Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, January 24, 2013

JESTER Series Special - Chapter 10

Copyrights © 2013. All Rights Reserved.

Ang lakas ng tibok ng dibdib niya hanggang sa makarating siya sa kusina. She can’t help herself to feel her heartbeat habang inaalala ang mga nangyari sa kwarto ni Ezekiel: his perfectly cultivated abs, his weak but lovely smiles that almost made her mad, and that sweet kiss of ‘thanks’ dahil daw sa pag-aalaga niya dito pero di pa nga siya nakakapag-umpisa ng alaga. She then felt her trembling lips na kani-kanina ay nakatikim ng earth-shattering light kiss.


Ang haba ng hair kooooooooo! Ako na! Ako na talaga ang nakakahalik kay Ezekiel! Oh yeah! 


Akala ko ba ayaw mong matulad kay Bea Alonso? E bakit parang trip na trip mo ng maging mistress? Nang-uuyam na tanong ng isang parte ng isipan niya. 

E anong magagawa ko? Tukso na ang lumalapit sa akin kahit na nga ba layo ako ng layo sa kanya. 

Layo ka nga ng layo kanina pero ngayon konting Thank you at hila sa iyo ng hindi naman kalakasan ay nagpahalik ka na? 

Doon niya naalala ang ibang nararamdaman niya sa iisang Ezekiel na nakita niya ngayong araw. Kahapon at kaninang umaga ay asar na asar siya dito kapag nakikipag-flirt ito sa kanya but now, lalapit pa lang ito ay gusto na niyang sumuko sa pakikipag-flirt nito. Bakit ganoon? 

“Ahh ewan! Bahala na si Batman, robin at mga justice league basta ang alam ko may sakit siya ngayon and I he needed my tender loving care,” napabungisngis siya ng maisatinig niya ang excitement. Dapat ay di siya ma-excite dahil may sakit ito but somehow, she can’t hide her true emotions. Trulaley, kasi love na ang nasasabi mo eh. Malamang love mo na nga yang Ezekiel mo. 

Love? Doon lang siya natauhan, why does love keep popping in her head kapag mag-isa sila except the time na magkasama sila kahapon at kanina? Hmmm… 

Dahil sa malalim na pag-iisip di niya namalayan na nakaharang na pala ang daliri niya sa hihiwain niya at iyon ang nahati niya. She winced and bit the bottom of her lips para di na siya mag-ingay pa at baka imbes na siya ang mag-alaga kay Evzen ay ito pa ang mag-alaga sa kanya. She then walked towards the water tap at hinugasan ang daliri kasama na rin ang mga hinihiwa niya na nalagyan ng konting dugo niya. She needed a band aid kaya naman humanap siya nito sa medicine box na alam na niya kung saan nakalagay dahil na rin sa clumsiness niya. Matapos ang pag-aasikaso sa sugat ay nagpatuloy na siyang magluto at nagdesisyon na ipagmamaya na lang ang pag-iisip ng nakakalitong mga bagay. 

Natapos na ang sopas na niluto niya at nag-prepare na siya ng tray para itaas sa kwarto ng inaalagaan niya. She went up to his room, putting the tray on the small table next to it bago pumasok sa kwarto. Narinig niya ang mahinang paghilik nito and she felt bad na kailangan niyang gisingin ito to eat at uminom ng gamot. She put the tray on his bedside table at tinitigan muna ito sandal. It’s one of the things she wanted to do to the person she loves, ang panoorin itong natutulog and listen to him snore at imaginine na musika ito na mas nagpapakilig sa kanya. 

“Ang gwapo mo talaga, Zen,” mahinang sabi niya dito and can’t help but to move her pointing finger and touch his long eyelashes. She then moved her finger towards his long and perfectly fine nose pero hindi niya ito idinikit sa skin nito para di ito magising. Nang matapos ang pagkurba ng ilong nito ay nag-alangan siya kung hahalawan niya ang mga labi nito but was tempted to those naturally red kissable lips of him and touch it nonetheless. 

This lips touch mine earlier. Sa pag-iisip na iyon ay napunta na naman siya sa dream land at syempre kinilig ang buong katawan at pagkatao niya. She can’t help but stare at him lovingly and sighs. “Bakit ba sa iyo ako nain-love when there’s plenty single guy out there? Ang bait pa ng asawa mo at naging close na rin kami ng mga anak mo,” mahinang sabi niya dito and shook her head. Sinalat niya ang noo nito just to check his temperature at nalaman niyang mas uminit ito kaysa kanina. 

Tumalikod siya and was about to get the soup para gisingin ito at pakainin ng mapahinto siya dahil nagsalita ito. “You know, that’s one of the sweetest confession I heard so far, Ayca,” he said and smile softly. 

“H-ha? Anong pinagsasabi mo? Nagdedeliryo ka lang siguro. Gising ka na pala, eat s—,” hindi niya natapos ang sinasabi dahil nagsalita na ulit ito. 

“I think I like you too, Ayca,” she gasped at what she heard. Mukhang siya ang nilalagnat dahil kung anu-ano na ang naririnig niya mula dito. “And please don’t leave me.” 

“I—I don’t know what to say, Zen, paano ang anak at asawa mo?” 

“Don’t think of them or think of me na may asawa at anak kapag magkasama tayong dalawa and I will do the same…I just want you to think of me and me thinking of you. I want to like you with all my heart and you do the same…mahirap ba iyon?” 

“Kausapin mo ako once na malinaw na ang pag-iisip mo. Sa tingin ko your delusional dahil sa tumaas ang lagnat mo,” matatag na sabi niya dito. She can’t think of anything right now. His confession and his plead confusses her to no end at kailangan niya rin ng time to think about this very ver serious matter. 

“I’m sure of what I was saying kahit mataas pa ang lagnat ko but if you insist, then I’ll talk to you again once I am totally fine and sane,” sabi nito at ito na mismo ang nagpaupo sa sarili. She started to feed him the soup at naubos naman nito iyon kaagad. She took the medicine at pinainom na ang binata then left him para makatulog nan g maayos. She wanted to congratulate herself for being brave in front of him and pretend na wala lang ang sinabi nito sa kanya. 

Nagagamit ko rin pala ang pagiging stage actress ko sa mga ganitong pagkakataon. She quickly went to her room and weakly sat on her bed dahil nanghihina ang mga tuhod niya sa nangyari kani-kanina lang. 



Gumaling na si Zen matapos magkaroon ng sakit for almost 24 hours pero nagpahinga ito ng sobra so he was totally fine by the next day. Hindi alam ni Ayca kung ano ang gagawin: kung iiwasan niya ba ito o haharapin ito. Natatakot siya, she knew that her heart and body will betray her mind kapag sinabi nga ulit ni Zen sa kanya ang mga katagang sinabi nito nung nasa kalagitnaan ito ng mataas na lagnat . Natatakot rin siya dahil baka madisappoint siya na hindi pala nito meant ang mga sinabi nito nung gabing iyon at baka mas masaktan siya kaysa sa pag-betray niya ng pagkakaibigan nila ni Chloe. 

Sa totoo lang hindi niya alam ang gagawin. Nung sinabi niya sa sarili niya na pag-iisipan niya ang isasagot ay wala siyang naisip kundi ang kiligin lang. Why not? Her dreams came true dahil ‘like’ na siya ni Ezekiel. He likes her…and it was too late. 

“Ayca…” pagtawag nito sa kanya na ikinalingon niya. hindi niya alam na nasa likuran na pala niya ito. She was standing in front of the swimming pool at tinatanaw ang malawak na lupain ng lolo nito. 

“O andito ka pala, gusto mo ng kape? Igagawa kita, wait lang,” she said and was about to walked pass him pero pinigilan siya nito by holding her arms. 

“No…no, I don’t need coffee, uhmm, can we talk now?” 

“Nag-uusap na tayo diba? Wait lang ako pala ang may kailangan ng kape, gagawa lang ako. Sure kang wala kang gusto sa kusina?” 

“No, I’m fine sige gumawa ka muna ng kape mo then can you please come back here and talk to me?” 

“S-sure,” sabi niya at lakad-takbo siyang lumayo at pumunta sa kusina. She inhaled and exhaled there as soon as makapasok siya ng kusina. 

“Oh, ineng, anong nangyari sa iyo? Namumula ang mukha mo at humihinga ka ng malalim. Huwag mo sabihing ikaw naman ang magkakasakit niyan?” 

“Manang…sa tingin ko may sakit na nga talaga ako,” nanghihina niya sabi nito. 

“Hala! Sasabihin ko kay Sir at ng maipagamot ka sa doctor!” 

“Manang, wait! Hindi po lagnat, feeling ko nababaliw na po ako at hindi ko po alam kung sa saya or sa kaba.” 

“Ai akala ko naman kung ano, ineng. Ano ba ang ikinababaliw mo diyan?” 

“Si…si Zen po, gusto na akong kausapin…feeling ko mag-confesss na siya ng makabagbag damdaming pagmamahal niya sa akin!” 

“Edi mabuti, huwag mo ng tanggihan at alam ko namang gusto mo rin siya,” nakangiting sabi nito at lumabas na sa kusina. Napakunot noo siya. Hindi ba alam ni Manang na may asawa na si Ezekiel? Diba andoon si Manang ng isama ni Ezekiel ang pamilya nito? 

Wala na siyang nagawa kundi ang magtimpla na lang at puntahan ulit si Zen na mukhang balisa rin katulad niya. She smiled, hindi lang pala siya ang balisa sa mga nangyayari sa kanilang dalawa. Tumigil lang ito sa palakad-lakad ng makita siya and sighs pero halatang mas naging tense ito. 

“Let’s talk outside,” he said at nauna na sa kanya lumabas. Somehow sa inaakto nito ay mas kinakabahan siya but she’s somehow prepared…she thinks. 

“So ano ang pag-uusapan natin at mukhang ikaw pa ang mas kabado?” 

“It’s about why I went home with a high fever at…at yung pinag-usapan natin that night,” tumingin ito ng diretso sa kanya. Uncertainties were in his eyes at ngumiti siya to ensure na everything will be alright. 

“Go on, Zen, I’ll listen,” sabi pa niya dito at doon lang parang nabawasan ang uncertainty nito but still got some of it inside him. Narinig niyang bumuntong hininga ito and went shaking his legs, napansin niyang kapag may malalim itong iniisip or di sure kung ano ang kalalabasan ay iyon lagi ang ginagaw nito. Inilapag niya ang tasa ng kape niya sa glass table at inilagay ang kamay sa tuhod nito and Zen stopped shaking his legs. “Huwag kang kabahan, ano ka ba para kang hindi si Ezekiel niyan eh. Mamaya iisipin kong may double personality ka nga,” natatawang joke niya dito but he didn’t laugh. 

“Paano kung…paano kung malaman mo na ang iniisip mong totoo ay puro pala kasinungalingan? Na iyong tao na pinagkatiwalaan mo ng buong puso at pagkatao mo ay siya pa lang pinakasinungaling na taong nakilala mo?” 

“I will get mad at that person…so mad na I don’t want to see his/her face at marinig man lang ang paliwanag niya pero mas magagalit siguro ako kung wala talaga itong dahilan at pinagtripan lang akong lokohin,” sabi niya dito. Naging tense ito sa sinagot niya. “Bakit mo naitanong? May nagsinungaling na ba sa iyo ng ganoon? Someone you treasure the most?” 

“Yeah…my grandfather,” maikling sagot niya pero tinignan niya ito ng maigi to tell him to elaborate. “Do you remember what I told you in the park about my parents?” tanong nito na ikinatungo naman niya. “Well, nalaman ko lang not too long ago bago ako umuwi dito at lagnatin na lahat pala ng sinabi sa akin ng lolo ko about my parents weren’t true. Nung sinabi ni Lolo na hindi ako dinadalaw man lang ng parents ko or binibigyan ng gift for my birthdays, graduations and Christmas habang nakatira ako dito ay puro kasinungalingan. Na nung sinabi nito na hindi siya nito kinuha or nagtry man lang kuhain siya when the truth was they did for 25 years. Pinaniwalaan ko ang lolo ko and hated my parents so much dahil doon. I was a bad son and a bad person, Ayca,” sabi nito at napuno ng lungkot at pighati ang mga mata nito. She shook her head. 

“Hindi ka masamang tao nor a bad son, it’s just that hindi mo alam ang katotohanan…na hindi mo alam na nagsinungaling ang lolo mo,” sabi niya dito at kinuha niya ang mga kamay nito at pinisil to give him comfort. 

“I am a bad person, trust me on this one, Ayca.” 

“Silly, I always trust you. Kung hindi ay hindi na sana ako tumira at sumama sa iyo dito kahit na hindi tayo masyadong magkakilala noon.” 

“What if I told you na I am not Ezekiel?” 

“And you are superman? Adik ka ba? Paano naman ako maniniwalang di ka si Ezekeil eh nakita ko ngang kasama mo ang pamilya mo and I even played with your wife’s son and daughter except na lang kung may double personality ka at iba si Ezekiel at iba ikaw ngayon…well, in your mind,” sabi niya at natawa. Tumahimik ito ng ilang minuto bago nagsalita. 

“What if you said were true? Paano kung may isang personality pa sa katawan ko except myself…me being Ezekeil?” seryosong sinabi nito sa kanya. 

“What do you mean?” 

“I am not Ezekiel, Ayca, I am Evzen.” 

She laughed so hard at pinalo-palo pa ang tuhod nito while laughing pero nakita niyang seryoso itong pinapanood lamang siya so she stopped laughing and became serious too. “Seryoso ka?” 

“Yes, kaya sinabi ko sa iyo na don’t call me Ezekiel or Zeke, diba? Na I told you don’t think of me as a married man and had a child too…dahil hindi talaga ako si Ezekiel…t-that I am his other self.” 

“S-so ang may gusto sa akin ay i-ikaw, Evzen, at hindi si Ezekiel?” tumungo ito para sabihing natumbok niya ang kabaliwang ito. “Hindi ako naniniwala! Stop pretending na ibang tao ka Ezekeil! I know how you love your wife! Nakita ko iyon so please…please stop playing with my feelings! Kung nagu-guilty ka dahil narinig mong nag-confess ako sa iyo in the middle of your very high fever then huwag ka na maguilty and lie! Okay lang naman akong magkaroon ng one-sided love sa iyo…just not this, don’t lie to me,” naiiyak na sabi niya dito at padabog na tumayo. “I better go.” 

“What if I am not lying na I really like you?” 

“Tama na, Zen,” sabi niya at akmang aalis na pero hinila siya nito papaharap dito and she landed on his chest. He then wrapped his arms around her and gave her a tight hug. 

“I’m sorry for lying to you, Ayca, pero believe me on this one na…na gusto kita,” sabi nito sa kanya but she just keep on crying. Wala na siyang pakialam kung mukhang tanga siya sa harap nito dahil sa pag-iyak pero she just can’t stop it. She doesn’t want to be pitied by the one she fell in love na naging dahilan para magsinungaling ito sa kanya. “I really really like you…” yun lang and her lips were sealed, yet again, with his hot kisses.

What should I do?


ITUTULOY...

No comments: