Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, June 23, 2012

At Your Service: Mister Masungit [Part 2] Revised Edtion

Copyright © 2010. All Rights Reserved.

Ewan niya ba kung bakit sinabi niyang ‘oo’ nung magtanong ito kanina ng date sa kanya. Maganda nga at mabait si Clementine but she wasn’t his type. Hindi lang dahil sa mapera siya at anak ng mayaman but he doesn’t like the fact na hinahabol habol siya nito at ito pa ang nanliligaw sa kanya.  Para kasi sa kanya, ang mga babae ang nililigawan and not the other way around. He was in the middle of changing for their date ng pumasok ang boss niyang si Blu sa loob.

“Just to let you know, my friend’s outside waiting for you. Thank you nga pala dahil you just made my friend the happiest lady in the world. Nakapagtataka lang kung bakit ka nga ba sumang-ayon na makipag-date when I knew well na hindi mo siya type and you just don’t like her.”

Kumibit balikat siya at ni-lock na ang locker. “Pinagbigyan ko na lang para tumahimik na siya at hindi na niya ako kulitin pa,” sabi niya at isinabit na ang bag sa balikat. “Alis na ako, boss, baka kapag pinaghintay ko pa ang kaibigan niyo ay mabaliw pang lalo yun doon.”

Kumaway na lang ito at pinanood siyang lumabas sa locker room. Imbes na lumabas siya sa likuran ay minabuti na lang niyang lumabas sa harapan kung saan nag-hihintay si Clementine.


Clementine arrived as early as she can. Bihis na bihis din siya appropriate para sa date nila. She knew well na simpleng panlabas lang ang dadamitin ng lalaki dahil kalalabas nga lang nito ng trabaho at alam niya rin na ang tipo ni Cain ay ang mga babaeng simple kung manumit at simple ang make-up. She made sure na simple siya in a very beautiful and fashionable way.

She was wearing a cream dress na nagbigay tingkad sa maputing balat niya. Sleeveless ito na may deep V-cut at may beaded wood details sa gilid. She’s really happy inside and felt really satisfied dahil nakita niyang nagulat at napatitig ito sa suot niya. Ngumiti siya dito ng matamis at hinintay na makalapit ito sa kanya.

“Sorry kanina dahil hindi na ako nakapagpaalam na aalis ako. Wala na kasi akong oras para makapag-ayos kaya nagmamadali na akong umalis nun, ” sabi niya dito kahit nga ba nakatitig lang ito sa kanya at marahang tumungo. “Saan nga pala tayo pupunta? Gamitin na natin ang kotse ko para mas madali.”

“Hindi tayo sasakay sa sasakyan mo. Mamamasahe tayo,” walang kasigla-siglang sabi nito sa kanya at iginaya siya papuntang sakayan ng jeepney.

Cool naman siya sa pagsakay sa jeepney at may pagka-girlscout siya dahil nga she loved adventures and excitement. Alam naman niya kung anong klaseng tao si Cain. Masungit lang ito pero never itong nambastos ng babae, and she thinks na it’s cool of Cain na humindi itong gamitin ang sasakyan niya, nadagdagan tuloy siya ng pogi points sa kanya.

Sumakay na silang jeepney at medyo pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob, mapa-babae man o lalake. She can see the admiration of everyone’s eyes inside the jeepney dapat lang naman kasi pinaghandaan niya talagang mabuti ito. Tinawagan niya ang kaibigan niyang make-up artist at pinahalungkat na rin niya sa mga kasambahay ang mga damit para makapili siya habang inaayusan siya ng kaibigan.

Maya-maya ay inakbayan siya ni Cain pero hindi parin nito siya tinatapunan ng tingin. It doesn’t matter kung di man siya tinapunan nito ng tingin dahil para sa kanya ang simpleng gesture na iyon ni Cain ay isang pogi points ulit. Alam niya kung bakit siya inakbayan nito. He just wanted to protect her from people’s stare at sa taong gagawa ng masama sa kanya.

Hindi nagtagal at dumating na sila sa Manila bay.

“Biglaan ang labas natin kaya dito na lang tayo. Hindi ako yung tipo ng lalake na hahayaan ang babaeng magbayad sa mga gagastusin sa date,” sabi nito at lumakad na sila sa isang karindirya.

“Dito tayo,” sabi nito at umupo na sa lamesa.

“O-okay?” At umupo na rin sa tapat na upuan ng lalake. Pagpasok na pagpasok pa lang kasi nila sa karinderya ay pinagtitinginan na siya. Hindi kasi appropriate ang suot niya sa pinasukan nila. Akala niya ay okay na ang suot niya sa kahit na anong lakad nila ng lalake pero mukhang hindi niya expected na dadalhin siya ng lalaki sa ganitong lugar.

Tumayo na silang dalawa at tumingin ng mga putahe. Nag-order na lang sila ng bulalo at kaldereta. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang masarap sa karinderya kaya hinayaan na lang niyang si Cain ang mag-order para sa kanila. Umupo na lang siya ulit at inilibot ang paningin sa loob ng karindirya.


Talagang dinala niya ang babae sa ganitong lugar para madisappoint or magback-out ito sa date nila. Hindi na niya pinagamit ang kotse nito, sumakay pa sila ng jeepney at dinala niya ito sa karinderya. Medyo nagui-guilty siya pero paraan na rin niya ito para lubayan siya ng babae. Hindi nga lang niya inaasahan na magsusuot yung babae ng ganoon, hindi siya magsisinungaling dahil he really love what she was wearing, it really suits her, very pretty. Kahit naman mayaman si Clementine ay batid na niya na simpleng dalaga ito. Fashionable ito, yes, pero wala siyang nakikitang ka-ek-ekan sa katawan and for him, it’s the best trait ever.

Tinignan niya ulit ang dalaga na nakaupo na sa upuan sa gitna ng low-class na kainan. Hindi ito nababagay sa lugar na ito dahil para itong reyna sa gitna ng basura. Hindi naman sa madumi ang pinagpuntahan nilang karinderia, actually malinis ito kumpara sa iba at hindi rin pahuhuli ang mga pagkain ditto dahil masasarap lahat ang nakahain dito. Hindi lang talaga ito bagay ang dalaga sa lugar na iyon.

Lumapit na siya sa lamesa nila, dala ang mga kubyertos na kakailanganin nila para makakain at inilapag iyon sa lamesa. Nagulat ang lalaki dahil kinuha ni Clementine ang mga ito at tinanggal ang tissue na nakapulupot dito, ipinamunas muna sa mga kubyertos bago pinunasan ang lamesa. Saktong sakto, pagkatapos nitong maglinis ay dumating ang mga pagkain. Nakangiti itong ibinigay sa kanya ang mga nilinis na kubyertos. Hinayaan niyang mauna itong kumuha ng pagkain to check kung ano ang magiging reaksyon nito. Ngumunguya pa ito bago itinaas ang isang kamay and form a thumb-up mark with matching nodding pa, she loved the food and he didn’t expect na magugustuhan ng babae ang mga pagkain sa lugar na ito. Hindi tuloy niya namalayan na napapangiti na siya.

“Marunong ka naman palang mag-smile e and I like it more when you do it,” sabi nito at sumubo ulit ng bulalo at ngumiti sa kanya.

“Syempre naman. Ano tingin mo sa akin hindi marunong ngumiti?” sabi niya dito at nagulat na napangiti na pala siya sa harapan nito, hindi na lang niya ipinahalata na nagulat siya.

“Alam ko naman. Madamot ka lang sa ngiti,” sinabi nito at inubos na ang pagkain.

“Hindi lang ako masyadong ngumingiti.”

“Well, I hope sana ngumiti ka naman sa whole date natin.” Nanonood na lang ito sa pagkain niya. Nailang tuloy siya at hindi na tinapos ang pagkain.

Tumayo na siya at tinignan na ang babae na nagulat sa pagtayo niya. “Halika na, busog na ako eh.”

