Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!
Showing posts with label kilig republic. Show all posts
Showing posts with label kilig republic. Show all posts

Friday, March 20, 2015

KALMIA Series - Kiel's Story: Hotelier of Mine (FINALE)

FINALE (CHAPTER 14)



ANG akala niya na magigng ayos na ang lahat once the conference was finish. She said her sorry to Kiel, they seperated for good and the press conference was finish but she was so wrong. The next day ay may mga nagpadala ng mga threats sa kanya and she knew well kung kanino nanggaling ang mga iyon: mga hotel owners na binigyan niya ng hindi kagandahang comment dahil hindi naman talaga maganda ang pakikitungo ng mga ito sa mga guest nila. Kahit na nga ba wala siyang sabihin ay alam niyang sooner or later ay babagsak din ang hotel na iyon.

She thought that she can manage those threats until pati ang mga magulang niya ay naha-harrass na rin. It was too much too handle at nakikita iyon ng mga magulang sa kanya. Wala pa nga siyang time para umiyak ulit dahil sa heartbreak na nararamdaman niya ay ito na ang gagawin ng mga tao sa kanya. She didn’t do anything bad...she was actually just being honest about what she writes. Kaya naman napagpasyahan ng pamilya niya na umalis na siya sa L.A and live in the Philippines for good. Ang mga ito na lang daw ang dadalaw sa kanya. She refuse too many times dahil maaalala niya lang si Kiel at mas mapapalapit pa ang distansya nila sa isa’t-isa. She’s trying to move on dahil alam niyang wala ng mangyayari kaya nga this is the last place na gusto niyang puntahan.

Kaya lang his brother got an accident at hindi pa nila alam kung aksidente nga ba iyon o hindi kaya naman umuwi silang magkapatid sa Pilipinas. Gusto rin naman niyang maging safe ang kapatid niya. Ngayong nasa Pilipinas na siya nagkaroon din siya ng time para iyakan ang naging heartbreak niya.

“Mabuti naman at lumabas na rin ang crying lady ng pamilya,” turan ng tita niya ng lumabas siya sa kwarto niya para kumain. Nauna na ang mga ito sa pagkain dahil wala pa siyang gana kanina at nagpapasalamat naman ang mga ito at hinahayaan lang siyang mag-senti.

“Naku, Aann, kapag nakita ko yung lalaki na iyon ay baka mabanatan ko pa siya”, sabi naman ng Kuya niya kahit pa nga ba may benda pa ito sa kamay at may nakikita pang galos sa mukha nito.

“Naku, Kuya, gusto mo pa bang madagdagan ang galos mo sa katawan? Hindi pa nga magaling yang mga sugat mo naghahanap ka na naman ng sakit ng katawan. I’m okay and I think I won’t ever see him again,” sabi niya na muntik pa siyang pumiyok sa last sentence niya. “Makakain na nga,” sabi na lang niya at ininit ang mga pagkain sa microwave.

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 13)

CHAPTER 13:


“I’ll handle this, Aann,” sabi naman ni Sam. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang bestfriend-cum-secretary niya. She nodded at tumakbo na siya palabas ng conference room. Nagtataka man ang mga reporter ay wala nang nagawa ang mga ito dahil nagsalita na si Sam.

“Due to personal reasons, Louise Margaret needed to go but I am sure I can answer all your questions as I am Samantha Cruz, Louise Margaret’s secretary. We can now proceed to question and answer,” narinig pa nitong sabi. She was really thankful na andoon ang kaibigan niya para ipagpatuloy ang hindi na niya kayang ituloy. As soon as she went out of the conference hall sa mall na pinagdarausan ng Press conference niya ay iginala na kaagad niya ang tingin niya sa paligid.

Ngayon nagsisisi siya kung bakit sa malaking Mall pa siya nagpa-press conference pero mabuti na rin at alam ng puso niya kung saan makikita si Kiel. She run towards him as fast as she can pero halatang nagmamadaling umalis ang binata kaya nahirapan siyang habulin ito kaya naman minabuti niyang tawagin na lang ito.

“Kiel Andrew Cristobal! Kiel!” sabi niya at nakita niyang napahinto ito pero saglit lang iyon at nagpatuloy ulit umalis. Ni hindi nga ito lumingon sa kanya kaya naman she desperately called him again while running. “Kiel, please! Talk to me! Shout at me! Kahit ano basta huwag mo lang akong dedmahin...please!” sabi niya and to her surprise he stopped and walked towards her. Napangiti siya at akmang yayakapin ito ng bigla siya nitong hilain sa fire exit kung saan walang masyadong tao. As soon as they arrived at the fire exit ay lumayo ito sa kanya at tumalikod.

“What do you want?” malamig na tanong nito sa kanya. “Ano pa ba ang gusto mong sabihin sa akin? Na ang tanga-tanga ko dahil nagpauto ako sa iyo at ni hindi ko man lang naisip na ikaw at si Louise Margaret ay iisa?”

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 12)

CHAPTER 12

“WELCOME back, Ms. Louise Margaret,” sabi ni Sam sa kanya. Ang usapan kasi nila as soon as bumalik siya ay trabaho na ulit siya. Kahit isang buwan at kalahati lang siya doon sa ‘Pinas ay hindi na siya sanay na tawagin siyang Louise Margaret. Actually, she hates being called that again. She sighed and tried to smile at Sam. Wala naman itong kasalanan. “Sorry ulit, Ms. Louise,” malungkot ulit na sabi nito.

“It’s fine,” tipid na turan niya dito at naglakad na sa sasakyang naghihintay sa kanila. “It’s not that late yet, sure akong bukas pa ang office natin. Gusto kong linisin itong gulong ginawa ko. Sam, pakidala na lang yung mga bagahe ko sa bahay. I want to go straight to work and give them a piece of me,” sabi niya sa napaka-kalmadong paraan. She knew Sam was nervous about her calmness and quietness pero alam niya din na di siya nito pipigilan.

Idinaan na muna niya si Sam sa bahay nila and went straight to the company that hired her. Maganda ang mga ngiti ng mga guwardia na bumati sa kanya pero hindi niya na magawa pang ngumiti. All her negative emotions was resurfacing and she can’t even stop her emotions. She doesn’t need too dahil nawala na sa kanya ang lalaking mahal na mahal niya. ‘No reservations’ ika nga.

She went straight to her editor’s office which took her work without permission. She would do everything to make this guy suffer like she’s feeling right now. Bumuntong-hininga siya para naman makalama siya ng maayos. Naalala niya kasi kung ano ang nangyari noon sa kanya kaya siya nagkaroon ng problemang ganito. She composed herself before knocking.

Narinig niyang nagsalita ang lalaki sa loob. Binuksan niya ang pintuan at nakita niyang nag-angat na ito ng paningin sa ginagawa. Nakita niya tuloy and pagkagulat sa mukha nito. She even saw him averted his eyes on her. Kung sa ibang pagkakataon lang ay matatawa siya dahil halatang guilty ang mokong na kano na ito. She walked towards her desk and took something out on her pocket. Isang maliit na tinuping papel iyon. She opened it for the man and slid it in front of him.

Friday, November 7, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 11)

CHAPTER 11

HINDI lang doon natapos ang masayang pag-a-announce ni Kiel na sila na. When they were both finished their love event sa Pampanga ay mabilis na umuwi na sila sa Manila dahil excited na daw nitong i-announce sa mga ka-barkada nito ang magandang news. Actually, nag-suggest siya na tawagan na lang pero Kiel insisted on telling everybody na sila na face to face para daw mainggit ang mga iyon at maghanap na ng kanya-kanyang lovelife. She was so happy to see Kiel very happy, ganoon pala ang nagmamahal dahil you will be happy just to see the person you love so much to be so happy.

Good timing rin ang gustong gawin ng binata dahil tutugtog na naman ang mga kabarkada sa Evergreen kaya naman present ang lahat. As soon as they arrived at Evergreen ay nakita na nila ang pagkukulitan ng mga kabarkada nito.

“So, as I was saying, hindi alam ni Kizza na ako nga si Aaron ng Alpha Stellar at sabi pa nga na ang layu-layo daw ng itsura naming sa isa’t-isa,” Aaron said and laughed a bit dahil na rin siguro sa nag-iisip ito kung bakit nga ba di siya makilala nung Kizza na pinag-uusapan ng mga ito.

“Why don’t you try telling her?” Biglang sabat ni Kiel with a happy face. Doon lang nila nakuha ang pansin ng mga kaibigan. She waved to the ladies and gents around the big table sa corner bago sila umupo sa upuan na para talaga sa kanya.

“I tried telling her but she always brush me off, nakaka-frustrate din pala na di ka makilala ng ibang tao dahil sa disguise and I thought na kahit naka-disguise ako ay makikilala pa rin ako ng tao kahit papaano,” sabi pa ni Aaron and empty the bottle of beer on his hand. “Anyways, bakit ngiting-ngiti ka diyan katulad ng timang na doktora natin?” tanong nito at doon lang nila napansin na nananahimik nga si Autumn at may ngiti sa mga labi nito.

“BFF naman, talk to me! You are so G.R.R.R na ha! Porke ba may gwapong lalaki ka ng pinapantasya nakakalimutan mo na ang alindog ko?” kunwari ay nalulungkot na turan ni Vicky sa bff nitong parang high kung maka-ngiti at maka-day dream.

“Bff, shhh! Huwag ka maingay at nangangarap pa akong makita ulit si fafable chef!” sabi pa nito sa best friend. Doon naman niya mahinang pinalo si Autumn sa balikat.

“I have an announcement to make so you better listen and stop day-dreaming. It’s supposed to be our meeting here pero yung utak mo nasa chef na yun,” sabi pa ni Kiel na ikinatawa niya. Pagkasabing-pagkasabi nito na may announcement sila ay nagkatinginan ang mga tao sa paligid at biglang may makahulugang ngiti sa labi. It seems kahit na hindi pa nito inia-announce ay may idea na ang mga ito but remained silent dahil ayaw nitong maputol ang excitement ni Kiel. Somehow, she’s so thankful na kahit mga loko-loko at loka-loka ang mga ito ay napaka-considerate.

Saturday, November 1, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 10)

CHAPTER 10

“WHAT?” Napalakas ang boses ni Mar-Aann na nasa loob ng kwarto niya at nagsusuklay ng buhok. Katatapos lang nilang mag-breakfast ni Kiel sa Hotel suite nito at ngayon ay nag-aayos na ulit siya dahil sa kanilang next date. Their few days was just a success at napapamahal siya ng sobra sa binata each passing days. It seems that she can only think of him and him alone dahil she’s filled with happiness just by merely sitting next to him. “Tell me you’re joking Sam!” nagpa-panic na turan niya sa kausap na si Sam.

“I’m sorry, ako ang may kasalanan. I forgot to lock my laptop nung kinuha ako ni Oliver sa office for lunch. Actually, nagmamadali akong umalis nun kasi pine-pressure din ako ni Boss dahil kailangan niya daw ng article na papalit sa hindi pumasang article ni Sandy. I know na kabilin-bilinan mo na huwag kong ibigay or isend ni isa sa mga editor ang naisulat mong negative comment about JAC Hotel dahil na rin sa bugso ng damdamin mo. Hindi ko naman binura dahil wala ka namang sinabing burahin so I just put it on one of your Hotel Comment folder,” mahabang paliwanag ni Samantha sa kanya.

“Aann, Are you okay?” nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto kaya naman itinakip niya ang kamay sa telepono para sumagot sa nag-aalalang boses ng binata sa likod niyon.

“I-I am fine, kausap ko lang ang secretary ko sa phone, medyo may konting problema but I am fine,” she said pero alam niya sa sarili niya na hinti ito konti or maliit na problema. She was in a deep trouble lalo na at masasaktan niya ang lalaking natutuhan niyang mahalin ng todo-todo. She pace back and fort from the same place each time and can’t even think of a solution. Ganoon ka-blanko ang utak niya just by thinking that Kiel would hate her so much dahil sa mangyayari in the future.

“Aann?” tawag ulit ng kausap niya ng manahimik siya. Tumikhim muna siya bago siya sumagot at nanghihinang umupo sa harapan ng laptop niya.

“Sam, kelan ang release of publication?”

“Two days from now,why?”

“Puntahan mo ang printing company as soon as possible at ipatanggal mo ang article ko, humanap ka ng iba kong nasulat sa file na di ko pa nasu-submit and yun ang isubmit mo mismo,” sabi niya bigla. It seems that her brain returned and started functioning again.

Saturday, March 22, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 9)

CHAPTER 9:

“MISS sleepy head, it’s time to wake up,” the soft yet masculine voice of Kiel made Aann smiles even if it was too early for her to wake up. Nag-inat siya kahit na nga ba sarado pa ang mga mata niya. She’s just not a morning person.

“As far as I know, wala akong plano ng ganitong kaaga, Kiel,” sabi niya at sinilip ang gwapong mukha ng binatang nakaupo sa gilid ng kama niya. Since kagabi, nung officially pinagsigawan nito sa buong Evergreen ang panliligaw sa kanya ay mas naging attentive ito at sweet sa kanya. Kung noon ay kinikilig na siya sa pagbibigay lang nito ng kahit konting pagtingin, ngayon ay parang na-overdose na siya at mas magpapa-overdose pa siya sa kilig sa ginagawa nito.

“I planned it for us, if you don’t mind. Actually full pack ang schedule mo ngayon since kasama mo ako,” nakangising turan nito sa kanya. Kung ito ba naman ang gigising sa kanya araw-araw, kahit full pack pa ang schedule niya, di siya mapapagod. I’ll even fire Sam kapag ito na ang magiging taga-gising at taga-puno ng schedule ko! Yummilicious eh!

“Can you postpone the early schedule then? You do know I am not a morning person at infairness, napuyat ako kagabi dahil sa sobrang kilig ko,” mahabang turan niya at tumalikod na sa binata at handa ng matulog ulit.

“You can’t sleep now, Aann, Kailangan tayong pumunta sa bahay namin. My parents want to meet you, narinig nila kay L.A na may nililigawan na ako and believe me when this happens, talagang ginigising ako ni Mommy kapag excited itong ma-meet ang nililigawan ko,” Kiel explained and as soon as marinig niya ang katagang parents at mommy ay napabalikwas siya at napaupo sa kama.

“What?”

Friday, March 21, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 8)

CHAPTER 8:

“SO you are the infamous Aann Janihim,” sabi ng lalaking mahaba ang buhok, medyo singkit ang mata, naka-salamin pero wala namang lense, naka polo-shirt at tie pero naka-shorts at tsinelas lang. Kung hindi lang ito gwapo ay mapapangiwi talaga si Aann sa kanya. “I am Aaron, second cousin of Kiel. May request kang song mamaya? Kakantahin namin for you,” nakangiting turan nito sa kanya.

“Pleasure to meet you, Aaron, at sure ka na okay lang mag-request?” nakangiting turan niya. Nalaman niyang nasa banda pala ang ibang mga kaibigan at kababata ni Kiel. Mukhang masayahin at makukulit din ang iba sa kanila na lalong ipinagtataka niya. Bakit hindi nahawa sa pagiging adorable si Kiel?

“Oo naman! Kayang-kaya ni Aaron ang kumanta, mapa-Adele man or Bruno Mars!” natatawang joke ng babae na shoulder length ang haba ng buhok, may nunal sa itaas ng kilay ang cute kung maka-ngiti. She’s a looker too kahit na hindi ito masyadong nag-aayos. “By the way, I am Vicky at bassist nila ako,” sabi nito and took her hand and shook it.

“Sira-ulo ka talaga, Vicky ha! Autumn, pagsabihan mo nga ang jowa mo, baka ihampas ko ang keyboard ko diyan eh,” sabi ni Aaron pero halatang nagbibiro lang ito. “If pambabae ang kanta, yung dalawang babae sa grupo ang nakanta at kapag lalaki, depende yan kung sino makakaabot at kung sino ang bagay na kumanta,” pagpapaliwanag nito.

“I figured that out,” natatawang turan niya. “Do you want to punish them, Aaron?” tumungo ito sa kanya at ngumisi siya. “Then can I request ‘In the arms of an Angel’ ni Sarah Mclaughlin?” sabi niya at napa-No sila Vicky at si Autumn. Nag-peace sign naman siya but Aaron started to laugh.

“I like her, Kiel, aprobado na yan! Pwede mo na rin yang pakasalan kung gusto mo,” sabi nito at binatukan naman ito ni Isaac.

“Pasensya ka na kay Aaron ha? Baliw kasi yan eh, pre-mature baby kasi,” sabi ng gwapong lalaki na mahaba at medyo wavy ang buhok nito. Sexy rin ito kung makangiti at medyo payat pero sakto ito sa height nito.

Thursday, March 20, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 7)

CHAPTER 7:

“If you needed help, just call me!” Ang sigaw ni Aann sa binatang kakapasok lamang sa kwarto nito. Hindi niya nga alam kung sino ang sumapi sa kanya at ngayon ay nagkakaganito siya. She was never like this. She flirted with people who flirted with her first pero never siyang nag-iniate ng pag-flirt kaya nga nagtataka rin siya sa kabaliwang nangyayari sa kanya but she can’t help it. Teasable kasi ang fafable na si Kiel and she knew well na kaya lang naman ito sumasakay sa mga banat niya ay dahil kailangan nitong mapasaya siya dahil sa kanya nakasalalay ang pag-complaint or not kay ‘Louise Margaret’.

You crazy, Aann! Makukulong ka sa ginagawa mo! Sexual harassment! Buska niya sa sarili pero bigla siyang napangisi ng may maisip na kalokohan na naman. Edi ipapakulong ko din siya! Illegal possesion of handsomely dangerous face and sexy body! Dahil sa kanya kaya andaming nagkakasalang babae! Kung makukulong ako, isasama ko siya! Pwede kaming dalawa sa bartolina!

Napabuntong hininga siya and walked towards her room at doon ay nagsimula na rin siyang mag-ayos. Yung damit na approve ng lalaki ang isinuot niya. Naglagay din siya ng light make-up dahil umaga pa at ayaw naman niyang masyadong makapal ang make-up just a face powder, lipstick and an eyeliner ay perfect na para sa kanya. The color of her lipstick were pink na ibinagay niya talaga sa suot niya. She then wore a pink open-toe wedge shoes at inilabas niya ang isa sa mga malalaking bag niya para ilagay doon ang mga pasalubong niya sa Tita niya.

She walked out of the room at nakita niyang may kinakausap si Kiel sa cellphone kaya naman di siya nito namalayan na ayos na siya.

Wednesday, March 19, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 6)

CHAPTER 6:


“Aann, meron ka bang schedule today?” tanong ni Kiel sa kanya habang natingin siya sa mga damit na nakalagay na sa spare cabinet ng binata. Na-postpone kasi ang niyang pagbisita sa dating bahay sa QC. Tanghali na kasi at nagluluto na ang binata ng tanghalian nilang dalawa. The same day na napagkasunduan nila ang arrangement na ito ay nagsimula na itong alagaan siya and it was almost a week na ang nakakalipas.

It’s like playing house except calling each other sweetheart. “Yes, actually nung isang araw ko pa napagdesisyunan yun bago pa mangyari ang lahat ng kaguluhan kahapon,” sabi niya at kumuha ng limang summer dresses. Para sa kanya, ang weather sa Pilipinas kahit na nga ba hindi summer season ay napakainit dahil na rin lagi siyang nasa lugar na hindi mainit. “I’m not sure kung dapat kitang tanungin but I might as well ask you. Ano ang mas babagay sa akin?” sabi niya dito at ipinakita dito ang mga summer dresses niya.

“Hindi talaga ako experts sa mga ganyan but let me see it one by one then I’ll tell kung ano ang babagay sa iyo. Saan ba ang punta mo? You want a chauffeur?”

“Dapat yung summer dress na nasunog ang gagamitin ko but I need to look for another one, so I just need to have a little fashion show infront of you tapos tutulungan mo akong mamili?” na-excite na turan niya. One of her dream was to be a model kaya lang kinapos siya sa required height. “Pupunta sana ako sa dating bahay naming sa QC at bibisitahin ko na rin ang tita ko na natingin sa bahay na iyon,” sagot niya sa unang tanong nito then napaisip siya sa pangalawang tanong nito. “Bakit ihahatid mo ako?” She was hopeful dahil na rin sa napakaraming dahilan. Gwapo kasi ito at matikas plus the fact na baka mawala pa siya papunta doon dahil di na rin siya sanay mag-biyahe mag-isa papunta sa QC.

“Yes, tutulungan kita to find a suitable dress para makapunta at makadalaw ka sa QC and another yes, because I am your personal server at wala rin naman akong gagawin dito. I cleared all my schedules. Hindi pa naman kasi retired si Daddy so I asked for him to help me,” sabi nito and shrug.

Tuesday, March 18, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 5)

“Ms. Janihim, Mr. Cristobal would like to have a moment to talk to you,” sabi ng magandang receptionist sa kanya ng makarating siya doon at sabihing mag-check out na siya. Napakunot ang noo niya, as far as she knows, tapos na ang pag-uusap about her matters kagabi at kahit naman ano pang sabihin ni Mr. Cristobal ay wala nang makakapagpabago pa ng isip niya na umalis sa hotel.

“Okay,” she said and shrugged. Wala na naman siyang gagawin kundi ang mag-travel saglit para makalipat sa ibang hotel. Sam emailed her last night sa hotel details niya. It’s a good thing na nakakuha pa ito ng room kahit na nga ba madalian ang pagbobook.

“Oliver will take you to Mr. Cristobals office,” sabi pa nito at biglang sumulpot ang dating bellboy na kumuha ng lugguage niya nung unang dating niya sa Hotel. Lumakad sila papunta sa golden elevator sa gilid ng ordinary elevator na ginagamit ng mga guest. She was amazed how nice it was in that elevator at iisang numero lang ang nakalagay doon. Oliver pressed that number at tahimik silang tumaas papunta sa lugar kung saan sila mag-uusap nung Mr. Cristobal na iyon.

“Ms. Ja—.”

“Aann, remember? Kung sana kasing ayos ng serbisyo mo angi bang serbisyo dito sa hotel ay baka di na ako umalis na pinagsisisihan kong nag-book pa dito. Keep up the good job, Oliver,” sabi niya naman and gave him a sweet smile.

Napangiti naman ito at tumungo. “Anything for this hotel’s guest, Aann, atsaka ayaw kong mawalan ng trabaho kaya naman ginagawa ko ang lahat to do great my job,” sabi nito at lumabas na ito sa elevator. “This way, Aann, Mr. Cristobal is waiting for you at his office.”

Tuesday, September 24, 2013

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 4)

CHAPTER 4:


“Ms. Janihim, sandali lang po. Ano po ba ang pwede naming gawin para po ma-compensate ang mga damage na nagawa ng staff namin? Or anything to make you stay?” may pagmamakaawang tanong ng manager kay Aann.
“Nothing, actually, cancel the person who’s going to help me pack. Ayaw kong pati ang bagahe ko ay masira dahil sa incompetent niyong staff,” sabi niya and press the elevator button. She wanted to get away from this hotel this instance. Ayaw na niyang mag-stay pa sa disaster prone, undecorated hotel na ito.
Sumakay na sila sa elevator and it’s a good thing dahil nakakakuha na nila ang attention ng iba pang guest sa lobby ng hotel. Napalakasan niya kasi ang mga salitang lumabas sa mga labi niya. She sighed and looked at the manager next to her.
“Please, Ms. Janihim,” sabi pa nito sa kanya.
“Please don’t. Yung pasensya ko paubos na ng paubos. Do you think I like being angry? This is the first time na nagalit ako ng ganito,” sabi niya dito and took a deep breath this time.
“Kung hindi po naming kayo mapipigilang umalis then is it okay for you to stay overnight? Alam naman po naming na lumabas kayo maghapon at pagod po kayo. Then, we will help you to look for another hotel accommodation,” sabi pa nito.
“Okay, I’ll stay for tonight,” sabi niya at napangiti naman ito kaagad. “But, you don’t have to help me look for another hotel. My secretary can do that,” dugtong niya sa sinabi niya. Another worried look was plastered on the female manager.

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 3)

CHAPTER 3:

“KYAA! Gwapo talaga, Aann? From one to ten, ten pinakamataas, saan siya nababagay?” kinikilig at excited na tanong ni Samantha sa kanya.
“Definitely a tenner!” natatawa niyang turan dito. As soon as matapos niya ang pagkain ng pasta, na infairness super sarap, ay tinawagan niya kaagad si Samantha sa mga nangyari sa kanya at sa pagkikita nila nung Kiel Cristobal na iyon. Sa sobrang pagka-mesmerize niya nga sa binata ay natagalan siyang makabawi sa shock at nakasagot sa binata. It was a good thing na on time ang pagkakabawi niya doon at nakausap pa ng medyo matagal ang binata. Actually, narinig pa lang niya ang boses ng binata ay may kung anong epekto na ito sa kanya na ikinapagtataka niya.
“Sabi ko na nga ba at tama ang gut feeling ko na i-book kita sa JAC Hotel eh! Narinig ko ngang napaka-gwapo ng anak ng may-ari! Wait lang, mag-eempake na ako! Iiwan ko na itong si Scott dito dahil gusto ko ring makita ang tenner na Kiel na iyan!” sabi pa nito sa kanya at tumili ulit. She literally needed to pull her ears out of her cell para lang ma minimize ang ingay sa kabilang linya at natatawang ibinalik niya ang cellphone sa tenga.

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier Of Mine (Chapter 2)


CHAPTER 2: 


“WELCOME, Ms. Mar-Aann Janihim. Thank you for booking to JAC Hotel. Your room is in 57th floor, it is a grand executive suite. Here’s Oliver to help you with your languages. Please, enjoy your stay,” magalang na bati sa kanya ng receptionist na nag-asikaso para sa booking niya. “Would you like have a tour to see other amenities, Ma’am?”
“No need, Ms. Monet, thank you for helping me. Ako na lang mismo ang maglilibot while I am bored,” sabi niya dito na ikinatungo naman nito.
“If you need any help just dial ‘0’ and we will try everything to help,” sabi pa nito.
She then turned around at nakita niya ang gwapong bellboy na naghihintay sa kanya. What she liked about the hotels in the Philippines ay gwapo at magaganda talaga ang inilalagay nila sa harapan. “Well then, Oliver, lead the way,” sabi niya dito.
“Sure, Ms. Janihim.”
“Call me, Aann,” she then gave him her signature smile and she almost laughed dahil medyo natulala ang bellboy na nasa harapan niya.
“S-sige po, Aann, this way po,” sabi naman nito ng matauhan. She said na mag-rerelax lang siya once she arrived in the Philippines pero she really can’t help but to flirt...a little.

Wednesday, May 15, 2013

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier Of Mine (Chapter 1)


TEASER:

Hotels worst enemy. Yan ang tawag sa propesyon ni Louise Margaret Aravello sa mundo ng hospitality business. She’s a well-known critique in the whole world kaya naman ng mabalitaan ni Kiel Andrew Cristobal ang pagdating ni Louise sa Pilipinas ay sinigurado nito na mapupuntahan ng dalaga ang hotel nila and have a positive feedback from her.

Everything was set and everything’s perfectly planned hanggang sa may mag-check in na dalaga sa main hotel nila. Mar-Aann Janihim, the worst guest you could ask for dahil masyado itong nag-co-complain sa kahit maliit na bagay. Kiel thought magiging ayos na ulit ang lahat ng mag-check out ang dalaga just to find out na nag-iwan ito ng malaking complaint and even told the Manager of the hotel na mag-post ito ng complaint sa internet.

Kiel’s entire plan is in danger because of that annoying lady na mag-check in na daw sa kalabang hotel nila! Hindi maaaring magkaroon sila ng negative feedback sa kahit na sino and he will do anything para maging maayos ang lahat!


CHAPTER 1:

“I have an important announcement to make that is why I called every staff that’s on today,” panimula ng binata na nakatayo sa stage ng isa sa mga conference room sa JAC Main Hotel. The man in front is one of the reason kung bakit napakaraming single female staff ang nagpupursigi sa pagtratrabaho dito. They all wanted to get his attention na napakahirap makuha dahil napaka-aloof nito and very intimidating. The man’s name is Kiel Andrew Cristobal and every female in the room can’t take their eyes off of him. Bakit naman hindi? The man was so masculine. All of them, except male staff, were drawn to the swell bulging muscles beneath his stuffed business suit that is well tailored on his attractive body.

While, Kiel roamed his eyes in the room, every female stupidly gazed upon his kissable sensuous lips and chiselled jaw. Ang iba ay gusto nang humugot ng panyo at punasan ang non-imaginary at imaginary na laway nila sa labi. The man itself was spelled H.O.T. That well defined nose and his eyes that when he stared at you even for a second ay manlalambot na ang mga tuhod niyo. Ganoon siya ka-gwapo.

Thursday, February 14, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 10 [Finale]

Copyright © 2010. All Rights Reserved.



It was indeed the most hellish month of her life. Isang buwan na niyang hindi pinapansin ang mga text at calls ni Irvin. Laging may padala itong mga bulaklak sa bahay at opisina. May mga cards din itong pinapadala pero hindi pa niya iyon binubuksan. Sure siyang mga panloloko na naman at pambibilog nang ulo ang nakasulat doon. It’s enough na super haba na nang panahon na ginago siya nang lalake. Hindi na dapat siyang magpapaloko dito. 

Naging busy na rin siya dahil si Mam Chloe at Ezekiel ay napagpasyahang gawin na siyang Vice President. Mas lumaki na kasi ang HC at kailangan na nang matataas na posisyon. Presidente lang kasi ang meron sila noon. Si Mrs. Chloe Aquino iyon. Nagulat siya pero para sa kanya ay mabuti na rin iyon. Baka mas maging busy siya at mawala sa isip niya si Irvin. 

Papauwi na siya sa araw na iyon at may usapan pa sila nang Bossing niyang si Ezekiel. Finally ay makakabili na siya nang sasakyan niya at hindi na siya magtataxi. Napabuntong hininga siya. Napakasimple nang buhay niya at ni Irvin noon nang hindi pa niya nalalamang isa itong Imperial. 

Bakit? Ano ba ang pagkakaiba kung Imperial si Irvin o hindi? Sinabi na nga nito na mahal na mahal ka niya at walang halong kasinungalingan e. Patawarin mo na. Miserable tuloy ang beauty mo! Nakak-wrinkles ang super depression! Sabi nang kanyang konsensiya. 

Wednesday, February 13, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 9: Secrets and Betrayal

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Hindi na nga sila nagtagal pa sa Vigan. Hindi lang dahil sa request ni Mae kundi tinawagan rin siya ni Bossing Chloe na kung tapos na ay umuwi na kasi may nalalapit na salu-salo na kailangang puntahan nilang mag-bossing. Mukhang gathering ito nang mga business people. Katulad nang 3 years ago.

Iniatas na lang niya kay Miss Sunshine ang lahat. Sinabihan na rin niya si Arnold at si Cynthia na hindi siya ang mag-hahandle kasi kailangan na niyang bumalik sa maynila. Mas nauna silang umalis at alam iyon nang kanyang fafable na si Irvin. Request na rin kasi iyon ni Mae sa kanilang dalawa. Mas mabuti na rin siguro iyon. Hindi naman kasi nasisiyahan ang kaibigan sa Vigan. Puro na lang sila ni Irvin ang nagsaya. Nalibot na rin naman halos lahat ang buong Vigan.

Pinagpahinga muna siya ni Miss Chloe bago siya ulit nito pinabalik sa trabaho. Mahaba-habang biyahe rin naman kasi iyon. Pagkadating kaagad niya nang bahay ay nakatulog na agad siya. Hinayaan na lang niyang halungkatin nang mga kapatid at magulang ang mga pasalubong niya tutal ay sa kanyang mga mahal sa buhay naman talaga iyon. Umaga na siya nang magising kaya naman ay naghanda na siya para pumasok.

Tuesday, February 12, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 8: Welcome to Vigan!

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Kahit mukhang takang-taka ito ay sumunod ito sa kanya or more like tumabi ito sa kanya habang naglalakad sila patungo sa empanadahan. Madami at siksikan doon dahil sa christmas at masarap talaga ang empanada sa Vigan.

“Dito tayo.” Sabi niya nang malinis na nang mga taga-linis ang isang lamesa. Medyo mausok rin sa empanadahan dahil may barbeque-barbeque pang nakatayo doon. Inilapag niya ang mga papeles at ngumisi.

“Dito ka lang at ako na ang bahalang mag-order. Dapat ay uubusin mo yung empanada ha.” Sabi niya pa at iniwan na ang lalakeng magsasalita pa sana pero tumahimik na lang muna ito at umupo na.

“Nay. Magkano po sa empanada?” Tanong niya sa ilocanang tindera at ngumiti.

“Napinpintas na balasang. Artista ka neng?”

“Ai naku. Super flatter ako ha! Hindi po, Nay. Isang hamak lang po akong magandang babae at mukhang artista pero hindi po ako artista. Sige po, Nay. Mamaya ay bibili ulit ako nang empanada para sa friend ko. Wag na pong mambola.”

Monday, February 11, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 7: Bonding and Surprises

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Ganon parin sila. Si Mae at siya sa isang sasakyan kasama si Manong June while si Irvin at si Niki ay sa isang sasakyan. Nakalimutan pa nga pala niyang tanungin kung bakit may gamit itong super garang sasakyan. Isang linggo lang silang nagkita ay naka-kotse na agad ito? Wowness! 

“I... I confessed.” Panimulang sabi ni Mae na nakatignin sa may bintana. Tahimik kasi silang dalawa dahil iniisip pa nila ang mga nangyari sa kanila kani-kanina lang. 

“Anong sinabi niya?” Na-curious siya at napabaling ang ulo kay Mae. Nakita niyang may tumulong luha sa mata nito. Hanovey! Lagot sa kanya si Niki! 

“Sabi niya kaibigan at babaeng kapatid lang ang turing nito sa akin. Hindi ko natanggap kaya sinapak ko siya pero bago ako umalis ay binigyan ko siya nang isang halik.” Sabi nito at tumawa nang malungkot. 

“At siguro dahil sa ginawa ko ay ayaw na nito sa akin. Nakita mo reaksiyon niya? Lumayo siya at tumabi siya sa taong ang iniisip niya ay karibal. He hates me that much.” 

“Ai naku! Gusto mo ipa-upak ko na sa mga tambay sa kanto namin si Niki? Ipa-salvage kaya natin? Siraulo talaga yun! Dapat binugbog mo na e.” 

Sunday, February 10, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 6: A new Friendship

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Hindi siya pinayagan ni Miss Chloe na mag-isang pupunta sa Ilocos so itinapon rin nang bossing nila si Mae para kasama niya. Nasa Tarlac na sila ngunit hindi pa rin nagsasalita ang katabi niya at hindi siya sanay nang ganoon. Baka mapanis ang laway niya na hintaying magsalita ito. Alam kasi niyang ayaw sa kanya nung babae or more like asar/selos ito sa kanya.

“Mae... Let’s enjoy Ilocos as a friend.”

“Hindi naman ako galit sa iyo ahh pero hindi nga tayo friends.”

“Bitter ka?” Eto na ang simula nang daldalan nila. She knew that ang tuksuhan ang masayang umpisa nang pagkakaibigan.

“Anong bitter pinagsasabi mo?” Nakakunot nang sabi nito sa kanya at nakatingin ito nang matalim.

“Bitter kasi may gusto sa akin si Niki mo.”

“N-niki ko? Magkaibigan lang kami non.” Namumulang sabi nito hanggang tenga yata ang pagkapula nito.

Saturday, February 9, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 5: Moody much?

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


“Let’s go then.” Sabi niya dito at lumakad na sila patungo sa supermarket sa loob nang MOA. Marami pa ring tao dito kahit na nga ba late. Lumakad kaagad sila sa fruits and vergetable section para mabilis silang makauwi at makaluto na rin siya.

Tahimik naman ang lalakeng nasunod lang sa kanya habang siya ay nagdadadada sa kung anu-ano. Oo, hmmm, hindi, baka, oo nga ang mga sinasagot lang nang lalake. Hindi niya tuloy napigilang huminto at huminto rin naman ito sa tapat niya.

“Why?” Nakakunot noong tanong nito sa kanya kahit na nga ba hindi pa ito makatingin sa mga mata niya.

“Ikaw dapat ang tanungin ko e. Bakit hindi ka makatingin sa akin at puro isang words lang ang sinasabi mo? May problema ka ba?”

“Nothing. I’m fine. You don’t need to think about it. Baka napagod lang ako kanina.” Sabi nito at ngumiti sa kanya.