Ring!Ring!Ring!
Umaalingawngaw ang tunog ng alarmclock
ni KC. Floral ang tema ng kwarto ni KC, at may iilang mga kagamitan tulad ng
drawer, cabinet, mesa, upuan at kama ang nasa loob nito. Pero para kay KC ang
kwartong ito ang kanyang ‘solitary place’, doon lang kasi siya nakakakuha ng
peace of mind lalo na sa mga oras na kailangan niyang mag-aral.
“Kristina!
Gumising ka na! Tanghali na! Mahihirapan kang makakuha ng trabaho.” ani ni
Kriselda, ang nanay ni KC.
“Opo Nay!” Balik na sigaw ni KC.
Kakamot-kamot na bumangon si KC habang siya ay nahikab. Lumapit siya at humarap
sa salamin habang tinitignan nya ang kanyang sarili. “OK! Eto na to KC.
Makakahanap ka na rin ng trabaho.” Si KC ay naka-graduate ng Summa cum Laude sa
kurso niyang Secretarial sa UP Los Banos. Lumabas sa kwarto si KC na bitbit
ang kanyang tuwalya sa balikat.
“O anak, tinanghali ka ng nagising ah. Bilisan mo
nang maligo at kakain na tayo.” Si Castro, ang kanyang ama-amahan na isang
personal driver ng mga Aquino.
“Eh Tay, sa
sobrang excited ko po, pinlantsa ko pa yung dadamitin ko pagkatapos yung mga
kakailanganin ko ay nilagay ko na sa bag ko. Hindi pa ako makatulog kagabi
dahil nga din po sa pagiging over-excited ko.”
Habang sinasabi ni KC iyon ay binigyan niya ng mano ang kanyang ama at
ina sabay diretso sa banyo. Matapos ang pagligo ay lumabas na si KC sa banyo at tumuloy patungong
kwarto niya. Tumayo ulit si KC sa harap ng salamin at ngumiti habang nag-posing
sa harap.
“Ang ganda mo
talaga. Katulad ka ng katukayo mo.” Nagbibirong komplimento niya sa sarili.
Hindi nagkakalayo ng edad sina KC at KC Conception, Sharonian kasi ang nanay
nya kaya nang lumabas sa telebisyon si KC, ay ipinangako ng nanay nya sa sarili
na ipapangalan nya rin ang magiging anak katulad ng pangalan ng anak ni Ate
Shawi. Pinaglihi nga ata sya ng nanay nya kay KC Conception dahil kuha niya ang
hugis ng mukha ni KC, pwede na nga daw siyang maging impersonator ni KC sabi ng
mga kapitbahay nya, yun nga lang daw e mas sexy sya at mas matangkad kay KC.
Miyembro si KC ng samahang NBSB o NO-BF-SINCE-BIRTH, hindi dahil sa
pihikan siya pagdating sa pagpili ng lalake kundi nawalan na kasi siya ng
tiwala sa mga lalake. Nabuntis kasi ng damuho niyang ama ang kanyang nanay pero
hindi nito pinanagutan at nagpakasal pa sa mayamang babae. Hindi pinanagutan ng
tatay niya ang kanyang ina sa kadahilanang hindi nito kaya ang magpakasal sa
hamak na labandera lamang. Pinalaki siya ng nanay niya nang mag-isa hanggang sa
magkakilala sila ni Mang Castro ang ama-amahan na niya ngayon. Napakabuting
lalake at ama ni Mang Castro at doon ay naghilom ang hinanakit niya sa mga
lalake. Kaya lang naman hindi pa nagkaka-bf si KC ay dahilan na napalaki siya
sa aral na ‘Pag-aaral muna bago mag-bf’ at saka mas ang focus ni KC ay hindi sa
lalake kundi ang maiahon ang pamilya niya sa hirap.
Kinuha ni KC ang
susuotin nya sa cabinet, isang singled-button black suit ang kinuha nya na
ang kapareha ay isang black slacks, hindi malalaman ng nakararami na bili niya
lang ito sa 168 sa Divisoria. Lumabas na sya ng kwarto ng masiyahan na sya sa
ayos niya.
“Sige
Tay, Nay. Aalis na po ako. Wish me goodluck Tay at Nay.” Binigyan niya ng
mahigpit na yakap ang kanyang magulang at saka na siya tumakbo palayo. Sumakay
na siya ng Jeep papuntang Makati para mag-apply. KC’s so sure of herself that
she’ll get a job today. Well, kung self confidence lang naman ang labanan
panalo na si KC diyan. She’s beautiful, witty and honest plus the fact that
she’s kind-hearted na laging tumutulong sa mga taong nangangailangan.
Tanghaling tapat na ng
matapat siya sa JAC Company. Isa sa mga pinakamalaking Food Corporation sa
buong bansa. Pinapangarap niya ang makapasok sa kompanyang ito dahil sa mataas
ang pasuweldo at maipagmamalaki niya pa ito sa magulang niya. Gusto niya ring
makapasok sa kompanyang ito dahil naandito nagtratrabaho ang kanyang
super-duper crush na si James Anthony Cristobal, ang nagmamay-ari ng Kompanya
at isa sa mga miyembro ng JESTER na ang napapabilang lang ay mga taong may
ginintuang kutsara sa bibig nila simula nang ipinanganak sila. Gagawin lahat ni
KC makausap lang o kaya ay makita lang ng malapitan si James. “Last na muna itong kompanyang ito. Bukas na
lang ulit ang mga susunod.” Tumatawid siya patungo sa harapan ng kompanya
ng may bumusinang kotse na nagpagulat sa kanya. Inismiran niya ang driver at
bumalik na lang ulit siya sa puwesto niya bago sya tumuloy papunta sa kompanya.
“Ang yabang yabang naman nun. Porke
may magarang kotse lang ay akala mo siya na yung may-ari ng daanan.” Nagagalit na
sabi ni KC sa sarili. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa doon ang
sobrang tangkad na lalake. Naka-shades at naka suit na black. Bigla naman ang pagkataranta ni KC, hindi niya alam kung bakit pero bumibilis ang tibok ng puso
niya. Sinubukan ni KC na kalmahin ang kanyang sarili at naglakad na parang wala
lang ang lahat ng kanyang nararamdaman. Weird...
Bakit kaya nagkakaganito ang aking dearest heart? Curious tuloy ako dito sa
higanteng to. Ang naisaloob ni KC.
Napukaw ang mga iniisip ni KC ng
may marinig siyang nahulog, tumingin siya sa banda ng lalake at doon niya
nakita ang mga folder na nahulog na sa paanan nito. Sa sobra sigurong
importante ng kausap nung lalake ay hindi na muna nito pinansin ang mga gamit.
Dahil sa matulungin si KC ay nagmamadali siyang lumapit sa lalake at akmang
pupulutin niya ang mga gamit nito. Hindi akalain ni KC na tapos na ang lalake sa pakikipag-usap sa telepono at akma na ring kukunin ang mga gamit nito. Hindi sinasadyang mauntog ang ulo nila sa isa’t
isa.
“Aray!” Naidaing ni KC habang sapo
niya ang kanyang noo. “Pasen-“ hindi na natapos ni KC ang sasabihin nang
matitigan niya ang lalake sa harapan niya. Natanggal kasi ang sunglasses ni
James nang magkabunggo sila kaya ayun nalantad ang maganda at nakakatunaw kung tuminging mga mata nito. SI JAMES!!!!! Ang
tanging naisigaw ng utak niya bago ito mag-hang. Hindi alam ni KC na kinakausap
na siya nung lalake.
James is seriously
pissed off. His father just phoned him because his Mom’s having a tantrum
again. He declined all of the ladies his mom ask him to date. Masama na nga ang
timpla ng araw niya ay may magpapa-sama pa lalo sa timpla ng araw niya. Imbes kasi
na mag-sorry ang babaeng nakauntugan niya ay nakatulala pa at naka-nganga sa
kanya. Kanina pa kasi salita ng salita si James pero ni isang salita ata e
walang narinig ang babae. “Ahem.” tumikhim na pagtawag ni James sa nakatulalang babae. Hinawakan ni James ang baba ng babae
at itinikom nito ang bibig. “Ngayon ka lang ba nakakita ng tao at napapatulala
ka pa?!” Singhal ni James sa babae. Nakakairita na talaga kasi ito. Tumayo na
siya at nag-pagpag ng sarili habang hawak na niya ng mabuti ang mga documentong
nahulog kani-kanina lang. Ito kasi ang dahilan kung baket nakaingkwentro siya
ng weirdong babae.
Tumayo ang babae na pulang pula ang
mukha dahil sa pagkapahiya. “Pasensiya ka na. Medyo nagulat lang ako.”, sabi
nito at binigyan pa ng nahihiyang ngiti si James.
“So ganyan ka pala magulat?
Nakatulala at kulang na lang e tumulo pa ang laway mo diyan. Inaabala mo pa ang
oras ko.” Sabi ni James nang talikuran na niya ang babae.
“Sumosobra ka na ah!”, sabi ng babae
at tumakbo ng mabilis sa harapan ni James. “Ikaw na nga itong tinulungan ikaw
pa tong nasinghal. Nagsorry na nga yung tao e tapos hindi ka man lang
magsorry?!” Sabi nang babae na lumalaki na ata ang butas nang ilong dahil sa
galit, hindi pa ito nakuntento sa pagsigaw dahil tinapakan pa nito ang paa niya gamit ang takong ng stiletto shoes nito. Napamura ng sobrang lakas si
James dahil sa sakit, ang kani-kaninang gamit na hawak hawak niya ay nahulog
muli sa sahig dahil napahawak si James sa paa niya. Nanlilisik ang mga matang
tumitig si James sa babae pero hindi man lang natakot ito sa kanya, humalukipkip pa
ang babae at tinaasan siya ng kilay bago nito kinuhang muli ang mga gamit niya na nahulog.
“O
eto. Pasalamat ka at pinulot ko pa ulit, dapat kasi ay tinatali mo na to sa kamay mo nang
di mo na mahulog.” Sinabi pa nito at binigyan pa siya nang mapang-asar na ngiti
bago siya tinalikuran at pumasok sa loob ng kompanya niya. Hindi alam nang
babae na napangiti siya nito.
"Sir, Okay lang ba kayo?", tanong ng security guard na lumapit sa kanya.
"I am fine. You don't have to worry. Next time kapag may lumapit na sa akin ng walang appointment, lumapit ka na kaagad. Bumalik ka na lang sa trabaho.", sabi niya sa security guard at pinagpag na lang ulit ang kamay na napahawak sa lapag. “What
a weirdo...” ang tanging namutaw sa labi ni James ng mapag-isa siya at lumakad na siya papasok sa
loob. Nakita pa nito ang babaeng tumapak sa kanya kanina, inismiran ulit siya
nito na lalong nagpangiti kay James.
Well, eto pa lang kasi ang unang beses na
may nang-snob sa kanyang babae. Kung hindi mga papansin ang mga babeng
nakakaharap niya ay sobrang maarte ang mga ito o kaya ay kulang na lang ay
tumalon sa kandungan niya. Hindi naman sa pagmamayabang ni James pero sobrang
gwapo nito. Dark blue ang mga mata nito na kung makatitig ay mapapalambot nito
ang depensa ng mga babae, matangos ang ilong nito na bumagay sa hugis ng mukha
ni James, ang labi na kay sarap halikan at pati na rin ang height nito.
Lumakad
si James sa Reception Area ng kompanya, “I’ll take that application form Ms.
Aguirre.” Nang makuha na ang application form ng babaeng nang snob sa kanya ay
dumiretso na si James sa private elevator niya na hindi man lang tumingin o
bumati sa mga tauhan nila sa kompanya. Habang lulan ng elevator ay tinignan ni James
ang application form ni KC. “Maria Kristina Cassandra Valdez... Applying for
secretary.” Naisatinig ni James ang binabasa habang hindi mawala sa labi niya
ang nakalolokong ngiti. Bumukas ang pintuan ng elevator at dumiretso siya sa
lamesa ng secretary niya. “Mrs. Santos, I think I found a new secretary for
your maternal leave.” At inilapag ni James ang application form ni KC sa lamesa
ni Mrs. Santos, matagal nang secretary si Mrs. Santos sa kompanya pero dahil
kabuwanan na ay kailangan na nitong mag-maternal leave.
“Tell
the HR Department to stop looking for a secretary. I wanted to hire this lady.
Make sure to call her tomorrow so you can train her around here.” Yun lang at
pumasok na si James sa Office niya para magsimulang pumirma ng mga papeles.
Nakarating na nang
bahay si KC ngunit hindi parin niya nawaglit sa isip ang nangyari sa harapan ng
JAC Food Corp. “Nakakaasar talaga yung mokong na yun. Singhalan ba daw ba ako.”
Bubulong-bulong niya sa kanyang sarili habang siya ay naka-higa sa kama. “Gwapo
nga, sobrang sungit naman. Naku, kung hindi lang kita crush edi sinapak na
kita. Nanghihinayang din ako sa gwapo mong pagmumukha.” Tumingin si KC sa
bintana na medyo nagulat pa kasi hindi niya na napansin ang oras. Gabi na pala. Natupad nga ang pangarap kong
makita sa malapitan at makausap si James pero ang panget naman ng pag-uusap
namin. Bumuntong-hininga si KC at umupo ng tuwid di pa rin maalis ang
tingin sa bintana niya.
“Maria! Kain na!” Ang nakapagpabalik
ng isip niya sa realidad. Tuwing tinatawag siya nang nanay niya ng Maria ay galit
na ito. Tinakbo ni KC ang hapagkainan at umupo sa puwesto niya.
“O sis andito
ka pala.” Gulat na bati ni KC sa pinsan niyang si Chloe.
“Ai naku, timang ka talaga. Kanina
pa ako andito sa bahay niyo no. Binati pa nga kita pero mukhang nakahithit ka yata ng droga.” Sabi ni Chloe sabay tawa.
“Loka ka talaga. Hindi no, Lutang
lang siguro ako kasi nakita ko si crush.”, sabi KC habang hinihintay ang tatay
at nanay niya na matapos kumuha ng kanin.
“Crush? Sino? Si James Cristobal?
Talaga?!” Gulat na tanong ni Chloe. Si Chloe ay tinuturing niyang bestfriend at
kapatid. Nag-iisang anak si Chloe katulad din ni KC kaya naman nagkaunawaan silang dalawa at nagkasundong magturingan na magkapatid.
“Oi tama na muna ang tsismisan at
nasa harap tayo ng hapagkainan.”, sita ni Mang Castro.
“Sorry Tay.” Sabay na sabi nila Chloe
at KC. Nagkatinginan ang dalawa at nagkangitian, senyales iyon na nagkaunawaan
silang magpinsan na pag-uusapan ang lahat matapos kumain.
“Oi bruha, now speak!”
Utos na sabi ni Chloe nang nagmamadali itong hilain si KC nang matapos silang
maghugas ng pinagkainan.
“Eto
naman, super excited ka rin no? Di ka rin atat e.” Sabi ni KC na humagikhik pa.
“Hindi rin naman maganda ang pagkikita at pagkakausap namin e.” Bumuntong
hininga na naman si KC ng maalala niya ang nangyari kanina lang.
“Mare!
Nakausap mo pa? Diba tinawag nga siya ng Editor ng People’s Magazine na ‘Ice
Prince’ ng JESTER Club? Mare ang swerte mo talaga. Nakita mo ba si Ezekiel
Aquino?” Excited parin na tanong ni Chloe. Si Ezekiel kasi ang super crush ni Chloe
na kaibigan naman at kasamahan ni James sa JESTER Club.
“Sensya
na sis ha. Di ko nakita si Ezekiel e. Pero oi, hindi ako suwerte no.
Sininghalan kasi ako nung hinayupak na James na yun. Tinulungan na nga sa
pagpulot ng mga gamit e di pa nag-thank you o nag sorry man lang. Akala naman
niya na siya lang ung nasaktan sa pagkakaumpugan ng ulo namin. Ayun, ang mokong
sinapatos ko.” At tumawa siya na parang baliw. “Ahhhh. Basta sana di na ulit
magkrus ang landas namin. Sinabi mo na ba kay tita ka dito ka matutulog?”
tanong ni KC sa pinsan.
“Yup.
Tinawagan ko siya bago pa tayo kumain. Basta ang masasabi ko sayo, mapagbiro
ang tadhana. Ingat ingat ka na lang.” At saka pinatay ni Chloe ang lampshape sa
may lamesa.
ITUTULOY...
2 comments:
:)) Nabasa ko na po ang lahat ng JESTER Series .. Pati po lahat ng stories niyo sa IS.. dati :)) Nakakamiss po ang IS D: An gagaling po kasi ng mga Author's dun ehh :))
Oo magagaling silang lahat at yung ibang writers na nasa IS ay nasa Sweet Haven Tagalog Online Stories. :) Punta kayo minsan doon. :P
Post a Comment