Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, November 7, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 11)

CHAPTER 11

HINDI lang doon natapos ang masayang pag-a-announce ni Kiel na sila na. When they were both finished their love event sa Pampanga ay mabilis na umuwi na sila sa Manila dahil excited na daw nitong i-announce sa mga ka-barkada nito ang magandang news. Actually, nag-suggest siya na tawagan na lang pero Kiel insisted on telling everybody na sila na face to face para daw mainggit ang mga iyon at maghanap na ng kanya-kanyang lovelife. She was so happy to see Kiel very happy, ganoon pala ang nagmamahal dahil you will be happy just to see the person you love so much to be so happy.

Good timing rin ang gustong gawin ng binata dahil tutugtog na naman ang mga kabarkada sa Evergreen kaya naman present ang lahat. As soon as they arrived at Evergreen ay nakita na nila ang pagkukulitan ng mga kabarkada nito.

“So, as I was saying, hindi alam ni Kizza na ako nga si Aaron ng Alpha Stellar at sabi pa nga na ang layu-layo daw ng itsura naming sa isa’t-isa,” Aaron said and laughed a bit dahil na rin siguro sa nag-iisip ito kung bakit nga ba di siya makilala nung Kizza na pinag-uusapan ng mga ito.

“Why don’t you try telling her?” Biglang sabat ni Kiel with a happy face. Doon lang nila nakuha ang pansin ng mga kaibigan. She waved to the ladies and gents around the big table sa corner bago sila umupo sa upuan na para talaga sa kanya.

“I tried telling her but she always brush me off, nakaka-frustrate din pala na di ka makilala ng ibang tao dahil sa disguise and I thought na kahit naka-disguise ako ay makikilala pa rin ako ng tao kahit papaano,” sabi pa ni Aaron and empty the bottle of beer on his hand. “Anyways, bakit ngiting-ngiti ka diyan katulad ng timang na doktora natin?” tanong nito at doon lang nila napansin na nananahimik nga si Autumn at may ngiti sa mga labi nito.

“BFF naman, talk to me! You are so G.R.R.R na ha! Porke ba may gwapong lalaki ka ng pinapantasya nakakalimutan mo na ang alindog ko?” kunwari ay nalulungkot na turan ni Vicky sa bff nitong parang high kung maka-ngiti at maka-day dream.

“Bff, shhh! Huwag ka maingay at nangangarap pa akong makita ulit si fafable chef!” sabi pa nito sa best friend. Doon naman niya mahinang pinalo si Autumn sa balikat.

“I have an announcement to make so you better listen and stop day-dreaming. It’s supposed to be our meeting here pero yung utak mo nasa chef na yun,” sabi pa ni Kiel na ikinatawa niya. Pagkasabing-pagkasabi nito na may announcement sila ay nagkatinginan ang mga tao sa paligid at biglang may makahulugang ngiti sa labi. It seems kahit na hindi pa nito inia-announce ay may idea na ang mga ito but remained silent dahil ayaw nitong maputol ang excitement ni Kiel. Somehow, she’s so thankful na kahit mga loko-loko at loka-loka ang mga ito ay napaka-considerate.

“Parang ayaw kong marinig ang announcement na ito ah!” joke namang sabi ni Isaac sa kaibigan.
“No choice tayo, p’re, dahil mukhang desididong i-announce eh. Tignan mo yang nakakaasar na ngiti ni Kiel,” sabi naman ni Norwell.

“Shut up, guys, it’s just a quick announcement,” sabi nito at naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. Hindi lang basta-basta ito hawak dahil lahat ng awing ng daliri niya ay okupado ng daliri nito. He then pulled her hands up at ipinakita ito sa mga kaibigan. “Mainggit kayo dahil girlfriend ko na siya!” sabi nito and laughed so hard.

Nagpalakpakan ang mga kabarkada nito at biglang may mga confetti na lumipad sa ere. Napalingon sila sa gumawa and it was Ericka who popped the confetti with a grin on her lovely face. “Sakto pala itong nakuha ko sa isang party,” sabi pa nito and popped another one.

“You better clean this out later on, Ericka,” sabi naman ni Norwell with a serious face pero binelatan lang nito ni Ericka and smirk at the man like telling him ‘make me’.

“Asaness ka naman, Norwell, hindi mo ako empleyado so I won’t do anything you said. Atsaka, akala ko ba mas lumalago ang negosyo niyo but it seems like it’s not dahil gusto mo pa ng volunteer worker at ako pa talaga ang napili mo,” sabi nito and then turned her face towards them. “Congrats, Aann, so should I start calling you Ate na rin?” sabi nito to tease her.

“Huwag na, Aann na lang, mas feeling magka-edad kasi tayo eh,” sabi naman niya and laughed. Another round of congratulations flooded them both bago ini-announce ni Kiel na magpapa-bucket of beer siya sa buong Evergreen. Everybody cheered when they heard it at saka nag-umpisang mag-perform ang mga kaibigan. Aaron officially announced na sila na nga and the crowd inside the Evergreen congratulate them. Napakasaya at eventful ng araw niya and it seems wala ng makakaputol pa ng kasiyahan niya. She’s just so happy right now.

“Aann, then!” sabi nito at masayang niyakap siya. “Welcome to the Krung-krung family then!” sabi pa nito na ikinatawa ng lahat.

“Speaking of celebration, mas magiging kumpleto siguro ang kasiyahan ni Kiel kung magpapakita na sa kanya si Miss Louise Margaret diba?” Biglang banat naman ni Art na tahimik lang sa gilid at ang inaatupag lang ay ang mga kuko nito.

“Oh that famous Hotel Critique that Kuya Kiel was talking about? I think it was a bluff na pupunta iyon ditto sa pinas. It’s already a month and half at malapit ng matapos ang mga pagbabago sa JAC Main hotel diba, Kuya Kiel?” tanong naman ng nakaakbay ng si Ericka sa kanya. “If ever totoo ngang andito yun, she’s really taking her time to reveal herself or more like she already did visit your hotel using another name para di malaman ng lahat ng taong nag-e-expect sa kanya,” sabi pa nito.

Tama nga siguro na kapag sobrang masaya ka ay may kakabit iyon na matinding lungkot sa huli pero hindi lang iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi lang lungkot kundi takot na rin na kapag nalaman ng lahat na siya si Louise Margaret at lalabas pa ang article na pinapatigil niya ang printing ay malamang na hindi siya nito mapatawad and worst, maging si Kiel, na mahal na mahal na niya ay iiwan siya at kamumuhian.

She turned her gaze to the now serious looking Kiel. Naramdaman siguro nito na nakatingin siya ditto kaya lumingon ito and walked towards her. Naramdaman niyang pinaalis ni Kiel ang braso ni Ericka na nakaakbay sa kanya at ito ang pumalit sa pwesto nito.

“Is there a problem?” He asked with a soft expression on his face and a gentle smile towards her. Paano bang hindi siya maainlove sa lalaking ito kung ganito ito ka-sweet sa kanya. She’s so used to it now that she’s afraid na mawala ito at imbes na sweetness at gentleness ang ibigay nito sa kanya kapag nalaman nito ang lihim niya ay maging pagkamuhi at hinanakit iyon.

I just want your affection to stay this way until the end. Sabihin na nilang selfish ako pero wala akong pakialam. Mas takot akong kamuhian mo.

“Sorry poooooo!” sabi naman bigla ni Ericka bago siya makapagsalita. Ginaya pa nga nito si Chichay sa G2B na napapanood niya tuwing gabi dahil minsan ay bored siya. Bigla siyang napangiti dito. “Hindi ko naman alam na bawal ng tabihan si Gf kahit na babae ka pa,” sabi pa nito bago ito nahila ni Norwell sa damit at itabi dito.

“Ilang beses ko na bang sasabihin na hindi ka babae, lahat ng magkakaroon ng gf dito ay magseselos sa iyo dahil lalaki ka,” sabi pa nito bago ito umupo sa tabi ni Ericka na halatang di pinakinggan ang mga sinasabi nito.

Umiling siya kay Kiel ng maramdaman niyang hinapit siya nito. “It’s nothing Kiel, I just remembered something really important,” she half-lied to him and give him her most lovely and sweetest smile.

“Okay, I trust you,” sabi nito at hinalikan siya sa noo. “But if you needed any help at kung may problema ka, please tell me. I want to be beside you when you needed me the most. I’ll try to help as well, if you really needed it but I knew you can handle it perfectly.”

“Tama yang sweetness na yan at nilalanggam na kami dito,” sabi naman ni Isaac at kunwaring nagpapagpag ng mga langgam sa katawan. “Pero seryoso na Kiel. I do hope that this will be the ‘forever’ you are looking for. At huwag mo na munang isipin si Ms. Louise Margaret, just enjoy every happy moments saka mo na isipin ang magiging problema mo if ever ayawan nga ni Ms. Louise Margaret ang hotel mo,” sabi pa nito.

“Louise Margaret can come anytime in our hotel because I knew, for sure, that she would love the new JAC Hotels,” sabi nito with full confident voice and kissed her on top of her head. “It’s all thanks to this lovely Angel beside me. She’s gonna be the one who would bring me luck,” sabi pa nito at doon na nagkantiyawan ang mga ito hanggang sa tawagin na ang bandang Alpha Stellar.



“I’M sorry, Aann,” mahina ang boses ng kausap niya sa telepono. Her heart was thumping like there’s no tomorrow at ang kaba niya ay mas tumataas. That first three words na nabanggit ni Sam ang pinakaayaw niyang marinig sa ngayon. It was in the middle of the night when she heard her phone ringing. Ayaw nga sana niyang sagutin dahil iba ang nararamdaman niya sa magiging phone conversation nila ni Sam.

Hindi niya namalayang naluha na pala siya. She wiped away her tears and stood up out of her bed at inilabas na niya ang kanyang mga bagahe. “It’s okay. Knowing you, alam ko na you did everything to stopped that thing from publishing. It was my fault in the first place. Ako ang gumawa ng report na iyon out of emotion. Nawala ang pagiging professional ko dahil sa emosyon ko and it all came to this. Book me a flight now, pay how much or whatever basta I want to get there now. I’m packing so please send it to my email as soon as you are done,” sabi na lang niya bago nagpaalam at ipinagpatuloy ang pag-e-empake.

She needed to sort everything out. It was her mess at ayaw niyang madamay pa so Kiel dito. He did so many things to her at pinasaya siya nito ng lubos. It’s time to repay his kindness and love with greatness kahit pa nga i-sacrifice niya ang relasyon nila.


As soon as everything was done at nakuha na niya ang booking mail na ini-email sa kanya ni Sam ay maingat siyang lumabas ng kwarto. Bago siya umalis sa tinutuluyan nila ni Kiel, ay may inilapag siyang note sa hapag-kainan. She knew Kiel would be up early and surprise her with a breakfast pero mukhang siya ang magbibigay ng malaking surpresa dito. She sighed as she walked towards the door and left to clean up her mess.



ITUTULOY...

No comments: