nang bulaklak nito
pero inaraw-araw ito ni James. Medyo napupuno na tuloy yung kwarto niya. Kahit
kasi lanta na ay hindi niya pa maitapon iyon.
“Sis,
This is it! Kapag tinanong ka niya kung pwede kang maging girlfriend sa susunod na magkita kayo, sagutin mo na
siya. Napaka-romantiko pala nung Ice Prince na iyon sana ay magkaroon din ako
nag Prince na katulad nun. Gusto ko rin yung pangalang Ezekiel,” sabi nito na
nag-day dream na naman. Pero pasalamat siya dito dahil ngayon ay hindi na siya
naguguluhan and she will surely say YES to him if he asked to start going out.
“Itigil mo na nga yang kaka-day
dream mo diyan. Hindi pa naman natin sure kung may gusto sa akin si James no,”
she still doesn’t want to have a high expectation.
“Basta
ako, sure ako na may gusto yun sa iyo. Kung hindi man magtanong yun kung pwede
kang maging girlfriend e baka hindi pa niya alam na mahal ka na non. Alam mo
naman ang mga boys, stupid in love,” sabi pa nito. Kinuha na lang nito ang unan
at binato sa kanya. “Madaya ka kasi. Inunahan mo pa ako. Kung hindi dahil sa
akin ay hindi mo naman pagkakainteresan or maging crush man lang yang boss mo.
Ako kaya yung nagpakita sayo nang Magazine. Ayun ang lola mo nagkandahulog-hulog
sa upuan nang makita si James Anthony Cristobal,”
Tumawa
na lang siya pero may punto rin naman ito. Hindi kasi siya mahilig sa mga magazine.
All she wanted that time was to study, study and study pero nung nakita niya si
James sa Magazine and the sadness in his eyes made her realize na kailangan
niyang pasiyahin ang lalaki para magawa niya iyon ay kailagan niyang mapalapit
muna dito kaya kinuha niya ang course na Secretarial kahit na alam niyang
mahirap humanap nang trabaho sa panahon ngayon. Ngayon na nagkita at nagkalapit
na sila ay natupad na niya ang pinapangarap niya. Mukha namang sobrang saya na
ni James at gusto niyang ipagpatuloy ito.
“Oi
bruha, tama na yang kakatulala mo at matulog na tayo. Kailangan kasi kita sa
Shop ko bukas dahil tumawag si Nessy kanina, nasa ospital daw ang anak kaya di
makakapasok bukas. Off mo pa naman bukas diba? Bonding na lang muna tayo,” sabi
nito na nakahiga na sa gilid nang kama niya. “At saka madalang na tayong
magkita ,nag-eemo na ako minsan. I’m so emo, I bleed na nga,” sabi nito na
humagikgik pa. “Alam mo naman ako, emo-emohan,”
“Sira!
Matulog na nga tayo,” sabi niya saka niya pinatay ang lampshade sa bedside
table niya.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment