Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 3: Disaster


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Nakakarami na rin siya ng inumin. Hindi naman siya tipsy or hindi rin siya lasing. He just hate how he feels and being puzzled. Dapat ay masaya siya dahil pinagdidiwang nila ang kanilang matagal na pinagsamahan. James is not around yet. Darating daw ito kasama ang babaeng minamahal nito kasama pati ang pinsan nito.
Tinignan niya si Ezekiel na mukhang excited. Nirereto kasi ni KC ang pinsan nito kay Ezekiel. Natatawa nga siya dahil ngayon lang na-excite si Ezekiel sa babae. Ok lang sana kung ang ipapakita ni KC dito ay mga sasakyan baka maintindihan niya pa kung bakit ito excited.
Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Elliot. “Hey, wazzup? You had a long face since you arrived here. Care to tell us what happened?” May pag-aalala sa boses ng kaibigan.
“Well, did you remember our last meeting in Regency?”
“Yes. So?”
“I told you about the faceless woman and went out to see my father. I was about to sit inside the car when I felt something here.” Tinuro niya ang dibdib niya kung saan nakalagay ang puso ng tao.
Kumunot ang noo nito at medyo bumuhanglit ng tawa. Sean knew Elliot. They are the closest to the JESTERS.
“No. No. I don’t have any sickness or whatever. I went to DK before I came here. My father told me to see a doctor he recommended. And I did went to see Dr. DK.”
“How’s she?” Bigla namang lumiwanag ang mukha nito ng marinig ang DK. Na-totorpe ito kay DK. Matagal na kasi nitong gusto ang babae.
“She’s perfectly fine, brod. I suggest you better talk to her and ask her how she is doing than asking me every detail about her,  you fool” Natatawang turan na niya dito. Nakakatawa kasi kung paano nito nakamok ang buhok.
“So lets go back to my topic.”
“Oh yeah. I totally forget that. Go on.”
“Well, you see. I felt something weird, comfortable and warmth at the same time. My mind said to look around because I might find what I am looking for but I didn’t see anyone or anything. Then I came inside Caffe Caruso and the same thing happened. I was actually thinking of me having a heartburn but when I came to DK in the hospital. Something happened.”
“What is it? Don’t tell me it’s about that faceless girl?”
“Yes! I think I found her but I don’t know what she looks like or even her name. I was walking towards the elevator when my heart felt weird again but I just shrugged off . Continued to walk and waited for the elevator. It opens and there was a lady stood in the elevator. I was looking down the floor, my mind busy roving around so I didnt dare to even look at the face. I only saw her long dress and the flat shoes. But when we passed each other, I smelled the same smell I had in my dreams.”
“How can you tell that it’s the same smell? I always dreamt of something but I never knew the smell. Maybe you're just hallucinating brod because you always think of her. ”
“I dunno but I am sure that lady is the faceless woman.” Sabi niya dito at bumuntong hininga. Doon naman na dumating sila KC, James at Chloe. Ngiting-ngiti tuloy si Ezekiel. Nakita na nito sa wakas ang nireretong si Chloe.
Lumapit na silang lahat sa dumating na grupo at niyakap nila si James isa-isa.
“I didn’t expect na meron palang magpapatino dito sa kaibigan namin.” Natatawang sabi ni Ezekiel at umakbay sa kaibigang si James na pumagitna sa pagitan nila KC at James. “KC, you better watch this guy carefully. Babaero ito dati.” Sabi pa ni Ezekiel na nakapagpatawa sa lahat.
“Don’t worry. I trust James you know at saka humanda siya sa akin pag nakita kong nambababae siya. Oh, before I forgot. I would all like you to meet my cousin, Chloe.” Sabi ni KC na pinuntahan ang napapatulalang si Chloe sa tabi ni James. Nakakatuwang nilipat niya ang nakatulalang pinsan ni KC kay Ezekiel. Mukhang crush na crush ni Chloe ang mokong.
“Hi Chloe~” Masayang bati ni Ezekiel at nagsisunuran silang lahat. Isa-isang humalik sa likod ng palad ni Chloe. It made Chloe blushed beet red na nakapagsimula ng tawanan na naman sa kanila. Everything went fine.
Lumakad na siya ulit patungo sa mga inuman at nakita naman niyang nagkakabiruan at nagkakapalagayan na ng loob ang dalawa: si Chloe at si Ezekiel. Lahat yata ay may dalang muse nila except him. His really too pre-occupied in what happened to him in the Hospital and in the elevator.
Nakita niyang sumenyas na si James sa kanila except for Ezekiel. Mukhang binibigyan muna nito ng time ang lalake. Tumungo at inisang lagok niya ang iniinom tapos ay lumakad na patungo sa kwarto kung saan ay lagi silang nagpupulong kapag nasa Marina sila. Hindi nagtagal ay tinawag na rin si Ezekiel.
“Are you sure you wanna get married brod?” Tanong niya kay James na nakaupo sa mahabang couch sa kwarto.
“Yes. I am gonna propose to the lady that I wanna live for the rest of my life.” Si James iyon. Hindi nila alam na hindi pala masyadong nasara ni ezekiel ang pintuan ng pumasok ito. Hindi rin nila alam na nakikinig na si Chloe sa pag-uusap nila.
“I can’t believe you wanted to marry her, I mean no offense meant, Tol pero do you all remember when James was saying na papaibigin niya ang dalaga at iiwanan. We even made a bet and we won~ I mean, that the lady would fall in love with you soon. I’ve guessed it right, well some of us did. Thanks to that money, I went and buy a new car again.” Si Ezekiel ang nagsalita na ikinatungo nilang lahat. Alam naman nilang mahal na talaga ni James ang babae. They just wanted to make sure na gusto na nga nitong pakasalan ang babae.
Nagulat na lang sila ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang hilam ng luhang si KC. Lagot silang lahat!
“So... you all bet on me. What was the bet for James? Tell me?”  makikita mo ang galit at pagkabroken-hearted sa mukha at sa mga mata nito. Nakita niyang lumapit na si Chloe at niyakap ang pinsan. Lahat yata sila ay naging speechless. This will definitely gonna be the worst anniversary day ever.
“Cassandra... Let me explain.” Sabi ni James na nawalan ng kulay ang mukha. The poor guy is about to propose but looks like it won’t be successful.
“No. She had enough. Wala na siguro kayong magawa sa mga pera niyo at nag-bet pa kayo about how long will James make my cousin fall for him. Let’s go KC!” Sabi ni Chloe na dapat ay hihilain na si KC palabas pero umiwas ito at lumapit kay James at sinampal ito. Sobrang lakas nun dahil nag-echo ito sa kwarto at medyo namula agad ang mukha ni James.
“You know how much I love you pero nalaman ko na nag-bet kayo tungkol sa akin. Papaibigin mo ako ng todo then iiwanan. So the rumors where true talaga, that you’re an Ice prince. Well, I don’t want to hear the break up part.” KC said and runs away. Bago habulin ni Chloe ang pinsan ay tinignan sila nito ng masama.
“Well, I hope that you’re happy about your new car, Ezekiel. I think so highly of you, yun pala pare-pareho lang kayo.” Sabi nito at tumakbo na palabas ng barko. Hindi sila makagalaw. Shock na shock sila sa nangyari. It was supposed to be a very amazing and happy night.
“I’m sorry. I totally forgot to clost the door. I was on a cloud nine or more like I am too happy to finally met Chloe. Ako rin ang nagsabi ng tungkol sa ‘bet’.” Sabi naman ni Ezekiel sa nagpipigil ng luhang si James.
Tumayo na siya at hinawakan sa balikat ang lalake. “Sit down, brod.” At pinilit ng pinaupo ang nanghihinang si James. It was a total shock to them. Hindi naman nila nakitang umiyak ito noon kay Isabel. James is huge, masculine and authoritative. Its odd to see his tears tonight sabi ng isip ng mga kaibigan nito. Mukhang si KC na nga ang para kay James.
“Don’t worry, James. We will make things work out for the two of you.” Nakatayong sabi rin ni Thoedore na may hawak na palang cellphone. Mukhang papasundan nito sila Chloe at KC para makauwi ng maayos.
“You better talk to Chloe, Ezekiel. You’re the one who’s close to you at nag-click naman kayong dalawa e. I am so sure na pakikinggan ka rin nun. Just explain our side.” Maya-maya ay sabi ni Ran na nakaupo at relax na relax lang sa upuan. Parang wala itong pakialam at mukhang nakalimutan na yata na ito ang nagsimula ng bet.
“Do you want me to get killed? I am sure that girl will kick me out of her house once she saw me.”
“Well, it was you on the first place who forgot to close the door and talked about the bet.” Walang emosyong sabi ni Randolph sa lalake.
“Fine.” Sabi nito at bumuntong hininga na lang.
“I suggest if we go to Senang hati and just relax.” Nag-suggest na sabi ni Elliot sa kanila. Napangiti naman sila. Kilala nga naman kasi ang place na iyon pagdating sa mga heartbroken or lovers quarrel,  reconciliation, mga marriage proposal at kung anu-ano pa.
“No.. I need to talk to KC.”
“You should give her time. Masyado pang emosyonal ang babae. I suggest that we should drown our sorrows in alcohol!” Banat naman ulit ni Theodore. Wala namang sorrows ang lalakeng ito ngayon pero just to make their friend okay ay magpapanggap na lang muna ito.
“F-fine.” Sabi naman nito sa kanila. Iyon na ang hudyat na pinakaaasam-asam nila.

Medyo napaaga ang uwi ni Heather galing sa trabaho. She decided to finish her work in the house. Wala kasing kasama ang pinsan niya sa bahay kasi nagkausap sila ng nanay niya sa telepono. Babantayan daw nito ang ama niya.
Pumasok na siya sa loob medyo nagtaka dahil wala si Amanda sa sala. Mga ganitong oras nanonood ito ng tv. Mahilig kasi ito sa mga teleserye. She doesn’t mind that at all kasi love niya ring manood nito when she gets the time. Yun lang yata ang kaisa-isang bagay na nagkasundo sila.
“Amanda!” Tawag niya. Meron siyang naririnig na ingay sa taas. Mukhang malakas ang music nito sa kwarto. Kung hindi kasi nanonood ay nakikinig ito ng music ng full blast. Hindi niya nga alam kung bakit gusto ng pinsan niya ang sobrang lakas na volume ng music.
Tumaas siya ng hagdan at kumunot ang noo. Andaming nakakalat sa lapag. Coat, necktie, blouse, mini-shorts. Isa-isa niya itong pinulot at kumatok sa kwarto ni Amanda pero sa sobrang lakas yata ng sounds ay nabibingi na ito sa loob. Binigsan niya ng dahan dahan ang pintuan.
“Amanda, bakit andaming nak—.” Napatigil siya ng salita at nahulog niya ang napulot niyang mga damit. Napako siya sa kinatatayuan habang ang dalawa ay nakatingin lang sa kanya at nagpanic na kumuha ng kahit na anong bagay para matakpan ang mga maselang bahagi ng katawan.
It was Amanda and Gareth in the middle of making out.
“H-heather.. Na.napaaga k-ka y-yata.” Nagkakandabuhol na sabi ni Amanda sa kanya. Hindi na niya iyon narinig at nagdilim na ang paningin niya. Tumakbo siya patungo sa pinsan at pinagsasampal ito ng malakas. Sabunot at suntok din yata ay naibigay niya. She’s so angry she wanted to kill someone and that someone was Amanda. Ang malandi at maharot na pinsan niya!
Sasampalin niya nga sana ulit ang pinsan nang maramdaman niyang lumipad niya palayo sa pinsan. Tinulak siya ng pagkalakas-lakas ni Gareth. Buti na lang at hindi siya nabagok or nasaktan. Adrenaline rush na rin siguro iyon. Doon niya lang naintindihan ang lahat. Ginagago na siya ng mga ito since 3rd month anniversary nila ni Gareth. Naalala na niya ang lahat. Pinakilala na kasi niya noon si Gareth sa magulang at sa pinsan. Nakatira si Amanda sa kanila noon pa kasi mag-aaral daw ito sa maynila kaya doon na lang nila ito pinatuloy. Bawas na rin sa gastos.
Sa una pa lang ay iba na ang tingin ni Amanda sa kasintahan niya and since then ay nanlamig na rin si Gareth sa kanya.
Humihikbing lumabas na siya sa kwarto pababang hagdanan. Nakuha niya ang bag niya at dire-diretso siyang lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.
“Saan po miss?”
“S-senang H-hati.” Humihikbing sabi niya dito. Nakita niya pa sa may bintana ng taxi na humahabol si Gareth sa kanya. Naka-sando na ito at naka-shorts.
“M-mamang taxi d-driver. P-pakibilisan ho.” Sabi niya dito at pinaharurot na ang taxi bago pa siya malapitan ni Gareth. Humihikbing nanahimik na lang siya sa upuan hanggang sa makarating silang Senang hati. Doon niya ibubuhos ang lahat ng sama at sakit sa puso.Oh please. Leave my alone monster. Magsama kayo ng pinsan ko usal at hikbi nito sa sarili.
Umupo siyang mag-isa sa tapat ng bar. Natugtog ngayon ang bandang Infinity Band. Isang napakagaling na banda. Natagpuan niya lang ang Senang Hati dahil sa mga co-teachers niya. Isang girl’s night out daw. Ayun,  Infinity band ang tumutugtog. Naging favourite niya tuloy ang Senang hati dahil sa mga ito at dahil na rin sa ambience ng lugar.
Hindi na lang rin niya tinignan or  pinanood ang banda. Gusto niya lang ay lunurin ang lahat ng sorrows niya at heartache niya. She just listened to the lovely song in Senang Hati.
“Give me a Long Island Iced Tea, please.” Sabi niya and trying hard na hindi siya mag-stummer dahil kakatapos lang niyang umiyak just a couple of minutes ago. She still managed to talk straight at inisip ang poise. Inumpisahan na niya ang kanyang paglalasing.
“Boss. Isa pa.” Sabi niya ng maubos niya agad ang inumin niya. “Make it two.!” Sabi niya at ngumiti. Hindi siya good and experience drinker kaya madali siyang tatamaan ng alak. But right now, She doesn’t care. Unti-unti na rin niyang nakakalimutan ang nakita niya kanina lang. Or was that yesterday? OH I dont care anymore. I have to make myself happy today.
Tumayo siya para mag-CR. Iyon kasi ang symptoms niya tuwing malalasing na siya. Ang frequent na pagbisita sa CR.


ITUTULOY...

No comments: