Binulabog siya ng
katok ng pinsan na sobrang excited na pumasok na lang bigla sa kwarto ni KC.
May dala itong 3 semi-formal wear para sa anniversary ng ka-brod ni James sa
JESTER. Pupungas-pungas na umupo sa kama si KC at nakangiting nanonood sa
pagkataranta ni Chloe.
“Huhulaan
ko. Hindi ka nakatulog no?” natatawang tanong ni KC sa pinsan. Medyo namumula
kasi ang mata nito.
“Gosh,
Couz! Sorbarang halata bang hindi ako nakatulog? Panget ba? Naku, nakakahiya
namang magpakita kay Ezekiel at sa mga ka-brod niya.” Natataranta paring turan
ni Chloe.
“No.
You still look beautiful. Kanino ka pa ba magmamana kundi sa mga kadugo mo.
Ahem.” Sabi nito na natawa sa sariling joke.
“Well,
I cannot say anything or have any violent reaction to that because we are
beautiful.” Sabi nito na natawa na rin. “Well, change topic. KC, I need your
help. What should I wear. Ezekiel loves color blue, he loves girl who wears
tube and he loves spaghetti. Now tell me, this blue dress, red or this tube?”
Tanong ni Chloe na nakapag-research na ng mga likes and dislikes ni Ezekiel.
Natatawang
tinignan ni KC ang mga damit. “Alam mo, nakita ko na yang mga damit mong yan
and all of it looks beautiful to you. Trsut me, Ezekiel will love you.” Sabi ni
KC trying to make her cousin relax a little.
Chloe
smiles. “Thanks couz! Just help me decide. Mag-fashion show ako sa harap mo.
Wait lang.” Sabi nito at mabilis na nagpalit ng mga damit. Nag-model nga si
Chloe sa harap ng pinsan. Sa tatlong nasukat ni Chloe at na-imodel sa harap ay
iisa lang ang napili ni KC para sa
pinsan. Ito ay ang strapless na short white dress at may sequins sa waistline
na nagpapalabas ng magandang hubog ng dalaga. Lumalabas kasi ang morenang kulay
ni Chloe.
Everything was set-up, nakarating na ang sundo nilang si James. James was wearing a
semi-formal suit that matches KC’s dress, they are blue. Hindi makalimutan ni
KC kung paanong napanganga ang binata sa ayos niya. Naka-blue cheongsam dress
siya. It comes with a unique neckline and a small slit
on the side to ease walking. High collared at the back of the neck. Nakarating
na at lahat lahat, nabati na rin niya si James pero naka-nganga parin ito sa
harap nya. Minabuti na niyang isara iyon at natatawa na kasi ang mga nakakita
sa binata. Sa simpleng gesture lang ni James ay lalo siyang napapaibig dito.
“We’re here.”
Sabi ni James na nakapagpaalis sa pag-daydream niya. Nasa Marina Yatch club
sila at doon mo makikita medyo malaking barko sa harap niyon. Doon, nakita ni
James ang mga kaibigan at kumaway. “Lets go. They are waiting for us three.”
Sabi nito na inalalayan ang dalawang babae. Nakarating sila sa loob at sinalubong
sila ng masigabong palakpakan. Ikinagulat iyon ni KC dahil hindi nito alam na
nasabi na ni James sa mga ka-brod na sila na. May plano nang mag-propose si
James ngaying gabing ito na rin.
“I didn’t expect
na meron palang magpapatino dito sa kaibigan namin.” Natatawang sabi ni Ezekiel
at umakbay sa kaibigang si James na pumagitna sa pagitan nila KC at James. “KC,
you better watch this guy carefully. Babaero ito dati.” Sabi pa ni Ezekiel na nakapagpatawa sa lahat.
“Don’t worry. I
trust James you know at saka humanda siya sa akin pag nakita kong nambababae
siya. Oh, before I forgot. I would all like you to meet my cousin, Chloe.” Sabi
ni KC na pinuntahan ang napapatulalang si Chloe sa tabi ni James. Alam ni KC na
hindi makapaniwalang makakausap at nagbibiruan ang mga ito sa harap nito.
“Hi Chloe~”
Masayang bati ni Ezekiel at nagsisunuran ang lahat. Isa-isang humalik sa likod
ng palad ni Chloe. It made Chloe blushed beet red na nakapagsimula ng tawanan
na naman sa kanila. Everything went out as planned. Nakakapag-usap na si Zeke
at Chloe sa isa’t-isa at nagkakabiruan. Halatang tuwang-tuwa ang dalaga sa
presensya at sa humour ng lalake. KC was watching her cousin and was very
happy. James was no where to be found dahil sa kadahilanang may pinaplano daw para
mamaya. Some of the brod called Zeke and made Zeke and Chloe stopped their
conversation. Lumapit si KC sa pinsan at nag-ayang mag-CR. Both the ladies are
happy chatting about what they talked about to the people that made their heart
beats like crazy.
Unaunang lumabas
na si Chloe kasi umihi pa si KC pagkatapos mag-retouch. Naglalakad si Chloe sa
kahabaan ng hallway pabalik kung saan sila nag-gather kanina ng may marinig
siyang mga boses ng lalake. Chloe knew that one of them was James and Ezekiel,
curiosity struck the lady and sneakily listened to the man’s conversations.
Curious siya kung napag-uusapan ba siya ng mga kalalakihan or kung yung pinsan
niya ang pinag-uusapan.
“Are you sure
you wanna get married brod?” Tanong ni Sean na nakaupo sa mahabang couch sa
kwarto.
“Yes. I am gonna
propose to the lady that I wanna live for the rest of my life.” Si James iyon.
Kinilig naman si Chloe dahil nalaman niya ang surprise proposal nito sa pinsan.
“I can’t believe
you wanted to marry her, I mean no offense meant, Tol pero do you all remember
when James was saying na papaibigin niya ang dalaga at iiwanan. We even made a
bet and we won~ I mean, that the lady would fall in love with you soon. I’ve
guessed it right, well some of us did. Thanks to that money, I went and buy a
new car again.” Si Ezekiel naman iyon. The bet word made Chloe very very angry.
Pinaglaruan nila ang pinsan nito. She was about to step in when KC stepped
inside, crying.
“So... you all
bet on me. What was the bet for James? Tell me?” Narinig pala ni KC ang bet
part na iyon. Sobrang wasak ang puso ni KC sa narinig. Lumapit na rin si Chloe
dito at niyakap habang tinignan ng masama ang mga lalake lalo na si James at
Ezekiel.
“Cassandra...
Let me explain.” Sabi ni James na nawalan ng kulay ang mukha. The poor guy is
about to propose but looks like it won’t be successful.
“No. She had
enough. Wala na siguro kayong magawa sa mga pera niyo at nag-bet pa kayo about
how long will James make my cousin fall for him. Let’s go KC!” Sabi ni Chloe na
dapat ay hihilain na si KC palabas pero umiwas ito at lumapit kay James at
sinampal ito. Sobrang lakas nun dahil nag-echo ito sa kwarto at medyo namula
agad ang mukha ni James.
“You know how much I love you pero nalaman
ko na nag-bet kayo tungkol sa akin. Papaibigin mo ako ng todo then iiwanan. So
the rumors where true talaga, that your Ice prince. Well, I don’t want to hear
the break up part.” KC said and run aways. Bago habulin ni Chloe ang pinsan ay
tinignan niya ng masama ang mga natamemeng mga lalake.
“Well, I hope
that your happy about your new car,
Ezekiel. I think so high of you, yun pala pare-pareho lang kayo.” Sabi nito at
tumakbo na palabas ng barko. Nag-aalala ito sa pinsan. Masyado itong emosyonal
at baka kung anong mangyari dito. Tinanggal ni Chloe and high-heeled stilleto
shoes nito at tumakbo pahabol sa pinsan at iniwan na ang sapatos. Good thing at
naabutan niya ito. Iyak ng iyak parin ang pinsan hanggang sa makasakay at
makauwi sa bahay.
“I won’t let
anyone hurt you again sis!”, Alo ni Chloe nang makarating na sila sa kwarto ni
KC. Alalang-alala ang mga magulang ni KC pero pinigilan ito ni Chloe para
makapag-pahinga ang dalaga. Chloe just watched silently and can’t even move
from shock. Ngayon ay kitang kita niya kung paano madurog ang puso ng pinsan ngunit
wala itong magawa.
A few weeks had passed, si KC ay
nagmumukmok pa rin sa kwarto at ayaw kumain habang si James naman ay laging
napunta sa bahay ng dalaga para sana kausapin ito ngunit ang mga magulang na ni
KC ang nagtaboy dito. Hindi alam ng mag-asawa ang buong pangyayari dahil ayaw
magsalita ni KC sa mga ito. KC was miserable. Hindi ito kinaya ng babae dahil
sa pangalawang pagkakataon, pinaasa lang siya ng lalakeng malapit sa puso niya.
But life must go on, ika nga, kaya minabuti nang lumabas ng kwarto ni KC,
pumayat ito and medyo bumama na ang enerhiya nito.
“Anak... Kumain
ka na. Please.” Nag-mamakaawang sabi ng nanay ni KC na maiyak-iyak sa itsura ng
anak. “Ano ba talagang nangyari sa inyo? Laging nandito si James para sana
kausapin ka pero alam naming hindi mo sya gustong makita.” Nasabi ulit ng nanay
nya.
“Ma... I wanna
go for a month vacation. Pupunta ako sa probinsya ni tay. Doon muna ako
please.” Mahinang sagot ni KC. Ikinagulat ito ng mag-asawa pero pinayagan na
rin. Ikinuwento na rin ni KC ang lahat lahat sa magulang. Galit na galit si
Castro at si Kriselda pero pinigilan na lang ni KC na mag-amok ang lahat. Ayaw
niyang madamay pa ang mga magulang nila sa away nilang mag-ex.
Pumunta si KC sa
opisina ni James upang iabot ang resignation letter niya. Tiniyempuhan ng
dalaga na wala si James bago siya pumunta. Ayaw ng makita ng dalaga pa ang
nagpasakit sa puso niya. Lumabas si KC sa building at pasakay na sa taxi ng
mahimatay ito. Dinala ng taxi driver si KC sa doctor at nalamang
nagdadalang-tao si KC. Shock came to her, now she’s really miserable. KC sa a
single mom just like her mom. Umuwi si KC at nag-impake ng mga gamit. Luluwas
siya sa madaling panahon. She needed to run away. Hinatid ni Cloe si KC sa
airport, prbinsya kasi ni mang Castro ay sa Cebu pa.
Dumating si KC
sa Cebu ilang oras lang ang nakakalipas. Mas
mabuti na rin ito. Sabi ni KC sa sarili ng makarating siya sa bayan ng
ama-amahan. Doon ay may naghihintay na sa kanya, and kapatid na babae ng ama.
Si Aling Sonia, bilugan ito at maganda parin kahit na may edad na. Nakatira ito
di kalayuan sa bayan. Napakaganda ng lugar, nasa harapan sila ng dagat. Isa ito
sa mga pinaka-magandang lugar na nakita niya ngunit nangunguna parin ang isla
ng pamilya ni James.
“Nandito ka para
kalimutan na si James, hindi para mamiss ang mokong na iyon.” Sabi ni KC sa
sarili at medyo inis pa. Hindi naman kasi nawawala agad ang pag-ibig kaya hirap
na hirap si KC na maka-move on.
Nasa tapat na naman ng bahay ni KC si
James. Nagbabakasakaling makita ang dalaga. Kung hindi mo masyadong kilala si
james ay baka hindi mo talaga siya makilala. Tinubuan na kasi it ng bigot at
balbas. James didn’t shave or done anything except from drinking every night.
Hindi niya mapapatawad ang sarili hangga’t hindi sya kinakausap ng dalaga. KC
needed to hear what he has to say. Mahal na mahal ni James ang babae.
“Gago kang
lalake ka!” Sigaw ni Castro kay James ng makita ito ng ama ni KC. Ito rin ang
nagpabalik sa isip ni James sa mahabang pag-iisip.
“I need to talk
to KC, Mang Castro.” James pleaded and was ready to get punched by the older
male. “I needed to tell her that it was a misunderstanding at mahal na mahal ko
po siya. Please lang po. I really need to talk to her badly.”
“Wala siya dito!
Lumayo siya para hindi na makita ang mukha mong gago ka. Sinabi ko sayong ako
ang makakaharap mo pagpinaiyak mo ang anak ko!” Sigaw ni Castro na aakmang
sasapakin ang binata pero napigilan ito ni Chloe.
“Tito... Ako po
ang kakausap.” Sabi ni Chloe na mahinahon na. Siya naman talaga ang nakarinig ng
lahat at alam niyang walang kasalanan si James. Ang may kasalanan ay yung si
Ezekiel.
“Chloe...” Tawag
ni James na medyo relieved na. “Where’s KC?”
“Wala siya dito.
Pumunta sa probinsya ni tito. Nag-iisip isip at gustong matahimik ang isip.
Hindi mo maitatanging meron ka ring pagkakamali. You never asked your friend to
stop betting. It even gave you the encouragement na paibigin ang pinsan ko pero
dahil na rin sa masama mong intensyon ay nahulog ka rin sa bitag mo. KC
suffered so much and I knew that you too. Tignan mo ang itsura mo.” Chloe said
na gusto sanang tumawa pero wala namang dapat tawanan. “I will give you the
address. Puntahan mo sya.” Kumuha ng papel at ballpen sa bag si Chloe at
isinulat ang address ng bahay ng tito nila sa Cebu.
Nag-empake na si James as soon as
makarating siya sa flat niya. He needed to talk to the lady who holds his heart
para ma-clear na ang misunderstanding. Paalis na siya ng bahay ng may humintong
kotse sa harapan. It was Isabel. James forehead creased and his eyebrow frowns.
“What the hell
are you doing here? I don’t have time for any bullsh*t right now Isabel.”
Maanghang na sabi agad ni James dito na inilagay na ang bagahe sa apartment ng
sasakyan.
“Honey, I just
receive a good news. Your single again~” Sabi ni Isabel na umangkla agad sa
lalake.
“No. That is
just a rumor. Me and KC will be forever. I am warning you Isabel. If you do
something bad to my lady, I will make sure that your career goes to hell and to
put you in jail and you cannot bail
out.” Iyon lang at pinaalis na ni James si Isabel.
James knew that Isabel cares so much about her image and money. Isabel cannot
afford to lose it all because of her pettiness.
Umaga na naman... Nasa
isip ni KC at bumuntong hininga. Hindi makatulog ng maayos ang dalaga at laging
dinadalaw ng mukha ni James ang isipan niya. Bumaba na siya sa sala at lumakad
na papuntang kusina. Gising na si Aling Sonia at nagluluto na ng almusal.
“O. Gising ka na
pala. May naghahanap sayong lalake. Nobyo mo daw, ayun at kinakausap ni
Gaspar.” Si Gaspar ang asawa ni Aling Sonia. Isa itong mangingisda. “Mukhang
nagustuhan ni Gaspar at ayun, Inaya ang binatang mangisda.” Natatawa pang sabi
ni Aling Sonia.
Hindi na
nakapagpaalam si KC dahil napatakbo na siya sa dalampasigan. Ayun nga at
palapit na ang bangkang sinasakyan ni Mang Gaspar at ng ‘nobyo’ niya raw. Hindi
matigil ang kabog ng dibdib niya. KC misses his man so much even though it
hurts at the same time specially if KC remembers everything. Gusto ng tumulo ng
luha ni KC pero pinigilan niya ito. Naglalakad na si James papunta sa kanya at
medyo wet-look pa ang dating. Kahit na nga medyo ‘dirty’ and looks ni James
dahil sa balbas at bigote ay ganon pa rin ang tama nito kay KC. Mas
nakakainlove na nga sa mata ni KC e. Rugged-looking man, medyo namumula ang
mukha dahil sa araw at medyo nahulog ang katawan nito. Sana ay miserable rin siya katulad ko. Miserable siya dahil miss niya
ako.
“I missed you so
much, Honey!” Sabi ni James at niyakap siya ng mahigpit. Gusto sanang yumakap
rin ni KC ngunit pinigilan niya ang sarili. Galit pa dapat siya dito.
“O siya at
maiwan ko muna kayong, love birds dito.” Natatawang sabi ni Mang Gaspar at
umalis na dala ang mga nahuli nila ni James. Tumungo lang si KC at nagpaalam na
sa matanda.
“Pano mo
nalamang andito ako?” Sabi ni KC na sobrang lamig ng tinig. Tinulak niya
papalayo ang lalake. “Ayaw ko nang makita ka pa James. Hindi pa ba sapat na
dinurog mo ang puso ko?” Sabi pa nito.
“You needed to
listen to what I am going to say. We needed to talk.” James said, nagmamakaawa
ang boses nito.
“Mag-usap? Para
mabilog mo ulit ang ulo ko? Hindi ako tanga James! Masasaktan lang akong lalo
sa mga sasabihin mo. Ayaw ko na.” Sabi ni KC at akmang aalis na.
“I love you, KC,
so much that it hurts me so much dahil hindi mo ako pinakikinggan. Hinintay
kita lage sa labas ng bahay mo para makausap ka pero lagi akong tinataboy ng
mga magulang mo. I know na pinoprotektahan ka lang nila, and I am so happy at
nirerespeto ko sila dahil doon.” Sabi ni James na medyo pumiyok pa. Medyo
naluluha na rin. Never in James life ne umiyak siya sa babae ng sobra.
Gabi-gabi kasing lumuluha si James. Hindi katulad nung sila pa ni Isabel.
“Tama si Chloe.
Nagkamali ako dahil hindi ko pinigilan ang pag-bet ng mga ka-brod ko kung
mapapaibig kita but believe me, I never bet on you and I know my brod doesn’t
mean anything bad. Tinutukso lang nila ako dahil ikaw lang ang bukang-bibig ko
mula nung una kitang makilala. They knew na I had fallen in love with you that
time and HECK, I am so stupid not realizing it sooner na nagpa-encourage pa ako
dahil sa bet.” Sabi ni James na tuluyan nang lumuha at niyakap ang nakatalikod
na dalaga. Umiiyak na rin si KC dahil ramdam na ramdam niya ang sincereness ng
lalake. Hindi muna siya kumibo at gusto pang marinig ang saloobin ng lalake.
“I thought my
true love was Isabel. I was blinded by her beauty and her facade. Hindi ako
umiyak at nagpakalasing ng husto kay Isabel. Nung naghiwalay kami ay poot at
galit sa sarili ang naramdaman ko kaysa ang maging miserable. I thought na
hindi na ako iibig at maglalaro na ng sa babae. Dahil sayo natutunan kong muli
ang maka-appriciate ng magagandang bagay sa paligid ko. Hindi na ako nag-iisip
ng kung anu-ano at lagi na akong tumatawa. Naghihintay ng mga nakakatawa mong
banat. I am always excited na pumasok sa trabaho para makita ka lang. Because
I’ve got a wounded heart, I tried to hide myself and my heart inside a strong
barrier where no one can break it. Thank God you came into my boring life just
to mess with it. I love you, Please don’t leave me again.” Madamdaming pahayag
ni James. “I love you so much, KC and I cannot live without you.”
Hindi na
nakatiis si KC at humarap na rin sa lalake at
yumakap. “I love you more, James. At pinapatawad ko na kayong lahat. We
cannot live without you. Me and your future baby.” Sabi ni KC at nakangiti ng
sobra.
Shock was
registered in the handsome face of James. Hindi makapaniwala sa sinabi ni KC.
“Hoi! Sabi ko magkaka-baby na tayo. I am 2 month’s pregnant.” Sabi ni KC na
natatawa pa.
Biglang binuhat
ni James si KC at iniikot sa ere. “WOOO! Magiging Daddy na ako!” Sigaw ni James
at tumawa ng malakas. Binaba ni James si KC at niyakap ng mahigpit.
“I promise you.
I would never leave your or even hurt you again. Your my happiness and life.”
Sabi ni james at may dinukot sa bulsa ng jacket nito. Isang pulang kahita.
Pinagawa pa niya ang singsing sa ka-brod niyang si Randolf. Ito rin ang ring na
dapat sana ay ibibigay niya sa gabi ng party ng Brod nila.
Lumuhod si James
at hinawakan ang kamay ni KC. Napahugok ng hininga si KC, parang alam na niya
kung saan tutumbok ang usapang ito and she cannot wait to hear it.
“Miss KC Valdez,
will you marry me?” Sabi ni James pero sinuot na ang singsing na worth millions
of pesos sa daliri ni KC, hindi na nito hinintay pa ang sagot ng dalaga na
siyang nakapagpatawa dito.
“Ikaw talaga.
Sigurado ka nang YES ang sagot ko, aber? Hindi pa nga akong nagsasabi ng Yes
e.” Sabi ni KC kunwari ay naaasar.
“Is it a Yes or
A Yes, Miss Valdez?” Tanong ni James at nakangisi. “You see, I cannot take any
‘No’ for an answer.”
“Yes. YES! YES! Yes, Mr. Cristobal! I will marry you kahit pa nga 100 times. I love you so
much!”
~END~
SNEAK PREVIEW FOR THE NEXT SERIES
No comments:
Post a Comment