“Ha? O sige,” at tumayo na rin ito. Nagbayad na sila bago sila lumabas at dumiretso na sila sa next nilang destinasyon. Star City, nagbago na ang isip niya, he wanted to somehow make this date enjoyable to the lady kumbaga, pampalubag loob niya dahil dinala niya ito sa karinderya. His happy ng makita niyang tuwang tuwa naman ang dalaga. Hindi pa daw kasi ito nakakapunta sa amusement park kahit noong kabataan nito, and he was glad na he manage to give her her first time to amusement park. Sa buong gabi, hindi niya naiwasang hindi tumawa o ngumiti man lang, napaka-inosente at makulit kasi ito.

She was indeed cute. Nasabi nalang niya sa sarili na ikinagulat niya kahit kailan ay hindi siya nag-compliment sa isang babae lalo na sa taong mas mayaman pa sa kanya. He never had any serious relationship before and he never did any courting kasi sila ang lumalapit sa kanya to have a ‘relationship’ for him, it’s all play and not serious and somehow, he don’t want to encounter another lady na manliligaw sa kanya but then Clementine arrived and mess up his everyday life.

Pinagmasdan niya ang dalagang laman ng isip niya ngayon, she was happily walking ang looking around sa mga rides na hindi pa nila nasasakyan. He know that she’s filled with joy, and just the fact na nag-eenjoy ito kasama siya made him feel happy too at hindi niya inaasahan na sa simpleng kasiyahan ng dalaga ay sasaya siya. Naglaho ang mga iniisip niya at napalitan ito ng pag-aalala ng makita niyang natapilok ito. He didn’t manage to help her not to trip kasi medyo malayo ito sa kanya. He run towards her and bended down.

“O-okay lang ako. Nakakahiya naman at natapilok pa ako, sa harapan mo pa,” sabi nito at makikita mong pulang-pula ang mukha nito sa sobrang pagkapahiya. The lady tried to stand up but she just fell again. “Ouch!” mangiyak-ngiyak na sabi nito at hindi makatayo dahil sa sakit ng paa. She just fractured her feet. Ang unang ginawa niya ay ang kargahin niya ang dalaga sa mga bisig at patakbong lumabas sa Star City. Ngayon ay nagagalit siya sa sarili na hindi nila kinuha ang kotse nito para makaalis kaagad sila at makarating sa hospital pero sbai nga nila nasa huli lagi ang pagsisisi.


Isinugod siya ni Cain sa hospital and it was official, na-fractured nga siya dahil sa pagiging clumsy niya. The doctor said that she needed to stay in the hospital for a few days dahil na rin doon. Natawagan na rin ni Cain ang mga magulang niya na agad naming dumating. Once her parents arrived, nagpaalam na si Cain na aalis para may time ang mga magulang niya sa kanya. Malungkot na ngumiti siya dito but she really can’t do anything. Mas gusto niya ngang kasama niya ang lalaki.

“Sorry ha. Naputol tuloy ang date natin.”

“Huwag mo nang isipin yon. Ipagpapatuloy na lang natin sa susunod,” ngumiti ito sa kanya and touch her cheeks. It was a shock for her but she was more happy than shock. Atleast, nagagawa niyang mapangiti ang lalaki.

“Talaga may susunod pa?” Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. She cannot help but to smile at the guy. Ang akala niya ay ang maka-date ito ay imposible kaya di na siya nage-expect na may kasunod pa ito kaya naman natuwa siya dahil sa sinabi ng binata.

Tumungo ito at nginitian siya. “Oo ba, basta wag ka lang madadapa ulit,” sabi nito na nagbibiro na sa kanya. Kanina kasi bago dumating ang mga magulang niya ay ni walang salitang namagitan sa kanilang dalawa, medyo nagtataka nga siya kung bakit tinititigan lang siya nito at di kinakausap. Malalim din kasi ang iniisip nito kaya di na rin niya ito inabala.

“Hihintayin kong ayain mo ako ng date then magsusuot na ako ng flat shoes para walang dapa-dapang magaganap,” balik na biro naman niya dito. Masaya silang naghiwalay.

“Sure, aalis na ako.”

“Okay, dalaw ka ulit ha?” tumungo lang ito ang ngumiti. She really thought na mauulit ang pagbalik nito sa hospital para dalawin siya but it didn’t happen hanggang sa makalabas na siya ng hospital. She was sad dahil lahat ng ibang staff sa café ay nakarating pwera lang ang lalaki, hindi tuloy niya napigilang magtanong kung bakit di nakarating ito. Blu said he requested a night shift the next day matapos ang date nila.


Calling calling, Cain. Nasa-earth ka pa ba?” Natatawang tawag ni Blu sa kanya. Hindi niya namalayang tumigil na pala siya sa paglilinis at nakatitig lang sa upuang madalas upuan ni Clementine tuwing umaga. Magsasara na kasi siya at kasama niya ang boss na si Blu sa buong gabi.

“Sorry, boss, may sinasabi ba kayo?”

“Kaya pala para akong tangang tanong ng tanong at hintay ng hintay sa sagot mo, di mo pala ako naririnig dahil sa lalim ng iniisip mo,” natatawang turan ng amo niya sa kanya. Hindi naman niya masabing hindi malalim ang iniisip niya dahil totoo iyon. Marami kasing gumugulo sa isip niya ngayon. “I was meaning to ask you this since the time you asked me to change your shift, pero bakit ka nga ba nag-request na mag-iba ng shift?”

Tinigil na niya totally ang paglilinis at humarap sa boss niya. Matipid na ngumiti siya dito, “Tina-try ko lang itong shift boss. Hindi naman pala masamang magtrabaho sa gabi.”

“Yun lang ba talaga?” Alam niyang wala naman siyang malilihim sa boss niya, nabapunting hininga tuloy siya ng wala sa oras. Totoong hindi lang dahil doon kaya siya nagpalipat sa gabi. Nung bumalik siya sa trabaho the next day na natapos ang date nila ni Clementine ay masyado niya itong namiss. Hindi kasi ito makadalaw sa kanya dahil nasa hospital ito at nagpapagaling. Namimiss niya lang ito na nakaupo sa usual na upuan, nakatingin at pinapanood siya sa bawat galaw niya, mangungulit na makipag-date, na ngumiti siya or ipagtimpla ito ng kape. Namimiss niya rin ang halakhak nito, ang boses nito at ang pangungulit nito sa mga kasamahan niya lalo na sa kanya at ang pagsunod-sunod nito. It’s not just the same for him anymore lalo na at narealize niya ang totoo.

It was really late for him to realize na mahal na niya ang dalaga. Na-take for granted niya kasi ang presensiya nito and when it stopped all of a sudden, doon niya lang narealize na he was actually enjoying na binibigyan siya nito ng oras. Kahit na anong pambabaliwala at pagsusungit niya dito ay hindi ito nag-give up man lang or hindi man lang ito napagod. He knew na magkaiba si Clementine at ang nanay niya. Clementine really didn’t care about status or kung gaano kalaki ang pera mo sa bulsa, and she will just enjoy everything you will give her. She’s just the amazing.

Natigil lang ang malalim na naman niyang pag-iisip tungkol sa babae ng magsalita ulit ang boss niya. “Is it about Clementine? Bakit, namimiss mo na siya?” May himig panunukso nito but he didn’t entertain it.

 “Hindi ko alam na nakakamiss rin pala ang pangungulit ng weirdong kaibigan niyo, boss.”

“Eh bakit hindi mo siya pinuntahan sa hospital kung namimiss mo siya? Mas may oras ka pa nga sa pagpunta dahil pang gabi ka na eh.”

“Hindi naman niya ako kailangan don, boss,” sabi niya at nag-umpisa ng mag-mop sa sahig.

“Ano ka ba? Tanong nga ng tanong si Cle,” sabi nito at nagkibit-balikat na lang. “Kung ako sa iyo, hindi ko na papakawalan pa si Clementine. Iba siya sa mga mayayamang babae diyan.”

“Alam ko, boss,” sabi niya na nagpalaki ng mga mata ni Blu. “She’s far too different from the ladies I met in my entire life. She’s amazing.”

“So why hesitate?”

“Natatakot na ako, boss, kasi I loved my mother so much and all of the sudden she left us, dahil sa pera. Natatakot lang ako na kapag nakuha na ni Clementine ang atensyon at ang puso ko ay iwan na rin niya ako.”

“Ikaw na rin ang nagsabing iba siya sa mga babaeng nakilala mo. Don’t suppress your feelings at baka mamaya niyan e sumabog ka na lang or magsisi ka sa bandang huli. Hindi sa itinutulak kita sa kaibigan kong iyon, it’s just that alam ko namang nagmamahalan na kayo, so why stop yourself from loving each other, right? Payong kaibigan ito,” sabi ni Blu at nagpaalam na sa kanya.


Bumalik na ang lahat sa dati. Isang linggo lang niyang ginawa ang late shift at ibinalik na rin siya ni Blu sa umaga. Dumating na si Clementine at umupo na sa usual place nito. Nakikipagkuwentuhan na ito sa iba ngunit ni hindi man lang nito binabanggit ang pangalan niya. Hindi tuloy niya maiwasang tignan ang dalaga, he wanted to talk to her pero mas napangungunahan siya ng hiya dahil sa mga inasal niya noon dito. Clementine looks mor beautiful than usual, or maybe hindi lang niya pinahalagahan ang dalagang pagmasdan mabuti kaya di niya ito naa-appreciate. Kumuha siya ng madaming lakas ng loob para lapitan ito dahil di na niya kaya ang silent treatment sa kanya ng dalaga dahil nga sa hindi niya ulit ito dinalaw sa hospital. Lumabas na siya ng bar at akmang lalakad na papunta sa dalaga ng bilang may naunang lumapit dito.

            “Hey there, gorgeous!” sabi ng lalaki sa dalaga at humalik ito sa pisngi.

Napalingon bigla ang dalaga to check who was the guy and just smiled ng malaman kung sino ito. “Keiji! What are you doing here?” Nagulat na tanong ni Clementine at nakipag-beso beso sa lalake.

“Dinaanan talaga kita dito. Uncle George asked me to fetch me up at na-curious na rin ako dito sa café na sinsabi mong lagi mong tinatambayan. I must say, you do have a good taste when it comes to things like this. I really like it here, really relaxing. Anyways, we should go,”

Cain wanted to just run towards them at paghiwalayin ang dalawa. He just wanted to make that guy’s face bleed dahil naaasar siya. Bakit? Ano ka ba kay Clementine? Noong nagpapapansin siya sa iyo at hinahabol ka, di mo pinapansin pero ngayong mukhang wala ng interest sa iyo ang dalaga ay saka mo siya mapapansin. He gritted his teeth dahil hindi niya kayang maitanggi ang mga sinabi ng isang bahagi ng utak niya.

“Sure, lets go,” sabi ni Clementine at tumayo na pero bago ito umalis ay sumulyap muna ito sa kanya only to look in another direction ng magtama ang paningin nilang dalawa.


Clementine decided to stop pestering Cain simula ng malaman niyang nagpapalit ng shift ang lalaki at ng hindi na ito dumalaw sa kanya nung nasa hospital na siya para kasi sa kanya, ang ginawang iyon ni Cain ay ang pagpapamukha sa kanyang she’s not important to him at all at ayaw na siya nitong makita at makausap. Mahirap man tanggapin ay magmo-move on na siya, sa wakas. Actually, matagal na siya dapat tumigil sa ginagawang pangungulit, di niya lang magawa dahil nga she really love the guy. Iniangkla na niya ang kamay niya sa braso ni Keiji at lumakad na palabas.

“Yun ba yung lalakeng kinabaliwan mo? Yung nasa bar?” sabi ni Keiji sa kanya. Hindi pala nakaligtas sa binate ang paghigpit ng pagkakahawak niya dito ng magtama ang paningin nila ni Cain and it’s useless to lie to him, anyways, dahil kilala siya nito. Napatungo na lang siya at napabuntong hininga.

“But I’m giving up. Dapat noon pa ako nag-give up eh, now I pushed him to the edge and asked Blu to change his shift para di lang ako makita. Hindi naman makapal ang mukha ko, Keiji. I do really love the man but I won’t push myself to him kung talagang ayaw niya talaga sa akin at kulang na lang ay isuka niya ako. It hurts but I will manage somehow,” sabi niya dito at tuluyan ng lumuha. “…hindi ko lang inaasahan na babalik na pala ulit ito sa shift niya and was shock to see him again. Nahirapan akong huwag syang kausapin but nagawa ko naman. You should congratulate me, Keiji,” nagbibiro pa niyang turan sa binate habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Hindi niya alam na hinabol pala sila ni Cain. Nakita tuloy nito na umiiyak siya at biglang sinugod at sinuntok si Keiji. Napasubsob tuloy ang kawawang lalaki sa daan. Nagmamadaling inihiwalay niya si Cain kay Keiji at pumagitna. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito si Cain.

“What the hell did you just do? Bakit mo siya sinuntok? Wala naman siyang ginagawa sa iyo eh!” nagagalit na turan niya sa binate habang tinignan ang nakahigang lalaki sa daan.

“Pina-iyak ka na niya and all pero pinagtatanggol mo pa rin siya?” Nakikita niya sa mga mata nito ang samut-saring emosyon. It was the first for her to see something like that. Kung hindi kasi pagkayamot ay pagkabored ang nakikita nito sa mga mata nito.

“Pinaiyak? Di niya ako pinaiyak at talagang ipagtatanggol ko siya dahil wala naman siyang ginagawang masama sa iyo to hurt him like that! Hindi pa ba sapat na sinaktan mo na ako sa pambabaliwala mo sa akin?” Sigaw ni Clementine sa kanya at di na niya napigilan ang mapahagulgol. “I will leave you from now on so just mind your business.”

Cains’ expression soften and suddenly she got hugged na ikinapagtataka niya. “Don’t cry, Clementine. I knew I was a bastard to you at hindi kita pinapansin at lalo pa kitang sinungitan. I even made you commute to our date and ate sa isang karinderya lang dahil nga siraulo ako, I wanted you to really leave me alone para matahimik ang buhay ko. I did all that para hindi mo na ako magulo pa yet nung natapilok ka and I couldn’t stop it kahit na nasa harapan kita made me feel that I was useless. Nung hindi ka makadalaw dahil sa naka-confine ka sa hospital, I missed you and how you mess with my boring life.”

“W-what? Cain…di kita maintindihan.”

“Just leave that man and be with me, Clementine. Mamahalin kita ng buong buo. Hindi ko man maibibigay ang marangyang buhay pero mamahalin kita ng buong puso ko wag ka lang mawala sa akin,” sabi nito sa kanya at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap nito. Rinig na rinig niya ang mabilis na tibok ng puso ng lalake. Hindi niya tuloy mapigilang mapaluha lalo, hindi dahil sa sobrang lungkot niya kundi dahil sa sobrang saya niya. She just can’t believe what she just heard.

“Tama ba ang narinig ko, Cain?”

“Yes, mahal kita. Mahal na mahal, actually,” sagot nito sa kanya and smiled to her sweetly. The first time she saw a smile as sweet as that.

“What took you so long? I was ready to give you up, you know,” sabi naman niya at gumanti na ng yakap sa binata.

“I’m really sorry for realizing it too late. I love you, Clementine.”

“I love you too, so much!”

“Huh? Akala ko mahal mo yung lalakeng yan?” Takang tanong nito sa kanya.

“Sira! Pinsan ko siya, I was crying because I was telling him that I am giving up on you.” Ngiting-ngiting hinila nito ang lalake sa batok and gave him a light kiss on the lips. “So maniwala ka sa akin, Cain. I really love you, di ako susunod sa iyo at magmumukhang tanga dahil lang sa atensyon no.”

“Yeah. I knew that, good thing I didn’t lose you.”

“You were almost late but promise to not let me go.”

“I will,” he said and lowered his head to give her a kiss this time. Mas mahaba at mas masarap sa pakiramdam. Narinig na lang nilang nagpalakpakan na pala ang mga taong nakapanood sa kanila.

“Sa wakaaaaaaaaas!” sigaw ng mga staff at nagtawanan. Now, she’s really really happy!


~♥~
Next Story: Miss Matulungin

No comments: